Chapter 51
Chapter 51: Captured
Emerald's Pov
"A-aray ko naman.. dahan dahan lang.."
"Heh! Tumigil ka nga dyan, napakahangin mo kasi ayan tuloy ang dami mong sugat.." at mas lalo ko pang diniinan ang paglalagay ng gamot sa mga sugat ni Flynn.
"Ehh kasi nakakainis yung halimaw na kaaway ko eh, iniinis na nga hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nya dahil puro ungol lang ang ginagawa nya..." pinalo ko ang nguso nya na lumalawit sa harapan ko habang sinasabi nya iyon. Andito kami ngayon sa dorm nya at kasalukuyan kong ginagamot ang mga katangahan nya.
Nasa dorm naman ni Cryztal sina Candy, Doyle at Mint. Ginagamot din nila ang mga natamo nilang sugat at sinasamahan din nila si Cryztal doon dahil hanggang ngayon ay tulala parin ito. Hindi ko sya masisisi, kahit hindi man nya sabihin alam ko nahihirapan sya ngayon lalo na at mahal nya ang aming kalaban. At ang mas malala pa, prinsipe sya ng kalaban namin.
"Kamusta na kaya si Cryztal?" tanong ni Flynn.
"Malamang hindi okay.." pambabara ko dito. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalagay ko ng benda sa sugat nito. Mas mabuti ng gamutin ko nalang sya kesa kausapin. Mas may silbi pa iyon.
"Si Sync at Lilian kaya kamusta na?" sandali akong napatigil sa pagbabalot ng benda at napaisip.
"Hayy yung dalawang iyon, nasa kalagitnaan na nga tayo ng kamatayan nagagawa paring isingit ang LQ nila.." natatawa kong sabi.
"Oo nga, hayaan nalang natin sila magkakaayos din yun, si Sync pa eh halata namang under-este mahal nun si Lilian.." natawa nalang ako dahil sa biro ni Flynn. Pero makalipas ang ilang minuto ay napabuntong hininga rin ako at katahimikan nanaman ang bumalot sa paligid.
Kahit ano talaga ang gawin namin para iwasan o palipasin muna ang mga nangyayari ngayon, hindi na talaga mawawala sa tabi namin ang posibilidad na baka isang araw mamatay nalang kami. Hindi pa ako handang mamatay, ayoko pang mamatay, marami pa akong gagawin.
Naramdaman ko nalang ang mainit na yakap ni Flynn sa akin. Dahil doon mas lalo akong napaiyak. Hinagod nito ang likod ko dahilan para mas humagulgol ako. Ilang beses ko ng gustong ilabas lahat ng pangamba at takot sa puso ko pero hindi ko magawa. Dahil ayokong makita nilang mahina ako. Ako si Emerald Stonehurt. Isang bratty bitch, makikita nilang umiiyak dahil sa isang labanan na pwedeng kamatayan ang kahahantungan?
"Shhh... tahan na, andito lang ako, hindi kita hahayaang masaktan.. pangako iyan.." napayakap narin ako kay Flynn habang sinasabi nya iyon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit natatakot ako, ayokong dumating ang panahon na iwanan ko sya o iwan nya ako. Mahal na mahal ko si Flynn, hindi ko man ito maipakita sa kanya dahil sa ugali ko, alam ko na alam nya kung gaano ko sya kamahal.
"N-natatakot ako Flynn. P-pano kung hindi tayo manalo? K-kung mamamatay lahat tayo? A-a-ayoko nun Flynn, h-hindi ko kaya.."
"Shh... Huwag kang magsalita ng ganyan, mananalo tayo. Poprotektahan natin ang isat isa. Poptotektahan kita, pangako yan.."
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago ako mahimasmasan. Hinarap ni Flynn ang mukha ko sa mukha nya. Tinignan nya ako sa mga mata at kita ko doon kung ano ang totoong ibig sabihin ng Ligtas.
"Dont be scared because I am always at your side just to protect you. I am willing to risk everything, even my life just to protect you. Always remember that Emerald, I love you for infinity.."
Ramdam ko nanaman ang pamamasa ng mata ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagmamahal na pinaparamdam ni Flynn sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na mawala sya sa akin, hindi ko kakayanin, hindi ko makakaya.
"I-I love you too Flynn.."
*****
Cryztal's Pov
Ilang taon, buwan, araw, oras, minuto, segundo na ba ang nagdaan bago mangyari ang araw na ito? Naalala ko pa noong mga bata pa kami at wala pang kamuwang muwang sa ganitong digmaan, kung gaano kami kasaya habang naglalaro at naghahabulan dala ang mga laruan na gawa sa keeps nya at ang magic wand ko .
Ilang taon na ba ang lumipas nung mga panahon na kasama ko pa syang lumilipad sa himpapawid dahil sa isang spell na cinast ko? Tanda ko pa noong dalaga na kami, noong mga araw na dinadatnan ako, sya ang unang unang nakakaalam kung meron ba ako o wala. Hindi rin sya nahihiya o naiilang na tulungan ako sa mga ganoong panahon.
Kaya nga sa mga simpleng bagay na ginagawa nya, nalalaman ko na nalang na nahuhulog na pala ako sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong nahulog at nag aantay nalang na saluhin nya ako. Akala ko simpleng crush lang iyon, pero hindi pala, mas malalim pa sa crush. LOVE? mukhang hindi pa ganoon kalalim pero malapit na. Hanggang dumating na nga ang araw na napagtanto kong narating ko na ang end point noon. Ang tinatawag na Love, nararamdaman ko na pala.
Pero ngayon, anong nangyari?
Bakit bigla nalang inikot ng tadhana ang lahat?
Handa na akong mahalin nya rin ako, tapos malalaman ko na sa tinagal tagal na magkaibigan kami sya rin pala ang magiging dahilan ng pagkamatay namin.. ng pagkamatay ko. Ang sakit lang isipin na nahulog ako sa maling lalaki, pero mali nga ba? Nagmahal lang naman ako, tsaka sa tagal naming magkasama hindi ko talaga maatim na isiping isa syang masamang tao dahil sa pagkakakilala ko sa kanya, napakalayo nya sa ganung ugali.
"Cryztal pinapatawag daw tayo ng apat na kaharian.." tinignan ko lang si Candy at tumayo. Wala akong balak magsalita ngayon, pagod na ako. Gusto ko nalang tumulala at mag isip, gusto ko nalang kalimutan ang lahat ng ito, takasan..
Nauna na akong maglakad kay Candy, wala na si Doyle at Mint dito. Mukhang nauna na sila. Pero hindi pa man ako nakakalayo ng higitin ni Candy ang kamay ko sabay yakap sa akin. Hinahagod nito ang likod ko habang sinasabi ang mga salitang.
"Sige lang iiyak mo lang iyan, makakayanan mo ring lampasan iyan, hindi man ngayon pero sigurado akong darating ang panahon na makakaya mo rin itong lampasan.."
Hindi ko na masyado narinig ang mga sinasabi ni Candy dahil wala na akong narinig kundi ang mga hikbi ko. Masakit, napakasakit. Durog na durog na ang puso ko. Gusto ko ng sumuko, hindi ko na kaya.. Pero kahit ano mang gawin ko, kailangan ako ng Lailana. Kailangan ako ni Lilian.
Masakit oo, pero sabi ni Candy, lilipas din ito. Sa tamang panahon.
*****
Lilian's Pov
Bakit ganito? Gusto ko lang namang mas mapalakas ang kapangyarihan ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking pamilya pero bakit humantong ako sa ganitong sitwasyon?
Kung hindi kaya ako pumasok sa Lailana mangyayari kaya ang araw na ito? May mamamatay kaya? Kung hindi kaya ako pumasok dito may magaganap kayang digmaan? Siguro wala, dahil noong unang apak ko palang sa bungad ng Lailana noon, mararamdaman mo na ang kapayapaan, kapayapaan na matagal ko ng gustong maranasan, iyong walang problema, puro tawanan at harutan lang ang nangyayari.
Pero ngayon, ibang iba na ang nangyari kesa sa inaasahan ko. Sobra sobrang responsibilidad pala ang nakapatong sa mga balikat ko. Responsibilidad na nakasalalay ang buhay ng libu-libong tao, buhay ng kaibigan ko, ng mga tumutulong sa akin, at mga mahal ko sa buhay. Napabuntong hinininga nalang ako at itinapon sa tubig ang hawak kong bato. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng kalabanin ang itinadhana sa akin.. Kung kaya ko lang sana takasan ang lahat ng ito, pero hindi. Ayokong maging unfair at iwan sila sa ere, ika nga with the great power comes great responsibility kaya dapat panindigan ko kung ano man ang responsibilidad ko ngayon.
Itinapon ko ulit ang napulot kong bato sa tubig at bumuntong hininga, tumingala ako sa langit at tinignan ang sikat ng araw, bakit ganun? kung gaano kapayapa ang langit sa umaga ganun naman ito kanakakagimbal kung gabi. Siguro nga hindi pwedeng maging masaya nalang ang mundo namin. Siguro nga ganito na talaga ang magiging mundo namin. A peaceless world.
Bigla nalang sumagi sa isip ko si Sync, hinawi ko ang buhok ko na tumatabing sa mata ko. Hindi ko naman intensyon na pagbintangan sya eh, ang akin lang wala manlang ba syang idea sa mga nangyayari sa kapatid nya? I mean kapatid nya yun- step brother nya iyon, alam ko na hindi sila magkasundo pero hindi naman ata maganda na parang wala lang sa kanila ang isat isa. Siguro nga na offend sya sa sinabi ko, mahal nya ako, masakit nga talaga na manggaling ang pagdududa sa mahal mo.
Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo na sa pagkakaupo sa damuhan dito sa mystic garden, simula kasi ng kaladkarin ako ni Sync dito, naging paborito ko na itong lugar para makapag isip isip sa mga bagay bagay. Pinagpag ko ang pantalon ko at nag umpisa ng maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may narinig akong sumigaw sa likod ko. At paglingon ko, nanlaki ang mata ko ng makita ang isang napakalaking dragon.
"HUWAAHH!! HELLO MISS GANDA!!" muntik ng akong mapatalon sa gulat ng magsalita ito, seriously? And then a sudden memory pop in my mind.
"Nam?"
Bumaba ito sa harap ko dahilan para medyo umuga ang lupa. "Naalala mo pa pala ako ate ganda.."
Ngumiti ako at hinimas ang pisngi nito. "Ikaw pa eh ang cute cute mo kaya.."
"Paano naman ako naging cute eh ang laki laki ko na ngayon..?" kung naging tao sana itong si Nam sigurado akong nakapout na ito ngayon habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Kahit gaano ka pa kalaki, ikaw parin ang pinakacute na dragon na nakilala ko, unique pa ."
"Hehe ang galing mo talagang mambola miss ganda! So kamusta na po kayo? nabalitaan ko yung nangyari sa inyo, sorry wala ako.."
"Ano ka ba ok lang no, tsaka alam ko naman na may priorities ka din naman eh, tsaka ayun, hindi kami ok sobrang hindi ok.." napabuntong hininga nalang ako at napa upo sa tabi ni Nam.
"Saan ka hindi ok? sa labanan o kay Sync?" agad ko syang pinaningkitan ng mata ng banggitin nya ang pangalan ni Sync. Paano napunta dito si Sync aber? Oo nga pala hindi din kami ok.
"Yeah tungkol nga kay Sync, naku yung lalaking yun talaga dinaig pa ang may period..." kung hindi lang dragon si Nam mapagkakamalan ko tong mama ni Sync, grabe kasi makasermon.
"Masama na ba ako ng tanungin ko sya tungkol sa kapatid nya?" bigla nalang itong lumabas sa bibig ko kasabay ng pagbuntong hininga ni Nam sa tabi ko.
"Alam mo, itlog palang ako inalagaan na ako ni Sync, nakita nya kasi ako noon sa gitna ng ilog dito sa Mystic garden na nagpapalutang lutang, kinuha nya ako at ipinaalagaan sa isa sa mga kaibigan nyang halimaw na syang tinuturing kong pamilya ngayon.." nakatiningin lang ako sa kanya habang nagkekwento sya tungkol kay Sync.
"Si Sync isang taong bato na may pusong semento, kahit gaano man katigas ang panlabas na anyo nito alam ko na kahit papaano ay may kabaitan paring nakapaloob sa puso nito, hindi man nya nadadaan ang mga mabubuting gawain na iyon sa magandang paraan, atleast naipaparamdam nya sayo na concern saya.."
Hinarap ako ni Nam at binigyan ng isang ngiti.."Siguro nasaktan lang sya dahil akala nya pinagbibintangan mo sya pero alam ko naman na alam nya na hindi mo naman intensyon iyon, kilala mo naman si Sync napaka mood swing.."
"Salamat Nam ha? Salamt at sinamahan mo ako dito ngayon.."
"Ano ka ba chicken lang yun no? Just call me and I will come, promise ko yan.."
"Maraming salamat.."
Pagkatapos naming magkwentuhan ni Nam ay umalis narin ito. Pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko, thanks to Nam. Masaya narin ako at nagkausap kami ulit. Its been a long time since we've talked kasi. Tanda ko pa nung kinaladkad ako ni Sync dito sa Mystic, yun din ang araw na nakilala ko si Nam.
Sync...
Hayy...
Tumayo nalang ako sa at nag umpisa ng maglakad. Pero natigilan din ako ng may kakaiba akong naramdaman. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang humampas ang malakas na hangin. Nilibot ko ang tingin ko at hindi ko mapigilang kabahan. Huwag mong sabihing susugurin nila ako?
Pero nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Lucia na naglalakad palapit sa akin. Binigyan ko sya ng masayang ngiti pero nagtaka ako ng wala manlang itong emosyon.
"Hi Lucia, seryoso mo ngayon ah?" masayang sabi ko dito pero mas lalo akong nagtaka ng tinignan lang ako nito ng sersosyo kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata nito.
"P-patawad.." mahina nitong sabi.
"Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginawa. Anong problema sabihin mo sa akin.." hahawakan ko sana ang balikat nito ng lumayo sya sa akin.
Hindi parin tumitigil sa pag agos ang luha nito kaya nababahala na ako.." P-patawarin mo ako..."
Halos manlaki ang mata ko ng may hinugot ito sa likod nya na isang punyal. Hindi basta bastang punyal, hindi ako halos makahinga ng dahan dahan nya itong itinataas at itinutok sa direksyon ko.
"B-bakit?" ewan ko pero napaiyak nalang ako dahil sa ginagawa ni Lucia ngayon, pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng sarili kong kadugo, ng sarili kong pamilya, ng sarili kobg kapatid. Oo, alam ko matagal ng patay ng kapatid ko pero sa maliit na oras na nagkasama kami ni Lucia, parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
"Patawarin mo ako Lilian, patawad
Ate"
A-ano?
A-ate??
Hindi ko na alam ang sumundo na nangyari, ang alam ko lang ay pabalik balik na tumatakbo sa utak ko ang binaggit ni Lucia. Ate...Ate...Ate... Tinawag nya akong ate, bigla nalang nanumbalik lahat ng alaala ko kasama ang kapatid ko, kasama si Lucia, pero paano sya nabuhay?
Natauhan lang ako ng may maramdaman akong likido na dumadaloy sa may tyan ko.
At mas lalong nanlaki ang mata ko na makita ko sa harap ko si Lucia na ngayon ay may lumalabas na dugo sa bibig. Sa di kalayuan ay nakita ko ang tatlong taong naka itim na balabal, Mga titians..may hawak ang isa sa kanila ng pana. Pinana nila si Lucia?
"Patawad ate.."
Hindi ko narin napigilang umiyak at agad na dinaluhan si Lucia, inihiga ko ito sa paa ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya.
"H-huwag kang bibitaw.. H-huwag mo akong iwan ulit.. Huwag mo ng iwan si Ate.."
Ngumiti ito ng malungkot sa akin at pinunasan ang luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.
"H-huwag ka ng umiyak ate ... P-patawarin mo ako at napagtangkaan kitang p-patayin.."
"Shh... huwag ka ng magsalita, ililigtas kita.."
Pero ngumiti lang ito at umiling, pumipikit pikit narin ang mata nito kaya mas lalo akong naiiyak. Hindi ko kaya, ito rin ang posisyon namin habang pinapanood kong mawalan ng hininga ang kapatid ko noon. Ayokong mangyari iyon ulit, hindi ko kakayanin.
"M-mahal na mahal kita ate, p-patawad.."
"Shh.. pinapatawad na kita, kumapit ka lang ililigtas kita.."
"S-salamat .... at sana ate, m-matanggap mo rin ang totoo mong pagkatao t-tulad ng pagtanggap mo sa pagpapatawad ko.."
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Lucia dahil nabingi na ako sa iyak ko ng makita ko nanaman na unti unting pumipikit ang mata ng aking kapatid. Please huwag nanaman.
"AAAHHH!!!"
Ramdam ko ang kirot sa balikat ko dahil sa pagbaon ng pana dito pero mas nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Nanlalabo ang paningin ko habang unti unting bumabagsak ang aking katawan sa lupa.
Bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman kong may kumaladkad sa akin, at may narinig pa akong sumisigaw ng pangalan ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon, ang boses na gustong gusto kong pakinggan sa araw araw.
"Sync.."
Mahina kong bulong bago tuluyan na akong mawalan ng malay-tao.
"Iligtas mo ako Sync.."
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top