Chapter 36
Chapter 36: Welcome Back
Lilian's Pov
Naglalakad na kami ngayon palabas ng Mystic Garden. Pupunta daw muna kami kay Mr. Krypton at sa kaharian para ibalita na maayos na ang lagay ko. Sa totoo lang kanina pa ako nao-overwhelmed sa ginagawa ng mga kaibigan ko. Naaapriciate ko talaga lahat ng efforts nila para lang ma protektahan ako.
Nang makalabas kami sa Mystic Garden ay nakahinga ako ng maluwag ng makita kong maayos na ulit ang High. Parang hindi ito nasira. Nagpapasalamat nalang ako sa mga taong tumulong para lang ayusin ito. At nalulungkot din ako dahil alam ko na anumang oras ngayon ay pwede ulit sumugod ang mga titans at dark warriors para kunin ako.
Lalo na at nalalapit na ang bloodmoon. Napatingala ako at nakita ko na napakaaliwalas ng kalangitan, napakapayapa nito, walang kaproblem problema. Napa igtad nalang ako ng tusukin ako sa tagiliran ni Emerald.
"Lil tulala ka dyan?" nag aalalang tanong nito. Umiling lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad.
"OMG si Lilian ba yan??"
"Si Lilian nga!!"
"Buhay sya??!"
"Bakit pa sya nabuhay??"
"Dahil sa kanya nagambala ang buhay natin dito sa Lailana.."
Inaasahan ko na ang mga bulungang iyan pero ang hindi ko inaasahan yung huling narinig kong bulong. Dahil sa akin nagambala sila. Napayuko nalang ako dahil doon. Mukhang tama sila, hindi ko sila masisisi kung ganun talaga ang iniisip nila. Mula ng dumating ako sa Lailana at malaman na ako ang Legendary Alcidae, nagbago na ang dating buhay nila.
Nakaramdam ako ng tapik galing kay Emerald at Cryztal. Alam ko na pinapagaan lang nila ang loob ko pero parang hindi naman ito gumaan. Nginitian ko nalang sila bilang pasasalamat narin sa pagiging mabuting kaibigan nila.
Nang makarating kami sa office ni Mr. Krypton ay napatigil ako sa harap ng pinto.
"What's the matter Lil?" takang tanong ni Candy.
"H-hindi ko alam.." kinakabahan kong sagot. Siguro natatakot lang akong malaman nila na buhay ako at lalong baka magambala ko lang ang buhay nila.
"Kahit anong mangyari Lil, andito lang kami hindi ka namin pababayaan.." masayang sabi ni Flynn kaya nakampante narin ako.
Hahawakan ko na sana ang doorknob ng hawakan ni Cryztal ang kamay ko.
"Kung hindi mo pa kaya ngayon Lil pwede namang sa ibang araw nalang.." tinignan ko si Cryztal at napayakap nalang ako sa kanya. Sa totoo lang sobrang saya ko at nagkaroon ako ng kaibigang tulad nila.
"Kaya ko Cryz, salamat sayo.." sabay tingin ko sa kanilang lahat.
"Sa inyong lahat, dahil sa inyo lumalakas ang loob ko. Maraming salamat.."
"Ano ba yan Lil, nakakaiyak ka naman.." maluha luhang sabi ni Emerald sabay lapit sa akin at yumakap.
"Group hug!!!" sigaw nito kaya nagsilapitan sila sa amin at nakihug narin. Sa pagyakap nilang iyon, nakaramdam ako ng kaginhawaan sa loob loob ko.
"Tama na nga to baka maiyak pa ako lalo!!" sabi ni Emerald at kumalas na sa pagkakayakap. Nagtawanan naman kami at nagyakapan ulit ng mabilis.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang doorknob. Lakas loob ko itong pinihit at dahan dahang tinulak paloob. Tumambad sa amin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Napangiwi nalang ako ng makita ko sa sulok si Mr. Krypton na haggard na haggard habang nagkakalat sa office nya.
"Asan na ba yun?"
Rinig naming bulong nito. Naphagikgik naman ang iba dahil mukhang hindi nya napansin na andito kami sa loob.
"Ahem.." tikhim ni Doyle para kunin ang atensyon ni Mr. Krypton.
Agad naman itong tumingin sa amin. Matagal rin itong nakatingin sa amin--- o sa akin, hanggang sa lumawak ang ngiti nito sa labi.
"Akala ko naiwala ko na ang mapa, mabuti nalang at sa inyo lang pala iyon.." sabi nito sabay upo sa mesa nya.
Nagkatinginan naman kami kaya narinig naming tumawa si Mr. Krypton.
"Dont worry hindi ako galit sa inyo, actually inaasahan ko naman talaga na kukunin nyo ang mapa dito sa office ko.."
Napabuga naman kaming lahat ng hangin at nagsi upo na sa mga bakanteng upuan. Mabuti nalang at hindi nagalit si Mr. Krypton, grabe pa naman to magalit.
"Kinagagalak ko Lilian na nakabalik ka na..." napangiti naman ako sa sinabi ni Mr. Krypton.
"At ngayong nagbalik ka na, kinakailangan nating mag doble ingat. Mas lalo ng delikado para sayo at sa buong Lailana kapag nalaman nilang nabuhay ka ulit.." seryosong turan ni Mr. Krypton kung kaya't napuno ng katahimikan ang paligid.
"Hindi namin hahayaang mangyari yun no!!" napatingin ako kay Mint ng magsalita ito. Nginitian nya ako kaya nginitian ko rin sya.
"Magkakasama tayo sa labang ito kaya kailangan huwag tayong matakot.."
"Tama! Hindi namin hahayaang kunin nila si Lilian! Dadaan muna sila sa bangkay ko bago nila mahawakan si Lilian.." magiting na turan ni Flynn at may patayo tayo pa kung kaya napatawa nalang kami.
"Alam ko na marami tayong gustong protektahan si Lilian, ngunit hindi tayo dapat magpakampante na marami tayo. Marami nga tayo, pero kung hindi naman tayo handa wala ring mangyayari.." napatahimik ulit kami sa sinabi ni Mr. Krypton. Tama, we cant let our guards down dahil lang marami kami. Dapat sa bawat segundo ngayon ay handa kami sa pwedeng gawin ng mga kalaban.
"Oh sya huwag muna kayong mamroblema, maging masaya nalang kayo at nagbalik na ang legendary alcidae. Ok, maari na kayong bumalik sa dorm nyo.." pinipilit ko na maging masaya pero hindi ko talaga magawa. Andyan parin sa puso ko ang kaba at takot sa pwedeng mangyari sa Lailana.
"Huwag kang mag alala Li, hindi ka namin papabayaan.." tapik sa akin ni Doyle sabay bigay ng sinserong ngiti.
Tumayo na kami at nagpaalam na kay Mr. Krypton, siguro ipapahinga ko nalang muna ito. Pero bago ako makalabas ay may sinabi pa si Mr. Krypton.
"Mag iingat ka sa bawat desisyon mo Lilian.."
Napaisip naman ako dahil doon.
****
"Bye Lil tulog kang mabuti ha??" nakangiting sabi ni Emerald at humalik sa pisngi ko.
"Good night Lilian.." sabi din nina Candy at Cryztal at humalik din sa pisngi ko.
Kinawayan ko naman ang mga kalalakihan at nagsabi ng good night. Nagsipasukan narin sila sa mga dorm nila, pero nagpaiwan si Drake na nakatingin sa akin. Nginitian ko naman sya.
"Hindi ka pa matutulog?"
Ngumiti ito at umiling. "Mamaya na, tara gala muna tayo.."
"Pero gabi na. Delikado na sa labas.." katwiran ko dito. Naguilty naman ako ng bigla nalang lumungkot ang mukha nya. Naawa tuloy ako.
"Ahh ganun ba? sige huw----"
"Sige na nga! Pero mabilis lang ha??" napa angat naman ang tingin nito at masaya akong tinignan.
"Talaga?" parang bata nitong tanong.
Napatawa nalang ako at tumango. Masaya naman ako nitong hinawakan sa kamay.
"Tara??"
Tumango ako kaya nag umpisa na kaming maglakad. Hindi pa kami nakakahakbang ng may bigla nalang humatak sa kamay ko.
"Ano bang problema mo?!" galit na sigaw ni Drake kay Sync na syang humila sa akin.
"It's already dark, its not safe to go outside.." malamig na sabi ni Sync. Nagkatinginan silang dalawa na tila nagsusukatan ng tingin. Parang walang may balak sa kanilang magpatalo.
Hindi ko na kaya ang kakaibang aura kung kayat pumagitna na ako sa kanila.
"Please stop acting like a child??" saway ko sa kanila.
Napahinga naman ako ng maputol na ang tinginan nila at sa akin napunta. Pasimple nalang akong napairap. Para na tuloy akong nanay dito.
"Sync bat ka ba nanghahatak ng may kasama ha??" nakapameywang kong tanong pero isang malamig na tingin lang ang iginati nya.
"Hayy para hindi na kayo mag away magkapatid, wala ng lalabas sa labas. Mabuti pa matulog nalang tayo.."
"Tss..." masungit na sabi ni Sync at naglakad palayo.
Napailing nalang ako dahil doon. Walkout king!
"Drake sorry ha??" paumanhin ko kay Drake. Ako ang naguguilty sa ginagasa ni Sync eh.
"Ano ka ba ok lang yun, tsaka oo nga gabi na. Delikado na sa labas, magkikita pa naman tayo bukas eh.." nakangiti nitong sabi.
"Oh pano?? good night.."
"Sige good night.."
****
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko at doon ko lang napansin na umaga na pala. Bumangon ako sa kama at nag inat inat ng katawan. Hayy.. Bagong umaga nanaman, bagong araw na hindi mo alam kung saan magtatapos.
Nagtungo ako sa banyo at naglinis ng katawan. Paglabas ko ay humarap ako sa salamin. Napansin ko ang nakasabit na kwintas doon. May pendant ito ng parang half na bilog. Natatandaan ko pa noong ibinigay ito sa amin ng kapatid ko ni mama nong birthday namin.
Oo kambal kami, nauna lang ako sa kanya ng limang segundo kaya siguro ako ang napiling maging anak ng buwan. Kinuha ko iyon at sinuot sa leeg ko. Matagal tagal ko naring hindi ko nasusuot ito. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Sa ilang buwan na namalagi ako sa Lailana ngayon ko lang napansin na napakalaki na ng pinagbago ko mula ng pumasok ako dito. Bigla kong tinignan ang likod ko sa salamin. Andoon parin ang tattoo kong pakpak, kulay puti at kulay itim. Ngayon ko lang ito nakita ulit. At tama nga sila ang ganda nitong pagmasdan..
*BOOGGSHHHH*
Agad akong naging alerto ng may marinig akong pagsabog sa labas ng dorm ko. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Please huwag naman sana..
Dali dali akong nagtungo sa pinto ng may maramdaman akong dalawang pares ng matang nakatingin sa akin. Bigla nalang akong kinilabutan, nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan at halos rinig ko na ang kabog ng aking dibdib.
"Legendary Alcidae! Maligayang pagbabalik.." halos tumalon naman sa katawan ko ang aking kaluluwa ng may magsalita ito.
Namamawis na ako ng malagkit, kahit labag sa loob ko dahan dahan kong hinarap ang nagsalita at doon nalang ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang isang usok na nakasuot ng cloak na may hawak na malaking espada..
"S-sino ka?!!" kinakabahan ngunit matapang na tanong ko.
"Hindi na importante kung sino ako, ang mahalaga ay mawala kana sa mundong ito.." nanlaki ang mata ko ng bigla nalang syang lumapit sa akin dala ang espada nya. Nakatutok na ito ngayon sa aking lalamunan at anumang oras maaari na akong mamatay dito.
"Dapat kang mamatay!! kami lang ang pwedeng maghari sa mundong ito!!" napapikit nalang ako habang dinidiinan nito ang paghawak sa espada. Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko namental block ako. Hindi ako makapag isip ng maayos.
"Paalam Lilian.." hinanda ko na ang sarili ko sa babaong espada.
"urrggh!!"
Ilang minuto pa ang nakalipas pero hindi parin nakatusok sng espada sa lalamunan ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko.
Imbes na ako ng nasaksak ngayon, sa harap ko mismo ay nakikita kong naghihingalo ang dark shadow. May nakatarak na punyal sa dibdib nya. Malamang inutusan ito ng
Sino ang may gawa nito?
Agad akong napalayo ng mag ilaw ang katawan nito. Bago pa sya tuluyang sumabog may isinigaw pa ito.
"HINDI MAAARING MATUPAD ANG PROPESIYA!! KAMI LANG ANG PWEDENG MAGHARI SA MUNDONG ITO!!!"
Kasabay ng pagsabog ng katawan nito ay sya ring pagtingin ko sa bintana ko. May isang pigura sa hindi kalayuan na tumatakbo paalis. Mukhang galing sya sa dorm ko.
Hindi kaya sya ang tumulong sa akin?
Hindi ko na maaninag ang pigura nya kaya ang natatandaan ko lang ay mayroon syang orange na buhok. Kung sino man sya. Maraming salamat.
"LILIAN?? OK KA LANG?!!" agad akong napatingin sa pinto ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Emerald.
"Sorry talaga Lil at hindi ka namin napuntahan kaagad. May tatlong freaky shadow monsters pa kasing humarang sa amin.." paumanhin naman ni Candy at lumapit sa akin.
"Ano ba kayo okay lang ako.." tinignan ko silang lahat para makumbinsi na ok lang ako.
Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa sulok kung saan nakatingin sa akin ang mga pulang mata nya.
Inirapan ko lang sya at binaling ko ang tingin sa barkada.
Akala nya palalampasin ko ang ginawa nya kagabi?
Nuh-uh!
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top