Chapter 5
"Double O Seven," Oliver told Zeo. "You in?"
Ngumiti si Zeo. "Sige ba!"
"Siya si Blue Blur," singit ko pagkainom ko ng juice.
Biglang tumingin sa 'kin si Oliver. Nginitian ko lang siya. He shook his head in response.
Nanlaki ang mga mata ni Zeo at napanganga. Tumingin siya nang dahan-dahan kay Oliver. May bago akong napansin sa kanya. Kung kahapon, medyo superior yung asta niya kay Oliver, ngayon, parang may nakita na 'kong respeto.
Zeo composed himself and smiled. He was nodding, seemingly impressed sa nalaman n'yang news. Nasa itsura niya ang parang pagkatalo, tapos he was still being a good sport? Para bang nakahanap na siya ng kapantay. 'Yon yung itsura niya.
"You gonna race tonight?" Zeo asked Oliver.
"Baka." Oliver shrugged.
"Pusta 'ko sa 'yo."
"Nako, mapipilitan akong magpatalo n'yan."
Nagulat ako sa tono ng pagsasalita nila. Parang nag-e-enjoy sila sa conversation. Parang long-time friends na sila. Nakangiti pa sila nang pabiro habang nag-uusap.
Huh. So this was setting aside our differences and starting over. I liked it.
Hindi ko namalayan, nakangiti na rin ako. Pinakinggan ko lang silang mag-usap. Nagko-comment din ako paminsan-minsan hanggang sa pinakuha na yung bill. Magbibigay na sana 'ko ng share ko nang sabihin ni Oliver na sagot na niya.
Aba, no problem sa 'kin. Pero natapakan yata nang kaunti yung ego ni Zeo.
"Sige, basta ako bahala sa club later," Zeo declared.
Club? Napatingin ako sa kanila bago ko naalala. Ay, oo nga pala. Mamaya pang 3 a.m. yung Double O Seven so marami pang hours to kill before then.
Paglabas namin sa Charmuel's Cuisine, niyaya ko sila sa bowling alley. Wala namang problema sa kanila kaya sabay-sabay kaming naglakad papunta ro'n.
Napansin kong maraming tumitingin sa 'min. Well, hindi ko sila masisisi. Ang guguwapo ng mga kasama ko. Tapos sikat pa si Zeo. Wala pa namang nagpapa-picture sa kanya, pero halatang namumukhaan siya.
Pagpasok namin sa bowling alley, pinigilan ko silang pumila sa cashier.
"Ako na'ng magbabayad, a," dineklara ko. Pumila na rin ako. "Sinagot n'yo na lahat, e," natatawa kong dagdag.
Skeptical na naman ang expressions nila. Minsan, napaghahalataan kong pinagkakaisahan nila 'ko pagdating sa mga ganitong bagay.
Tumaas ang kilay ni Oliver.
"Ows?" banat ni Zeo.
"'Di naman ako pulubi, 'no," sabi ko sa kanila.
"May sinabi ba 'ko?" Tumawa si Zeo. "Easy ka nga lang. Babae ka pa rin kaya. 'Di ako nagpapabayad sa babae."
"Same here," Oliver added.
"Ang aarte n'yo," sambat ko. "Mga sexist!"
"Sexist na kung sexist," sagot ni Zeo, hinihila ako paalis ng pila para siya ang pumalit sa 'kin. "Alis! Do'n ka."
Napanganga ko. Ayokong inuutusan ako, 'di ba? Hindi ako napapalagay. Aalma na sana 'ko kaso nagsalita ulit si Zeo.
"Bro, hawakan mo 'yan," sabi niya kay Oliver.
Bro? 'Bro' na sila ngayon?
Zeo laughed out loud. "Baka sapakin ako bigla. Mahirap na."
Napatawa na rin si Oliver.
Oh my God. Pinagkakaisahan talaga nila 'ko. Hindi ko maintindihan ang mga lalaki. Bakit gano'n silang mga nilalang? Parang kahapon lang, ang tindi ng tension nila sa katawan. Tapos ngayon, akala mo ang tagal-tagal na nilang magkaibigan, e. May pa-bro-bro pa silang nalalaman. Bro-hugin ko mga mukha nila, e.
I scoffed. "Hindi kita sasapakin, 'no? Ayokong sugurin ng fans mo."
Ngumiti si Zeo roon. "You mean you're not one of them?"
Hindi na 'ko nakasagot dahil siya na yung susunod sa cashier. Habang nagbabayad siya, bumuntonghininga ako. Lumingon sa 'kin si Oliver na nasa tabi ko.
"Ano'ng course mo?" he asked.
"Marketing," I answered habang nakatingin kay Zeo na papalapit na sa 'min. May nginitian siyang grupo ng mga babae. "Ikaw ba?"
"Architecture," simple n'yang sagot.
Napatingin ako sa kanya. "Astig."
"Minsan. Madalas, masakit sa ulo."
"Dulong lane tayo," singit ni Zeo nang makalapit na sa 'min. "Mine's Business Ad, by the way. Yung course ko." Tumango siya sa 'kin. "Kaya ka pala magaling magsinungaling. You plan to be an advertiser."
"Not exactly an advertiser, per se," I replied. Kumuha ako ng bowling shoes na nasa size ko at umupo sa malapit na upuan. "More like public relations officer."
"It's the same thing," Oliver said after getting his bowling shoes.
"Oo nga," Zeo agreed. "Pinaganda mo lang, e."
And that was how the first half of the evening went. Nagkuwentuhan lang kami. We talked about ourselves and everything else. We shared stories and laughed. Siyempre, nag-asaran din kami kasi kulelat si Oliver sa scoreboard, at ako ang may pinakamataas na score! Yay!
After that, nag-arcade kami. Nag-race kaming tatlo (obvious naman siguro kung sino ang nagtagumpay ro'n), nag-shoot ng hoops (halata ulit kung sinong nanalo ro'n), at nagbarilan.
Todo bonding na yata kami ngayon, e. Wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan at magtawanan. Ang weird nga kasi kahapon, ang sama talaga ng umpisa namin. Pati kanina. Tapos noong nag-start over na kami, do'n na nagbago.
I mean, nandiyan pa rin yung yabang ni Zeo. Hindi na yata mawawala 'yon. Pero more on carefree siya, palabiro, palangiti. Okay naman pala siyang maging kaibigan.
Si Oliver naman, unti-unting nag-o-open up ng sarili. Tahimik pa rin siya, may pagkamasungit pa rin. Pero hindi na katulad ng kahapon.
Marami akong nalaman tungkol sa kanila.
Like si Zeo, hindi voluntary yung pagsali niya sa research na 'to. Napilitan lang siya kasi bumabagsak siya sa isa sa mga major subject niya. Malaking credits pala para sa mga Soledarian kapag sumali rito.
Si Oliver naman, bored lang daw siya kaya he volunteered. At saka iniiwasan niya yung teammates niya. He stopped being a varsity soccer player at Silvestre just last summer.
Napaisip tuloy ako. For sure, kilala niya yung ex ko kung naging soccer player siya ro'n. Medyo kinabahan nga 'ko, e. Close kaya sila? Pero parang hindi naman. Ang lalayo ng ugali nila, e. Then again, heto kami ngayon nina Zeo at Oliver. Nagkakasundo kahit iba-iba ang ugali namin.
Ang weird talaga.
***
Napaka-nostalgic dito.
Nasa Haut kami nina Zeo at Oliver, ang pinakasikat na club sa Manila.
Dito sa mismong club na 'to parati akong dinadala ni Calvin dati. Dito rin ako tinatakas ng mga pinsan ko noong fifteen pa lang kami ni Benjo. Party girls and boys kasi ang lahi namin, kaya ayun, maaga kaming namulat sa mga ganito. Kaya ang nostalgic talaga rito. Both good and bad memories, naghalo.
10 p.m. pa lang nang pumasok kami pero ang dami nang tao. Nahirapan kami nang kaunti sa paghahanap ng table. Pero dahil maimpluwensiya ang dalawang kasama kong lalaki, hindi kami nagtagal na nakatayo.
Medyo nagulat nga 'ko noong may mga bumati rin kay Oliver, e. Mukhang kilala siya, hindi lang as 'Blue Blur.' Si Zeo naman . . . well, siya si Zeo Alcante.
Pag-upo namin, hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa paligid ko. Hindi ko alam kung nandito ang ex-boyfriend ko. Ayoko sana siyang makita kaso maliit lang ang mundo. At mas lalong maliit ang Manila.
"Okay ka lang?"
Tumingin ako kay Oliver na nasa kanan ko. Ngumiti at tumango lang ako. Nasa booth kaming tatlo. Pinaggigitnaan ako n'ong dalawa.
"Shots tayo, a," Zeo said, sumi-signal sa waiter. Nang lumapit sa kanya, binulungan niya 'to. Nahuli kong nag-sign language siya ng 'two.'
Ano kaya yung 'two' na 'yon? Hala. Two bottles? Of what?
Pag-alis ng waiter, Zeo was all smiles. Parang he really liked it here. Pati si Oliver, chill lang. Pinanonood namin yung mga taong nagsasayaw sa dance floor. Nakaka-miss din ang night life dito sa Manila.
It had been a while.
"First time mo rito, girly?"
Napatingin ako kay Zeo. Hindi ako sigurado kung ako yung kausap niya kasi . . . tinawag ba niya 'kong 'girly'? What the shiz?
Rule #4: Create a nickname for him. Yung nickname na pipiliin mo, hindi dapat compliment. Dapat kakaiba pa rin. That way, dagdag familiarity and closeness. 'Pag nag-text ka or tumawag or nag-chat, tapos tinawag mo siya by that nickname, ikaw kaagad ang papasok sa isip niya. Kahit marinig niya lang 'yon sa ibang tao or mabasa kung saan, ang maaalala niya: ikaw.
Zeo's uber sexy smile was back on his face.
"Girly?" Lumingon ako sa likuran ko. Wala namang ibang tao, puro lalaki na yung nasa kabilang booth. Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeo. "Ako ba kinakausap mo?"
He snorted. "Who else?"
"Yuck. Bakit 'girly'? Iba na lang."
Tumawa si Oliver.
"At dahil d'yan, 'yan na talaga itatawag ko sa 'yo." Zeo grinned.
I rolled my eyes. "Whatever, Mufasa."
Tumawa pa lalo si Oliver na sinabayan naman ni Zeo. Tawa sila nang tawa sa sinabi ko. Halatang hindi nila ine-expect. Mukha ba 'kong walang sense of humor?
"Touché, girly," natatawa pa ring sinabi ni Zeo.
"'Di ko first time," sagot ko sa tanong niya kanina. "Madalas ako dati rito."
"'Cause of the ex?" Oliver asked.
Bigla kong naalala yung pinag-usapan namin kanina no'ng papunta pa lang kami ng MOA. Napag-usapan nga pala namin no'n nang bahagya sa kotse niya.
"Yeah," cold kong sinagot.
"What ex?" tanong ni Zeo, nakakunot ang noo.
"The ex who always brought her to Double O Seven," Oliver replied.
"Ah."
"Pero no," madali kong dagdag. "Yung mga pinsan ko rin kasi, mahilig mag-party. Since fifteen years old pa lang ako, dinadala na 'ko rito."
"Cool bunch of cousins you have there," Zeo complimented.
Napangiti ako. "I know."
Sakto, dumating na ang mga in-order ni Zeo. Tama nga ang hinala ko. He got us a bottle of tequila. He also ordered some nachos and fries, tapos may isang pitsel ng tubig.
Naghanap ako ng lemon and salt pero wala 'kong makita. Napansin ni Oliver na may hinahanap ako kaya naman tumingin siya kay Zeo na naglalagay na ng shots.
"Dude, lemon and salt."
Zeo waved his hand dismissively. "That's for sissies."
Oliver snapped his fingers, making Zeo look at him. Itinuro agad ako ni Oliver. Tumaas ang kilay ko. Saka lang naintindihan ni Zeo yung ipinararating ni Oliver.
"Shit, sorry."
Zeo straightened up and looked at the table. He narrowed his eyes, tapos parang may light bulb na umilaw sa ulo niya at bigla siyang ngumiti. Tumingin siya sa 'kin.
"Try it with some fries," sabi niya habang inaabutan ako ng shot.
Sinunod ko siya. I took the shot sabay kuha ng fries and water.
Ooh. Kinilabutan ako. Biglang nag-init ang katawan ko. Ang tagal ko nang hindi nakakainom nito.
"How is it?" tanong ni Oliver.
Inaabangan pala 'ko n'ong dalawa.
"Mas masarap pa rin with lemon and salt," sabi ko.
The two boys chuckled. O-order na dapat si Zeo pero pinigilan ko siya.
"Gusto kong uminom ng bare."
"Whoa, you sure?" Zeo asked.
It probably wasn't a good idea, pero hindi naman ako magpapakalasing, e. Alam ko pa rin ang limitations ko. I'd know when to stop. Kahit na may feeling akong hindi naman ako pababayaan ng dalawang 'to, I still had to watch out for myself.
After all, wala pang isang araw kaming nagkakasama.
"Yup," padighay kong sinabi.
Na-feel ko agad na gumaan yung pakiramdam ko. Wow. Ang bilis namang mag-kick in ng alcohol sa system ko. Tagal na rin kasi, e.
Nagkatinginan sina Zeo at Oliver. Tumango na lang si Oliver.
"Hatid ko na lang siya mamaya," sabi ni Oliver na ikinagulat ko nang kaunti.
Si Zeo rin, nabigla. "Sa condo ng pinsan niya?"
Oliver shook his head. "Sa Tagaytay."
Hindi nagsalita si Zeo. Tumango lang siya at nag-shot. Umasim saglit yung mukha niya pero agad 'yong nawala.
Nilagyan ko ng tequila yung shot glass ko. After n'on, kinuha ko agad ang baso at nilagok nang mabilisan ang laman. Hindi ko na masyadong pinadaan sa dila ko para hindi ko malasahan.
"Bleah." ANG PAIT.
Kinilabutan ulit ako. Saglit na nag-init ang katawan ko at nawala rin agad. Whooh. Umikot nang kaunti yung paningin ko kaya sumandal muna 'ko sa upuan.
Nakita kong tumingin ulit si Zeo kay Oliver.
"Sama 'ko."
I blinked after hearing what he said. Totoo ba yung narinig ko? Seryoso? Gusto n'yang sumama sa tinawag n'yang 'bundok' just a few hours ago?
Lumingon ako kay Oliver at nakitang napapangiti siya pero pinipigilan niya.
Bakit siya napapangiti? At bakit niya pinipigilan? Shucks. Ang sabaw na ng utak ko. Kaunti pa lang naman ang naiinom ko.
"Ikaw bahala," sabi ni Oliver habang kinukuha niya ang shot niya.
After ng ilang shots, tipsy na 'ko. Feeling ko nga, kanina pa 'ko tipsy, hindi ko lang nahahalata. Ewan ko. Basta na-sure kong tipsy na talaga 'ko nang gusto ko nang magsayaw.
"Sayaw lang ako," dineklara ko sa kanila.
Tumango lang si Zeo. May tinitingnan siyang babae kanina pa. Si Oliver naman, umalis muna ng booth para makalabas ako.
"Teka," natatawang sinabi ni Zeo. "Naka-boots kang ganyan, magsasayaw ka?"
Tumingin ako sa boots ko. Shiz. Oo nga pala. Humawak ako sa balikat ni Oliver at inalis ang boots ko. Magpapaa na lang ako. Nakaitim na medyas naman ako, e. Buti na lang.
"Sure ka?" tanong ni Oliver, his eyes on my feet na parang natatakot siya sa pwedeng mangyayari sa mga paa ko.
"Yup," I replied habang inilalagay ko ang boots ko sa ilalim ng mesa namin.
"You're crazy," sabi ni Zeo na parang hindi makapaniwala.
Ngumiti lang ako kay Zeo. Oo nga, tipsy na nga talaga 'ko para ngumiti sa kanya nang hindi sarcastic.
"No, I'm tipsy," sagot ko. With that, tinalikuran ko sila at dumeretso sa dance floor.
Actually, tama naman yung concern nila, e. Meron kasing ninety percent chance na maapak-apakan ang mga paa ko ng stilettos ng ibang babae. Kaso I was one hundred percent past caring. I just wanted to get loose and dance.
And so, I did.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top