Chapter 32
Chapter 32: Soul Cave
Cryztal's Pov
Pupungas pungas akong naglalakad papunta sa clinic. Pinatawag daw kasi kami ni Sync dahil may sasabihin daw sya. Hindi ko maiwasang humikab habang naglalakad. Anong oras na ba to? Siguro mga pasado alas dose na na.
"Uyy Cryz punta ka ring clinic?"
Bigla nalang nawala ang antok ko ng marinig ko ang boses ni Drake. Parang isa itong kape na bumuhay sa kaluluwa ko. Mabuti nalang at madilim dahil ayaw kong makita nya akong namumula ngayon.
"Ano nanaman kayang problema ng kapatid kong yun?" tanong niya habang nakahawak sa baba niya. Hayy ang gwapo niya talaga.
"Uyy pwede pasabay??" napasimangot nalang ako ng biglang umepal si Flynn.
"Hindi pwede!!" suplada kong sagot.
Napangisi nalang sya pero sumabay parin sa amin. Ano ba yan! Nawala nga antok ko napalitan naman ng inis! Flynn kasi eh!
"Bakit naman hindi naman kayo nagdadate diba?" mapang asar na tanong ni Flynn. Namumulang pinadyak ko ang paa ko at naunang naglakad.
"CRYZ JOKE LANG!!"
"EWAN KO SAYO!!!!"
Hmp!! Okay na sana gabi ko eh!!
****
Drake's Pov
Ano nanaman kaya ang nakain ng kapatid ko at pinatawag kami ng dyes oras sa gabi?
"Ano kayang sasabihin ni Sync?" curious na tanong ni Flynn.
"Hindi kaya... ah hindi naman siguro." mahinag bulong lang iyon pero rinig ko parin. Sa tono ng pananalita ni Flynn parang may tinatago sya na hindi ko alam.
Nakarating narin kami sa clinic at nakita ko si Sync, Candy at Mint na nag uusap sa isang tabi. Napalingon sila sa amin at sinenyasang pumasok. Kaya pumasok na ako at umupo sa isang couch doon.
"Andito na ba lahat?" seryosong tanong ni Sync.
"Oo andito na..*yawn*.. bakit ano bang pag uusapan natin?" inaantok na tanong ni Flynn.
Pero imbes na sagutin ni Sync ay lumapit lang sya kay Lilian na ngayon ay konteng konte nalang ang kulay ng buhok. Nagkatinginan kami at halata naman na wala kaming ediya. Nabaling ang tingin ko kay Mint at Candy na naasandal sa isang tabi. Parang nag uusap ang mata nila. Hindi ko rin mabasa ang nasa isip nila. Ano kayang iniisip nila.
****
Sync's Pov
"INFINTY RESIN???"
Tinignan ko sila isa isa ng bigla silang magsisigaw. Sinabi na nga ba at hindi talaga mapipigilan ang bunganga nila lalo na si Flynn.
"Yes and could you please lower you voice? This is a secret.." napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa sintido ng bigla nilang takpan ang mga bibig nila na parang mga bata.
"Okay as I was saying.. The book of life contains many extinct powers, pero wala ni isang nakasulat kung meron bang power na kayang magbigay buhay ulit.."
"Pero kanina, nakita ko sa pinakahuling page ang isang salita. And that is Infinity Resin. And according to its description, ang Infinity Resin ay isang dagta ng buhay na kayang magbigay buhay sa isang taong naghihingalo at hindi sa patay na."
"So you mean gagamitin mo ang infinity resin para kay...." hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si Emerald.
"Yes.." pagputol ko sa sinabi nya. Ayokong sabihin nya ang pangalan ni Lilian. Dahil mabubuhay pa si Lilian.
"Nakatago ang infinity resin sa Soul Cave sa tuktok ng Mount Corvus. At pinapangalagaan ng mga inves. They are the invisible creature that can only be seen if there is light.."
Ilang minuto ang nakalipas at katahimikan lang ang namuo sa buong paligid. Seryoso ang mukha ng lahat at tila dinadigest lahat ng sinabi ko.
"So you mean kailangan nating bumalik sa mga forests para makuha ang infinity resin?" tanong niCryztal.
"No, only me Candy and Mint is going there. May alam silang shortcut para makapunta doon ng hindi dumadaan sa mga gubat."
"Eh anong gagawin namin??" tanong ni Flynn.
"You'll cover for us.." sagot ko. Tumahimik ulit ang paligid. Isang nakakabinging katahimikan.
Ilang minuto pa at binasag na ni Drake ang katahimikan.
"Okay I agree.." seryosong sabi nito.
"Okay we agree.." sabay na sabi ng iba. Napangiti naman ako dahil doon. Tinignan ko si Lilian.
"Aantayin ka namin Lilian.." mahina kong bulong.
****
Andito kami ngayon sa likod sa may Dark Forest. Sabi nina Candy dito daw kami dadaan dahil parang may lagusan daw doon papunta sa mismong Soul Cave.
"Mag iingat kayo.." mahinang sabi ni Emerald. Nag iingat kami na hindi marinig o makita. Mahirap na.
"Bilisan nyong makabalik, narinig ko ang usapan nina Mr. Krypton kaninang umaga. Sabi nila hindi na daw tayo babalik sa forests dahil baka mapahamak lang tayo, sila nalang daw ang babalik doon para lagyan ng ribbons lang mga espada.." seryosong sabi ni Emerald.
"Oo narinig ko rin na ngayon daw dadalhin si Lilian sa Paradise.." dugtong ni Flynn.
Nangunto naman ang noo ko dahil doon. "Bakit sa paradise?" takang tanong ko pero nagshrug lang si Flynn.
Sa paradise doon inalalagay ang lahat ng mga high class keepers. Hindi sila ililibing doon. Ilalagay lang sila sa mga nakalagay na mga kama doon.
"Sige aalis na kami." sabi ko kaya tumango sila.
Nag umipisa ng maglakad sina Candy at Mint. Nakasunod lang ako sa kanila. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo ng lingunin ko sila.
"Dont let them take Lilian in the paradise.." tumango lang sila at kumaway. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Nakita kong inaantay ako nina Candy sa isang maliit na lagusan.
Ito na siguro iyon. Unang pumasok si Mint sumunod naman si Candy, nang ako na lumingon ulit ako sa Lailana. Antayin mo lang ako Lilian.
****
"Ito na ba yun?" nag echo ang boses ni Mint sa buong kweba ng magsalita ito.
"Ang dilim naman.." medyo kinakabahang sabi ni Candy.
Pinakiramdaman ko ang paligid kung may masama bang mangyayari at mabuti nalang at wala.
"Sync ilaw naman.." tinignan ko ng masama si Mint pero parang hindi nya naman ito nakita dahil sa sobrang dilim kaya napabuntong hininga nalang ako at gumawa ng fire stick.
Ibinigay ko ang isa kay Candy pero iniwasan nya ito. "Ayy ano ba Sync baka mapaso ako nyan.."
"Dont worry, its not as hot as fire.." nag aalangan pang tanggapin ni Candy ang fire stick pero wala narin naman syang choice kundi hawakan ito.
"Hala oo nga hindi nga sya mainit! Parang light stick lang sya!!" manghang sambit ni Mint.
Nilibot ko ang fire stick sa paligid para mahanap ang daan. At sa isang sulok may nakita akong isang malaki at isang makitid na daanan.
"Hey theres a way there.." sabay turo ko sa lagusan.
"Saan tayo dadaan dyan?" tanong naman ni Mint at napakamot sa ulo. Mataman ko namang tinignan ang bawat lagusan. Ang isa ay malaki at kayang pasukan ng limang tao na magkakasabay. Ang isa naman ay halos hindi kayang pasukan ng isang tao.
"Siguro dito nalang tayo dumaan.." suhestyon ni Mint at nagtungo sa malaking lagusan.
"Ano hindi ba kayo sasama?" lingon nitong tanong sa amin. Sumunod naman si Candy sa kanya at tumingin sa akin.
"Oh Sync tara na.." yaya nito sa akin pero nanatili lang akong nakatayo. Parang may nararamdaman ako na hindi ito ang tamang daan. Pero wala narin akong nagawa dahil nakapasok na sila sa loob.
Naabutan ko silang nakatayo na nakatalikod sa akin. "Hey why are you not going?"
"Sshhh" mahinang sabi ni Mint habang nakalagay ang hintuturo sa bibig nya.
Nilapitan ko sila at nagulat ako sa nakita ko ng matapat sa harap namin ang ilaw ng fire stick.
"Ano ang mga yan?" mahinang bulong ni Candy habang ginagala ang ilaw sa paligid.
"Inves.." mahina kong sagot. Pinatay ko ang ilaw at tama nga dahil hindi namin sila nakita kahit nakasilip sa loob ng kwebang ito ang ilaw ng buwan.
Pero ng ibalik ko ang ilaw ng fire stick ay klarong klaro naming nakita ang itsura nila.
"Mukhang mali tayo ng napasukan.." tinignan lang namin ng masam si Mint at napapeace sign lang ito.
"Let's go.."
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top