Chapter 28

Chapter 28: Missing Touch

Someone's Pov

"Panginoon nandito na po si Lucia.."

Uminom ako ng alak sa kupita bago magsalita.."Papasukin sya.."

Maya maya umalis narin ang kawal at pumasok si Lucia. Nakatingin ako sa kanya habang yumuyuko ito bilang paggalang.

"Panginoon patay na po ang Legendary Alcidae.." napangiti ako sa aking narinig. Tila isa itong musika na pumasok sa aking tenga na nagbigay saya sa aking puso.

"Magaling! Ngayon hindi na magtatagumpay ang kanilang propesiya.. hahaha"

Kung inaakala nila na magwawagi sila sa kanilang plano. Nagkakamali sila. Hindi sila pwedeng magtagumpay sa kanilang propesiya. Kami lang ang pwedeng maghari sa mundong ito. Hindi sila. Kami lang. Ako lang. Hahahaha!

****

Cryztal's Pov

"Lilian..huhuhu.." mugto na ang mata ni Emerald kakaiyak sa tabi ni Lilian. Maski ako ay namamaga narin ang mata kaya tumigil na ako. Pero kahit anong pilit kong huwag umiyak, kusa nalang pumapatak ang luha sa mga mata ko.

Halos lahat kami dito nalulungkot sa pagkawala ni Lilian. Maski sina Violet at Sky na tahimik lang palagi lalo atang tumahimik. At ang pinakanasasaktan sa mga nangyayari ngayon ay si Sync.

Tumingin ako sa kanya na nakaupo sa isang bato habang nakatingin sa kawalan. Hindi man halata ang pag iyak sa mga mata nya. Mahahalata parin ang sakit at hinagpis sa mukha nya. Alam ko una palang may koneksyon na sa pagitan ni Lilian at Sync. At mas pinagtibay pa ito ng magkakilala silang dalawa.

Minsan ko ng nakitang umiyak si Sync, ito na siguro ang pangalawang beses na nakita ko syang umiiyak. Ang una ay yung namatay ang totoo nyang magulang at ng iwan sya sa kanyang kinagisnang magulang ngayon na syang tunay na magulang ni Drake. Sa makatuwid, hindi tunay na magkapatid si Drake at Sync.

"Cryz, ok ka lang? kanina kapa nakatingin kay Sync?" nabaling ang tingin ko kay Drake ng hawakan nito ang aking balikat.

Pakiramdam ko natigil ang mundo dahil sa ginawa nya. Kahit nasiyahan ako sa pag aalala ni Drake, hindi ito ang panahon para maging masaya ako. Tumingin ako sa nakahimlay na katawan ni Lilian. Unti unti ng pumuputi ang buhok nya patunay na unti unti ng nawawala ang kapangyarihan nya.

Naalala ko noong una naming pagkikita ni Lilian. Unang kita ko palang sa kanya ang gaan na ng loob ko sa kanya. Ako ang unang naging kaibigan nya. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Masayahin si Lilian, kahit minsan tinotopak sya, seryoso naman sya pagdating sa labanan at pagtatanggol sa mga naaapi. Para ipagtanggol ang buong Lailana. Para ipagtanggol kami.

Napakabuti ni Lilian, at nalulungkot ako dahil unti unti ng nawawala ang mga alaalang ito.

Napapitlag ako ng may pumunas sa pisngi ko. "Dont cry.." sabi nito at niyakap ako. Lalo pang lumakas ang pag iyak ko dahil doon.

"T-thanks Drake..."

****

Emerald's Pov

"huhuhu.. Lilian.." wala akong pakialam kung masakit na ang mata ko kakaiyak at halos wala ng luhang lumalabas dito. Ang gusto ko lang ngayon ay iyakan ng iyakan ang kaibigan ko.

Oo..

Iniisip nyo na ang sama ko kay Lilian tapos iniiyakan ko sya. Bakit kahit masama ang pakikitungo ko noon kay Lilian naging mabuti naman ako nang malaman ko na sya ang Legendary Alcidae.

Dahil responsibilidad ng aming hukbo na ipagtanggol at protektahan ang Legendary Alcidae. Ito ay isa na sa aming tungkulin ayon na rin sa lumang aklat. Kaya ng malaman ko na sya ang Legedary Alcidae kinalimutan at nilunok ko lahat ng masasakit na salitang nasabi ko sa kanya noon.

Mabait na kaibigan si Lilian, at hindi ko matanggap na hindi ko manlang sya naprotektahan. Responsibilidad ko iyon pero anong ginawa ko? Wala!

Napayuko nalang ako sa bubble bed ni Lilian habang pumapatak ang mga luha ko. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin. Amoy palang nya alam ko na kung sino iyon.

"Its ok.."

Tama nga ako, its Flynn. Hindi ko nalang sya pinansin at pasimeng pinunasan ang luha ko..

"Hindi ka ba napapagod kakaiyak?"

Inangat ko ang ulo ko at pinunasan ang luha at amos ko.

"Bakit masama bang iyakan ang kaibigan?" mataray na sabi ko at inirapan sya.

Nakita ko na huminga sya ng malalim at tumingin kay Lilian.. "Alam mo miss ko na sya.."

Bumuntong hininga din ako at pilit iniiwasang pumatak ang luha ko. Pero sadyang traidor ang luha ko at kusa nalang itong pumatak.

"A-ako din.." I said between my sobs.

Naramdaman ko na hinagod ni Flynn ang likod ko. Kahit nainis ako doon wala naman akong lakas para awayin sya.

"Pati ikaw na miss ko rin.." minsan lang magseryoso si Flynn. At mahahalata mo talaga kapag seryoso sya.

"B-bakit naman lagi naman tayong magkasam sa paglalakbay?"

"Magkasama nga tayo sinusungitan mo naman ako, edi parang ang layo mo parin.." naramdaman ko na nag init ang pisngi ml sa sinabi nya. Pinapaguilty ata ako nito eh.

"Pero alam mo kahit sinusungitan mo ako masaya na ako, atleast sa pagsusungit mo sa akin, napapansin at nakakausap mo ako.." he said with a sigh.

"Ano bang sinasabi Flynn??" tanong ko dito at tinignan sya. Nakatingin lang sya kay Lilian at nagulat ako ng may pumatak mula sa mata nya.

"Alam ko na sinusundan nila tayo. Inuna na nila ang kaibigan natin. Hindi ko alam kung baka sa susunod na araw tayo naman ang isunod nila. Bala ako? Ikaw? Si Sync.." sabi nito at tinignan ako sa mga mata ko. Mataman nya akong tinignan. Halos malunod naman ako sa mga tingin nya. Tila may hypnotism power sya at nahihypnotise ako.

"Gusto ko lang sabihin na Emerald.." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Nakatulala lang ako habang ginagawa nya iyon. Pakiramdam ko wala ako sa sarili ng mga oras na yun.

"Mahal na mahal kita.."

I feel the world stop in front of me. Pakiramdam ko kusang tumigil ang mundo kasabay ng pagtigil ng hininga ko at ang paglakas ng pintig ng puso ko.

Kahit gusto kong sumalungat sa mga nangyayari may nagsasabi sa akin na tanggapin nalang. Nagsasabi na huwag ko ng pigilan ang nararamdaman ko. Dahil tama si Flynn, baka huli narin namin to.

Ng maghiwalay ang mga labi namin. Napayuko ako. Unti unti naring nagpapatakan ang mga luha ko. Hinawakan nya mukha ko at inangat, pinunasan ang luha ko at nagsabing..

"Mahal kita Emerald.."

Unti unti ng nagsisnk in sa akin lahat. Ng gawin iyon ni Flynn sa akin, narealize ko na hindi na ito ang panahon para magpakipot ako. Hinahabol na kami ng kamatayan, at hindi na ito ang panahon para ipagpabukas ko ang lahat.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas na sabihin iyon pero kusa nalang itong lumabas na bibig ko.

"M-mahal din kita Flynn.."

****

Sync's Pov

I miss her.

I miss her smile.

I miss her laugh.

I miss every piece of her.

Ang bilis ng mga pangayayari. Hindi ko akalain na hanggang dito nalang pala ang pagsasama namin. I wish I can turn back the time when we are in that situation. When I am with that impostor. Kung alam ko lang na hindi sya si Lilian, kung naniwala lang ako sa kanila, hindi to mangyayari.

Sa akin talaga dapat isisi lahat ng to eh! Its because of my idiotness!Tumingin ako sa kanya. Her hair is turning white. Kahit nakahiga lang sya at natutulog hindi ko parin nababawasan ang  ganda nito. She is the most beautiful woman I ever know.

Hinawakan ko ang kamay nya. Mainit parin ito. Hindi pa nauubos ng tuluyan ang kapangyarihan sa katawan nya. Nakahawak lang ako dito habang inaalala ang mga nangyari noon.

Una naming pagkikita..

"HOY MISS ILAAGG!!!!".  Agad na napalingon sa gawi namin yung babae na malapit ng matamaan ng fire sphere. Biglang nanlaki ang mata nito at parang natigilan habang nakatingin lang sa fire sphere na papalapit sa kanya. Tch! Hindi ba sya iilag? Tanga!

"Cryztal help her.." utos ko kay Cryztal kaya nag cast ito ng spell at naging isang rosas ang kaninag fire sphere.

"Tsk...are you that stupid??"

The first time I feel anoyed at her..

Our first fight..

"Hey lady whats wrong with you??!!"

"Your pissing me off lady!!!"

Our first hug. The first time I fell my heart beating irrigularly.

"kaya ngayon wag mo akong tanungin kung bakit ako nagkakaganito kasi hindi mo alam ang naranasan ko dahil sa inyo.. dahil sa mga pulang mata na yan.. dahil dyan wala na ang magulang ko.. dahil dyan wala na ang kaatid ko.. dahil syan wala na ang buhay ko.. dahil dya--"

And Our first kiss. That was the sweetest thing ever happen in my entire life. Maybe I may sound gay but I felt my stomach is tickling that time. I was very happy, the happiness that I cant describe. Actually no word can describe how happy I am that time.

"Shout at me again and I will kiss you.." sabi ko at umalis na. But before I close the door, nilingon ko sya at nakita kong nakatulala ito habang nakahawak sa labi nya. I cant help myself but to smile. Tch, stupid.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pamamasa ng mata at unti unting paglamig ang pisngi. Nakakainis mang sabihin pero Oo umiiyak ako. F*ck!!

"Sync ok ka lang?" I just ignore Violet when she sit beside me. Isa pa to sa kinapipikunan ko eh, shes annoying ang irritating.

"Sync siguro mabuti pa kung sabihin na natin sa Lailana ang nangyari kay Lilian, mas makabubuti siguro sa kanya na doon muna manatili habang tayo magpapatuloy sa paglalakbay.."

I stay quite and ignore her. Alam ko na malalaman din to ng Lailana, pero gusto ko kasama ko muna sya ngayon, kahit ngayon lang. I maybe sound selfish pero just for once sa akin muna sya.

"Sync alam ko mahirap mawalan ng minamahal but Sync you need to let her go.."

Nanatili akong tahimik. Nakatingin lang sa babaeng kaharap ko. Napabuntong hininga nalang si Violet.." Always remeber Sync, kung may mawala man may dadating.."

Yeah I know, if that true.

I want her to be back again.

I really miss her.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top