Chapter 2

Dalawang linggo na ang nakalipas. Kasisimula pa lang ng buwan. Parati kong tinitingnan yung phone ko. Baka kasi nag-e-mail na. May mobile data naman ako kaya any time, pwede akong makakuha ng e-mails.

Habang naglalakad ako sa corridor ng Liberty, maraming bumabati sa 'kin. Ngumingiti na lang ako kahit hindi ko sila kilala. VP ako kaya I was slightly well-known. I went to my locker to put away my books when my phone beeped.

1 e-mail received

Nanlaki ang mga mata ko. Madali kong binuksan yung lock screen to see the content of the e-mail. Bumilis ang tibok ng puso ko when I saw that it was from the De La Soledad University research team. I quickly read the e-mail and saw . . . Oh my God! Holy shiz!

Napanganga ako habang tumatalon sa saya sa gitna ng hallway. I didn't care kung may makakita sa 'kin! Napili AKO! WOOHOO!

"Huy, Lana! Okay ka lang?"

I turned around and saw a girl with shoulder-length light brown hair. Agad ko siyang niyakap sa sobrang tuwa. Hindi pa muna ako nakapagsalita. Niyakap ko lang siya nang mahigpit.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, babe?" tanong ni Kylee.

I pulled away and grinned at her. "Napili ako sa mga volunteer sa DLSU!"

"HA?" she asked in disbelief. Itinaas niya yung salamin niya, as if to take a better look at me. "For real? Yung pinuntahan mo no'ng nakaraan, pumasa ka?"

"Yeah!" I beamed, biting my lip in excitement.

"Ayeee! Congrats!" Niyakap niya ako at nagtatatalon.

"Thank you!"

Oh my God. Pupunta uli ako sa De La Soledad! YAY!

***

"Ilan daw kayong pipiliin?" tanong ni Kylee, still grinning. "Ayeee!"

Naglalakad kami ni Kylee papuntang gate. The news wasn't really a big deal to others, lalo na't research naman ng De La Soledad at hindi naman ng Liberty, kaya ako lang ang talagang excited at saka yung ibang estudyante, hindi yung administration.

"Tatlo," sagot ko.

"Sino kaya yung iba?" she wondered.

Oo nga, 'no? Sino kaya ang mga kasama ko? At saka ano kayang ipagagawa sa 'min? Psychological research naman, so mental and emotional health yung pag-aaralan nila?

"Kailan ka pinapupunta?" tanong ulit ni Kylee.

"Bukas na," sagot ko. "Friday naman. Buti na lang wala akong pasok tuwing Friday."

"Woo. Samantalang dati, gustong-gusto mong magkaro'n ng klase tuwing Friday kasi ayaw mong mag-uniform."

Totoo 'yon. Bukod sa uncomfortable yung uniform namin dahil masikip at pencil cut ang palda, required din kaming mag-heels ng at least three inches. 5'7" na nga 'ko, maghi-heels pa ba 'ko? Mababawasan pa lalo ang mga mas matangkad sa 'king lalaki rito sa school. Ang awkward.

Plus, may pagka-fashionista 'ko. I liked dressing up. Not necessarily bongga naman, pero 'yong simple lang pero malakas ang dating. 'Yon ang gusto ko. 'Yong mukhang effortless. Kaya gustong-gusto ko tuwing Friday at Saturday sa school, nakakaporma 'ko.

"Balitaan mo 'ko, a?" Kylee reminded me.

I nodded. "Oo naman. Sana may guwapo 'kong makasama."

"Puro ka guwapo," saway niya sa 'kin habang tumatawa. "Kahit sa'n ka magpunta, naghahanap ka ng guwapo. 'Di mo naman pinapatulan."

My mouth dropped open at what she said. I scoffed in amusement—and because she was sort of right. Sort of, kasi may mali pa rin siya.

"FYI, hindi ako pinapatulan ng mga guwapo. Ni wala ngang nanliligaw sa 'kin, e."

She burst out laughing kaya napalingon ang ibang tao sa 'min.

"Natural, walang manliligaw sa 'yo! Hanggang tanong lang kasi sila!" Pagkasabi niya n'on, tumawa ulit siya.

"Psh. 'Di kaya gano'n kadaling sumagot."

"Choosy ka kasi."

"At least may standards."

She shrugged. "Sa bagay."

Pero sa totoo lang, wala talagang nanliligaw sa 'kin na 'yong masasabi mong good-looking talaga. Well . . . merong isa. Si Calvin.

Actually, ex-boyfriend ko siya. Varsity soccer player ng Silvestre University, mortal enemy ng De La Soledad. First boyfriend ko, a lot of firsts. Siyempre, first heartbreak din. Pero ibang istorya naman 'yon. Istorya na ayaw ko nang isipin pa.

"Si Cass nga pala?" I suddenly asked, lumilingon sa paligid.

"Ayeee! Kasama si Ryan," kinikilig na sinabi ni Kylee.

Grabe talaga 'tong kiligin. Minsan nga, nahahawa na 'ko sa pag-'ayeee' niya, e. Buti na lang, napipigilan ko pa. Trademark niya na kasi yung expression na 'yon, e.

"Ay, nandiyan na si Papa," sabi ni Kylee habang pumapara ang papa niya sa harap namin. "Text mo 'ko bukas, a!"

I smiled. "Oo naman, 'pag 'di ako tinamad." Dumila ako sa kanya.

Nginitian niya 'ko habang sumasakay sa passenger seat ng sasakyan nila. Tumango sa 'kin ang papa niya in greeting. Tumango rin ako para rumespeto at kinawayan sila paalis.

***

Late na naman ako! Parati na lang! Nakakainis!

I hurried to Aguinaldo Hall. Doon ulit sa conference room. Ang daming tumitingin sa 'kin, pero I didn't care. Tumingin ako sa relo ko pagkadating ko sa escalator.

10:17 a.m.

Shiz! Seventeen minutes late! Nakakahiya!

Hinakbangan ko na yung ibang steps hanggang sa makarating ako ng third floor. I tried to catch my breath bago pumasok para hindi mukhang haggard masyado. I knocked, pero hindi yata 'ko narinig. Inayos ko ang buhok ko at tuluyang pumasok.

A cold breeze welcomed me. Seven silang nasa loob. Five yung naka-formal attire sa harapan, dalawa yung nakaupo sa magkabilang side ng table. Nakatutok ang mga mata ko sa limang nakatayo.

I smiled sheepishly. "Sorry, I'm late po."

Nginitian naman nila 'ko. Okay, mukhang mababait sila. Friendly. Nawala nang kaunti ang kaba ko at nakahinga 'ko nang malalim.

"Lana Lopez?" tanong n'ong nasa pinakagitna na mid-thirties na lalaki. He looked like a nice professor that would let you get away with anything.

"Opo."

"We understand," sabi niya, still smiling warmly at me. "You're three hours away, so thank you for still participating today. Please take your seat at the head of the table."

Sinunod ko siya. I tried my best not to make any noise as I took a seat kaya hindi ko natingnan kung sino ang mga kasama ko. Kahit gusto ko silang tingnan, hindi ko rin makikita ang mga mukha nila dahil matataas yung mga upuan dito, tapos nakaharap pa sila sa harapan, so hindi ko talaga sila masusulyapan man lang.

"As I said earlier, we thank the three of you for participating today and agreeing to this," the mid-thirties man continued nang makaupo na 'ko. "I'm Daniel Chavez, but you can just call me 'Danny.' This research is mostly about interaction among people with very different personalities yet who have the same amount of will power and drive within them."

Basically, in-explain niya sa 'min na hindi lang daw kami yung tatlong napili niya. There were five groups, each containing three people. One month yung time slot per group. Kami bale yung first. Bi-video-han daw namin ang sarili namin individually after every 'hang out' na gagawin namin. Then ipapasa namin 'yon sa kanila every week.

Tama nga rin pala ang hula ko. May bayad 'to. They would give us twenty thousand Pesos after the month had ended daw, hindi pa kasama yung expenses na ilalagay nila sa personal bank accounts namin for the said 'hang outs' para covered na raw yung mga lakad namin.

They based our groups on our answers do'n sa exam. Do'n pa lang daw, makikita na yung ugali at kung ano-anong psychological shiz na meron kami. And from that, nakita nila na kaming tatlo ang perfect fit for one another. We were all very different from one another daw, pero pare-pareho kaming may leadership skills kaya we all had strong personalities. Either we would clash, and this could end badly, or we could be longtime friends daw.

"This project requires the three of you to spend time with each other every week for a month. So I advise you to familiarize yourselves with one another."

After that, the chairs finally turned to face the table. And I saw the people I was going to spend time with for a month.

No. Effing. Way.

Abot-sahig yata ang nganga ko sa sobrang gulat. I even felt like my eyes were about to pop out from their sockets sa sobrang . . . Oh my God! Holy shiz talaga!

'Yong chinito na nakabangga ko two weeks ago! 'Yong . . . 'Yong may pagkamasungit (pero cute pa rin)! Nandito siya! I was gonna be friends with him! FOR A MONTH!

Tapos nandito rin si . . . oh my . . . Hindi ko talaga akalain. Of all people na pwedeng mapasama sa group of three namin . . . bakit nandito rin siya?

"So, we have a representative from Liberty University, Miss Lana Lopez," Sir Danny announced. Tiningnan ako n'ong dalawang lalaki sa magkabilang tabi ko. "We also have one from Silvestre University, Mister Oliver Cojuangco."

Oh. Oliver ang name n'ong chinito.

"And of course, we have one from De La Soledad University, Mister Zeo Alcante."

Yup. Si Zeo Alcante, ang kinababaliwan nila rito sa conference room two weeks ago. Si Zeo na kahit mga lalaki ay hinahangaan pa rin siya. Si Zeo na binansagang 'Lion King' ng schoolmates niya. Get it? Kasi DLSU Lions sila.

Tinitigan ni Oliver si Zeo, while si Zeo naman, naka-smirk habang binabalik ang tingin ni Oliver. Ako, pinanonood lang sila nang hindi alam ang gagawin.

Hala. Paano na 'to? Mortal enemies yung dalawang kasama ko sa group. How could this possibly work?

I glanced at Sir Danny and saw na parang nag-e-enjoy pa siya sa nakikita niya. Pakana niya siguro 'to? Sumimangot ako. Psh.

"All right, I'll leave you kids to it," Sir Danny said while he was wearing that meaningful smile, like everything was going as planned. Kinuha niya sa 'min yung waivers na pinirmahan namin for this, tapos tuluyan na siyang umalis.

Nasa pintuan na siya when he stopped at nilingon kami. Nauna na yung mga kasama niya sa escalator. "I almost forgot to tell you that you are not limited to seeing each other only once a week. If you want, you can meet up and get together as often as you like."

Nahuli kong sumimangot si Oliver.

"That is only if you want to." Nginitian kami ni Sir Danny before finally leaving.

Several seconds passed, wala pa ring nagsasalita. It began to be awkward hanggang sa naging sobrang awkward. Walang nagtitinginan sa 'min.

"So, you're three hours away?" Zeo asked.

Nagulat ako na siya yung unang nagsalita. He was the one who broke the ice. Lumingon din sa 'kin si Oliver, as if waiting for my answer.

Rule #2: Keep your cool. 'Wag ka masyadong pahalatang naapektuhan ka o nasasabik ka kahit na sobra-sobra na. Hindi porke't maraming nagpapakagaga sa kanya means okay na 'yon. No! Don't be like that. Be different. Not necessarily tarayan. Just treat him like he's an ordinary person. Be friendly, but don't overdo it. Cool ka lang. Tao lang siya.

I nodded casually. "From Tagaytay pa 'ko."

Sumipol siya. "Whoa. Ang layo. No wonder you were late."

"Malapit-lapit na rin, actually," sabi ko. "Ang problema, yung traffic."

"Not if alam mo how to avoid it." He winked while he grinned. Lumabas yung dimples niya. Napatitig ako without meaning to.

I blinked but quickly composed myself.

"May kotse ka siguro kaya gano'n," pairap na sabi ko.

"Meron nga," deretsong sagot ni Zeo.

Yabaaang.

"I'm gonna go," biglang sabi ni Oliver patayo sa upuan niya.

Zeo and I stared at him. Sungit niya, a. Yung isa mayabang; heto naman, masungit. Ano ako, mataray? Parang hindi naman.

"Took you long enough," Zeo muttered habang sumasandal sa tall chair.

"You wanna say something, Alcante?" Oliver dared, pero bored yung boses niya kahit parang hamon yung sinabi niya.

Zeo sneered. "This isn't your territory, Cojuangco. Tama lang na you're leaving already. It's good that you know your place."

Grabe. Ganyan ba talaga yung tension between De La Soledad and Silvestre? Over naman. Kahit yung mga estudyante, hindi pwedeng maging friends dahil sa what—school honor? It was harsh . . . and unreasonable.

Akala ko magagalit na si Oliver sa sinabi ni Zeo, but no. Hindi na bored ang expression ng face niya. Seryoso na siya, pero hindi pa rin siya mukhang galit.

"As always, you Soledarians prove how much of a talker you are," Oliver replied simply. Tinalikuran na niya kami. At habang naglalakad siya palayo, dinagdagan niya ng, "Ikaw maghahatid d'yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagkatinginan kaagad kami ni Zeo. Gano'n din ang expression niya sa mukha niya: gulat at di-makapaniwala. Parang ayaw pa niya.

Ako, hindi ako makapaniwalang tinukoy ako ni Oliver na 'd'yan.' Hindi man lang 'si Lana' or 'sa kanya.' Hindi e. Talagang 'd'yan.' Wow. Bagay na pala ako ngayon. Ang kapal, a.

I glanced at Zeo and saw that he was looking at me warily. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I rolled my eyes at him.

"Hindi mo na 'ko kailangang ihatid," paglilinaw ko sa kanya. Mukhang ayaw niya talaga 'kong ihatid. Hindi ko rin naman siya pinipilit, 'no? Ayos lang sa 'kin. "Marunong akong mag-commute." I grabbed my bag and got up to leave, but at that moment, my stomach growled.

Napahinto ako. Naramdaman kong napatingin sa 'kin si Zeo. Pumikit ako at kinagat ang labi ko. Ayoko siyang tingnan. Nakakahiya. Kailangan ba talagang kumulo ang tiyan ko sa gitna ng katahimikan? Shiz naman.

"You're hungry?" asked Zeo.

Ay, hindeee! Hindi ako gutom, Zeo. Kahit na obvious at dinig ang kulo ng tiyan ko, hindi ako gutom. Guni-guni mo lang 'yon.

"You think?" I replied with a raised eyebrow. Ayan, hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagtataray. Kapag gutom talaga ang isang tao, ang hirap control-in ng mood.

He chuckled. "Easy ka lang. Tara, kain ka muna bago ka umuwi."

Tumayo na siya agad kaya napasunod na lang ako. Wala nang time para i-process yung pagkagulat ko sa sudden change of mood niya. Parang kanina lang, inaaway niya si Oliver. Ngayon, friendly siya bigla sa 'kin.

At saka gutom na gutom na rin ako, e. Hindi na 'ko makatanggi. Hala. Magkano kaya ang pagkain dito school nila? Buti na lang, nagdala 'ko ng extra money. Nang makababa na kami sa escalator, saka lang siya nagsalita ulit.

Napatigil ako kasi bigla siyang humarap sa 'kin. Medyo nagulat din ako, I was caught off guard nang kaunti sa sobrang guwapo niya. Mas matindi pala kapag sa malapitan. May mga guwapong kinaiinisan ko kasi parang mas maganda pa sila sa 'kin. Ayoko ng gano'n. At hindi gano'n si Zeo. Siya yung tipong guwapo na makisig. Alam mong lalaki. Lalaking-lalaki. Rugged, kumbaga.

To be honest, na-starstruck ako. Hindi pa 'ko nasa-starstruck sa tanang buhay ko. Oo, guwapo rin si Calvin (ugh), pero iba ang dating ni Zeo. His dark brown hair was trimmed at the sides, while the top was styled to stick up but not in a spiky kind of way. Parang ang lambot kapag hinawakan.

Mas defined at smooth yung features niya, lalo na yung jawline. Ang tangos pa ng ilong. Shucks, kaunting freckles ba 'yon sa may baba ng mata niya? Umabot yung tingin ko sa mata niya. I couldn't help but stare at his eyes. Brown na brown pala ang mga mata niya? Wow. Ang ganda! Half-something siguro siya.

Lahat ng 'yon, naisip ko habang tinatanong niya 'ko kung saan ko gustong kumain. Siyempre, while I was studying yung naka-close up n'yang mukha, naka-poker face ako. Magaling na 'ko sa gano'n. Ang dami ko nang practice, e.

"Saan ba masarap?" tanong ko.

He grinned suggestively, leaned closer to me, tapos binulong niya sa 'kin in a husky voice, "Maraming lugar na masarap."

What the?!

Napanganga ko, which caused him to laugh out loud. I shook my head and scowled at him. That wasn't funny at all! Kinilabutan kaya ako sa pagkabulong niya sa tainga ko bigla-bigla! Tapos gano'n pa yung boses niya! Tapos gano'n pa yung itsura niya! Tapos guwapo pa siya!

Ang daya!

"Gutom na talaga 'ko, Zeo," I told him seriously na parang wala lang yung ginawa niya kahit ka ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Where do you wanna eat nga?" tanong niya, still amused.

"Duh. Ikaw kaya yung taga-rito." Tapos split second decision! "Alis na nga 'ko. Sa bus na lang ako kakain. Bye!"

Bad trip na talaga 'ko. Gutom na gutom na 'ko, tapos ang tagal pang mag-decide na parang pinaglalaruan pa 'ko ng mokong na 'yon? Hindi bale na lang! I could take care of myself. Bakit kasi ako pumayag?

Hello? Siya si Zeo Alcante. Makakasama mo siya every week for a month. Natural, feeling mo, parang ang astig kasi nagkaro'n ka ng kaibigan na kagaya niya. Tapos, niyaya ka pang mag-lunch. Ikaw naman 'tong pumayag basta-basta. The rules, Lana! Remember the RULES! Remember the list you made to prevent getting your heart broken again. The list that guides you to take a step back and let the man chase you.

Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan yung list ko ng rules.

Tumigil ako sa paglalakad habang inaalala yung listahan, which gave enough time naman for Zeo to catch up with me. But he didn't. He didn't come after me.

Geez, Lana. What did you expect? You barely know the guy. Plus, busy siguro 'yon. Sino ka para habulin niya? Reality check, please!

I sighed. This wasn't healthy. I should draw a line between me and Zeo. Tama, 'yon ang gagawin ko. I shouldn't get too caught up with that kumag.

Inilabas ko yung phone ko galing sa bulsa at tinawagan ang isa sa mga pinaka-close kong pinsan na si Benjo na nag-aaral dito sa De La Soledad. Sumagot naman siya agad, buti na lang.

"Saan ka?" tanong ko.

"Condo. Napatawag ka?"

"Nasa school mo 'ko."

"HA? Bakit?"

In-explain ko sa kanya. Hindi lahat, siyempre. 'Yong part lang na representative ako ng Liberty para sa research na ginagawa ng De La Soledad. Hindi ko sinabi kung sino ang mga ka-grupo ko sa project na 'to.

"Uwi na rin ako sa Tagaytay mamaya," pagbanggit niya. "Gusto mo, sabay na tayo?"

YES! Alam ko, may kotse siya, e. Ligtas! Ihahatid niya 'ko mismo sa bahay, malamang. Ang sarap talaga kapag may mga taong nakapaligid sa 'yong mabait at mahal ka. Bwahaha!

"Sige! Payag ako riyan, basta pakainin mo muna 'ko dahil gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na 'ko, Benjo! As in, sobra!"

Narinig kong tumawa siya. "Pumunta ka na lang dito, I'll buzz you up."

"All right. See you later."

"See you."

I was smiling as I walked out of De La Soledad. Hindi ko naman kailangan ng bagong mga kaibigan, e. Kontento na 'ko sa mga kaibigan at pinsan ko ngayon. Hindi ko kailangang makisama sa kanila kasi natural nang lumalabas 'yon. Hindi ko rin kailangang ipagpilitan ang sarili ko sa kanila kasi tanggap na nila 'ko. Tulad nitong si Benjo. Mukha pa lang akong gusgusing bata, magkakilala na kami—close na kami.

Kaya iniisip ko ngayon kung paano magwo-work yung gustong mangyari ni Sir Danny. May kanya-kanya kaming buhay nina Oliver at Zeo. He couldn't possibly expect us to be undeniably close after this. Or rather, he couldn't possibly expect us to get out of this unscathed. Kasi for sure, hindi kami magtatagal na magkakasamang tatlo. Our worlds were far too different from one another to get along.

But then again, sabi naman niya na go with the flow lang kami. E di, okay. Hindi ko talaga pipilitin ang sarili ko sa kanila. Naiinis na naman ako sa sarili ko tuwing naaalala ko yung pagpayag ko sa pagyaya ni Zeo na kumain. Feeling ko talaga ang tanga-tanga ko. Feeling ko talaga napahiya ako nang bongga. Nakakainis.

Hinding-hindi na 'yon mauulit. Hindi na ulit ako magpapadala sa kaguwapuhan ni Zeo Alcante. Buwisit na kumag 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top