Chapter 33

Chapter 33: Stash Garden

Someone's Pov

Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko at nagtaka ako dahil nasa kakaibang lugar ako. Walang kahit anong makikita dito maliban sa puting paligid.

Asan na ba ako

"Gising ka na pala.."

Agad akong napatingin sa isang gawi at nakita ko doon ang isang babae na may mahabang puting buhok. Nakasuot ito ng puting bestida na tinernuhan ng gintong sandalyas.

"Sino ka?" matapang kong tanong.

"Ako si Naria.." nakangiting sabi nito at lumapit sa akin. Napaatras naman ako dahil doon. Pakiramdam ko kasi may masamang mangyayari.

"A-anong kailangan mo?"

Ngumiti ito.." Nais ko lamang kamustahin ang Legendary Alcidae."

Hindi ko alam pero parang may nais syang ipahiwatig na hindi ko maintindihan.

"Bakit anong kailangan mo sa Legendary Alcidae?" tanong ko dito.

"Wala naman akong nais sa kanya, gusto ko lang sabihin na..."

Naalimpungatan ako kaya agad akong napabangon. Hindi naman ganoon kasama ang panaginip ko pero bakit namamawis ako?

Nilibot ko ang paningin ko at nasa hindi ako pamilyar na lugar. Asan ako? Nakita ko ang damit ko.. kulay puti. Kelan pa ako nag suot ng long gown kapag natutulog?

Napakamot nalang ako ng ulo. Asan ba ako? Ang mabuti pa hanapin ko nalang sila. Bumaba ako sa kama ng may narinig akong mga yapak. Dali dali akong bumalik sa kinahihigaan ko at pumikit.

****

Sync's Pov

"Sorry na kasi.."

"Uyy hindi ko naman alam na may mga inves doon sa kabilang lagusan eh.."

Hinarap ko si Mint with my deadly stare.." You should think before you decide.."

"Yeah!! Mabuti nalang at nakabisado ko ang daan edi sana naging midnignt snack na tayo ng mga inves!!" pairap na sabi ni Candy kay Mint kaya napanguso nalang ito. Tsk so gay.

"Paano tayo makakapasok dyan?" tanong ni Mint. Hindi nalang namin sya sinagot at pinaunang pumasok.

"T-teka pano pag may inves din dito??" kinakabahan nyang tanong.

"Edi mabuti, para ikaw ang una nilang kainin.." sabi ni Candy sabay ngisi. Napangiti narin ako sa biro nito sa kapatid nya lalo na ng bigla nalang itong namutla.

"Bilisan mo nga Mint.. nangangawit na ako kakayuko dito eh!!" reklamo ni Candy dito at tinulak tulak pa si Mint.

"A-ano kaba!! Kita mo na ngang masikip dito eh..tapos baka may inves pa!!"

Inis na napakamot ng ulo si Candy. Ako ang nasa hulihan, pumapagitna sa amin si Candy. Ilang minuto narin kaming pagapang gapang dito sa lagusan pero hindi parin namin makita ang dulo.

"Wooahh!!" agad na sinambot ni Candy si Mint ng muntik na itong mahulog sa isang bangin.

"Dead end.." mahinang bulong ni Candy. Tinignan ko ang ilalim at wala akong makita na kahit ano. Nagkatinginan kami ni Candy at naiintindihan nya ang ibig kong sabihin.

Agad na gumawa sya ng Candy bagging habang ako ay fire rope. Itinali namin ito sa malaking bato at sa beywang namin.

"T-teka anong bibabalak nyo??" kinakabahang tanong ni Mint.

"Alam mo hindi kana namin sana sinama kung magaganito kalang pala" sabi ni Candy sabay irap kay Mint.

Kinakabahan namang napalunok si Mint at nag aalangang gumawa ng bagging gamit ang poison nya.

"Ok dont look down.." sabi ko sa kanila.

Nagpadausdos kami pailalim. Hindi naman naging madilim ang pagbaba namin dahil narin sa fire rope ko.

"Uyy Mint bakit mo to ginagawa?" napatingin ako kay Mint ng tanungin nya ako ng ganun. Ilang segundo rin akong natahimik. Bakit ko nga ba ito ginagawa?

"Aantayin ka namin Lilian.."

"For Lilian syempre! Ano ka ba Mint.." sabat naman ni Candy dito. Tama para kay Lilian nga.

"Oo nga pero BAKIT??" tanong ulit ni Mint. Hindi ko alam pero parang may halong panunukso ang tono ng pananalita nya. Para kay Lilian kaya ginagawa ko to. Pero bakit?

Inalala ko lahat ng masasayang araw na kasama ko sya. Mga masasayang araw na puro asaran at irapan.

"Ahhh.. alam ko na.." mahina nitong sabi at ngumisi aa akin.

"Ang layo naman ng lupa dito.." bagot na sabi ni Candy.

Tama kanina pa kami bumababa pero wala parin kaming naaapakang lupa. Baka mali tong ginagawa namin?

"hayy inaatok na ak----aaahhhhhh"

"MIINTT!!"

Agad kong sinambot si Mint ng bigla nalang maputol ang bagging nito. At sa hindi inaasahang posisyon kami bumagsak sa lupa.

"Ahh S-Sync m-mabigat ka.." agad naman akong napabangon sa ibabaw ni Mint at matalim syang tinignan. Tinignan ko ang itaas at nakita ko na hindi naman pala ganoon kalayo ang pinaggalingan namin. Sa totoo nga kita pa mula dito ang mga bagging namin.

"Illusion.." mahina kong bulong.

"Hindi ko inaasahan ang makikita ko ah.." agad kong tinignan ng masama si Candy pero tumawa lang ito.

"Tss.."

"Mint baka agawin mo si Sync kay Lilian ha??" mas tumalim ang tingin ko kay Candy dahil doon. Samahan pa dahil tinignan din sya ng matalim ni Mint.

"Ok.. Im just kidding.." bagot na sabi nito at nagflip ng buhok. Tss.

"Tara na hanapin na natin yung Infinity Resin.." masayang sabi ni Mint at naunang naglakad. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit nya at nauna sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Candy kaya ngayon nakanguso na syang nakasunod sa amin sa huli. Tsk..Ayoko nang mauna sya dahil baka kung ano naman ang makaharap namin.

"Guys nakikita nyo ba ang nakikita ko?" manghang sabi ni Mint. Nagniningning pa ang mga mata nito na tila nakakita ng isang magandang bagay.

"Infinity Tree.." bulong ko.

Nakatayo sa harap namin ang isang puno na namumulaklak ng dyamante. At sa katawan nito ay may umaagos na kulay gintong likido.

"Tara kumuha na tayo.." agad na pinigilan ko si Mint ng nagmamadali syang lumapit sa Infinity Tree.

"Huwag kang padalos dalos.." at iginala ko ang fire stick ko sa paligid. At hindi nga ako nagkamali, mas maraming inves ang natutulog sa paligid ng Infinity Tree.

"Paano tayo makakakuha nyan?" parang nanghihinayang na tanong ni Mint. Hindi kami basta basta makakalapit dahil sa oras na maramdaman nila ang presinsya namin malapit sa Infinity Tree hindi sila magkakamaling gawin kaming pagkain.

"I'll be the first to try.." sabi ni Candy at dahan dahang lumapit sa Infinity Tree. Habang papalapit ito ay unti unti ring gumagalaw ang mga inves.

"Candy their moving.." mahinang paalala ni Mint dito.

Mas lalo namang iningatan ni Candy ang bawat hakbang nito. Konting maling galaw nya lang maaaring mauwi sa wala ang lahat. Nasa kalagitnaan na sya ng may narinig akong mahinang creak.

Nilibot ko ang tingin ko at bigla akong kinabahan ng makita ko ang nilalakaran ni Candy na unti unting nagkakaroon ng bitak. Napatingin din ako sa kinatatayuan namin at nagkakaroon din ito ng crack.

Narinig kong napastiff si Mint dahil siguro nakita nya rin ang kinatatayuan namin. Isa itong cryztal floor. Maingat na nilabas ni Candy ang maliit na jar at nilagyan ng gintong likido o ng infinity resin. Nang mailagay na nya ito ay humarap sya sa amin sabay kaway.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Dahan dahan ulit syang bumalik sa amin.

"Whew that was so close.." sabi nito sabay punas ng pawis sa noo nya.

"Creeaak.."

Nagkatigninan kaming lahat. Namamasa narin ang kamay ko. Tagaktak ang pawis at halos marinig na rin ang tibok ng puso habang dahan dahan kaming naglalakad palayo sa infinity tree.

Habang humahakbang kami nakikita ko na mas lumalaki ang crack ng cryztal floor. Rinig ko ang kabog ng dibdib ko ng malapit na kami sa solid ground.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari.

"booggsshh"

Bigla nalang nahulog sa cryztal floor ang isang bitak ng bato.Nagkaroon ito ng malaking butas pero nandoon parin ang bato. Napatingin ako sa itaas habang iniilawan ng fire stick at literal na nanlaki ang mata ko ng makita ang mapuputing mata ng mga inves.

"creaak.."

Pigil hininga kami habang naglalakad. Nagising narin ang mga inves kaya mas kailangan naming mag ingat. Oras na mahulog ng tuluyan ang bato ay katapusan na namin.

I feel relief ng makaapak na ako sa solid ground. Dahan dahan ko ring inalalayan si Candy. Nasa likod si Mint na ingat na ingat habang naglalakad.

*sound efect na nahulog na bato*

Agad kong hinatak ang braso ni Mint ng tuluyan ng mabasag ang cryztal floor...

"Acckk.."

Hirap na hirap akong iangat si Mint sa pwesto namin.

"G-guys.."

Nahahapo naman akong umupo ng makalabas kami sa loob ng Soul Cave. Pano ba naman hinabol kami ng mga inves mabuti nalang at hindi sila maaaring makalabas sa Soul Cave.

"Hayy nakakapagod!!"

Tinignan ko ang papalubog na araw. Magagabi na pala. Kailangan na naming magmadali.

"Tara na.."

****

"OMG akala ko kung napano na kayo!!" iyan agad ang bungad sa amin ni Cryztal na akala mo eh nanay na alalang alala sa anak nya.

"Nakakuha na kami ng infinity resin.." sabi ni Candy at inilabas ang mini jar sa bulsa nya.

"Where's Lilian?" tanong ko sa kanila. Nagtaka ako ng magkatinginan sila na para bang tuturuan kung sino ang sasagot.

"Ahh.. Sync dinala kasi sya sa ... sa Stash Garden..."

"What???"

Napasabunot nalang ako at napamura. Pano na namin ito mabibigay? No one knows where the Stash Garden is.

F*CK!!!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top