Sino Ang Tinatawag Ninyong Bobotante
Sino ang tinatawag ninyong bobotante?
Kayo talagang mapang-api walang pasintabi
Dahil ba nakapag-aral o kaya'y makapal ang inyong bulsa
Kaya nagkaroon ng karapatan ang inyong pagmumukha
Pagmumukhang mapanglait sa inyong kapwa
Dahil lamang karamiha'y di sang-ayon sa inyong itatala
Ang paglukluk ng prinsepe'y karapatan nati'y tig-iisa
Kaya nararapat lamang igalang ang boses ng iba
At sa inyong dahilan na kung paano n'yo di tatawagin
Itong mga may sapatos na butas na ipinagbili sa limang daan ang damdamin
Marahil tama kayo sa isang banda
Ngunit dapat bang bumitaw ng lait upang sila ay magtanda
Masakit isipin na sa magaganap na halalan kailangan ng iba ang manglait
Ang pumukaw ng puso ng iba sa mapagkumbabang paraan ano pa nga ba ang hihigit
Ang imulat ang kanilang isip habang sila'y niyayakap
Sa ganitong paraan lamang natin makakamit ang pagbabagong pinapangarap
Sino ang tinatawag ninyong bobotante
Kayo, kayo riyang di kayang yumuko kaya mas pinili ang magmalaki
Mga mahihirap, ang mga magsasaka, mangingisda't manggagawa
Di ba't ang mga itinatanim namin at inaani ay umaabot din sa inyong bituka
Written: August, 2015
Mysterious Aries
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top