Chapter 48
Chapter 48: Titan and Shadows
Sync's Pov
"Nalalapit na talaga ang pinangangambahan kong araw. Hindi ko akalain na dito parin pala hahantong ang lahat."
Iyan ang mga katagang sinabi sa amin ni Mr. Krypton matapos naming sabihin sa kanila ang nagyari kay Lilian. Andito kaming lahat sa isang mahabang lamesa sa loob ng water palace.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" takang tanong ni Flynn.
"Matagal na panahon ng pinagtatangkang kunin ng mga dark shadow at titan ang apat na elemento sa Mount Corvus. At mas lalo lang silang naging interesado doon ng malaman nilang isinilang ang anak ng puting buwan." Wika ni Mr. Krypton.
"Sinasabi na kapag ang anak ng puting buwan ang syang magbubuklod ng apat na elemento ay magiging mas makapangyarihan pa ito kesa sa inaasahan mo.." dugtong naman ni Reyna Atlanta.
"Kung ganun edi ipagbuklod nalang natin kay Lilian ang apat na elemento para isang tira lang patay na ang titans at dark shadow.." suhestyon ni Doyle.
"Kung ganun lang sana kadali iyon ay matagal na nating ginawa, pero hindi, lalo na at hindi ganap na anak ng puting buwan si Lilian dahil may dugo din ito ang pulang buwan.." - Reyna Iliena
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila dahil hindi parin mawala sa isip ko ang kalagayan ni Lilian ngayon.
"Pilit naming itinago si Lilian sa loob ng mahabang panahon, ipinaubaya namin sya sa isang mag asawang hindi pa nagkakaanak, hindi namin sinabi kung ano ba talaga ang totoo nitong pagkatao pero dumating ang araw na nalaman ng mga aphriza na alipin ng mga titans kung saan nagtatago si Lilian.."
"Simula ng mapaslang ng mga aphriza ang mga magulang ni Lilian hindi na kami tumigil na bantayan sya, hanggang sa napagdesisyunan naming ipasok sya dito sa Lailana dahil alam naming mas ligtas sya dito.."
"Pero hindi na sya ligtas ngayon, tayo. Lalo na at may kakaibang nangyayari kay Lilian" nalulungkot na sabi ni Emerald at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpatak ng luha nito. Alam ko ang nararamdaman nya, bilang isang matalik na kaibigan napakasakit na makitanc nahihirapan ang kaibigan mo.
"Kaya nga hininhingi namin ang inyong kooperasyon para protektahan ang white moon's heir at ang buong Lailana. Dapat manaig ang liwanag laban sa kadiliman..." sabi ni Haring Andres.
"Makakaasa kayo mahal na hari.." magalang na sabi ni Drake. Tinignan ko lang sya at napatingin sya sa akin, he just smirked at me kaya tiim bagang na iniwas ko ang tingin ko. Ayokong mag umpisa ng gulo dito..
"Maaari na ninyong balikan si Lilian doon, pero alalahanin nyo na pwede kayong mapahamak sa oras na sundin nyo ang awa sa mga puso nyo.."
Matapos ang lahat ay naglakad na kami pabalik ng clinic. Tahimik lang kami habang naglalakad. Walang balak magsalita dahil ramdam ang kakaibang aura na nakapalibot sa paligid.
Napatingin ako kay Flynn na nakahawak sa kamay ni Emerald na tulalang naglalakad. Napatingin din sya sa akin at binigyan ng makahulugang tingin.
Pagdating namin sa clinic ay agad na sumalubong sa amin si Eunie.
"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng pumasok.."
Napakunot ang noo ko. "And why?" I said in an irritated tone.
"M-mas naging malala kasi ang pagwawala ni Lilian.." sabi nito at mababakas sa mukha nya ang takot. Napatingin ako sa kamay nya at nakita ko doon ang bahid ng dugo. Agad din nya itong itinago kaya tinignan ko sya ng masama.
"What the f*ck happend?" may pagbabanta sa tanong ko kaya nasindak sya. But this time I really dont care on everyone.
"T-t-tignan mo nalang sa loob, pero ikaw lang mag isa.." sabi nito.
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at agad kong pinihit ang pinto para makapasok. At halos manlambot ang buo kong sistema ng makita ko si Lilian.
Puno ng dugo ang damit nito. Agad ko syang nilapitan at doon ko nakita ang bahid ng dugo na nagmumula sa ilong nya pati narin sa gilid ng bibig nya.
Agad ko itong pinunasan ang tela sa tabi nito. Pati narin ang kamay nito na may bahid din ng dugo. Naramdaman ko nalang na namamasa na ang pisngi ko pati narin ang pagbasa ng braso ni Lilian. Hinalikan ko ang kamay nito at tahimik na umiyak.
"I know you are fighting Lilian, please keep on fighting.. I want to see your smile again.. I love you Lilian.. I love you my princess.."
Ang mga salitang iyon ang paulit ulit na binubulong ko kay Lilian. She dont deserve to suffer this shit. She is so good to feel this pain. Alam ko na nahihirapan na syang makipaglaban sa sarili nya. Pero alam ko rin na kinakaya nya lang ito para maprotektahan kami.
Hinawakan ko ang kadena na nakagapos na katawan nya. Mas dumami na ito kesa kanina. Sinubukan kong buksan ang lock nito pero hindi ko rin tinuloy.
"Kanina lang nagulat ako ng masira nya ang kadenang nakagapos sa kanya at bigla nalang natumba habang may lumalabas na dugo mula sa ilong at bibig nya.." paliwanag ni Eunice.
Hinalikan ko ulit ang kamay ni Lilian at hinaplos ang pisngi nito. Mabuti nalang at wala ako dito nung mangyari iyon dahil baka pati ako mawalan din ng ulirat. Pero dapat nandito din ako para ako ang unang sasalo sa kanya ng matumba sya. Yes hindi pa kami official pero I know deep inside my heart. Shes the one and only one.
Ilang minuto lang ako sa ganung posisyon ng gumalaw ang noo nito. Unti unting minulat nito ang mata nya at nagpalinga linga sa paligid.
"Sync?" nagtataka nitong tanong ng makita nya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya habang hindi tumitigil kumawala sa mata ko ang mga traydor ko luha.
"Are you okay princess??" tanong ko dito.
"B-bakit ako nakakadena dito? Napapagod na ako kakahiga Sync nasasaktan narin ako dito sa kadena..P-pwede bang kalagan mo na ako?" tinignan ko ang mata nya pero iniwas ko rin dahil ayokong makita ang mga mata nya na puno ng sakit.
"Im sorry but I cant do that princess.."
"B-bakit naman??" bigla ko syang niyakap ng magcrack ang boses nito.
Ayokong makita syang umiiyak. Nasasaktan. Dahil triple ang balik nito sa akin.
"Sync nasasaktan na ako, pakawalan mo na ako dito s-sige na, pagod na akong humiga dito.." she said between her sobs.
"Shh dont cry please it really breaks my heart.." sabi ko habang hinahagod ang likod nya.
"Sync.... Sync..... Sync.... Hahaha!Namimiss mo na ba ang Lilian mo?!?"
Napalayo ako agad ng mag iba ang boses nito. Napalitan nanaman ng kakaibang aura ang mukha nya. Her eyes turned red. Nasasaktan akong tignan sya sa ganitong sitwasyon.
"Sync lumabas ka na! Ako ng bahala dito!" sabi sa akin ni Eunice pero hindi ko iyon pinakinggan.
I took a deep breath at nilapitan si Lilian. Nakangiti lang ito na parang demonyo sa akin. Hinuli ko ang kamay nya at hinawakan iyon.
"Hahaha! Hindi na babalik si Lilian!Papatayin ko sya!"
Kahit gusto kong saktan ang halimaw na kaharap ko ngayon pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil hindi naman sya ang masasaktan kundi ang mahal ko.
"Lilian please fight, be strong princess. Labanan mo ang halimaw na ito.." sabi ko dito habang nakasandal sa kamay nya na hawak ko.
"Hahaha! Hindi na ako matatalo ni Lilian!! Unti unti kong papatayin ang babaeng ito!!"
"DONT YOU DARE TO DO THAT BECAUSE I WILL SURELY KILL YOU!" hindi ko na napigilang sigawan ang walang hiyang halimaw sa harap ko.
"Sync lumabas ka na.."
"No! I will stay here.." matigas na sabi ko.
"S-sync tulungan mo ako.." agad kong nilapitan si Lilian ng bumalik na sya sa dati. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"Napapagod na ako S-sync! H-hindi ko sya kaya. P-pagod na ako.." sabi nito.
Umiling ako. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa noo. "Please fight! Turulungan ka namin basta lumaban ka, kasi hindi kami susuko.. kaya huwag kang sumuko.."
"Ang s-sakit na kasi Sync.."
"No! Dont let her eat you please, Im begging you be strong princess.." umiiyak lang ito habang umiiling. Dahan dahan nya ring kinukuha ang kamay ko sa pisngi nya.
"L-lumabas ka na, hayaan mo na ako d-dito.."
"No I wont leave you here.."
"S-Sync sige na wag na matigas ang ulo. P-pagod na ako, magpapahinga lang ako." I look intently in her eyes. Pero iniiwas nya lang ang tingin nya.
"Promise me your gonna be okay. Promise me all of this will be okay.."
Tinignan nya ako. Tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha sa mata nito. Ngumiti sya. A sad smile.
"I-I promise..." sabi nito. I kiss her on her lips and on her forehead.
I hold her hand and kiss it. Tinignan ko sya sa mata.
"Andito lang ako sa labas. Dont hesitate to call my name when you need help.."
Isang tipid na ngiti ang tango lang ang ginawa nya. Masakit na talikuran ko sya pero unti unti kong tinungo ang pinto. Tinapik ni Eunie ang balikat ko ng nasa bungad na ako ng pinto. Kasabay ng pagsara nito ng pinto ang panlalambot ng tuhod ko. Unti unti akong napaupo sa sahig at ang pag agos ng luha sa mata ko.
Nilapitan ako ni Cryztal at niyakap. Hinavod nito ang likod ko pero tinulak ko lang sya ng mahina. Tumayo na ako at naglakad palayo.
Pumunta ako sa harap ng dark forest. Pinagbabawalan na pumunta dito ang sinuman dahil maraming masasamang elemento ang gumagala dito.
I call my guardian using my mind..
"Medusa.."
"yes Sync.."
"Pumunta ka dito sa dark forest, sasama ako sayo sa mga titans.."
A few second nasa harap ko na si Medusa. Nakadisguise ito na isang titan. She has a black wing and a tattoo on her cheecks.
"Alpha.."
I call for my guardian. Lumabas ng itim na usok sa katawan ko kasabay ng pagbalot nito sa akin. Nawala ito and I found myself turned ito a titan. Alpha is my disgiuse guardian.
Titan's Pov
"Kapitan malapit na pong bumalik ang ating prinsesa.."
"Magaling!
Ihanda ang lahat ng kawal, susunduin na natin ang ating prinsesa at prinsipe.."
Dark Shadow's Pov
"Hindi maaring magtagumpay ang mga titans! Ihanda ang lahat ng kawal!Patayin ang babaeng nakatakda!!"
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top