Chapter 34

Chapter 34: Scenario

Emerald's Pov

"Emerald"

hmmm...

"Emerald"

"Emerald"

Ano ba yan? Gabi na pero may nangugulo parin sa akin. Hindi ba pwede kahit minsan makapagpahinga naman ako?

Inis na minulat ko ang mata ko at bumangon. Nilibot ko ang tingin ko at wala naman akong nakita na kahit sino. Humiga nalang ulit ako at natulog.

"Emerald nalalapit na ang itinakda.."

"Dadanak nanaman ng dugo sa paligid"

"Emerald huwag kayong magpakampante.."

Minulat ko ulit ang mata ko at tinignan ang paligid. Wala namang tao pero parang may narinig akong nagsasalita sa tenga ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagtaas ng balahibo. Kinakabahang pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa...

Asan ako?

Ang dilim ng paligid.

Sira sira ang mga gusali.

Maraming nagkalat na mga sirang gamit.

Napatutop ako sa bibig ko ng maliwanagan ako sa mga nakikita ko.

Halos maiyak ako ng makita ko ang mga patay na nagkalat sa kung saan. Mga duguan at nakahandusay na bangkay. Putol na mga bahagi ng katawan ng halimaw.

Hindi ko alam pero napahagulgol nalang ako ng makita ko sa hindi kalayuan ang mga kaibigan ko. Duguan sila na nakikipaglaban sa isang halimaw na may itim na pakpak.

Si Lilian, Sync, Drake, Cryztal, Candy, Mint, Doyle, Violet, at Sky. Hindi ko maatim na tignan sila habang walang habas na paulanan ng itim na mahika ng kalaban nila. Tumilapon sila sa kung saan at nagkandasugat sugat.

Pero mas nagulat ako ng may bigla nalang lumipad sa harap ko. Para itong itim na usok. May hawak itong itim na espada at handa ng isaksak sa akin.

Katapusan ko na. Katapusan na namin. Nag uumpisa ng umagos ang mga luha sa mata ko ng muli kong tignan ang paligid.

Ito na ba ang mangyayari sa amin sa hinaharap?

Hanggang dito nalang ba kaming lahat?

Hinanda ko na ang sarili ko sa paparating na talim ng espada. Pero imbes na masakit na bagay ang tumama sa akin, isang mainit at nakakagaan ng loob ang bumalot sa aking katawan.

Halos pumalahaw ako ng iyak ng makita ko sa harap si Flynn. Nakayakap sya sa akin habang nakangiti. Unti unti ng lumalabas ang pulang likido sa bibig nya dahilan para mas mapaiyak ako.

"F-Flynn.." pilit ko siyang ginigising dahil pumupikit na ang mga mata nya.

Pilit na minulat nito ang mata nya at matamlay na ngumiti. "M-mahal kita.."

Tuluyan na akong humagulgol dahil tuluyan ng pumikit ang mata nito. Pero agad din akong napatigil ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay sa dibdib ko.

Pinikit ko ang mata ko.

Katapusan ko na.. katapusan na namin.

Napabangon ako na sapo ang dibdib ko. Naramdaman ko rin ang pag landas ng pawis ko sa pisngi ko. Nakakaba. Nakakatakot. Nakakakilabot.

Parang totoo. Senyales na ba iyon? Yun na ba ang mangyayari sa amin sa hinaharap?

Bigla akong kinabahan kung totoo nga iyon. Kailangan ko silang sabihan tungkol sa nakita ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayari sa hindi nalalapit na mga araw. Kinakabahan ako sa pisibleng mangyari. Senyales na ata ito na magkakaroon ulit ng madugong gabi.

Kailangan naming maibalik si Lilian. Kailangan naming buhayin ang Legendary Alcidae.

****

Maaga akong nagising dahil tutuparin ko ang nais ni Sync. Kailangan kong hanapin ang Stash Garden kahit isa itong nakatagong hardin sa Lailana.

Nasa tapat na ako ng dorm ni Sync. Lakas loob akong kumatok doon pero walang sumagot. Kumatok ako ulit pero wala parin. Ilang katok pa ang ginawa ko pero wala talaga. Dahil doon naglakas loob na akong pasukin ang dorm ni Sync.

Pagpasok ko ay wala akong nakita maski anino ni Sync. Asan na kaya yun? Hinanap ko kung andito ba ang infinity resin pero wala rin. Wala narin naman akong mapapala kung magtatagal ako kaya lumabas na rin ako.

Laking kaba ko ng may bigla nalang tumutok ng patalim sa leeg ko.

"Who are you??"

Napahinga nalang ako dahil kilala ko ang boses na iyon.

"It's me Sync.."

"Emerald?" takang tanong nya sabay kuha ng patalim sa leeg ko. Tinignan nya ako habang nakakunot noo.

"What are you doing here?"

Naging seryoso ang mukha ko. "May nakita akong scenario kagabi. Hindi ito maganda, at kailangan natin si Lilian."

Sumeryoso rin ang mukha nya pero halata parin ang sakit dito.

"But how?"

Napa irap nalang ako dahil sa tanong nya. "Tanungin mo ako dahil alam ko.."

Napa buntong hininga nalang sya dahil doon. "If that's true, then we wont do it if we are just two---"

"At sino nagsabi na dalawa lang kayo?" napatingin kami sa likod namin at nakita namin doon ang buong barkada.

"Kaibigan din namin si Lilian.." sabi ni Cryztal at ngumiti.

Hindi ko alam pero naging emosyonal nalang ako at napayakap sa kanila.

"Para kay Lilian!!" masiglang sabi ni Flynn sabay lahad ng kamay sa gitna namin.

"PARA KAY LILIAN!!" at pinagdaop naming lahat ang mga kamay namin.

****

Nakatago kami ngayon sa likod ng office ni Mr. Krypton. Kasama ko si Flynn, Drake at Doyle. Susubukan naming pumasok at kunin ang orginal map ng Lailana. Kasi kung sa normal map lang kami tumingin maraming mga pasikot sikot dito na hindi nakalagay doon. Katulad nalang ng Stash Garden.

Sa pagkakaalam ko nasa loob pa si Mr. Krypton dahil nag uusap pa sila ng apat na kaharian tungkol kay Lilian. Ang gagawin lang namin ay mag antay hanggang sa umalis na sila.

Ilang oras na rin ang nakalipas at sa wakas lumabas narin ang apat na kaharian.

"Sa tingin niyo totoo ba ang nakasulat doon?" tanong ni Reyna Lara na ikinakunot ng noo namin.

"Hindi ko alam pero sana totoo nga.." sagot naman ni Reyna Illiena dito.

"Nalalapit na ang blood moon, huwag naman sana.." kinakabahang sabi ni Haring Andres.

"Huwag po kayong mag alala hangga't sa Stash Garden ang Legendary Alcidae ay ligtas sya laban sa mga masasamang elemento.." sabi naman ni Mr. Krypton.

"Tama ka Krypton, oh sya inaanyayahan ka sana namin para sa isang hapunan, payag ka ba?" alok ni Reyna Atlanta dito. Tumango naman si Mr. Krypton bilang sagot at umalis na sila.

Sinamantala naman namin ang pagkakataon para makapasok sa loob. Agad naming hinalughog ang buong paligid. Bawat sulok, lalagyan, libro, at papel hinalughog na namin pero hindi parin namin makita ang mapa.

"Saan kaya ni Mr. nilagay yun?" sambit ni Flynn at napakamot ng ulo. Tagaktak narin ang pawis nito kaya nilapitan mo sya at pinunasan iyon.

Napangiti naman sya sa ginawa ko. "Ang sweet naman ng baby ko.." masuyong sabi nito at kinurot ang ilong ko.

"Guys were here for the map not to do some smoochie!!" inirapan ko lang si Doyle dahil sa pagkabitter nya.

Napa iling nalang si Flynn at nginitian ako. "Mamaya nalang daw tayo mag smoochie.."

Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi ni Flynn. Inirapan ko nalang din sya at tinuon nalang ang pansin ko sa paghahanap ng mapa.

Ilang oras narin kaming naghahanap pero wa parin. Mabuti nalang talaga at hindi pa dumadating si Mr. Krypton. Naku siguro napasarap ang kain nun dun.

"Guys wala talaga.." nanghihinayang na sabi ni Drake kaya napa upo nalang ako sa couch doon. Tumabi naman sa akin si Flynn.

"Saan ba tinago ni Mr. Krypton yun?" nakangusong tanong ko. Nakakainis na kasi eh.

Inis na tumayo ako at sa hindi inaasahan nadapa ako. Nasubsob ang mukha ko sa sahig.

"A-aray..." agad naman akong tinulungan ni Flynn tumayo at pina upo sa couch.

"Okay ka lang? Saan masakit?" kahit gusto kong sabihin 'ok lang ako! hindi naman masakit yung pagkakadapa ko eh! hindi nga ako umaray!' kaso hindi ko masabi kasi kinikilig ako sa ginagawa ni Flynn.

"Ikaw lang pala Emerald ang makakahanap ng mapa eh.." nagtaka naman ako sa sinabi ni Doyle. Iwinagayway nya sa harap ko ang isang scroll na sa tingin ko ay mapa. Napansin ko rin na may nakaawang parte ng pader doon. Ang galing naman ng taguan ni Mr. Krypton.

"Mabuti nalang at nasubsob ka!!" masayang sabi pa nito kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hahaha.. tara na baka bumalik na si Mr. Krypton.." tumayo na ako at paika ikang naglakad. Ang sakit parin kasi ng katawan ko. Mabuti nalang inalalayan ako ni Flynn ko. Kaya ito naman ako, pangiti ngiti nalang.

"What took you so long?" bagot na tanong ni Sync habang prenteng naka upo sa malaking bato. Sila kasi ang nagsilbing look out namin.

"Hindi kasi nasubsob agad si Emerald kaya natagalan kami.." sinamaan ko ng tingin si Dolye sa tono ng pananalita nya.

"Nang-iinis kaba?" inis na tanong ko pero tinawanan nya lang ako.

"Tss.. lets go.." masungit na sabi ni Sync at naunang naglakad.

"This picture looks like the hall right?" tanong nito sa amin. Tinignan iyon ni Candy at tumango.

"Oo nga, pero hindi naman natin nakita ang garden na yan doon." takang tanong nya.

"Syempre hindi talaga nila ipapakita ang garden na yan kasi Stash nga diba itago, alangan namang tawagin nilang Stash Garden kung ipapakita.." pambabara ni Mint dito, pumalakpak naman si Candy sabay batok kay Mint.

"Huwag mo ako gawing tanga!"

"Let's go to the hall.." malamig na sabi ni Sync at nauna nanamang maglakad.

Nakarating na kami sa hall pero hindi namin nakita ang Stash Garden na nakalagay sa mapa.

"Dito lang yun eh.." sabi ni Cryztal at nilibot ang tingin.

"They hid the Stash Garden by illusion, ang nakikita nating hall was just part of the illusion they've made.." nakatingin kami kay Flynn habang parang detective na ewan itong nagsasalita ng kung ano ano.

"And the only way to destroy the illusion is to make another illusion.." sabi nito at tumingin kay Cryztal.

Natahimik si Cryztal na tila nag iisip na sinabi ni Flynn. "I get your point.."

Ikinumpas ni Cryztal ang kamay nya at itinutok sa kawalan. Bigla nalang may lumabas na kung ano sa kamay nya at unti unti ng nagbago ang paligid. Ang dating mga nakahelerang upuan ay naging punong kulay puti. Mga bulaklak na kulay ginto.

Sa kabuuan isang magandang Stash Garden ang tumambad sa harap namin.

"Ang ganda.." bulong ko sa sarili ko.

"Asan kaya si Lilian?" tanong ni Drake na syang nagpabalik sa diwa namin.

Naglibot libot kami sa paligid hanggang sa may nakita akong kislap mula sa kung saan.

"Guys dito!!" tawag ko sa kanila kaya nagsilapitan sila sa tabi ko. Tinuro ko ang isang daanan kung saan may mga nakasabit na mga diamond veins.

Sinundan namin ang daan na iyon at tuluyan na kaming naluha sa nakita namin.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top