LLI: Cuatro
@theimperfectone: Salamat sa cover, Pogi!
***
Ang pagkikita
-------------------------
"Gabriello! Lalabas muna ako para bumili ng lugaw ah," sigaw ni Aya habang papalabas na sa kanilang pintuan. Hindi na niya inantay pang sumagot si Gabby at binilisan na lamang ang lakad. Narinig naman niya ang napakalakas na sigaw nito.
"AYAAA! IIWAN MO AKO DITO SA MANSYON NIYO? AYOKO PANG MA-RAPE!" nagpatuloy na lang sa paglalakad si Aya habang nakayuko at pinipigilang tumawa.
"Ay, sorry," paghingi niya ng paumanhin sa kanyang nabangga. Nagulat naman siya nang pag-angat niya ng kanyang ulo upang makita kung sino ang kanyang nabangga.
"R-Rosario? A-ah.. s-sorry," paghingi niya ulit ng paumanhin.
Hindi naman siya sinagot ni Rosario at tinignan lang siya ng walang emosyon. Nagtitigan lang sila ng ilang sandali habang si Aya ay medyo nanginginig pa dahil sa nakakakilabot na tingin nito. Si Rosario na mismo ang unang nagbitaw at naglakad na palayo.
Hindi na lumingon pa sa likod si Aya at napako na lamang sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali lang ay naglakad na rin siya papunta sa bayan.
Pagdating ni Aya sa lugawan ay umorder na agad siya ng dalawang order ng lugaw. Ang isa ay kay Gabby at ang isa ay para sa kanya. Dumaan na rin siya sa talipapa para bumili ng sangkap sa lulutuin niyang ulam.
Habang naglalakad, nagulat na lamang siya sa sunod-sunod na pagdaan ng dalawang kotse ng pulis. Nagtaka naman siya dito ngunit nawala rin ito nang lumakad pa siya ng kaunti at nakita sa isang talahiban ang nagkukumpulang mga tao at isang bangkay na nakatakip na. Napahawak siya sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat.
"Kawawang Joel."
"Kahit na lasinggero at bastos 'yan, mabait naman 'yan e."
Iyan ang ilan sa mga narinig ni Aya sa mga nagchi-chismisang mga tao. Dahil sa hindi na niya masikmura ang nakikita ay nagsimula na itong maglakad ngunit pagharap niya ay may bigla na lamang siyang nabunggo at sumabog pa rito 'yung lugaw na binili niya.
"Sorry – Kiko?" wika niya at pupunasan sana ang damit nito ngunit nakilala niyang si Kiko pala ito.
"Hala, sorry talaga!" paghingi ulit nito ng paumanhin. Maging si Kiko ay nagulat din sa nangyari ngunit biglang napangiti nang makilalang si Aya pala ito.
"Kung sinuswerte ka nga naman oh," bulong nito.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Aya.
"Wala, wala. 'Di, tama na, okay lang naman ako e," pagdadahilan at pagpipigil ni Kiko kay Aya dahil akmang pupunasan ulit nito ang damit niya.
Ngumiti naman si Aya dito at humingi ulit ng paumanhin. Nakatalikod na siya upang maglakad na ulit nang biglang magsalita si Kiko.
"Hindi kasi ako tumatanggap ng sorry e. Para kasing nagugutom ako at gusto ko yata kumain ng lugaw ngayon kaso nga lang, wala akong kasama," umaarteng pagpaparinig ni Kiko.
Nangingiting napailing na lamang si Aya at inaya si Kiko sa lugawan. Nagpaalam muna si Kiko na pupunta sa shop niya para magpalit ng t-shirt. Ilang minuto lang ay nakarating na rin 'to kaagad habang hingal na hingal at halata mong nagmadali talagang pumunta kung saan naghihintay si Aya sa kanya. Natatawa naman si Aya sa itsura ng binata kaya hinila na niya ito at pumunta na sa lugawan.
"Ang dami mo namang bitbit. Akin na nga 'yan," sabay hablot ni Kiko sa plastik na hawak nito. Natawa naman si Aya dito.
"Marami? Dalawang plastik lang 'yan e," wika nito pero hindi siya pinansin ni Kiko.
Pagkadating sa lugawan ay ang daming bumati kay Kiko. Bawat taong makakakita sa kanya ay binabati siya. Hindi na rin siya nagsalita para umorder ng lugaw dahil agad-agad na dinalhan sila ng lugaw nang sila ay makaupo sa kanilang table.
"Kiko, yung totoo..." Binigyan naman ni Kiko ng nakakapagtakang tingin si Aya nang magsimula itong magsalita.
"Tatakbo ka bang kagawad? Grabe ha, ang daming bumabati sa'yo kanina pa," dugtong niya. Natawa naman si Kiko sa kanya at napailing.
"Suki kasi ako rito saka kilala kasi ako dito sa bayan. Alam mo na, gwapo e," sagot ni Kiko sabay pogi pose pa. Natawa ng bahagya si Aya rito at binigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Kiko at kumain na lang.
"What? Gwapo naman ako ah!" pagtatanggol ni Kiko sa kanyang sarili ngunit hindi na siya pinansin ni Aya at kumain na lang nang kumain.
"Hindi ba siya marunong tumingin ng gwapo? Tsk!" bulong ni Kiko. Narining naman ito ni Aya at napangiti na lamang.
Matapos kumain ay nagkwentuhan lang ang dalawa hanggang sa mapunta ang usapan nila sa trahedyang naganap kanina. Napag-alaman niyang 'yung lalaking namatay ay 'yung nambastos kay Rosario kagabi. Hindi siya makapaniwala dahil parang kagabi lang ay nasa party ito tapos ngayon, wala nang buhay.
Isang oras din na nagkwentuhan ang dalawa at hindi na namalayan ni Aya ang oras. Bigla na lamang niyang naalala ang sigaw ni Gabby na gutom na gutom na. Kaya nagpaalam siya kay Kiko na uuwi na siya dahil baka rin malanta ang mga gulay na binili niya.
"Sige, hatid na kita," alok ni Kiko.
"Sige ba! Nakakatakot maglakad mag-isa lalo na ngayong may natagpuang patay na naman," sagot ni Aya.
Bago umalis ay bumili ulit siya ng isang lugaw. Tinanong siya ni Kiko kung bakit bumili siya ulit at kung gutom daw ba siya ngunit hindi siya sinagot ni Aya.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa bahay nila Aya ngunit parang bigla silang nakaramdam ng ilang sa isa't isa. Hindi na lamang ito pinansin ni Aya ngunit si Kiko ay hindi na mapakali. Ilang minuto ang lumipas at nakarating din sila sa bahay ni Aya. Nagpaalam na sila sa isa't isa ngunit si Kiko ay hindi pa rin umalis.
"Bakit? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Aya sabay lapit ulit kay Kiko.
Hindi naman makatingin ng diretso si Kiko kay Aya at medyo nanginginig pa yung kamay. Halatang kinakabahan ang binata.
"Nilalamig ka ba? Ba't nanginginig ka d'yan?" natatawang tanong ni Aya.
Huminga ng napakalalim si Kiko at tinitigan sa mata si Aya kahit na natutunaw siya sa titig ng dalaga. Bigla namang na-conscious si Aya at umiwas ng tingin kay Kiko. Hinawakan naman ni Kiko ang mukha ng dalaga upang tumingin at humarap ulit ito sa kanya. Nagulat naman si Aya sa ginawa ng binata.
"Aya Corpuz, maaari ba kitang ligawan... ulit?" tanong ni Kiko kay Aya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Aya dahil sa sinambit ng binata. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
"Ahh... ano.. kasi – " Hindi naman niya natuloy dahil sa biglang sumigaw.
"AYAAAAAA! IKAW BA YAN?!" sigaw ni Gabby at lumabas ng pinto. Bigla namang napabitaw si Kiko sa mukha ni Aya.
"GABRIELLO!" nanlalaki ang matang sigaw ni Aya kay Gabby dahil sa suot nito. Naka-boxer lang naman ito at sando. Nanlalaki rin ang matang napatingin si Kiko kay Aya.
"Huli na yata ako," sa isip nito.
Naiilang napangiti naman si Aya kay Kiko dahil alam nitong iba ang iniisip ng binata dahil sa nakita. Bigla naman siyang tumakbo kay Gabby at pinagtulakan ito papasok sa bahay niya.
"Hoy, Aya! Sino yan?!" tanong ni Gabby na may panlalaking boses. Sinamaan naman ng tingin ni Aya si Gabby at tinulak ng malakas.
"Ahh.. bye, Kiko. Thank you pala ah," naiilang na sabi niya kay Kiko at pumasok na sa bahay nila. Malungkot namang naglakad pauwi si Kiko dahil sa maling akala.
Pagkapasok nila Aya sa bahay nila ay kaagad niyang sinigawan si Gabby.
"HOY GABRIELLO! Kailan ka pa nagkaroon ng boxer na panlalaki? Ha?! Sa pagkakaalam ko, floral ang boxer mo at hindi star wars!" Hindi naman mapigilan ni Gabby ang tawa niya kaya humagalpak na ito.
"Galing kong umarte 'no? Pang-best actress! Pwede na ko sa Hollywood," namamanghang sabi ni Gabby na bumalik na sa normal at malandi ang boses nito sabay hawi ng buhok niya na akala mo ay napakahaba.
"Itong boxer ko? Sa papable ko 'to. Naiwan niya yata sa akin kaya binaon ko na. Kapag kasi lalandi ka, siguraduhin mong hindi ko maririnig ha," natatawang sabi nito ay Aya. Sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga.
"Ano? Nanliligaw na yung tao 'di ba? Sagutin mo na! Hindi na uso ang pakipot ngayon," wika ni Gabby na halatang atat na atat nang magka-boyfriend ang kaibigan. Bigla namang binato ni Aya ang plastic na may lugaw sa mukha ni Gabby.
"Lamunin mo na lang 'yang lugaw mo kaysa sirain ang buhay ko!" sigaw ni Aya na halatang napikon at umakyat na sa kwarto nito. Naiwan namang humahagalpak sa tawa si Gabby na halos hindi na makahinga. p4W'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top