Chapter 38

Chapter 38: Demon in Dark

Lilian's Pov

Sapo ko ang ulo ko ng magising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nang mahimasmasan na ako ay agad kong nilibot ang paningin ko. Nasa loob pala ako ng dorm. Sa pagkakatanda ko nasa hallway kami noon at papunta kay Mr. Krypton. Paano ako napunta dito sa dorm?

Bumaba ako sa kama at lumabas ng dorm ko. At laking gulat ko dahil sa bumungad sa akin.

A-anong nangyari sa Lailana?

Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha sa mata ko. Napatakip ako ng bibig at napaupong humahagulgol.

Hindi ko maatim tignan ang nangyari sa paligid. Wasak lahat ng gusali, nagkalat ang dugo sa paligid. Kadiliman.. Kadiliman ang nakabalot sa paligid. Nakakatakot... Nakakasindak...

Walang katao tao ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para tumayo at umasang may makita ako kahit isang tao dito.

Ilang oras na akong paikot ikot sa paligid at habang tumatagal mas lalo lang nadudurog ang puso ko dahil sa nakikita ko. Pakiramdam ko wala akong silbi, wala akong nagawa para ipagtanggol sila. Para protektahan sila. Mula ng pumasok ako dito at malaman ko na isa akong Legendary Alcidae, wala na silang ginawa kundi protektahan ako laban sa mga itim na elemento.

Pero ako, pabigat lang ako...

Agad kong pinunasan ang luha sa mata ko ng may matanaw akong pigura sa hindi kalayuan. Hindi na ako nagtaubiling lapitan ito, nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa pulang buwan.

Kulay pula ang buhok nito at may itim na pakapak. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Para bang ayaw kong tignan kung sino man yun, ayaw kong malaman kung sino sya.

Pero hindi....

May kailangan akong malaman..

Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa buong Lailana..

Kahit labag sa loob ko, dahan dahan kong hinawakan ang balikat nito. Pigil hininga ako habang unti unti itong lumingon sa akin. Pakiramdam ko biglang nag slow motion ang paligid.

Dahan-dahan...

"S-sino ka?!!" kinakabahan kong tanong dito. Nakatingin lang sya sa akin at ngumiti.

"Ako ay ikaw Lilian..." nakangiti nitong sabi. Agad naman akong napalayo sa kanya at tinignan sya ng hindi makapaniwala. Hindi madigest sa utak ko ang nakita ko.

Kamukha ko... Akong ako..

Ang pagkakaiba lang nakakatakot sya. Malayong malayo sa totoong ako..

"A-anong ibig mong sabihing ako ay ikaw?!" pilit kong tinatapangan ang boses ko dahil sa totoo lang ayokong malaman ang totoo. Baka hindi ko kayanin.

"Ako ay ikaw, sa nalalapit na bloodmoon, magiging ganito ka.."

I scoff.  "Anong ibig mong sabihin??"

Dahan dahan itong lumapit sa akin kaya ako ay napapaurong narin. Urong lang ako ng urong ng bigla itong mawala sa harap ko.

"Hindi ka lang ordinaryong Legendary Alcidae Lilian, kakambal ng puting buwan ang pulang buwan.."

Bigla akong napalayo ng bigla nalang may bumulong sa tenga ko. Nilingon ko ito at doon ko nakita ang kakaibang ako. Lumipad ito sa ere na nagsanhi ng paglakas ng hangin dahil sa pagaspas ng pakpak nito.

Hinawakan ko ang palda ko ng liparin ito at tinignan sya. "Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo?"

Ikinumpas nito ang kanyang kamay dahilan para mabago ang paligid. Nagbalik na sa dating ayos ang Lailana. Walang bahid ng kahit anong sira pero wala paring katao tao.

Bumaba ito sa harap ko at hinawakan ako sa balikat. "Kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang propesiya, magaganap ang nakasulat sa aklat.."

"Nakikita mo ang paligid? Kung titignan mo isa lang itong ordinaryong paarlan, pero kung titignan mo ng mabuti, makikita mo ang mga bahid ng dugo na nagkalat sa paligid.."

"Hindi kita maintindihan, ano ba talaga ang pinupunto mo.." naguguluhan kong tanong.

Lumipad ulit ito sa ere at ikinumpas ang kamay. Nagbalik nanaman sa kadiliman ang paligid.

"Kailangan kang mamili Lilian, ikaw ay anak ng pula at puting buwan. Mamili ka kung sino ka talaga, kung sino ba talaga ang nasa puso mo.." sabi nito sabay baba sa harap ko.

"Sa ngayon ay alam ko na ang kabutihan ang nangingibabaw sa puso mo, pero hindi pa nagtatapos ang paglalakbay mo Lilian, alam ko na sa bawat paghakbang mo makikita mo rin ang kadiliman.." sabi nito at lumayo sa akin. Ako nakatayo lang at pinipilit ipasok sa utak ko lahat ng naririnig ko..

"Kanina lang, nagparamdam na ang iyong itim na mahika sa iyong katawan at hindi na ako makapaghintay na makita ka habang unti unti ng sinasakop ng kadiliman ng iyong buong pagkatao.."

And by with that bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya mariin kong pinikit ang mata ko.

Nang mawala na ang sakit ang ulo ko dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang puting kisame. Nilibot ko ang tingin ko at doon ko napansin na nasa H.C pala ako. Daham dahan akong bumangon ng may lumapit sa aking babae na nakasuot ng puting bestida.

"Kamusta ang iyong pakiramdam Legendary Alcidae?" sa wari koy ito ang bagong nurse ng Lailana kasi ang dating nurse ay kusang umalis ng magkaroon ng digmaan dito noon dahil sa mga titans..

"Okay na po ako.." magalang kong sagot dito at ngumiti. Tumango naman sya at nilapitan ako.

"Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiyang nanggagaling sayo Lilian, mag iingat ka.." kinabahan naman ako dahil sa sinabi nya. Hindi pala ako nanaginip. Totoo ang aking nakita sa aking imahinasyon.

"Kayo po ba ang bagong nurse dito?" pag iiba ko ng usapan. Ngumiti naman ito. "Oo ako nga pala si Eunice, isang healer and I can feel energies flowing on every peoples viens.."

"Ang galing naman nung energy feel feel! Gusto kong ma try.." sabi ko ng mahina, narinig ko na tumawa ito kaya napangiti narin ako.

"When you feel okay pwede kanang lumabas, just inform me okay?" sabi nito matapos masuri ang lagay ko. Tumango ako at nagpasalamat. Umalis narin sya pagkatapos nun.

Ilang minuto pa ay napagdesisyunan ko ng lumabas ng H.C. Paglabas ko doon ko napansin na maghahapon na pala. Asan kaya ang barkada? Nag umpisa na akong maglakad at hinanap sina Cryztal. Habang naglalakad hindi ko maiwasang malungkot. Ewan ko pero nalulungkot ako sa pwedeng mangyari sa Lailana kapag naghasik na ng lagim ang mga Titans at Dark Shadows.

Hindi ko narin naman sila makita kaya napagdesiyunan ko na pumunta nalang sa dulo ng bangin kung saan tanaw ang buong Lailana. Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang pagdampi ang sikat ng araw sa balat ko. Nakakagaan sa pakiramdam.

Umupo ako sa damuhan at tinignan habang unti unti ng nawawala ang sikat ng araw. Ilang segundo pang kadiliman ng bigla nanamang lumiwanag ang paligid.

B-bakit pula?

B-bloodmoon?

Agad akong napasigaw ng biglang sumakit ang buo kong katawan. Pakiramdam ko binabalatan ako ng buhay, unti unting sinusunog ang kalamnan ko. Napa iyak nalang ako sa sobrang sakit at napahiga sa damuhan.

"ARRGGHH!!!!"

Hindi ko na kaya....

Pagod na ako....

Hindi ko na nakayanan ang sakit kaya kusa nalang bumigay ang katawan ko.

Pero bago pa ako mawalan ng ulirat may nakita akong pigura na nakatayo sa harap ko.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top