Chapter 39
Chapter 39: Disrupted
Sync's Pov
"Sync puntahan kaya natin si Lilian dun sa H.C..."
Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tinignan si Flynn habang nakangusong nakatingin sa akin. Tss.
"Maybe later.." walang emosyon kong sagot.
Narinig ko syang padabog na pinadyak ang paa at nagtungo sa mesa kung saan may nakahandang ibat ibang pagkain. Andito kami ngayon sa aking dorm, sa totoo lang ayoko talagang may kasama ako sa dorm ko pero nagpumilit si Flynn na pumasok kaya wala na akong nagawa.
Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagbabasa at sa hindi inaasahan napadako ang aking mata sa isang maliit na papel na nakaipit doon. Kinuha ko iyon at binasa.
"Sa pagbabalik ng pulang buwan"
Bigla ako nakaramdam ng kaba, kaba hindi para sa pwedeng mangyari sa akin kundi kaba sa pwedeng mangyari sa Lailana, at kay Lynxx.
Agad kong hinatak si Flynn palabas na kumakain sa mesa ko. Pupuntahan namin si Ina para ibalita ang papel na nakita ko.
"Ano ba yan Sync! Hobby mo ba ang manghatak?" inis na turan nito pero hindi ko nalang pinansin. Pagkarating namin sa palasyo ay agad kong tinungo ang silid ni Ina at doon lang ako nagtaka ng wala sya doon.
Bigla nalang akong kinabahan. Sana mali ang iniisip ko.
"Sync sino ba hinahanap mo??" agad kong tinungo ang kusina but I cant find my mother. Nilibot ko narin ang buong palasyo but I cant find her! f*ck!
"Sync nahihilo na ako kakatitig sayo sino ba hinahanap mo??" tinignan ko ng masama si Flynn at halata sa mukha nya ang takot kaya pinakalma ko ang sarili ko. Baka sa kanya ko lang mabunton lahat mg galit ko.
"Just help me find Queen Lara..." kahit naguguluhan ay sinunod naman nya ang sinabi ko.
Ilang oras din kaming nagpaikot ikot sa loob ng palasyo pero ni anino ni Ina ay hindi ko nakita. Napamura nalang ako at napasuntok sa pader. "Sync kumalma ka, baka kung saan lang nagpunta ang Ina mo, bakit ano bang kailangan mo sa kanya??"
Dinukot ko ang papel sa bulsa ko at pinabasa kay Flynn. I already expected him to be shocked. Pero nangunot ang noo ko ng may pinakita rin syang papel sa akin.
"Ang apat na elemento ang dahilan"
Nagtinginan kami at agad kong kinuha ang papel nya at pinagdikit din sa papel ko.
"Sa pagbabalik ng pulang buwam
Ang apat na elemento ang dahilan."
Iisa lang ang pumapasok sa isip ko. Kailangan na naming maghanda.
****
Lilian's Pov
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at napansin ko na nakahiga ako sa kama dito sa H.C. Agad kong sinapo ang ulo ko ng bigla nalang itong sumakit.
Images...
Blurred Images are suddenly flashing in my mind..
Pinilit kong tumayo kahit sakit na sakit parin ang ulo ko. Pakiramdam ko may gustong kumawala sa akin na hindi ko alam kung paano. Nanghihina ako. Bigla nalang akong napa upo sa sahig at sapo parin ang ulo ko.
"AARRGGHHH!!!!"
"GOSH LILIAN!!!"
Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin at pinahiga ako sa kama. Namimilipit parin ako sa sakit kaya napapaiyak nalang ako..
"Gosh what to do?! What to do?!!" kilala ko ang boses na iyon, si Candy.
"Uggghg!!" daing ko ulit. Shit bakit ang sakit sakit?
"Tama! I need to call them! Ahh Lil stay put kalang muna dyan ha? Teka lang.." hindi ko na nakayang sagutin si Candy dahil wala na akong lakas para magsalita.
Nanghihina na ako hanggang sa tuluyan nalang sumuko ang katawan ko.
****
Candy's Pov
Guys asan ba kayo? Kanina pa ako naghahanap sa kanila dito sa ground pero hindi ko sial makita. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, hindi na ako makapag isip ng maayos. Gosh!Ganito talaga ako kapag natataranta.
And It snapped me!
Napatampal nalang ako ng noo ko. Bakit ba dito ako naghahanap? Baka sa dorm sila? Hayy Candy kalma ka kasi!
Dali dali naman akong tumakbo papunta sa dorm nils at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sina Cryztal at Emerald.
"Gosh girls si Lilian?!"
Tinignan nila ako at nagtaka ako ng makita ko ang mukha nila na tila natatakot. "What's wrong??"
May inabot silang papel sa akin kaya binasa ko iyon.
"Kung bakit ang halimaw sa kanyang katawan
Ay magigising at maghahasik ng kadiliman.."
Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Halimaw sa kanyang katawan? Pagkabasa ko nun isang pangalan lang ang pumasok sa aking isip.
"Lilian..."
Doon ko lang naalala ulit. Agad ko silang hinatak papunta sa H.C. Doon namin nakita si Lilian na natutulog. Nakahinga nalang ako ng maluwag.
"Anong nangyari sa kanya??" nag aalalang tanong ni Emerald.
"Pagpasok ko kanina ay nakita ko syang nakahiga sa sahig habang namimilipit sa sakit.." sagot ko dito.
"Naaawa ako kay Lilian.." maluha luhang turan ni Cryztal kaya nakaramdam din ako ng lungkot sa puso ko.
"Ang bait bait nya para makaranas sya ng ganito.."
"Gusto ko syang tulungan sa mga nangyayari sa kanya ngayon pero hindi ko alam kung paano.."
"Ang dapat lang nating gawin ngayon ay protektahan sya laban sa gustong kunin at patayin sya.."
****
Sync's Pov
Binasa ko ulit ang nakatagpi tagping papel sa harap namin..
"Sa pagbabalik ng pulang buwan..
Ang apat na elemento ang dahilan..
Kung bakit ang halimaw sa kanyang katawan
Ay magigising at maghahasik ng kadiliman.."
Isa lang ang ibig sabihin nito. Nalalapit na ang bloodmoon at nalalapit narin ang madugong digmaan. Kailangan na naming maghanda lalo na at nakasaad dito na
Kung bakit ang halimaw sa kanyang katawan
Ay magigising at maghahasik ng kadiliman.."
Si Lilian ang tinutukoy nila dito. Naalala ko noong nakaaway nya si Pink. Papunta na sana ako noon sa kanila pero nakita ko si Lilian, kakaibang Lilian na nakangiti ng malademonyo kay Pink. Iyon na kaya ang senyales na pinipilit ng kumawala ng halimaw sa katawan ni Lilian?
"Kailangan natin syang sanayin na kontrolin ang galit nya.." napatingin ako kay Mr. Krypton habang seryosong nakatingin sa tagpi tagping papel.
Nakapalibot kami ngayong lahat sa mahabang mesa kung saan nag uusap usap tungkol sa gaganaping digmaan. Ang apat na kaharian ay nandito at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Ina dito. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya kasama si Pink at kapag hindi nya nakontrol ang galit nya kaya nyang pumatay ng kahit sino.." nabigla ako sa sinabi ni Reyna Illiena. Ganun ba kasama ang halimaw sa loob ni Lilian?
"Nalalapit na ang bloodmoon, kailangan na nating maghanda. Bukas na bukas rin ay mag uumpisa na tayo sa ating pagsasanay.." seryosong turan ni Haring Andres.
"Pero paano po si Lilian??" tanong naman ni Cryztal.
Napahawak sa baba si Mr. Krypton at tila nag iisip.. "Alam ko na alam nya na may kakaiba ng nangyayari sa kanya kaya, kailangan nating ipaalam sa kanya lahat at sanayin sya sa pwedeng mangyari sa oras ng digmaan.."
Napuno ng katahimikan ang paligid. Alam ko lahat sila nag aalala sa pwedeng mangyari sa Lailana, sa pwedeng mangyari sa lahat ng pinaghirapan nila. Maski ako kay kinakabahan rin sa maaring hantungan ng labanang ito.
Pero ang mas kinatatakot ko ay kung paano kung makuha nila si Lilian at matupad ang propesiya?
O di kaya ay hindi nga matupad ang propesiya ngunit mapatay naman sya?
Iniisip ko palang iyon kumukulo na ang dugo ko sa katawan. Isa lang ang masasabi ko. I wont let their finger lay on Lilian.. Once they touch her their dead.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top