Chapter 46

Chapter 46: Welcome! Demon!

Lilian's Pov

Pagkatapos kong magbihis ay napagdesisyunan kong pumunta sa cafeteria para kumain ng miryenda. I feel my stomach is searching for cheese and milk.

Payapa ako habang naglalakad at patingin tingin sa mga estudyanteng pabalik balik na ewan ko kung saan pupunta. Magagabi narin kasi dumidilim narin ang paligid. Agad akong napayakap sa sarili ko ng humampas ang malakas na hangin sa balat ko.

"Hi there!!"

Masayang lumapit si Lucia sa akin na abot tenga ang ngiti.

"You did that right?" tanong ko dito kaya mas lalo lang syang ngumiti.

"Sorry cant help it.." sabi nito na parang sinasabi sa akin na hobby na nyang paglaruan ang mga nakakasalamuha nya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito na nakikisabay narin sa lakad ko.

"Cafeteria.." sagot ko dito.. "Sama ako.."masaya nyang sabi.

"Bakit hindi ka na ba sumasama sa lagay na to?" I said that makes her pout.

"Sorry cant help it.." I said mimicking what she said kaya natawa kaming dalawa.

Ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Parang komportable ako kapag kausap at nakikipagtawanan sa kanya. Parang I already know her. Minsan nga iniisip ko na baka kapatid ko sya kasi kahulma nya ang mukha ng kapatid ko. Pero natatawa nalang ako sa ideang iyon dahil unfortunately wala na ang kapatid ko.

"Hey tahimik mo ah?" nabalik lang ako ng tapikin ako ni Lucia.

Umiling ako.. "You just remind me of someone close to me.."

Tumango nalang sya sabay ngiti.. " I think she's preety important to you.."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa cafeteria. Naghanap kami ng mesa at doon namin napagdesisyunang umupo sa may glass banda. Ako na ang nagpresintang bumili ng snack. Pagbalik ko nakita ko na nakatulala si Lucia sa glass.

Inilapag ko ang tray sa mesa at umupo sa harap nya. Tinignan nya ako at ngumiti.

"Wow favorite ko to!!" sabi nito sabay kuha ng cheese sandwich at milk.

"You also like that? Sana sinabi mo para dalawa nalang ang binili ko.." sabi ko kasi para sana sa akin iyon.

Doon naman sya natauhan kaya agad nyang ibinalik ang pagkain sa tray at kinuha iyong isang sandwich.

"Hehe ok lang, favorite mo nga pala yung milk at cheese."

That snap me. Why did she know?

"I-I mean, kakasabi mo lang kasi na favorite mo kaya ayun.."

Hindi ako komportable habang kumakain. Maging si Lucia ay iniiwas din ang tingin sa akin. Something is bothering me. Feeling ko kilala na nya ako. And that creeps me out.

Ilang minuto pa ang itinagal ng pagkekwentuhan namin. I try to break the ice between us para hindi maging awkward ang atmosphere. And luckily, naging masaya naman ang kwentuhan namin.

Umalis din naman sya agad kasi may nagpadala daw ng message sa kanya through air. Ang astig nga kasi isipin mo, hangin tapos kaya mong ibulong doon ang gusto mong iparating sa taong kakausapin mo. Amazing.

Tahimik na naglalakad ako palabas ng cafeteria. Nagpadala nalang ako sa mga paa ko kung saan man ako gustong dalhin nito. And I found myself in front of mystic garden. Pumasok ako doon and I cant help myself to feel amused because of the amazing sceneries in front of me.

Wala paring pinagbago ang ganda nito. Umupo ako sa damuhan at hinayaang humaplos ang malamig na hangin sa balat ko. This is really relaxing. Pakiramdam ko gumaan ng sixty percent ang pakiramdam ko. This is what I want. To be relax and to feel relax.

Ang dami na kasing nangyayari noong nakaraang araw. At halos sumabog na ako sa sobrang pagod dahil sa training namin. Gusto ko mang magpahinga muna pero hindi naman pwede dahil sa mga oras na to hindi dapat magpahinga.

Buti na nga lang at walang training ngayon, napagod din ata ang mga guro. And that is preety relieving. Siguro mga six na ito. Medyo madilim narin kasi ang paligid.

Tumayo na ako at nagdesisyong bumalik sa dorm. Baka hinahanap narin kasi ako nina Cryztal baka maghesterical nanaman si Emerald at Candy.

Hahakbang na sana ako ng may bigla nalang humigit sa kamay ko at kinaladkad ako palabas ng mystic garden. Hindi ko halos makita ang daanan dahil madilim nadin ang paligid. Wala kasi masyadong ilaw dito sa mga gardens, tanging ang ilaw mula sa buwan lamang ang nagsisilbing liwanag dito.

"Aray naman!" bakit ba kasi bigla nalang tumigil sa paglalakad kaya ayun sapol ang ilong ko sa likod nya.

"Tss.." at doon ko nalaman kung sino ang walang habas na humigit sa akin kaya nagkanda dapa dapa ako at nauntog na ang ilong ko.

"Ano nanamang trip to Sync ha?" masungit na sabi ko.

"Is that your way on saying thank you?" pabalang na sagot nito. Natahimik naman ako, oo nga pala hindi pa ako nakakapagthank you sa kanya. At isa pa, hindi pa naibibigay ni Mr. Krypton ang parusa sa amin ni Sync. Teka? sino ba ang natalo sa amin eh halos sabay naman kaming bumagsak doon sa may bilog?

"Let's go.." at hinila nanaman ako nito papasok sa loob ng fire palace. Oo kaya pala ang layo ng itinakbo namin dahil dinala pala nya ako sa palasyo nila. May mga nadaanan kaming mga tagasilbi kaya nailang ako tuwing yuyuko sila at magbibigay galang. Alam ko naman na si Sync yung niyuyukudan nila pero ako yung nahihiya. Oo mukhang feeler ako. Bakit ba?

Hapong hapo ako habang paakyat kami sa paikot ikot na hagdan. Saan ba kami pupunta?

"S-shaan bha tayo p-puphunta?" nahahapo kong sabi habang sapo ang dibdib at napaupo nalang sa baitang doon.

"Tayo na dyan, were just a step close.." sabi nito pero hindi parin ako tumayo. I need to breath.

"Tss..."

"KYYAAHH!! ANO BA IBABA MO AKO?!"

Pano ba naman kasi bigla nalang akong binuhat ni Sync na parang sako. Puro pagpupumiglas lang ang ginawa ko pero natigil din ako dahil wala parin namang nangyayari.

"Aray naman.." reklamo ko ng bigla nalang ako nitong ibinaba sa kung saan.

"Thank you ha??!" I sarcastically said and role my eyes.

Naglakad na si Sync doon sa may bintana banda at binuksan iyon. Tumambad sa amin ang sinag na nagmula sa buwan. Ano nanaman kaya ang trip nya? Tinignan ko kung saan kami at doon ko lang narealize na parang nasa loob pala kami ng torre. Kaya naman pala paikot yung hagdan na inaakyatan namin kanina.

"Anong ginagawa mo??!" natataranta kong tanong dahil bigla nalang ako nitong hinila palapit sa may bintana. Balak ba akong ihulog ni Sync dito?

"Just hold my hand.." sabi nito at nauna ng umakyat doon sa may bintana. Tumalon sya doon sa may bubong na hawak parin ang kamay ko.

"Now come here.." sabi nito pero umiling lang ako. Kung ano man ang trip nya wala akong balak sakyan iyon.

"Tss..."

"KYAAHH ANO BA??!"

Bigla nalang kasi nitong binuhat ang beywang ko para makapunta ako doon sa may bubong. Agad ako napayakap sa kanya dahil nakakalulang tumingin sa ilalim. Ang taas pala namin mula doon sa lupa. Nakita ko ang kabuuan ng paligid namin. May mataas na pole sa likod namin at sa itaas noon nakasabit ang pulang bandila na sumasagisag na fire palace.

Nasa tuktok pala kami ng fire palace. Kaya pala ang taas.

Inakay ako ni Sync papunta doon sa may flat surface ng bubong. Ako ito mukhang tuko na nakakapit sa kanya. Oy wag kayo nalulula lang kasi talaga ako sa pwesto namin. Nakahinga ako ng maluwag ng finally nasa flat surface na kami ng bubong. Although nalulula parin ako ok narin ito kesa doon sa may pa slide banda.

Kinuha ko na ang kamay ko na nakahawak kay Sync pero hinigpitan nya lang ang hawak doon. Inakay nya ako para makaupo tapos umupo din sya sa tabi ko. Without letting go of my hand.

Ramdam ko nanaman ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko tumatakbo ako ng ilang kilometro.

Katahimikan ang namalagi sa amin. Tanging ang huni ng mga ibon sa paligid lang ang naririnig namin. Malamang tulog na siguro ang mga tao dito.

Nakatingin lang ako sa buwan na syang bilog na bilog ngayon.

Ayoko namang magsalita dahil ramdam ko ang awkwardness sa paligid. Sync holding my hand and not uttering a word makes my heart jump out of my chest.

Ano ba tong ginagawa ni Sync.

"Staring is rude.."

Agad kong iniwas ang tingin ko dahil sa sinabi ni Sync. I feel my cheeks burning.

"A-ano ba kasing ginagawa natin dito?" tanong ko. Atlast I have my guts to speak now.

"....."

What do you expect from a Sync Ryker?

"I may be sound gay to you, but please listen on what I am saying.."

Natahimik ako sa sinabi nya. Bigla ding bumigat ang atmosphere. Kinabahan naman ako bigla.

"Alam ko unang kita mo palang sa mga mata ko gusto mo na akong pugutan at pagulungin ang ulo ko sa nagbabagang apoy..." wow hindi naman ako ganun ka harsh! But that's a good idea!

"But would you believe me if I will say that the first time I saw your eyes, It was the first time I told myself that damn shes gorgeous, but stupid.." A-ano bang pinagsasabi ni Sync. At ako stupid?! Ihulog ko kaya to dito?!

"Believe me, when I saw you crying infront of me and yelling at me, It really breaks my heart. I dont know how to ease your pain infact I am not into comforting someone.  So I just hugged you with all my might just to make you feel fine.." Bigla nalang nagflashaback sa isip ko ang nangyari noon sa cylinder den. Ang kauna unahang pagkakataon na niyakap ko ang taong kinamumuhian ko noon.

"Pero sa kabila noon It makes my heart happy, knowing that your in my arms. Kaya nga dinala or which I say kinaladkad kita sa mystic garden para sabihin sayo na hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo. I may be look scary and bad but I also have my soft flaws.."

"And that was really my first to kiss a girl.." At doon na ako namula. Naalala ko noon sa clinic kami, at nagwawala si Sync. F-firt kiss din nya yun? So pareho pala kaming first kiss iyon? Hindi ko alam pero napangiti ako.

"The feeling that your lips are againts mine makes my heart beats more fast. And bring happiness to my life."

"I know this is not the perfect time to say this but Lilian, I........... I love you..."

W-w-what did he just say?!

M-m-m-mahal ako ni Sync?!

Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi pa kasi ma digest ng utak ko ang mga confession ni Sync.

"Lilian....I love you.."

Paano ko ba to sasabihin?

Sasabihin ko ba... 'I love you too Sync' kasi ganun diba? Pag may nag I love you mag I-I love you too?

Pero hindi ko naman alam kung mahal ko ba talaga si Sync. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko iyon noon eh.

Masaya akong kasama sya kahit palagi nalang syang may dalaw. Tapos kahit palagi nya akong sinusungitan ok narin yun atleast kinakausap nya ako. Tapos kapag wala naman sya pakiramdam ko namatayan ako.

Ganun ba ang feeling kung mahal mo ang isang tao?

Yung ayaw mo syang mawala sa tabi mo? Kung yun nga, that only means one thing..

"I-I love y--------"

Lumayo sya ng konti sa akin habang nakapatong ang noo sa noo ko. Para nanaman akong tuod dahil sa biglang paghalik ni Sync sa akin. Nasa pisngi ko ang mga kamay nya. Holding my face while looking intentl in my eyes.

"You dont need to force your feeling... I can wait.."

I can smeel his minty fresh breath. Ambango, ang sarap amuyin.

I took a deep breath. I hold his face at tinignan ko ang mata nya, and there I saw what true love really is.

Hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala sa mata ko.

"I dont need to force my feelings, because I already know what is inside my heart. I love you Sync, and that is true.."

I said it. Now I already said it.

Kita ko kung paano maghuhumiyaw sa tuwa ang mata ni Sync. Hindi man sya ngumiti kitang kita ko ang saya sa mata nya. Thats the other side of Sync, hindi sya showy pero alam ko hes doing everything just for you to feel his love. Ngayon naniniwala na ako sa kasabihang

Action speaks louder than words...

And once again we kissed. The sweetest kiss ever.....

"I love you Lilian.."

"I love you too Sy-Aaahhhh!!"

"SHIT LILIAN??!"

Sinapo ko agad ang ulo ko ng bigla nalang itong sumakit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Pakiramdam ko sinusunog ang laman ko. Naiiyak na talaga ako sa sakit. I heard Sync shouting my name worridly.

Hindi ko na talaga kaya.

Nabigla ako ng marinig ko ang boses sa likod ng isip ko.

"Hahaha Lilian! Sa wakas lalabas na ako! Makikita narin ako ng lahat!!"

And everything went black.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top