LLI: Ocho
Ang sumpa
-------------------------
"Bakit pumayag kang makulong kahit na hindi naman talaga ikaw ang pumatay?" Naguguluhang tanong ni Kiko sa kaibigan niyang si Ken nang dalawin niya ito sa kulungan. Mabuti na lamang at pinahintulutan siyang tumanggap ng bisita. Ilang araw na rin pala ang nakalipas simula nang makulong siya.
Tinitigan naman ni Ken ang kaibigan ng seryoso bago niya ito sagutin.
"Because I love her."
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang napatitig si Kiko sa kanyang kaibigan. Oo, alam niyang mahal na mahal nito si Clarisse ngunit hindi niya alam na sobrang mahal pala ng kaibigan ang dalaga na pati ang kasalanang hindi ginawa nito at inako para lang sa dalaga.
"At totoong ni-rape ko siya," pahabol ni Ken. Mas nanlaki naman ang mata ni Kiko at napatitig kay Ken habang nakanganga. Hindi makapaniwala na nagawa iyon ng kanyang kaibigan.
"B-bakit? I mean, bakit mo yun nagawa sa kanya?" tanong ni Kiko nang makabawi sa kanyang pagkagulat.
"Nagpakalasing ako nung gabing 'yun dahil ikaw pa rin ang gusto niya hanggang ngayon. Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko," sagot niya habang nakayuko.
Nakaramdam naman ng pagsisisi at awa si Kiko dahil sa eksplanasyon ng kanyang kaibigan sa tunay na rason nito. Ngunit, wala naman siyang magawa noon dahil kahit anong pagtataboy ang ginawa niya kay Clarisse ay siya pa din ang gusto nito at hindi niya kayang ilipat sa kaibigan.
"Sorry bro. Tinaboy ko na naman siya kaso, wala e. Sorry talaga,"
"Wala kang kasalanan, bro. Nagmahal lang siya at nagmahal lang din ako."
Ilang minuto lang din ang lumipas ay nagpaalam na din si Kiko sa kaibigan. Hinatid naman siya ng isang pulis sa kanyang selda. Ngunit maya-maya lang din ay bigla siya nitong sinundo at sinabing may bisita ito.
Ayaw sana payagan ng mga pulis na pahintulutan itong tumanggap ulit ng bisita ngunit biglang lumabas si Darren at tinanong kung sino ba ang bisita nito. Tinuro ng pulis ang bisita ni Ken at bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Darren at nagtaka sa kanyang nakikita. Tumitig siya saglit kay Ken at sinabi sa mga pulis na payagan na ito.
Nagtataka naman si Ken na naglakad patungo sa visiting area. Nagulat naman siya nang makita ang isang babae na nakatingin sa kanya ng diretso at may nakakakilabot na ngisi sa mga labi.
"Kamusta na aking mahal?" nakangising bati ng babaeng ito sa kanya.
"R-Rosario?!" gulat na bulalas niya. Ngumiti naman ng pilyo ang dalaga.
"A-anong g-ginagawa mo rito?!"
"Easy. Masama bang bisitahin ko ang pinakamamahal kong EX." Nagsitayuan naman ang mga balahibo ni Ken dahil dito. Umupo ng marahan si Ken at tumitig ng masama kay Rosario ngunit ang dalaga'y nginisian lamang siya. Nakaramdam ng inis si Ken dito at marahang huminga ng malalim at iniyukom ang kamao. Tinitigan niya ng seryoso si Rosario bago magsalita.
"I-ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw ang pumatay kay Clarisse!" bulalas nito ngunit silang dalawa lamang ang nakakarinig. Ang walang emosyon at seryosong mukha ni Ken ay biglang napawi dahil sa tawang isinagot sa kanya ni Rosario.
Nagtatakang napatitig si Ken sa dalaga na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Nakaramdam siya ng inis at kaba sa isasagot nito sa oras na matapos itong tumawa. Tumigil sa pagtawa si Rosario at nakangising tumingin kay Ken bago nito ibuka ang kanyang bibig upang magsalita.
"Sinong may sabing ako ang pumatay sa kanya?" Napatigil si Ken nang marinig ang isinagot sa kanya ng dalaga. Ngunit agad ding nakabawi at tumitig ng masama sa dalaga.
"Sino pa ba ang taong maaaring pumatay sa kanya? Walang iba kung hindi ikaw. Ikaw! Ikaw na pumatay sa sarili mong kapatid!" Natigilan naman si Rosario dito at seryosong tumingin kay Ken. Ngingisi n asana si Ken ngunit nagulat siya nang bigla na naman itong tumawa na parang baliw.
"S-sinong may sabing pinatay ko ang kapatid ko? Haha." At tumawa ulit ito na akala mo'y wala nang bukas.
"Buhay siya. Buhay na buhay," pahabol nito na ikinatigil ni Ken. Nakanganga itong tumitig kay Rosario at ilang segundong hindi nakagalaw at nang lumaon ay nakabawi din.
"P-paano?"
"Kahit kailan, hindi mamatay ang taong mas demonyo pa sa akin," natatawang wika nito ngunit bakas ang pait sa mga salitang binitawan niya tungkol sa kanyang kapatid. Natahimik bigla ang paligid na animo'y may dumaan na anghel.
"Si Ara." Pambasag nito sa katahimikan. Nagtatanong ang mga matang napatitig si Ken dito.
"Si Ara ang pumatay kay Clarisse," naka-ngising saad nito. Nakayukom ang kamay na napatitig ng seryoso si Ken kay Rosario na nagpipigil ng galit at nang hindi na nito kinaya ay napasigaw na ito.
"Damn you, Rosario! What? Ito na naman ba tayo? Ipapasok mo na naman 'yang imaginary friend mong si Ara?! Tang ina naman! Hanggang ngayon ba naman?! Kaya tayo naghiwalay e, dahil dyan sa punyetang Ara na 'yan! 'Yang taong hindi naman nabubuhay sa mundong 'to!" mura nito. Napatitig ng seryoso si Rosario kay Ken.
Naalala ni Rosario noong mga bata pa lamang sila. Noong nililigawan pa lamang siya ni Ken. Si Ken. Si Ken ang kauna-unahang tao na naglakas loob na lapitan at ligawan siya. Lahat kasi ng tao sa Sta. Evilia ay nilalayuan siya dahil sa lahi nila na may lahi daw silang mangkukulam.
Laking gulat niya noong lapitan siya nito at nakipag kaibigan. Nang lumaon ay nagkamabutihan sila at humingi ng permiso si Ken na ligawan ito. Ngunit hindi din nagtagal ang isang araw ng panliligaw nito, sinagot ni Rosario si Ken ng ganoon kabilis.
Naalala ni Rosario lahat ng masasayang araw kasama ang lalaking una at pinakamamahal niyang kasintahan. Lahat ng alaala ay nagbalik ngunit isang alaala lang ang ayaw niyang balikan. Ang araw na naghiwalay sila.
"Saan ka galing, Rosario? Alam mo bang kanina pa ako dito sa labas ng bahay niyo at kumakatok. Nag-alala ako nang hindi mo binuksan ang pinto," pagalit ngunit may bahid ng pag-alalang sigaw ni Ken sa nobyang kararating pa lamang.
Hindi naman makatingin ng diretso si Rosario sa kanyang nobyo at naghahanap ng magandang palusot ngunit nabigo siya. Napagpasyahan na lamang niyang sabihin ang totoo.
"S-si Ara kasi e. Ayaw niya akong paalisin." Bigla namang kumunot ang noo ni Ken ngunit sandal lang iyon. Humalukipkip ito at masamang tinignan ang dalaga.
"For pete's sake, Rosario! Si Ara na naman?! Ano ba?! Baliw ka na ba? Alam mo, nagu-umpisa na akong maniwala sa mga tao ditong baliw ka nga," galit na sigaw nito sa nobya. Lagi na lamang kasing palusot ni Rosario ang pangalang 'Ara' sa tuwing mahuhuli siya sa oras ng tagpuan nila ng kanyang nobyo.
Natulala si Rosario sa sinabi ng kanyang nobyo. Hindi makapaniwalang maging ito ay hinuhusgahan na din siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil labis siyang nasaktan. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga mata at pag-init ng mga ito.
"K-ken," nanghihinang wika nito at hinawakan sa balikat si Ken. Umiwas naman si Ken dito na ikinagulat ng dalaga.
"Matagal na akong nagtitiis sa ka-weirduhan mo, Rosario. Dyan sa kabaliwan mo. Hindi ko na alam kung normal pa ba 'yang pagi-isip mo o ano. Gulong gulo na ako sa mga pinapakita mong ugali sa akin. Tuwing magkikita tayo lagi kang nahuhuli dahil kay Ara, ang imaginary friend mo. Hindi ko alam kung anong utak na ba ang mayroon ka. Pagod na ako, Rosario. Maghiwalay na tayo. Pagod na akong umintindi ng isang baliw na kagaya mo. Pagod na akong magkaroon ng baliw na girlfriend." At lumakad na palayo.
Isinigaw ni Rosario ang pangalan ng nobyo ngunit wala rin siyang nagawa upang pigilan ito. Nanghina siya at napaupo sa semento. Hindi niya matanggap ang nangyari.
Kinabukasan, pagpasok niya sa kanilang eskwelahan. Pinagtitinginan siya at bigla na lamang nagbulungan ang mga tao. Wala siyang pakielam dahil sanay na siya sa mga ito ngunit bigla siyang napahinto at napantig ang tainga sa dalawang babaeng nagku-kwentuhan. Si Ken, ang mahal niya. Nililigawan na si Clarisse.
Hindi na napigilan ni Rosario at tumakbo na palayo. Nakarating siya sa likod ng kanilang paaralan at doon umiyak ng umiyak. Hindi niya kinaya ang kanyang mga nalaman. Isa lang ang sinisisi niya dito. Si Ara. Si Ara ang dahilan ng paghihiwalay nila. Ang imaginary friend niya. Si Ara na isa lamang imahinasyon na sumira ng kanilang relasyon.
Bumalik sa reyalidad si Rosario matapos ang tahimik niyang pagbalik sa mga alaala. Hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang sakit sa kanyang puso. Napatitig siya sa lalaking kaharap niya ngayon. Ang lalaking minahal at minamahal niya. Na siyang nagwawala ngayon sa kanyang harap dahil sa mahal na babae ng kanyang pinakamamahal na lalaki.
"Tigilan mo na 'yang kalokohan mo, Rosario! Ilang taon na. Ilang taon na pero hindi mo pa rin nagagamot 'yang kabaliwan mo!" Naningkit ang mga mata ni Rosario dahil sa kanyang narinig. Kahawig lamang ng mga sinabi nito sa kanya ilang taon na ang nakararaan.
Tumitig siya dito ng seryoso at biglang tumawa ng parang wala nang bukas.
"HAHAHA!" Napatitig sa kanya si Ken. Naisip na malala na yata ang lagay ng babaeng kaharap niya ngayon.
"Rosario!"
"H-hindi ako ang pumatay. Haha..."
"...May isinumpa. Siya ang may dala ng sumpa." Napatitig si Ken dito at bakas sa mukha ang pagkagulo.
"S-sino?"
"Hulaan mo. Haha," wika ni Rosario sabay kindat kay Ken at humalakhak. Tumayo rin ito bago magsalita si Ken at nagpaalam na aalis na siya. Bakas ang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi ng magpaalam ito kay Ken ngunit biglang nagbago nang tumalikod na ito. Ang mapang-asar na ngisi ay napalitan ng mapait na ngisi.
***
"Ateng, kailan mo balak sagutin si pogi?" tanong ni Gabby kay Aya habang kumakain sila ng tanghalian. Tumingin naman ng masama si Aya sa kanya.
"Ito naman! Napaka-KJ mo. Gwapo na nga ang lumalapit sa'yo, ayaw pa. Hindi naman mahirap si Kiko at may sariling electronics shop pa, pero kung mag-inarte ka dyan akala mo that's my tambay ang peg ni Papa Kiko." Napatitig naman si Aya sa kaibigan. Hindi niya lubos maisip na mas atat pa ito kaysa sa kanya. Sino nga ba naman kasi ang nililigawan? Hindi ba't siya at hindi ang kanyang kaibigan.
"Sasagutin ko siya kung kailan ko gusto. Ikaw ba ang nililigawan? Hindi naman 'di ba? Echusero 'to!" Ngumuso naman si Gabby dito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Saktong pagkatapos ni Aya kumain ay biglang may kumatok sa kanila. Agad agad siyang tumayo at mabilis na binuksan ang pinto. Inasar pa nga siyang 'landi' ni Gabby pero hindi na lamang niya ito pinansin at inirapan na lamang ang kaibigan.
Bumungad sa mukha niya ang napakaamong mukha ni Kiko. Ang naka-ngiti nitong mukha. Hindi niya maiwasang humanga sa angking kagwapuhan ng nilalang na nasa harapan niya ngayon.
"Hi," nahihiyang bati ni Kiko. Gumanti naman ng mala-anghel na ngiti si Aya rito kaya parang na-estatwa si Kiko sa kinatatayuan nito ngayon.
"Uy, Kiko." Sabay tusok ni Aya sa pisngi nito ng paulit-ulit dahil natulala na ito. Napaayos naman bigla ng tayo si Kiko nang makabalik sa sarili niyang katawan. Ngumiti siya kay Aya ngunit halatang nahihiya.
Napatawa naman ng kaunti si Aya dito kaya sinamaan siya ng tingin ni Kiko ngunit lalo lang siyang napatawa. Kinurot naman ni Kiko ang matangos na ilong ni Aya para tumigil ito sa kakatawa.
"Tara na nga," aya ni Kiko dito. Nakangiting tumango si Aya ngunit bago umalis ay nagpaalam muna ito kay Gabby.
"'Ge. Gamit kayo ng proteksyon ah!" Namula naman ang dalawa. Nang makabawi sa kahihiyan si Aya ay sinamaan niya ng tingin ang kaibigan ngunit nag-peace sign lang ito sa kanya.
Tahimik lamang na naglalakad ang dalawa. Medyo nahihiya pa sa isa't isa dahil sa sinabi ni Gabby kanina. Halos patayin at murahin na ni Aya si Gabby sa kanyang isipan. Bwisit na bwisit siya sa kanyang kaibigan dahil sa berde nitong utak. Hindi tuloy sila naging komportable sa isa't isa.
"Uhmm.. Aya," biglang tawag sa kanya ni Kiko. Napalingon naman siya dito.
"M-may.. may.. Ahh, wag na nga lang," wika nito sabay sabunot sa buhok. Napatawa naman si Aya sa ginawa ng binata.
"Ano?"
"Uhmm.. Hindi naman sa nagmamadali, Aya. Ah, may pag-asa ba ako sa'yo? Hindi naman sa naiinip ako pero – " Hindi naituloy ni Kiko ang kanyang sasabihin dahil mabilis siyang hinalikan ni Aya at lumakad ito ng mabilis palayo.
Nagmistulang estatwa naman si Kiko doon habang hawak-hawak ang kanyang mga labi. Hinabol naman niya kaagad si Aya nang matauhan at hinawakan na lamang bigla ang kamay ng dalaga. Napalingon naman sa kanya si Aya pati sa kamay nilang magkahawak.
"Bakit mo ako hinalikan, Aya?" naka-ngising tanong ni Kiko sa dalaga. Nag-iwas naman ng tingin si Aya at tumingin lamang sa harap.
"Bakit mo naman hinawakan ang kamay ko?" balik na tanong ni Aya dito.
"Ba't mo muna ako hinalikan?" Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Kiko.
"Uhmm.. Pa-thank you ko kasi lagi mo ang sinasamahan. Tsaka... Sagot ko dun sa tanong mo kanina," nahihiyang sagot ni Aya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Kiko.
"H'wag kang ngumiti na parang ewan dyan, Kiko. Hindi pa kita sinasagot ah! Sinagot ko lang yung tanong mo kung may pag-asa ka ba sa akin. Ngayon, bakit mo hinawakan yung kamay ko?" Ngingiting tanong ni Aya.
"Uhmmm.. Ganti ko sa halik mo. Hindi ko naman kasi pwedeng halikan ka rin dahil hindi pa tayo. At kahit matagalan pa ang maging tayo e, hihintayin ko 'yun. Hihintayin kong maging akin ka lalo na't alam kong may pag-asa ako," determinadong sagot ni Aya. Sa sobrang kilig ay hindi na siya sumagot. Sa halip, pinisil na lamang ang kamay ni Kiko na ngayo'y hawak niya.
Holding hands while walking ang drama nilang dalawa. Tahimik na naglalakad ngunit hindi kagaya kanina dahil komportable na sila sa isa't isa. Para na silang mag-karelasyon at "oo" na lang ni Aya ang kulang. Hindi maalis ang malawak na ngisi sa kanilang mga labi ngunit biglang napawi ang kay Aya dahil sa babaeng makakasalubong nila.
Ang babaeng naka-ngisi ngayon sa kanya. Si Rosario.Nagtataka siya kung bakit nakatingin sa kanya ito habang may mala-demonyong ngiti. Napansin ni Kiko ang mga ngiti ni Rosario at bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaba at takot kaya hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Aya.
Biglang nanlaki ang mata ni Aya nang bigla siyang kindatan ni Rosario nang tuluyan nilang madaanan ito. Kinilabutan siya kaya napahigpit din ang hawak niya sa kamay ni Kiko. Mas lalo naman silang kinilabutan nang biglang magsalita si Rosario mula sa likuran nila habang naglalakad.
"Isinumpa siya. Siya ang may dala ng sumpa. Siya ang dahilan ng pagkamatay. Dahil inuwi niya ang sumpa. Hahaha."
4
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top