Chapter 42

Chapter 42: Training Day 1

Lilian's Pov

Kinaumagahan ay kaagad kong sinugod ang upisina ni Mr. Krypton. Padabo na binuksan ko ang pinto nito at agad na hinanap kung saan sya nagtatago.

"Oh Lilian anong kailangan mo??" kaswal na tanong nito ng makita nya akong nakapameywang na nakatingin sa kanya.

"Why did you locked me with that asshole??" galit na tanong ko dito.

"Ahh yun ba? Akala ko kasi gusto nyong magsolo kaya iniwan ko na kayo.." nagpanting naman ang tenga ko sa ediyang sinabi ni Mr. Krypton.

"Arrgghh!!!" galit na binalibag ko ang pinto at galit na naglakad palayo sa office ng bigla nalang may humatak sa kamay ko.

"Gosh! Saan ka nanaman nagsusuot ha?" pagtingin ko si Emerald pala.

Frustrated na napakamot ako ulo. "Mahabang estorya.."

"Hay naku! Tara na nga may training daw tayo ngayon.." napahinto naman ako dahil doon.

"Ngayon na??" takang tanong ko. Weird naman na tinignan nya ako at tumango.

Pasimple nalang akong napakamot ng ulo. Sasabihin ko sana na hindi muna ako sasama pero bigla nalang akong kinaladkad ni Emerald.

"No buts..." wala na akong nagawa kundi magpahatak sa kanya papunta sa hall. Gusto ko pa sanang mag emote at kamustahin si Drake pero mukhang wala na akong kawala dito.

"Here.." agad kong sinambot ang ibinato ni Emerald sa akin ng makarating kami sa hall. Takang tinignan ko ito.

"That is our uniform from now on while we are in training.."

Tumango nalang ako at kinuha sa supot yung uniform. Nagtaka nalang ako dahil isang normal na square na tela lang ito. Pano naging uniform ito? Balak ata kaming gawing prostitute sa suot na to.

"I know what your thinking Lili girl, but its not.." namula naman ako sa sinabi ni Emerald. Ganyan ba ako ka obvious? Tinignan ko nalang si Emerald ng ipatong nya sa ground ang tela at tumuntong doon.

My eyes grow bigger ng bigla nalang lumaki ang tela at parang jelly na gumapang sa katawan ni Emerald. Napakafit nito kaya nabulgar ang kurba ng katawan ni Emerald at inaamin ko ang sexy nya. Bigla nala ang syang nagposing sa harap ko na parang isang superhero.

"Wow..." tanging naibulalas ko.

"Yiiee ang galing! Dali try mo rin!!" excited na sabi ni Emerald sabay hablot ng tela sa kamay ko at lapag sa ground. Tinulak nya ako papasok doon. Habang nakatayo naramdaman ko ang kakaibang enerhiyang nanggagaling sa telang iyon. Gumagapang ito papunta sa buong sistema ko at doon ko lang narealize na nakasuot na ako ng combat gear.

Katulad ng kay Emerald ay fit din ito kaya medyo nailang ako dahil nabulgar ang kurba ng katawan ko. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong suot.

"Yiiee Lili girl! Ang sexy mo!!" namula naman ako dahil sa kumento ni Emerald. Hinila na nya ako papasok sa loob. Pagpasok namin ay halos takpan ko ang katawan ko dahil sa sobrang kahihiyan.

The eyes please!

"There!!" turo ni Emerald sa mga kasama namin na masayang nag uusap sa isang tabi.

"Lilian hindi ko akalain na ganyan ka pala ka sexy.." bigla ko nalang binatukan si Mint dahil sa malalagkit na tingin nito. May pasipol sipol pa itong nalalaman! As in yuck!

"Tss..." napatingin nalang ako kay Sync ng bigla nya akong sinuotan ng itim na robe. Gusto ko sana syang sungitan pero naglakad na sya palayo. Niyapos ko nalang iyong robe at tumingin sa kaibigan ko.

"Aww.. The love is in the air.." panuksong sabi ni Flynn dahilan para mamula ako.

"Tch! Tama na nga yan naiinggit na kami ni Cryztal! Si Lilian nalang yung binibigyan nyo ng complement.." nakangusong sabi ni Emerald kaya natawa nalang kami.

"Ano ka ba Emz, yang katawan mo palagi ng nakareveal yan, si Lilian, minsan lang yan mag two piece.." agad naman hinampas ni Emerald si Doyle dahil sa sinabi nito.

"Anong gusto mong palabasin na flirt ako?!!" galit na tanong nito.

Hindi na sumagot si Doyle kaya nakatanggap sya ng malalakas na hampas. Tsk! kawawa nanaman sya, kasi ba naman sa amazona pa pumatol.

"Good Morning ladies and gentlemen.." agad kaming napalingon sa stage ng magsalita doon si Miss Sunny.

"Ngayon alam nyo naman na hindi na normal ang ating mga araw ngayon lalo na at nalalapit na ang pagbilog ng pulang buwan sa langit.." natahimik ang paligid at seryosong nakinig kay Miss Sunny.

"Kaya simula ngayong araw ay wala na tayong sasayanging panahon dahil bawat segundo nito ay dapat magensayo tayo at maghanda sa darating na digmaan.."

"Ngayon, kung nakikita nyo sa kanan nyo ay mayroon doong mesa na may ibat ibang itlog. Lumapit kayo doon at hanapin ang itlog na nakapangalan sa inyo.."

Iyon na ba ang training namin? Narinig ko na may nagtatawanan na tila minamaliit ang aming unang ensayo ngunit imbes na tumawa rin ako ay nakaramdam ako ng konting kaba at excitement. Alam ko na hindi madali ang mga ensayo namin kaya hindi ko dapat maliitin ang simpleng paghanap ng itlog na nakapangalan sa akin.

"Chicken lang pala itong ensayo natin eh! May pa combat suit pa tayo.." natatawang sabi ni Flynn kaya napailing nalang ako.

Marami na ang nagsilapitan sa mesa at ngayon ay nakatayo na kasama ang itlog na nakapangalan sa kanila. Nagsilapitan naman kami sa mga itlog namin. Nasa may pangatlong mesa ako napunta kasama ko dito si Mint, Candy at Violet. Sina Emerald, Flynn, at Doyle ay nasa unahan at sina Cryztal, Drake, at Sync ay nasa hulihan.

"Ngayon ang kailangan nyong gawin ay mailabas ang nakapasok na mga diyante sa loob ng itlog.." wika ni Miss Sunny kaya marami ang nagsabi na 'iyon lang pala'.

Pero bigla din silang natigilan ng marinig ang susunod na sinabi ni Miss Sunny.

"Pero kailangan hindi mapisa ang itlog habang kinukuha ito. Kaya dapat ninyong pumasok sa loob ng itlog para makuha ito..."

What?

Tinignan ko ang itlog sa harap ko. Kulay pula ito na may puti, paano ako magkakasya sa loob ng itlog eh mukhang kamay ko lang ang kasya doon eh. Tsaka sigurado akong mapipisa ang itlog kapag pinasok namin ang kamay namin doon.

Marami ang mga bumubulong at nagrereklamo dahil paano daw iyon. Maski ako ay napapakamot nalang ng ulo dahil wala akong ediya kung paano ko gagawin ang unang pagsubok.

"Mayroon lamang kayong isa at kalahating oras para matapos. Ang huling makagawa ay makakatanggap ng parusa.."

"Umpisahan na!!"

Nataranta naman ang lahat pati narin ako ng makita namin sa kalangitan ang napakalaking orasan na nakaset sa isat kalahating oras. Naging alisto ang lahat at nag isip ng paraan kung paano makapasok sa loob ng itlog. Ako naman hindi alam ang gagawin ko. Nagpasilip silip ako sa paligid kung may nakagawa na nga pero ni isa ay wala parin.

Paano ba ito?

Naghanap ako ng pwedeng gamitin at baka may secret keys dito na pwede kong gamitin. Ilang minuto pa ang nasayang pero ni isa ay wala paring nagagawa. Lahat ata kami mapaparusahan.

"Nakalimutan kong sabihin, sa ilalim ng mesa ninyo at may nakakalat na susi para mabuksan ang itlog hanapin nyo ang susi upang makapasok kayo.."

"What?! May susi naman pala!!"

Iyan ang mga sigawan na narinig ko pero hindi na ako nakisali at inumpisahan na ang paghahanap ng susi ko. Ang daming nakatambak na susi sa ilalim. Halos magkakamukha pa kaya nahirapan ako sa paghahanap. Hinakot ko lahat ng makuha kong susi at sinubukang ipasok doon sa maliit na butas na itlog pero nagiging abo lang ito patunay na hindi ito ang susi.

Maka ilang ulit pa ng paghahakot ng may makita akong kakaibang susi. Agad ko itong kinuha at pag angat ko nakita ko na may iilan na nakapasok sa loob ng itlog. Marami rami parin ang hindi pa nakapasok kaya mas lalo kong binilisan ang paghahanap. Nakita ko sa unahan na wala na si Emerald, Flynn at Doyle ibig sabihin nakapasok na sila. Ang galing naman.

Sinubukan kong ipasok ang susi pero naging abo lang ito. Napakamot nalang ako ng ulo at naghanap ulit. Hinakot ko na lahat ng susi at pinasok ulit doon. Tagaktak na ang pawis ko dahil umiinit narin ang paligid. Napatingin ako sa orasan. 30 minutes na ang nasayang ko. Nilibot ko ang tingin ko at konti nalang kaming natira na hindi nakakapasok. Lahat ata ng barkada ko nakapasok na ako nalang ang wala.

Yumuko ulit ako sa ilalim ng mesa at wala na akong nakitang kakaibang susi. Ano ba yan saan na yun? Humakbang ako palikod para tignan kung may nagkalat na susi at doon lang ako napatapal ng noo ng makita ko ang susi na kulay puti at pula sa damuhan. Hayy Lilian ang tanga mo talaga!

Agad ko itong kinuha at ipinasok doon sa loob. Kung alam ko lang na KANINA ko pa pala inaapakan iyon edi sana hindi na ako nagsayang ng tatlumpong minuto. Nagliwanag ang susi kasabay ng itlog hanggang maramdaman ko na hinihigop ako nito papasok.

Anong lugar ito?

Nilibot ko ang paningin ko at halos lumuwa ang mata ko dahil sa napakagandang kapaligiran. Bago pa ako matulala sa paligid ay agad na akong kumilos para hanapin ang diyamante dito. Pero napatigil naman ako sa pagtakbo ng may napagtanto ako.

Anong klaseng dyamante ang hahanapin ko?

Pikon na napakamot nalang ako ulo at napa upo sa damuhan habang tinitignan sa harap ko ang samut saring nagkikislapang dyamante.

NAMAN!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top