LLI: Catorce
Ang pagkawala nila
-------------------------
Isang palaisipan para kay Aya ang madatnan ang mga gamit ni Gabby sa labas ng kanilang pintuan at ang kanyang kotse'ng nakaparada na ginamit nito nang lumawas ito ng Maynila. Nagtaka siya kung bakit iniwan ni Gabby ang mga gamit nito sa labas at higit sa lahat bakit hindi ito nagsabing uuwi na ito galing Maynila. Tinawag niya si Kiko na nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan.
"Umuwi ba si Gabby kagabi?" nagtatakang tanong niya. Napakunot-noo naman si Kiko sa tanong sa kanya ni Aya. Tinuro naman ni Aya ang mga gamit ni Gabby na nasa labas ng kanilang pintuan at ang kotse nitong nakaparada. Umiling naman si Kiko.
"Eh, ba't nandyan mga gamit niya? Nasa'n na siya?" nagtatakang tanong ni Kiko. Sinimangutan naman siya ni Aya.
"Malay ko. Kaya nga tinatanong ko sa'yo e. Wala ka bang narinig na kumatok kagabi?" Nag-isip naman si Kiko at napailing.
"Eh, nasa'n na si Gabriello? Sa'n na nagpunta 'yung baklang 'yun?" nagtatakang tanong ni Aya. Ngumisi naman ng malawak si Kiko.
"Baka alam niyang magkasama tayo kaya iniwan na niya tayong dalawa para ma-solo kita." Isang pilyong ngiti ang ibinigay ni Kiko kay Aya. Nakakuha naman siya ng malakas na palo sa balikat.
"Kumain na nga lang tayo! Ipasok mo 'yang gamit ni Gabriello," sigaw ni Aya rito at saka dumiretso sa kusina. Natatawang binuhat na lamang ni Kiko ang gamit ni Gabby.
Tahimik lamang na inaayos ni Aya ang hapag-kainan habang hinihintay si Kiko. Hindi niya mawaglit sa kanyang isipan si Gabby. Hindi basta-bastang aalis ng walang paalam si Gabby kaya sobra siyang nagtataka. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa 'di niya malamang dahilan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa isang lamesa sa kanilang sala. Pumindot siya ng numero at saka siya nakarinig ng ring mula kabilang linya.
"Napatawag kayo, Ma'am?" sagot ni Annikka, ang isa sa mga photographer nila sa Monstre Sparks at ang nangangalaga ngayon dito habang sila'y nasa bakasyon.
"Nakauwi na ba si Gabriello?" tanong niya rito.
"Si Sir – este Madam Gabby? Yes, Ma'am. Actually, nakausap ko pa siya sa cellphone nang makarating siya diyan. Mga pasado alas dose na rin 'yun, Ma'am." Bigla namang nanlaki ang mata ni Aya sa isinagot sa kanya nito.
"S-sige, salamat. Ikaw na muna ang bahala diyan," wika niya at saka ibinaba ang kanyang telepono.
Napaupo siya sa sofa ng kanilang sala. Hindi mawala ang pagtataka at pag-alala sa kanyang mukha. Saan pumunta si Gabby? Anong nangyari kay Gabby? Nakaramdam na siya ng takot at pangamba. Bigla siyang kinabahan. Hindi na siya mapakali sa kanyang mga naiisip.
"Kain na tayo. Baka may pinuntahan lang 'yun. Malay mo, bumalik din 'yun mamayang tanghali," wika ni Kiko. Napabalik naman sa reyalidad si Aya at napatingin kay Kiko na may halong takot sa mata. Nginitian naman siya ni Kiko na siyang nakapagpagaan ng kanyang kalooban. Ngumiti siya rito ng matipid at sinabayan itong maglakad patungo sa kusina.
***
"Kumusta na pala ang mga magulang mo? Nasa Maynila rin sila, 'di ba?" tanong ni Kiko kay Aya habang nakaupo sila sa sofa. Kanina pa sila nagku-kwentuhan tungkol sa kanilang mga pamilya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Aya at nanahimik ng ilang sandali na ipinagtaka naman ni Kiko kaya nilingon niya ito habang naka-akbay ito sa dalaga.
"U-ulila na ako, Kiko," malungkot na sagot ni Aya. Napabitaw naman sa pagkaka-akbay si Kiko at umaayos ng upo dahil sa gulat.
"A-ano?" gulat na tanong nito. Marahan namang tumango si Aya.
"Ang kwento sa akin ng tita ko, naaksidente raw ang sasakyan namin noong lumuwas kami ng Maynila upang doon na manirahan dahil sa business. Nakaligtas ako ngunit sila, hindi," kwento ni Aya. Ramdam ni Kiko sa boses nito ang lungkot. Niyakap niya ito at saka hinagod ang likod nito.
"S-sorry." Bumitaw si Aya sa yakap nito at saka piningot ang ilong nito.
"Ayos lang," nakangiti nitong tugon. Ngumiti lang din naman si Kiko ngunit hindi nito naiwasang magtanong dahil sa pagtataka.
"Ano bang nangyari sa Sta. Evilia nang umalis kami? Pati si Rosario? Sino ba siya at bakit parang kinamumuhian siya ng lahat at lagi pa siyang pinagbibintangan?" sunod-sunod na tanong ni Aya.
Para itong uhaw na malaman ang mga naganap sa nakaraan. Masyado na kasi siyang kinakain ng kanyang kuryosidad sa t'wing si Rosario ang usap-usapan ng lahat. Kung paano nito kamuhian, katakutan at laitin ng lahat ng tao. Ayaw na niyang magmukhang tanga kapag ang nakaraan na ang usap-usapan.
"Malagim. Masyadong malagim ang mga naganap," seryosong panimula ni Kiko. "Masyadong madugo at marami ring kinuhang buhay. Ang mga krimeng naganap ay nanatiling sikreto sa Sta. Evilia. At isang tao lang ang sinisisi, si Rosario. Siya at ang kanyang lola, ang pamilya nilang mangkukulam. Noong namatay ang lola ni Rosario, walang nakiramay kahit na isa. Sa halip, natuwa pa nga ang lahat ng tao. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari at naging sanhi ng kamatayan nito dahil wala na silang pakialam basta masaya silang namatay na ang isang mangkukulam. Sa pagkamatay ng lola ni Rosario, mas lalong naging madugo at malagim ang pagkamatay ng mga tao rito. Kaya ang sinisi, si Rosario. Umalis si Rosario sa Sta. Evilia at hindi na namin alam kung saan siya nagtungo. Laking tuwa namin nung umalis siya kasi natigil na ang madugong pagpatay. Doon na naniwala ang mga tao na sila Rosario nga ang may kagagawan no'n..."
Tahimik lamang na nakikinig si Aya sa kwento ni Kiko. Hindi siya makapaniwala sa mga naganap. Hindi niya akalaing ganito kalagim ang mga nangyari.
"...Kaso, nang bumalik si Rosario, laking takot na ng lahat. Nagsimula na ulit ang pagkamatay ng mga tao. Nang namatay ang tatlong bata, 'yun din ang araw na nagbalik si Rosario sa Sta. Evilia," pagtatapos ni Kiko sa kanyang kwento. Naalala naman ni Aya ang pagbabalik nila sa Sta. Evilia. Magkasunod lang sila ng araw at nauna lang ng isang araw si Rosario. Bigla siyang kinilabutan nang maalalang mga patay na bata ang bumungad sa unang araw nila ni Gabby sa Sta. Evilia. Hindi niya ito masikmura nang maalala niya ito.
Pumatak na ang gabi at natulog na rin sila Aya at Kiko. Nasa loob na ng kanyang kwarto si Aya ngunit mulat pa ang kanyang mga mata. Naalala niya si Gabby, wala pa rin siyang balita rito. Nag-aalala na talaga siya. Huminga muna siya ng malalim at saka natulog. Ipinagdasal na lang niya na sana ay magkaroon siya ng pangitain. Hindi niya alam kung bakit ngunit gusto niyang matuklasan ang maaaring maganap dahil natatakot siya para sa kanyang sarili at para na rin kay Kiko.
Nagmulat ng mga mata si Aya dahil sa ilaw na tumama sa kanyang mukha galing sa bintana. Nakaramdam siya ng pagkadismaya sapagkat hindi siya nagkaroon ng pangitain. Ngunit laking gulat niya nang magising siya ng kusa dahil kadalasan ay kinakatok pa siya para lang magising. Lumabas siya ng kanyang kwarto at sa tingin niya ay tulog pa si Kiko. Inayos niya muna ang kanyang sarili at nagtungo sa pintuan upang lumabas. Nais niya kasing makalanghap ng sariwang hangin mula sa labas.
Nakangiti niyang binuksan ang pintuan ng kanilang bahay sapagkat laking tuwa niya na maaga siyang nagising. Nakaramdam siya ng pagkagalak dahil sa wakas ay masisilayan na niya ang umaga sa Sta. Evilia dahil laging magta-tanghali siya nagigising. Ngunit nabura ang lahat ng iyon nang binuksan niya ang pintuan. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at napako ang kanyang paningin sa taas. Nanginig ang buo niyang katawan at para na siyang hihimatayin sa sobrang takot at kilabot. Nang hindi na niya makayanan, sumigaw na siya. Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.
"KIKOOOO!" sigaw niya sa pangalan ni Kiko at saka nagsisigaw ulit. Narinig niya ang mga yabag ng paa'ng pababa ng hagdan. Naramdaman na lang niyang nasa tabi na niya si Kiko at yakap-yakap siya.
"Bakit? Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Kiko. Nanginginig ang mga kamay na tinuro ni Aya ang nasa itaas ng puno na katapat lang ng kanilang bahay. Nilingon ito ni Kiko at halos mapamura siya sa kanyang nakita. Hindi siya makapaniwala. Napaluha na rin siya habang yakap-yakap si Aya na pilit niyang pinapakalma.
"D-darren... G-gabby," naluluhang banggit ni Kiko. Si Darren at Gabby, parehong nakabigti sa isang puno. Parehong naliligo sa sarili nitong mga dugo. Si Darren, iba na ang kulay at parang nabubulok na at puro saksak pa ang katawan at may iniwan pang kutsilyong nakasaksak sa dibdib nito. Habang si Gabby ay halos lumabas na ang utak dahil sa basag nitong ulo na parang pinagpapalo ng ilang beses at may iniwan ding kutsilyo sa dibdib nito. Hindi na masikmura ni Kiko ang nakita kaya umiwas na siya ng tingin at itinutok na lang ang paningin kay Aya.
Inakay niya patayo si Aya upang ipasok sa loob at para na rin mapakalma. Lumingon pa ulit si Aya kaya napalingon din siya. Napamulagat silang dalawa sa kanilang nakita.
Si Rosario, nakatingin sa kanila habang may misteryosong ngisi sa labi nito. Nagtaka siya ngunit hindi na ito pinansin ang itinuon ang atensyon sa umiiyak na si Aya. Kumuha siya ng tubig habang nanginginig pa ang kanyang mga kamay at iniabot kay Aya. Napayakap siya sa kanyang kasintahan at niyakap din siya nito pabalik at doon na rin siya napaiyak.
Wala na si Darren. Wala na ang matalik niyang kaibigan. Wala na rin si Gabby. Wala na rin ang matalik na kaibigan ni Aya. Bakit? Bakit ito nangyayari sa kanila? 'Yan lang ang tanong na nais niyang masagot at sa tingin niya ay isang tao lang ang makakasagot nito.
u4RB
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top