Chapter 37
Chapter 37: Devil Inside
Someone's Pov
"Buhay na po ang Legendary Alcidae.."
"Nalalapit na ang bloodmoon, nalalapit narin ang propesiya, tawagin lahat ng kawal!! Susugod tayo!!"
"Masusunod po.."
*****
Lilian's Pov
"Sige na bumalik na kayo sa dorm nyo. Ok na ako dito.." pagkukumbinsi ko sa buong barkada dahil kanina pa sila nakatambay sa dorm ko at sabi nila hindi daw sila aalis dito dahil babantayan nila ako. Sa totoo lang ayoko sanang maabala sila dahil parang pinapakita lang noon na mahina ako. Na wala akong silbi. Na hindi ako karapatdapat na maging legendary alcidae.
"Ano ka ba Lil, hindi kami aalis dito. Dito kami matutulog dahil babantayan ka namin.." sagot ni Emerald sa akin at humiga sa kama ko.
"Huwag kang mag alala lil ok lang sa amin na dito muna kami. Masaya nga at magkakasama tayo.." dugtong din ni Flynn at tumabi kay Emerald kaya nakatanggap ito ng malakas na palo. Tsk. Dumadamoves kasi eh!
"Pero baka pagalitan tayo ni Mr. Krypton dahil dito tayong lahat sa dorm matutulog.." sabi ko kanila hoping na sana umalis na sila pero mukhang hindi ako mananalo.
"Dont worry Lil nakapagpaalam na kami kay Mr. Krypton at ok lang daw sa kanya." sabi ni Drake na kakapasok lang sa dorm ko.
Napabuntong hininga nalang ako at napalumbaba. Ano pa ba ang magagawa ko?
"Dont worry Lil, hindi kami magugulo promise!!" taas kamay na sabi ni Mint. Napa iling nalang ako. Liar!
Wala narin naman akong magagawa kung ipagpilitan ko pa. Isa pa masaya narin ako at concern sila sa akin. Pero teka, kanina pa ako nababahala tungkol doon sa dark shadow.
"Paano sila nakapasok gayong nalagyan na ng mga elemental ribbons ang 12 forests?" sabi ko sa isip ko.
"May masama akong kutob.." seryosong sabi ni Candy na nakapagpakaba sa amin. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Mararamdaman mo ang seryosong aura sa paligid. Tama, may hindi tama dito.
"Kung nalagyan ng panibagong ribbons ang mga forests wala tayong poproblemahin.." mahinang bulong ni Doyle sa tabi ko habang seyosong nag iisip.
"Hindi kaya......" nagkatinginan kaming lahat at mukhang iisa lang ang iniisip namin.
"Let's ask Mr. Krypton.." seryosong sabi ko kaya agad naming tinungo ang office ni Mr. Krypton.
Habang naglalakad sa hallway, hindi sinasadya na may makabangga ako.
"Ayy sorry.." agad ko syamg tinulungang tumayo at tinulungang pagpagin ang dumi sa damit nya.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko.
Inangat nya ang tingin nya kaya bigla nalang nanlaki ang mata ko. P-papaan? H-hindi maaari.
"Okay lang ako thanks.."
Pero paano? Matagal ng panahon iyon pero nararamdaman ko. Pakiramdam ko.
"Hey Lil ok ka lang??" nagbalik lang ako sa wisyo ng tapikin ako sa balikat ni Emerald. Tinignan ko sya at kiming tumango. Nagpatuloy narin kami sa paglalakad pero hindi ko parin maiwasang mapaisip ng malalim.
Natatandaan ko pa noon nakita ko mismo ng dalawang mata ko. Sa mga bisig ko. Kahit hindi na pamilyar ang mukha nya ngayong lumaki na sya. Naramdaman ko, alam ko. Papaanong nabuhay ang------
"Hey! Bitch!!" agad akong napahawak sa katabi ko ng bigla akong itulak nung nakabangga ko.
Tinignan nya ako ng masama habang nakapameywang. "Hanggang dito ba naman magkakasalubong pa tayo?!!" masungit na sabi nito.
Tinulungan naman akong tumayo ni Emerald na syang katabi ko. Susugurin nya sana si Pink pero pinigilan ko sya.
"Kaya ko na to.." sabi ko and give her an assuring look.
Hinarap ko si Pink at ang mga alipores nya na masamang nakatingin sa akin.
"Ano nanaman bang problema mo?"
Nginisihan nya ako. "You wanna know my problem?" sabi nito at lumapit sa akin. Tinignan nya ako ng mabuti at dinuro ang mukha ko.
"YOU!! You are my problem! You and your stupid group!"
Agad kong hinawakan ang hintuturo nya na nakadutdot sa akin at nginisihan sya.
"You have a nice finger.." sabi ko dito at diniinan ang hawak sa hintuturo nya. Napangisi nalang ako ng biglang nagbago ang expression nya.
"Let go off my finger!!" pilit nitong kinukuha ang daliri nya sa akin pero hindi ko binitawan instead mas diniinan ko pa.
"O-ouch.." daing nito pero nginisihan ko lang sya. Mas lalo ko pang diniinan ang hawak dito at naramdaman kong nag crack ang buto nito.
"Huhuhu.. o-ouch..."
"Hey Lil tama na yan..." hindi ko pinansin si Emerald bagkus mas tinuon ang atensyon sa kaharap ko.
"Dont ever dare to bully me again, or else..." sabi ko with my sweet smile. Nanlaki naman ang mata ni Pink at namamawis na tumango. Binitawan ko na ang kamay nya kaya agad syang kumaripas ng takbo.
"Hahaha... such a weakling right??" nakangiti kong sabi at hinarap ang barkada. Nakatingin naman sila sa akin habang nanlalaki ang mata. Kung makatingin sila sa akin parang isa akong nakakatakot na nilalang.
"What's wron---- ouchh!!!"
Agad kong sinapo ang ulo ko ng bigla itong sumakit. Napapikit ako sa sobrang sakit.
"Ugghh..." daing ko dito at napa upo nalang sa lupa.
Images.
Lots of images are suddenly appearing in my mind.
"LILIAN!!"
Im trying to open my eyes, pero kusa nalang itong sumasara hanggang sa wala na akong nakita.
****
Candy's Pov
What happen to Lilian?
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko.
She looks scary..
She looks dispiteous..
Heartless..
Ruthless..
Her eyes are burning with anger.
I never saw her on that aura. Red eyes.. Red burning eyes.. And those smile.. That smile that give you chills.
Sa totoo lang nung nginitian nya kami, natakot ako. Hindi ko alam pero parang hindi si Lilian ang kaharap ko. Shes not the sweet Lilian.
Shes like the devil Lilian..
"Uyy Candy tulala ka dyan??". Napatingin ako kay Doyle na katabi ko at pinagpatuloy ang pagtanaw sa papalubog na araw.
Andito kami ngayon sa may dulo ng bangin kung saan tanaw ang buong Lailana. Ang ganda pagmasdan ng repleksyon ng sikat ng araw sa buong Lailana. Napakakalmado, nakakagaan ng loob, mawawala lahat ng problema mo. Pero kung totohanan, kabaligtaran ang nangyayari.
"Hayy tulala ka nanaman.." sabi ni Doyle at pasimpleng ngumiti.
Ngumiti narin ako. "Alam mo, namimiss ko na sina Ina.."
Napabuntong hininga naman sya dahil doon.
"Alam ko mahirap mawalay sa pamilya, pero parte ito ng responsibilidad natin eh. Ang bantayan ang legendary alcidae laban sa masasamang elemento.."
Tumahimik nalang din ako pagkatapos sabihin iyon ni Doyle. Hayy. Kelan pa kaya matatapos ang digmaan na to? Lalo na ngayon na lalong nagiging weird si Lilian.
Speaking of Lilian, naalala ko nanaman ang nangyari kay Lilian kanina.
"Ano kaya ang nangyari kay Lilian kanina?"
"Hmm... ewan ko din eh, pero promise natakot ako sa aura nya kanina" parang bata na sabi ni Doyle dahilan para tumawa ako.
"Pero nakakapagtaka, bakit naging ganun sya bigla??" dun sumeryoso ulit ako at napaisip ng malalim.
Ilang sandali pa at tuluyan ng nawala ang araw at napalitan ng...
"OMG!!! THIS CANT BE?!!" halata rin sa mukha ni Doyle ang pagkagulat. Nagkatinignan kami.
"BLOOD MOON..." kinakabahan kong sabi habang pinagmamasdan ang pag angat ng pulang buwan sa langit kasabay ng pagkalat ng pulang liwanag sa buong Lailana..
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan..
Agad kong naalala ang sinabi sa akin noon ni INA.
"Amg nakasulat sa propesiya ay hindi na mababago. Ang White moon ay kakambal na sumibol ng Bloodmoon. Ibig sabihin ang Legendary Alcidae ay hindi ordinaryong anak ng puting buwan.."
"Sa pagsapit ng bloodmoon magbabago ang anyo ng Legendary Alcidae kung kayat kailangan nyong mag ingat sa pwedeng gawin ng itinakda"
Bigla kong naalala ang nangyari kanina..
Kakaibang Lilian...
Hindi kaya nag uumpisa na ang sinasabi ni Ina??
"ARRGGHHH!!!"
Agad kaming nagkatinginan ni Doyle ng marinig namin ang sigaw sa hindi kalayuan..
"LILIANN!!"
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top