LLI: Cinco
Ang imbestigasyon
-------------------------
"Ikaw Inspector Robles ang hahawak ng kasong ito dahil alam kong mas kilala mo rin ang mga tao rito sa Sta. Evilia. Alam kong masyado ka pang bata pero alam ko ang kakayahan mo at may tiwala ako sa'yo kaya sana ay 'wag mo akong biguin," wika ng isang lalaki na nasa kwarenta pataas na.
"Makakaasa po kayo, Sir," wika ni Darren at nagpaalam na upang umalis at simulan ang pagi-imbestiga sa kasong hawak niya.
Nagmaneho na pauwi ng kanilang bahay si Darren sakay ng kanyang jeep. Pagkarating nito ay dumiretso agad ito sa kwarto niya at binuksan ang hidden door nito na natatakpan ng carpet. Bumaba siya sa lagusang ito at dumiretso sa isang lamesa na may mga folder at ibang gamit na nakapatong. Hidden office pala niya ito.
Dali-dali niyang binuklat ang apat na folder at pinagtabi-tabi. Sunod ay kinuha niya ang isang gamit na nakalagay sa isang plastic. Isang bracelet na may bahid ng dugo.
"Hindi ko akalaing kayong apat ang magiging suspect ko," wika ni Darren habang nakatingin sa apat na nakabuklat na folder.
"Kailangan ko pang mag-imbestiga upang malaman kung sino sa apat na 'to ang tunay na pumapatay," wika niya sa kanyang isipan habang hawak-hawak at tinitignan ang bracelet na nakalagay sa isang plastic.
"Bakit kayong apat pa ang lumabas na suspect?" huling sambit nito at itinago na ulit ang apat na folder pati na ang bracelet na nakalagay sa plastic.
***
Nakasimangot na kausap ni Chrismae si Clarisse dahil hindi niya talaga ito gustong kausap. Dati kasing nilandi ni Clarisse si Darren noon kaya mainit ang dugo niya rito.
"Nakita mo si Kiko KO?" tanong ni Clarisse.
"Aba, malay ko," sagot niya at nilayasan ito.
"Clarisse!" biglang tawag ng isang lalaki. Nagtaka namang lumingon si Clarisse dito at biglang nanlaki ang mga mata saka sumimangot.
"Anong ginagawa mo rito, Ken?" nakataas ang kilay at naka-pameywang na tanong nito.
"Namiss mo ba ako, babe?" wika ni Ken sabay akbay kay Clarisse.
"Bitawan mo nga ako! Ang baho mo. Kadiri ka! Babe ka dyan? Kay Kiko lang ako. Che!" sigaw ni Clarisse dito sabay padabog na umalis.
"Hanggang ngayon ba siya pa rin? Pwes, humanda ka," bulong ni Ken sa sarili.
Nagsimula nang maglakad si Ken nang bigla niyang makasalubong si Rosario. Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong kausapin na parang walang nangyari.
"Maligayang pagbabalik, Kenneth," nakangising wika ni Rosario kay Ken.
***
Kanina pa nakatambay si Kiko sa kwarto ni Darren dahil sa pag-iisip kung sino ba ang lalaking kasama ni Aya. Napalinga-linga naman siya at hinanap ang kaibigan niya para may makausap pero hindi niya alam kung saan ba ito nagpunta. May nakita siyang tatlong folder sa sidetable nito at dahil sa kuryosidad, kinuha niya ito at tinignan isa-isa.
Nagulat siya nang makita ang pangalan nila Chrismae, Clarisse at Rosario sa mga folder. Bigla niya tuloy naalala 'yung hawak na kaso ngayon ng kaibigan niya. Hindi kaya...
"Kiko..."
"Darren... sila ba?" gulat na tanong ni Kiko. Pero mas nagulat siya nang makita si Chrismae na kasama nitong pumasok at nagulat din nang makita ang larawan at pangalan niya. Biglang tumakbo paalis si Chrismae at iniwan si Darren. Hahabulin sana ito ni Darren kaso hindi na niya nagawa.
"Paano?" Huminga ng malalim si Darren at lumapit sa kaibigan niya.
"Nakita sa pinangyarihan 'yung bracelet na bigay ko kay Chrismae. Tapos may nakita namang damit na duguan doon sa malapit kung saan natagpuan 'yung mga bata at nung pinakita naman 'to kay Clarisse, kinumpirma niyang sa kanya ito pero itinanggi niyang siya ang pumatay. Wala pa namang matibay na ebidensya. Naipaalam ko na kila Rosario at Clarisse na isa sila sa mga suspects ko pero kay Chrismae, hindi ko alam kung paano." Napahinga rin ng malalim si Kiko.
"Tatlo lang ba sila?" Umiling si Darren.
"Apat."
"Sino 'yung pang-apat?" Tumalikod naman si Darren kay Kiko.
"Hindi lahat ng bagay ay kailangan niyong malaman dahil magiging komplikado lang ang sitwasyon kung mapupuno ang utak niyo ng impormasyon," makahulugang wika ni Darren.
Bumaba si Darren kaya bumaba na rin si Kiko. Binuksan na ni Darren 'yung pinto para sana lumabas upang hanapin si Chrismae pero bumungad sa kanya si Aya.
"Oh, Aya." Napantig naman ang tainga ni Kiko kaya lumapit siya. Napatingin si Aya sa kanya pero mabilis ding ibinalik ang tingin kay Darren.
"Ito na nga pala 'yung softcopy nung mga nakuhanan namin. May video rin d'yan. Ginawan namin ni Gabriello," sabi ni Aya. Tumango si Darren at nagpasalamat. Nagpaalam din si Darren na aalis dahil hahanapin nito si Chrismae kaya naiwan si Aya at Kiko.
"Ano... Kiko, bakla si Gabby. At oo, pumapayag ako," sabi ni Aya saka umalis. Hindi naman nakagalaw si Kiko sa kinatatayuan niya. Matapos ang ilang minuto, bigla siyang nagtatatalon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top