Chapter 50
Chapter 50: The Princess of Darkness
Lilian's Pov
Tinignan ko ng masama ang limang espiyang estudyante sa harap namin. Hindi ko akalain na sila pala ang mga espiya dito. Nangunguna sa kanila sina Violet at Sky.
Tinignan ko si Violet ng masama pero isang ngisi lang ang iginanti nya. Kaya pala bigla nalang silang nawala dahil naghahanda na sila sa pagsugod. Ang galing naman nilang magtago, pero noon paman may hinala na akong may mali sa kanila eh.
Kasama pa nila ang tatlong estudyante, isang lalaki na may eyepatch sa kanang mata at dalawang babae na kambal. Hindi ko sila kilala pero nakikita ko sila noong nagtatraining kami at oo medyo nagkaroon ako ng masamang kutob sa kanila.
"Hindi naman hahantong sa ganito kung ibibigay nyo nalang ng kusa ang aming prinsesa.." nakangising sabi ni Sky.
"Kahit daanin nyo pa sa dahas hindi parin namin ibibigay si Lilian sa inyo.." masungit sa sabi ni Emerald.
"Oo nga at huwag nyo ngang matawag tawag na prinsesa si Lilian! Hindi nyo sya prinsesa no!" segunda din ni Cryztal.
"Hahaha! Kahit kelan talaga napaka bitch ninyong apat. Pero mas bitch parin ako.." huh! talaga nga naman si Violet oh.
"Hoy huwag mo nga kaming itutulad sa ugali mo!!" nag aalburutong sabi ni Emerald.
"Tumigil na nga kayo, ang mabuti pa simulan na natin ito.." nababagot na sabi nung may eyepatch.
"Tss.. ang sabihin mo excited ka ng iuwi si Lilian sa atin para maka score ka na!!" naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Sync sa kamay ko. Tinignan ko sya at kita ko kung paano magliyab sa galit ang mga tingin nya dun sa eye patch guy. Parang anumang oras manlalapa na ng tao. Naku patay kang bata ka!
"Kahit anong gawin nyo hindi nyo mahahawakan si Lilian, kaya ang mabuti pa umuwi nalang kayo.."
"Hahaha! Sa tingin nyo pinatay namin lahat ng dark shadow para lang sumuko kung kayo na ang kalaban? huh! Asa!!"
"Eh kung ganun ano pang dinadada natin dito?" supaldang tanong ni Candy habang naka cross arms.
Tumunog ng napakalas ang horn na dala nila dahilan para mapuno ng kakaibang enerhiya ang paligid. Parang dalawang enerhiya ang naglalaban sa pagitan namin.
"SUGOD!"
"SUGOD!"
Nagpalabas na ako ng water sword at naghanda na sa pagsugod. Pero bago pa ako tumakbo hinawakan ni Sync ang braso ko.
"Please be careful, I-I dont want you to get hurt.." bakas sa mukha nito ang pag aalala. Kaya para maibsan ito. Hinalikan ko sya sa pisngi.
"I wont get hurt because you wont let that happen, I know that.." kita ko kung paano ngumiti sa tuwa ang mata ni Sync. Oo ang mata nya dahil hindi man ngumiti ang labi nya kita ko naman sa mata nya kung paano ito sumaya.
Dali dali na akong sumugod at walang habas na pinagtatarak ng water sword ang mga titans na sinusubukang harangan ang daanan ko. Tumalon ako sa kabilang dako at tinulungan si Emerald sa kalaban nya. Medyo madami kasi ito. Nagpalabas ako ng water bombs at pinasabo ito sa direksyon ng mga titans na susugod sana sa amin.
"Illie francio.."
Kasabay ng pagbigkas ni Cryztal noon ay ang pamumuo ng kakaibang bola sa kalangitan at ang pagbagsak nito sa lupa. Lahat na matamaan nito ay nagiging abo kaya todo iwas din kami. Pasalamat dahil nabawaan ng ilang porsyento ang mga titans dahil ang ilan sa kanila ay may mga shield.
Nagpalabas pa ako ng water spike sa iba ibang direksyon at may natamaan akong isang titan sa puso. Natumba ito sa lupa kasabay ng pag usok at pagkawala nito.
"Hello Legendary Alcidae..."
Agad kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang boses na iyon sa likuran ko. Hinarap ko ito with my bored look. Naiinis ako dahil nakangisi ito sa akin ngayon.
"Alam mo nagtataka din ako kung bakit ka naging prinsesa namin eh.."
Nag cross arms ako. "Huwag mo ngang banggitin ang salitang iyan sa harap ko. Ang pangit kasi pakinggan na magiging prinsesa nyo ako.."
"Haha! Kahit kelan talaga napaka bitch mo. Pero kahit anong gawin mo magiging PRINSESA ka namin, at darating ang araw na ipapakasal ka na sa PRINSIPE namin..."
Napakunot ang noo ko. Ano daw? ipapakasal ako sa prinsipe nila? may prinsipe sila? Ewan ko pero iniisip ko palang ang bagay na iyon gusto ko ng ibalibag ang tao sa harap ko.
"That would never happen!!"
"Yes it will tignan mo ang paligid mo.."
Nilibot ko ang tingin ko at parang sinaksak ang puso ko ng makita na marami na palang mga estudyante ang puno ang sugat at galos. May iilan na hawak na ng mga titans at anumang oras pwede ng mawalan ng hininga.
Napatingin ako kay Flynn na kasalukuyang kalaban ang isang halimaw na gawa rin ng titan. Pinaaulanan nya ito na napakaraming lightning bolts. Halata narin sa mukha nya ang pagod dahil sa labis na kawalan ng enerhiya.
Si Cryztal na kasalukuyqng kalaban si Sky. Kita ko ang pagod sa mga mata nya dahil sa pagcacast ng maraming spells. Tinulungan sya ni Emerald at Candy kaya medyo nakahinga narin ako.
Sa kabila naman si Doyle at Mint na sabay na sinusugod ang kambal na babaeng espiya, may kapangyarihang metal manipulator ang isa sa kanila at ang isa naman ay ang mind control. Kulay ube narin ang buong katawan ni Mint dahil nilabas na nya lahat ng poison na nakatago sa katawan nya. Hinanap ko agad si Sync at nakita ko syang nakikipaglaban dun sa eyepatch guy.
Ramdam ko ang kakaibang enerhiyang nakapaloob kay Sync ngayon, Parang gusto nyang pakawalan lahat ng mga dark guardians nya sa katawan nya. Yung eyepatch guy namnn ayun naka chill lang na nakatingin sa nagbabagang mata ni Sync.
"Oh ano? Kamusta sa feeling na nahihirapan ang mga kaibigan mo dahil sa IYO?!"
Agad ko syang nilingon at tinignan ng masama. "Huwag mo akong mamaliitin dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kung gawin sayo.."
Ewan ko pero pakiramdam ko gusto kong magwala dito ngayon. Puno ng galit ang mga mata ko. Gusto ko na talaga silang mawala lahat. Kung kaya ko lang sana gawin iyon sa isang pagaspas ng pakpak.
"Eh sa pinapakita mo kasi binibigyan mo ako ng dahilan na MALIITIN KA.."
Thats it! Hindi ko na kaya!
Naramdaman ko kung paano sumakit at humapdi ang likod ko. Parang may kung ano na gustong lumabas mula doon. Pati narin ang paningin ko ay unti unti ng lumalabo. Ramdam ko ang kakaibang enerhiyang dumadaloy sa bawat parte ng katawan ko. Ang lakas, napakalakas ng kapangyarihang kumakawala sa katawan ko.
At ng buksan ko ang mata ko.
Nakita ko nalang ang sarili ko na nakalutang sa ere dahil sa puti at itim na pakpak. Nag iba narin ang damit ko. Kita ko kung paano magulat ang lahat dahil sa pagtatransform ko sa pagiging Legendary Alcidae. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at isang ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Lalo na kay Sync na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
Binaling ko ang tingin ko sa mga kalaban nila, lalo na kay Violet. Halata ang pagkagulat at pagka irita sa mukha nya. Malamang hindi sya makakalaban kung nasa ganito akong anyo dahil alam nya na hindi nya mapapantayan ang kapangyarihan ko.
"KAHIT KAILAN TALAGA NAPAKABWISIT MO!!" nanggagalaiti nitong sabi at agad akong sinugod habang nasa ere.
Ramdam ko ang kakaibang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ang enerhiyang iyon na kumawala sa kamay ko. At pagmulat ko.
Nanlaki ang mata ko ng lumabas ang isang wind ball sa kanang kamay ko habang isang fireball sa kaliwang kamay. Ang ganda nilang pagmasdan. Nakakacontrol na ako ng tatlong elemento?
Hindi na ako nagdalawang isip at tinapon ko na agad ang dalawang bola na iyon papunta kay Violet. Isang malakas na pagsabog ang naganap. Ng mawala ang usok, nakita ko nalang na nakahandusay na sa lupa ang galos galos na si Violet.
"Hindi kailanman matatalo ng kadiliman ang liwanag..."
Kita ko kung paano mawala sa harap nina Sync ang mga kalaban nila at pumunta sa pwesto ni Violet. Tinulungan nung kambal na babae si Violet tumayo habang iyong eyepatch guy naman ay mataman na nakatingin sa amin.
"Nanalo kayo sa araw na ito, pero tandaan nyo, gagawin ng aming panginoon ang lahat para lang mabawi ang kanyang prinsesa! At sa pagbabalik namin, makuha na namin sya!" sabi nung eyepatch.
"At talagang babalik pa talaga kayo? gusto nyo pa talaga ulit masaktan?" nanghahamon na tanong ni Flynn.
"Umalis na kayo! At sabihin nyo sa Panginoon nyo, maghanda sya dahil napakaraming sapak ang aabutin nya sa akin dahil sa panlolokong ginawa nya.." dugtong pa nito. Pero teka? Kilala ni Flynn kung sino ang Panginoon nila?
Tinignan ko si Flynn pero isang ngiti lang ang iginanti sya. Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko si Sync na matamang nakatingin sa mga kalaban namin.
"And before you leave, tell my fucking brother which is you idiotic lord to wait for me because I will surely turn him into ash.." matigas na sabi ni Sync.
Teka ano daw??!
"And before you leave, tell my fucking brother which is you idiotic lord to wait for me because I will surely turn him into ash.."
S-s-s-si Drake ang Panginoon nila? Ang prinsipe nila? OMG!! Pero bakit?
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita.." and with that they all dissapear in front of us.
At doon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod. Pakiramdam ko ang sakit sakit ng buong katawa ko.
"Are you okay?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Sync. Tinignan ko ang kabuuan nya, puno ng galos ang katawan nya. Hindi lang naman sya ang puno ng sugat dito, marami sa kanila ang puno ng sugat. At dahil iyon sa akin..
"Shhh.. dont cry, dont blame yourself okay? Its not your fault.." napaiyak nalang ako lalo dahil sa paghagod ni Sync sa likod ko.
"H-hindi k-kasa..kasalanan ko to.."
"Ano ka ba Lili girl, hindi mo to kasalanan no. Kasalanan ito ng mg freaky titans na iyon.." rinig kong sabi ni Emerald.
"Oo nga kaya huwag ka ng umiyak dyan.." sabi din ni Candy.
Nang mahimasmasan na ako, bumitaw narin ako sa pagkakayakap kay Sync pero hinawakan nito ang kamay ko kaya hindi rin ako nakalayo.
Hinarap ko silang lahat, Emerald, Flynn, Candy, Doyle, Mint, Cryztal, at....
"Teka asan si Drake??" takang tanong ko ng hindi ko makita si Drake. At bigla nalang nagflashback ang sinabi ni Sync kanina.
"And before you leave, tell my fucking brother which is you idiotic lord to wait for me because I will surely turn him into ash.."
"Kailangan nating mag ingat, dahil simula palang alam na ni Drake ang plano natin.." kita ko ang sakit sa mata ni Cryztal ng sabihin nya iyon. Alam ko mahal nya si Drake, kaya hindi ko sya masisisi kung ganito nalang sya masaktan.
"Pero Sync diba kapatid mo sya? Bakit hindi mo manlang alam ang tungkol dito?" binaling ko ang tingin ko kay Sync. Oo nga diba magkapatid sila? Bakit hindi nya alam? Hindi kaya??
"Dont look at me like that Lilian. I am not one of them, we are far from close with Drake, kaya wala akong pakialam kung ano man ang gawin nya.." sabi nito..
"Pero, bakit wala manlang kayong ediya sa mga kinikilos nya? I mean, Si Reyna Lara diba si Drake naman talaga ang totoong anak? Ano yun pati si Reyna Lara masama rin?" I may sound rude pero gulong gulo na kasi ako.
"You know Lilian, It really hurts when you are thinking that I am one of those shit. But involving my mother in this confrontation? Tss..." napayuko nalang ako dahil sa sinabi ni Sync. Naguguilty ako, pero masama bang magtanong? Naninigurado lang naman ako.. tsaka hindi ko naman ponagdududahan ang mama nya. I was just asking.
"S-sorry.." I said almost whispering.
I heard a deep sigh.."I need to go.."
Naramdaman ko ang balikat nya na dumampi sa balikat ko. Ramdam ko rin ang luha ko na nagpapatakan na. Ang sama ko na ba sa lagay na yun? Eh sa nagtatanong lang naman ako eh? At bago pa sya makalampas sa akin binulong nya ang salita na mas lalong sumaksak sa puso ko.
"It really hurts especially it comes from your love.."
Napahagulgol nalang ako dahil doon. Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko.
"Lil tahan na.."
Mas lalo na akong naiyak ng yakapin ako ni Emerald at Cryztal.
"Ang sama ko.."
"Shhh..."
Sorry... sorry .. Sorry Sync..
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top