Chapter 41

Chapter 41: Trapped with you is HELL

Someone's Pov

Nakatingin lang ako sa maliit na pigura ng Lailana sa aking bintana ng bigla nalang may kumatok sa aking pinto. Pumasok ang aking kawal at lumuhod sa harap ko. Inaasahan ko na may maganda syang balita ngayon.

"Kapitan, buhay po ang Legendary Alcidae.." napangisi nalang ako ng marinig ko iyon. Hahaha! Akala siguro nila ay maiisahan nila kami? Pwes nagkakamali sila! Kailangan matupad ang propesiya kaya kinakailangang mawala sila sa landas namin.

"Magaling! Ihanda ang mga kawal, kailangan na nating makuha ang legendary alcidae, hindi pwedeng maunahan nila tayo.."

"Masusunod po.." at lumabas narin ito. Pinagpatuloy ko ang pagtanaw ng Lailana sa aking bintana, hindi rin magtatagal at mapapasakamay rin kita Lilian.

****

Sync's Pov

I glance at her while she is shouting and smiling over us. Malayong malayo sa aura nya noong nakaraang linggo.

Its been one week before that happened.

At senyales na iyon ayon narin sa nakasulat doon sa punit punit na papel. Agad akong napatalon ng bigla akong hatawin ng katana ni Drake. Muntik na ako doon ah.

Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan nya lang ako.

"Your not paying attention brother.." nakangisi nitong sabi sabay iling iling ng ulo.

Sinugod ko sya dala ang espada ko pero naka ilag lang sya.

Iyan lang ang ginagawa nya kaya mas lalo akong naiinis. Samahan pa ng mga tingin nya at ngiti. Sarap basagan ng mukha. Oo, iniisip nyo na magkapatid kami pero alalahanin nyo HINDI kami tunay na magkapatid. Lalo na at alam ko na may gusto rin sya sa babaeng gusto ko.

"Why so serious huh? May pinapabilib ka ba?" sabi nito habang umiiwas parin sa atake ko.

"You dont f*cking care" inis na sabi ko at nilakasan ang hataw ng espada dahilan para madaplisan sya sa balikat. Rinig ko ang hiyawan sa paligid lalo na ng mga kababaihan pero hindi ko na pinansin. Iisang hiyaw lang naman ang gusto kong marinig. Pasimple akong sumulyap sa direksyon nya at nakita ko syang masamang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya inirapan nya ako. Sh*t ako pa ngayon ang mali?.

"Tss.. " tanging naibulalas ko.

Tinignan ko nalang si Drake na ngayon ay nakahawak sa balikat nya. Nginisihan nya ako.

"You cant win over me Sync.." mapang asar nitong sabi at alam ko ang ibig nitong sabihin. Dahil doon hindi ko na napigilan ang sarili ko na magpalabas ng fire ball at tinapon sa direksyon nya.

Hindi nya siguro inaasahan ang atake ko kaya agad syang tumilapon palayo. Bigla namang natahimik ang paligid at tila gualt na gulat sa ginawa ko.

"Sync what did you do?!!" galit na bulyaw sa akin ni Aidan na syang incharge ng combat na ito. May lumapit na mga healer kay Drake at tinulungan itong tumayo.

"Ano bang pumasok sa isip mo at ginamit mo ang keep mo?" natatawang tanong ni Flynn na ngayon ay nasa tabi ko na pala.

"Hahaha.. siguro ginamitan ka nanaman ng pikon power ni Drake.." dugtong din ni Emerald kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Nakatingin lang ako ngayon kay Drake na inalalayan ng mga healer papunta sa H.C. Tumingin sya sa gawi namin at ngumisi dahilan para kumulo lalo ang dugo ko.

"Bawi ka nalang next time Sync.." tapik sa akin ni Mint kaya piniksi ko ang kamay nya.

"Okay lang yan Sync alam ko masakit.." sinamaan ko rin ng tingin si Candy ng sumali din sya sa usapan.

Pikon na naglakad ako palayo sa kanila dahil baka hindi narin ako makapagtimpi at pati sila mahiga sa H.C. Bago ako lumiko palabas ng hall ay sinulyapan ko muna si Drake na kasama si Lilian habang inalalayan nito.

Shit!

Bakit ganun? Ginawa ko naman ang lahat para magpa impress sa kanya pero sa kapatid ko parin sya lumalapit?Ano bang meron sa Drake na yun na wala ako?

Is it because he is nice and I am not?

Tss.. yun lang ba ang issue?

Then fine!

I will be good then...

But f*ck?!

How?

****

Lilian's Pov

Pagkarating namin sa H.C ay agad na dinapatan si Drake ng gamot. Pinapanood ko lang ang mga healer habang pinapagaling ang mga sugat at gasgas ni Drake. Ano ba ang pumasok sa kokote ni Sync at nagawa nyang saktan ng ganun ang kapatid nya?

Napaka childish naman nya kung ganun. Pasalamat nga sya at may kapatid sya na andyan sa tabi nya. Ewan ko pero bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko ang kapatid ko.

Noon halos hindi kami mapaghiwalay sa sobrang close pero ngayon, napabuntong hininga nalang ako dahil naalala ko nanaman ang nangyari noon. Nagbalik lang ang diwa ko ng may tumapik sa balikat ko.

"Okay na sya legendary alcidae.." magalang na sabi nung healer kaya nginitian ko sya. Lumapt ako kay Drale na ngayon ay nalangiti sa akin.

"Thanks..." sabi nito at hinawakan ang kamay ko, hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness dahil parang kapatid narin ang turing ko kay Drake.. "For staying by my side.." dugtong nito.

"Ano ka ba ok lang yun. Sige na pahinga ka muna.." sabi ko sa kanya at binitawan ang kamay nya. Mukhang ayaw pa nyang bitawan ang kamay ko pero wala narin syang nagawa kaya bumuntong hininga nalang ito.

"Pahinga ka na, mamaya babalik ako dito.." sabi ko sa kanya kaya wala narin syanc nagawa kundi ipikit ang mata nya. Nang maramdaman ko na tulog na sya ay lumabas na ako ng H.C. Agad kong nilibot ang paningin ko at umaasa na makita ko si Sync dahil nakalimutan kong batukan sya ng sobrang lakas.

Habang naglalakad hindi inaasahan na mapadako ang tingin ko sa mga estudyante na nagkukumpulan sa isang tabi. Nangunot naman ang noo ko ng makita ko ang isang pamilyar na bulto na nakatalikod sa akin. Nakaharap naman sa akin ang takot na takot na mukha ng taong galing lang sa bugbog.

Napa iling nalang ako at dali daling piningot ang tenga ng walang iba kundi si ..... Sync.

"A-aray!!!" daing nito at bigla nalang binitawan ang kaaway nya.

"Kahit kailan talaga napaka warfreak mo!!" sermon ko sa kanya habang hila hila ang kanyang tenga.

"What's your problem lady??!" inis na tanong nito habang pinipilit kuhain ang kamay ko sa tenga nya pero habang kinukuha nya ito ay dinidiinan ko lang ang hawak.

Wala narin syang nagawa ng dalhin ko sya sa loob ng office ni Mr. Krypton. Gulat naman na napatingin sa amin si Mr. Krypton habang may binabasang kung ano.

"What do you want?" kaswal na tanong nito.

Padabog na binitawan ko ang tenga ni Sync kaya agad nya itong sinapo na pulang pula. Hindi ako naguilty sa ginawa ko dahil hanggang ngayon ay napipikon parin ako sa kanya. Ang sama nya kasing kapatid.

"Pwede po bang ikulong nyo itong kutong lupa na to sa cylinder den??" tanong ko na ikinagulat nilang dalawa.

"The f*ck Lilian??!" inis na bulalas ni Sync pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Well if thats what you want,"

And with a snap of his hand nasa loob na kami ng cylinder den. Bigla naman napamura si Sync at sinamaan ako ng tingin pero inirapan ko lang.

"Makukulong ka dito as long as hindi ka humingi ng sorry sa nagawa mo kay Drake understand?!!"

"Tss..." inis na sabi nito at padabog na umupo sa upuan doon.

"So can I leave now??" tanong ni Mr. Krypton.

Nakatingin lang ako ng masama kay Sync habang sya ay nakatingin rin ng malamig sa akin. Nakipagtitigan kami sa isat isa. Tila wala ni isa ang gustong magpatalo.

"Okay bye!!"

Ilang segundo pa ang nakalipas ng mapagod rin si Sync sa pakipagtitigan sa akin kaya pasimple akong napangiti. Huh talo ka pala eh!! Proud kong bulong sa sarili ko..

Pero nagtaka ako ng bigla nalang may sumilay na ngiti sa kanyang labi.. Parang nang aasar na ngiti. Inaasar ata ako nito eh!!

"Tara na Mr. Krypton alis n----"

Agad kong kinalampag ang pader na nakapalibot sa amin at umaasang may makarinig sa amin..

"HUUWAAHH! MR. KRYPTON!PALABASIN MO AKO?! SI SYNC LANG ANG GUSTO KONG IKULONG!"

Huhuhu ang malas ko! I heard a soft chuckle at my back kaya tinapunan ko sya ng isang tingin na siguradong papatay sa kanya.

Damn you Sync Ryker!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top