Chapter 52

Chapter 52: Saving the Devil in Distress

Sync's Pov

"Aaaahhh!"

Nagising ang diwa ko dahil sa sigaw na narinig ko. Hindi lang basta bastang sigaw pero isang sigaw na parang nasasaktan.

Bigla nalang ako nakaramdam kakaibang kaba kasabay ng pag isip ng masasamang pwedeng mangyari.

Lilian!

Hindi ko alam pero may masama akong kutob tungkol kay Lilian, hindi na ako nagdalawang isip at agad na tinungo ang pinanggalingan ng sigaw at nadatnan ko lang ang sarili ko sa harap ng Mystic Garden. Mula sa bungad nito mararamdaman mo na agad ang kakaibang presensya.

At hindi nga ako nagtaka ng makita ko ang tatlong titans na nakatalikod sa direksyon ko. Agad akong nagpalabas ng fire ball ng marinig ko ang mga hikbi sa unahan nila. Hindi ko man makita ang mukha nito, kilalang kilala ko naman ang boses na iyon.

Akmang itatapon ko na fireball pero bigla akong natuod. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na at kitang kita ko kung paano kinaladkad ng mga titans si Lilian habang may nakabaon na pana sa balikat nito.

"Lilian!!"

Puno ng galit ang puso at agad na sinugod ang titans na tumangay kay Lilian. Pero nahuli na ako, bago pa man ako makasugod ay nawala na sila sa harapan ko.

"Fuck shit!!!"

Malakas na napasuntok ako sa lupa kasabay ng pag agos ng luha sa mata ko. Why the fuck I didn't rescue her? Ni hindi pa nga kami nagkakaayos tapos mangyayari pa ito? Shit!

Dali dali kong tinungo ang dorm ni Flynn at naabutan ko silang nagyayakapan ni Emerald.

"Flynn.. Emerald.."

Nilingon nila ako at nakita ko pa ang luha sa mata ni Emerald. Nahihirapan narin sila.

"Bakit Sync?" kita sa pagbigkas ni Emerald ang pagkabasag ng boses nito.

"We need to prepare, war is hunting us.."

Mula sa malungkot na mata napalitan ito ng pagkagulat at takot.

"S-Sync... s-si Lilian??"

Napayuko ako ng itanong iyon ni Emerald. I can't stand seeing her crying because of worrying for her friend. Dahil baka ako Hindi ko rin kayanin, I need to be strong for us, for Lilian.

"Pumunta na kayo sa fire palace, andoon na ang apat na kaharian,"

At tumalikod na ako. Sunod kong tinungo ang dorm ni Cryztal, naabutan ko sila ni Candy na nagyayakapan. Bakas rin sa mukha ni Cryztal na sobra sobra syang nasasaktan. Well, he love my stupid brother, but my brother is a stupid shit.

"Sync.." pinunasan ni Cryztal ang luha nito bago tumingin sa akin.

"A-anong kailangan mo Sync?" basag na tanong ni Candy.

"We need to prepare, pumunta na kayo sa fire palace.."

Pagkatapos nun ay tumalikod na rin ako, pero napahinto rin ako ng magtanong si Candy.

"Asan si Lilian Sync?"

Napakuyom nalang ako at mariing pumikit. Gusto kong mapanak, gusto kong pumatay, oras na makapasok ako sa impyernong iyon sisiguraduhin kong ako ang makakapatay sa mga titans na kumuha kay Lilian.

"We need to prepare.."

And with that, tuluyan na akong naglakad palayo. Rinig ko pa ang paghikbi ni Candy at Cryztal, pati narin ang pagtawag nila sa pangalan ni Lilian.

Napahinto rin ako sa paglalakad at napatingin sa kalangitan na nagkukulay dugo na, nagpalabas ako ng fire ball sa kamay ko at itinapon ito paitaas.

Dont worry Lilian, we will save you. I will save you.

Lilian's Pov

Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko dahil sa pagkakasalampak sa mabatong kulungan. Tinignan ko ng masama ang lalaking gumawa noon, ang lalaking naka eyepatch. Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin at wala kang makikitang bahid ng kahit anong emosyon.

Nag iwas nalang ako ng tingin at hinimas ang paa ko na masakit, shit mukhang may sprain ata ako.

"Hoy anong ginagawa mo?!?"

Pilit kong inaalis ang kamay nung naka-eyepatch sa paa ko pero mas malakas ito kaya hindi ko rin nakaya. Tinitignan ko lang sya habang hinihilot ang paa ko. Medyo masakit sa umpisa pero pakiramdam ko nakahinga na kahit papaano ang paa ko.

"You will thank me for this someday.."

Patuloy lang ako sa paghimas sa paa ko at hindi inintindi ang sinabi ni eyepatch, papaano ko naman sya mapapasalamatan eh baka anumang oras patayin na nila ako? Tss.. stupid.

"Blade, pinapatawag ka ng Prinsipe.." napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Violet, naka cross arms ito habang sa tabi nya ay si Sky na blankong nakatingin sa akin. Napairap nalang ako dahil doon. Blade pala ang pangala nya?

Tinignan muna nya ako bago lumabas sa pinto ng kulungan. Ngayon kami nalang nina Sky at Violet ang natira. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa paligid namin.

"I pity you,.." napaismid nalang ako sa sinabi ni Violet.

"You dont have to, besides ayokong tumanaw ng utang na loob sa kahit na sino lalo na sayo.." sagot ko dito dahilan para umasim ang mukha nya.

"Do you think HE can save you from us?" may pagdiin sa he nito na alam ko na si Sync ang tinutukoy nya. Hindi nalang ako nagsalita dahil alam ko na kapag pinatulan ko ang pagiging childish nya wala ring mangyayari.

I know they will save me, I trust them on that, I trust him on that.

"Sumagot ka kapag kinakausap kita!!!" napangiwi ako ng mariing hinawakan ni Violet ang panga ko at iniharap sa kanya.

"Huwag ka ng magmatapang dahil sa oras na pumunta dito ang knight in shining armor mo, mawawala na silang lahat sa mundo.."

Tinignan ko ng masama si Violet bago tinapik ang kamay nya sa pisngi ko.

"Hindi ako nagmamatapang, because in the first place we already know that we won and no one can defeat us. Especially Sync.."

Cryztal's Pov

Muli kong tinignan ang hawak kong wand. Napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Kakaiba ang ayos ko ngayon sa dati, ibang iba.

"Are you ready?"

Napatingin ako kay Doyle na kasalukuyang inaayos ang kalasag na dala nya.

"I will never be ready.,"

Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Dont worry, andito lang ako....kami,"

Huminga ako ng malalim at kinuha ang kalasag na nakapatong sa kama ko. Handa na ako, handa na kami.

Mag intay ka lang Lilian, babawiin ka namin. Ililigtas ka namin.

Lilian's Pov

Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid dito. Walang kabuhay buhay ang nakapaloob dito. Nakakatakot ang mga pigurang naka display, pero hindi dapat ako magpadala sa takot lalo na sa sitwasyon namin ngayon. We need to be brave and strong. Dahil sa oras na ipakita namin na mahina kami, wala na katapusan na namin. And we cant let thst happen. Alam ko na gumagawa sila ng paraan para matapos ang gulong ito. At bilang estudyante ng Lailana, kailangan ko rim gumawa n paraan para makatulong sa pagresolba nito.

"Ano Lilian? Iniisip mo ba na makakapasok sila dito? Na maliligtas ka nila?" napa-igtad ako at agad na napalingon dahil sa kakaibang boses na narinig ko. Nagmumula ito sa ilalim ng lupa na tiyak makakapagpatayo ng lahat ng balahibo mo sa katawan.

Hindi ko pinakita na nasindak ako sa boses nyang iyon. Sinalubong ko ang nakakmatay at walang kabuhay-buhay na tingin ni Drake. Kahit papaano nasasaktan parin ako na makita syang ganito. Tinuring kong mabuting kaibigan si Drake, at hindi ko akalain na sya pala ang matagal ng sumasalungat sa grupo namin. Masakit oo.. pero kailangan naming tanggapin. Hindi lahat ng mahalaga sayo, mananatili. Aalis at aalis parin sila sa oras na magsawa na sila at makuha na nila ang gusto nila.

That's life, the give and get.. and after that they leave.

"Hindi ko na kailangan pang isipin iyon dahil alam ko.. at alam mo rin na ililigtas nila ako dito. Lahat sila, at makakalabas kami dito ng buhay. Walang labis, walang kulang." matapang na turan ko.

Tumawa ito ng malakas na nagpayanig sa payapang silid na ito. Kakaiba na ang Drake na kaharap ko, hindi na sya yung Drake na kilala ko. Isa na syang demonyo. Demonyong nagkukubli sa katauhan ni Drake.

"Sa tingin mo talaga makakaligtas sila sa mga alagad ko?! Minamaliit mo ata ang kakayahan ko Lilian? Sige tignan natin.. sabay nating panoorin kung anong laban ang magaganap. Kung talaga nga bang mananalo iyang mga lampang pinagmamalaki mo laban sa kapangyarihan ko." pinaglandas nitk ang kanyang hintuturo sa mukha ko kaya todo iwas naman ako. Iwinakli ko ang mukha ko sa haplos nya.

"Ano bang nangyayari sayo Drake? Kaibigan mo sila.. natin, matagal mo na silang kaibigan. Kaya bakit? Why are you doing this?" dahan dahang tumulo ang luha sa mga mata ko. Galit ako kay Drake, pero nasasaktan din ako. Umaasa akong magbabago ang isip nya, umaasa akong babalik ang Drake na kilala ko. Ang Drake na mahilig magkulay ng buhok at palatawa. Ang Drake na kwela minsan pero marunong magpahala ng kung anong meron sya. Namimiss ko na yung Drake na tinuring kong kapatid.

"Huwag mo akong tanungin kung bakit ko ito ginagawa Lilian, simula't sapul palang.. wala na akong kaibigan. At kahit kailan hindi ko sila tinuring na kaibigan. Ginamit ko lang sila sa aking plano." sabi nito at tumungo sa bintana dito sa kwarto nya. Tinanaw nito ang kulay itim na tanawin sa ibaba.

"Simula palang, wala ng nagmamahal sa akin. Maging ang sarili kong ina hindi ipinaramdam sa akin na mahal nya ako, na importante ako, na may halaga din ako." kita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Drake at ang pagdilim ng mukha nito. Nanginginig ang kanyang pisngi na halatang nagpipigil ng galit.

"Noong isinilang kami ni Sync, sabay kaming isinilang sa araw ng pulang buwan. Dapat dalawa kaming pinagkalooban ng kapangyarihan. Dapat dalawa kaming Aphriza, pero bakit sya lang ang pinagkalooban? Bakit wala ako? Mula noon, binigyan ng mas malaking atensyon ni ina si Sync kaysa sa akin. Si Sync ang paborito, at ako? Isa lamang akong pangkaraniwang anak. Hanggang doon nalang ako. Alam mo ba kung bakit ako naging prinsipe ng mga Titan?" kung kania puno ng sakit ang makikita sa mukha ni Drake, napakabilis na mapalitan ito ng isang nakakatakot na aura. Ang demonyong sya.

"Dahil pinatay ko ang prinsipe nila ng walang kahirap hirap. Matagal ko ng napatay ang prinsipe nila at sinabi kong ako ang gawin nilang bagong prinsipe. Dahil sisiguraduhin kong tutuparin ko ang nakasaad sa propiseya. Tutuparin ko iyon.. at magtatagumpay kami." wika nito sabay pitik ng kanyang mga kamay at bigla nalang ako nakarinig ng mga sigawan. Mga espadang nagsasagupaan, mga nagpuputukan at mga daing ng bawat isa.

Dali dali akong napatingin sa bintana. Mga estudyante ng Lailana. Mga Titans. Mga guro, at ang council. Lahat sila nandito. Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko, pero hindi ko sila makita. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito. Kailangan may gawin din ako. Ayokong magmukhang damsel in distress. Ako ang Legendary Alcidae. Hindi ako ang sinasagip kundi ako ang nangsasagip.

"Sabay nating panoorin Lilian kung paano ubusin ng mga alagad ko ang buong Lailana High! Hahaha!"

"Hindi magtatagal ang tawang yan Drake. Matatalo din kayo, oras na makawala ako dito, sisiguraduhin kong magbabayad ka.. kayo sa lahat ng pinasalang dinulot nyo. Hindi ako magdadalawang isip na isaksak sa lalamunan mo ang kadenang nasa kamay ko ngayon." galit na wika ko dito.

Pero imbes na matakot o masindak, sumilay lamang isang nakakalokong ngiti sa labi nya.

"Kung makakalaya ka Lilian, maaari mo kaming patayin, pero ang tanong makakalaya ka pa ba? Lalo na at malapit ng matupad ang propesiya? Malapit na ang bloodmoon Lilian. Ikakasal kana sa akin. At ako na ang magiging makapangyarihang tao sa buong sanlibutan!"

A-ano?! T-tama ba ang narinig ko?! Ang propesiya ay... ang ikasal ako sa prinsipe ng Titan?! Hindi ito maaari!
Hindi! Hindi!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top