Chapter 27
Chapter 27: Blame
Sync' s Pov
Shit shit shit shit!
Arrgghhh!
F*ck!
Bakit ang tanga ko!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. This is my fault! Why am I so idiot!
"Sync hindi mo kasalanan ang nangyari.."
No, its my fault. Its my so damn stupid fault!
"Sync saan ka pupunta?"
Anywhere! Anywhere far from here. Ayokong makita sya. Ayokong makita syang nahihirapan dahil sakin. Ayokong makita syang naghihingalo dahil sa katangahan ko.
I dont want to see her chasing her life. Chasing her breath. Just to stay alive. Because of me.
*Flashback*
Tinatamad na ako sa laro ng isang to. Let's just end this.
Nagform ako ng malaking fire sword at tinuro sa direksyon nya. Halata sa mukha nya ang pagkabigla kaya napangiti ako. Pero agad din nawala ang ngiti ko ng mag iba ang mukha nya.
"Sync tulungan mo ako. Ikinulong nya ako Sync. Tulungan mo ako.." Lilian. Naging si Lilian sya ulit. Blue eyes, Blue crying eyes.
Natulala ako sa pangyayari kaya hindi ko namalayan ang susunod na nangyari. All I know, I found myself form a big fire ball at pinatama sa impostor.
"LILIAANN"
I was shocked that time kaya hindi ko namalayan na sinugod na pala ako ng impostor dala ang water blade nya. Handa na sana akong tamaan nun ng may biglang humarang sa akin.
Blue haired.
Pagkakita ko palang sa buhok na yun alam ko na agad kung sino yun.
"UUGGHH"
Doon lang ako natauhan ng marinig ko ang boses nya.
LILIAN!!
Natumba sya sa akin kaya agad ko syang sinambot. Hawak nya ang tyan nya kung saan may lumalabas na pulang likido.
Biglang nandilim ang paningin ko. Naramdaman ko na nag init ang buo kong katawan. Sa sobrang galit ko nagform ako ng malaking fire ball at walang awang pinatama sa impostor.
Agad akong lumayo sa pagsabog karga si Lilian papunta sa mga barkada ko. Halata ang gulat sa mata nila ng makita nila sa bisig ko si Lilian.
"LIILLIIAANNN"
*end of flashback*
I really hate myself.
Agad kong sinipa ang malaking bato sa harap ko at tumilapon ito sa kung saan.
Napasabunot ako sa buhok ko at pinagbabato ng fireball ang paligid. Alam ko kahit ang sungit at pikon ako kapag kaharap ko si Lynxx pero that is my only way to hide my feelings.
Argggg!
Nagpalabas pa ako ng maraming fireballs at pinalipad sa ere. Nagsibagsakan ito sa kinatatayuan ko pero hindi ako nasaktan maski konte. Sana nasaktan nalang ako. Sana napaso rin ako. Sana nasunog ako. Para mapantayan ko rin ang sakit na nararamdaman ni Lilian ngayon.
Teka si Lilian?
Napahilamos ako. Why did I leave her?
Shit!
I should be the one to take care of her. I am such an idiot!
Agad akong tumakbo pabalik sa kinaroroonan ni Lilian. Pero bigla akong may nabangga kaya napatigil ako.
I suddenly feel a dark aura.
Napatingin ako sa babaeng naka upo sa harap ko habang pinapagpag ang paa nya.
"Are you just gonna stare at me?" masungit na sabi nito at inangat ang tingin sa akin.
Who is she?
"Hey hindi mo ba ako tutulungan?" masungit na sabi nito.
"Hayss..ako na nga lang.." pikon na sabi nito at tumayo.
Tinignan nya ako at ngumiti. "Hi Im Lucia, a healing ranger.."
Why do she looks like..
Lilian?
****
I am just looking at the girl in front of me. She has black hair and orange eyes. Bakit magkamukha sila ni Lilian? They really look the same, the only difference is their hair and eyes but the figure. They are really the same.
Hindi kaya?
No that's impossible.
"Wuy! Okay ka lang? "
I came back to my senses when she flick her finger on my face. She is looking at me weirdly kaya agad kong tinago ang emotion ko. Tinignan ko lang sya at nilampasan.
Nakalampas na ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
"San ka pupunta?" tanong nito. Tinignan ko lang sya at tumalikod ulit.
"Pwede sumama?" ulit na tanong nito. I just ignore her and keep walking.
"Uyy.. alam mo nararamdaman ko na kailangan mo ang tulong ko.." nilingon ko sya at tinignan.
Ngumiti naman sya. "Oh diba tama ako? You need my healing power" masayang sambit nito.
"Did you say healing?" tumango naman sya.
Matutulungan nya kaya si Lilian? Pero hindi ko pa sya kilala. And I am sensing a dark aura behind her. Pero I cant loose this opportunity to heal Lilian.
Ilang minuto pa akong nag isip.
"Ano ba yan nakakangawit naman tumayo.. Ano na??" bagot na sabi nito. Tinignan ko sya ng mabuti. Maybe I' ll take some risk. Kung mapapatunayan nya na mabuti sya then fine with me but if not then I will be the one to kill her.
"Okay follow me.." masungit kong sabi at tinalikuran sya. Naramdaman ko na sumusunod sya sa akin kaya mas lalo akong naging alerto. I cant trust her that much. Pero para kay Lilian, I am willing to risk my trust.
Just to keep her safe.
****
"Sync where the hell are you from?!!" galit na bulyaw sa akin ni Emerald. I just ignore her at lumapit kay Lilian na nakahiga sa isang bubble bed.
I look at her and I cant admit that she is really pale. Napatingin ako sa tyan nya kung saan ang sugat nya. Wala na ang dugo sa damit nya pero bakas parin ang tusok doon.
Hinawi ko ang buhok nya at tinignan ang mukha nya. Eventhough she is sleeping, pain is visible on her face. And I cant help myself to feel the pain she's been feeling right now.
Nakatingin lang ako sa kanya ng imulat nito ang kanyang mata. Halata sa mga mata nya ang pagod. At lalo lang akong nasasaktan.
She look at me at ngumiti. A weak smile. "S-sync akala ko i-iniwan mo na ako.."
I hide my emotion. Ayoko makita nya akong nasasaktan. I dont want to feel her weak. I hold her hand and kiss it.
"I will never leave you.." I said softly trying not to break my voice.
She smiled. Then a tiny tear escape from her eyes.
I wipe the tears on her face. "Dont cry, gagaling ka.."
Umiling sya. "I know my power, alam ko na kapag natamaan ka ng water blade hindi kana magtatagal.."
Umiling ako. "No you'll be healed. Infact I brought a healer.."
"Wha-what do you mean?" takang tanong nito.
Ngumiti ako at tumingin sa likod ko. Andoon nakatayo si Lucia. Binaling ko ang tingin ko kay Lilian at bakas sa mukha nya ang gulat at pagtataka.
"Hi??" sabi ni Lucia at kumaway.
"Sync.. b-bakit?" Alam ko ang ibig nitong sabihin pero ayoko munang magtanong ng magtanong sya. She need to save her strenghts.
"I know, tutulungan nya tayo.." sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
"Sync sino ba to??" tanong ni Emerald sa akin at dinuro si Lucia.
"Hi ako si Lucia!!" masayang sabi ni Lucia pero inirapan lang sya ni Emerald.
"Oh tapos?" supladang sabi nito.
"Sync hindi ako komportable sa kanya.." inis na bulong ni Cryztal sa tabi ko.
"I know, but she has healing power.." napabuntong hininga nalang si Cryztal sa sinabi ko.
"I'll keep an eye on her." sabi ni Drake at matamang tinignan si Lucia.
"Ughh.."
Agad akong napatingin kay Lilian. Nakahawak sya sa tyan nya habang hindi maipinta ang mukha.
"Gosh Lilian your bleeding!!" tarantang sambit ni Emerald at nilapitan si Lilian.
Napatingin ako sa kamay nya. Umaagos doon ang pulang likido. Napamura ako dahil doon. I really cant stand seeing her on that situation.
"Maybe I can help.." sabi ni Lucia at lumapit kay Lilian. Pero hindi sya nakahawak kay Lilian dahil pinigilan sya nina Emerald, Cryztal at Candy.
"How can we trust you?" galit na sabi ni Emerald.
"How can you prove that your not gonna hurt Lilian?" ani Cryztal.
"Baka kung anong gawin mo sa kanya! I dont trust you!" sambit ni Emerald kaya hinawakan siya ni Flynn para pigilan sa pagwawala.
Napayuko nalang si Lucia sa sinabi nina Cryztal. Maski ako hindi rin ako komportable sa presinsya nya.
"Hindi na importante kung naniniwala kayo o hindi sa kanya. Ang importante mapagaling nya si Lilian.." seryosong sabi ni Drake. Tinignan ko sya pero nakatingin lang sya kay Lucia. Nagkatinginan sila, ngumiti si Lucia dito pero isang masakit na tingin ang iginanti nya.
"O-okay, but make sure you wont hurt our Lilian.." alanganing sabi ni Emerald at umalis na sa tabi ni Lilian. Sumunod naman si Candy at Cryztal.
Dahan dahan namang lumapit si Lucia kay Lilian. Nakahawak parin ito sa sugat nya na hindi tumitigil sa pagdurugo. Hinawakan ni Lucia ang kamay ni Lilian at may lumabas na orange na ilaw.
"Ugghh" daing ni Lilian. Lalapitan sana siya ng mga babae pero pinigilan sila nina Flynn.
Nakatingin lang ako kay Lilian. Namamawis na ang buo nitong katawan at namumutla narin ang mukha. Pinipilit ipasok ni Lucia ang orange na ilaw sa sugat ni Lilian dahilan para umalsa sa kinahihigaan si Lilian.
"Ugghh!!" mas malakas na ang pagdaing ni Lilian ngayon dahilan para mas kabahan ako.
Napatingin ako kay Lucia. Seryoso ang mukha nito habang pinapagaling si Lilian. Namamawis narin sya. Hindi ko na maatim na tignan si Lilian.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Lilian be strong okay? Huwag mong hayaang mawala ka. Hindi ko kaya. Please Lilian fight. Dont leave us. Dont leave me.." bulong ko dito at hinigpitan pa ang hawak sa kamay nya.
"Uggghh!!" malakas na pinisil ni Lilian ang kamay ko kasabay ng pagdaing nya. Kahit masakit iyon titiisin ko. Kailangan nya ako ngayon.
"Ugghh!!" daing ni Lucia at mas maraming kulay orange na ilaw ang pinalabas sa kamay niya.
Napakahigpit ng pagkahawak ni Lilian sa kamay ko. Tumutulo narin ang luha at pawis nya. Nagulat ako ng dahan dahan ng lumuwag ang kapit nito. Tinignan ko si Lucia na ngayon ay nakayuko. Nawala na ang ilaw sa kamay nya.
NO!
FUCK!
Agad kong hinawakan ang kamay ni Lilian. Pinisil ko ito pero hindi ito kumibo. Pinsil ko ulit pero wala parin. Galit na tinignan ko si Lucia.
"YOU SAID YOU CAN HEAL HER!! WHAT HAPPEN!!" halata sa mukha nya ang pagkatakot pero wala na akong pakialam.
"I-I didnt expect tha-that it would be that h-hard.." kinakabahan nitong sabi.
I scoff. "That hard? Ang sabihin mo you are really not good at this!!" galit na bulyaw ko sa kanya.
"Sync anong nangyari? Kamusta si Lilian?" lumapit sina Cryztal sa amin at hindi na ako nagulat ng bigla silang humagulgol.
"Huwaah! Lilian!" pulahaw ni Emerald at niyapos ang katawan ni Lilian.
Kahit gusto kong umiyak ngayon. I cant. I cant especially in fornt of them. In front of her.
"Sabi mo mapapagaling mo si Lilian?! Anong ginawa mo?!" galit na bulyaw ni Emerald kay Lucia na ngayon ay umiiyak na. Huh! Siya pa talaga may ganang umiyak ah!
"BAKIT KA UMIIYAK! KASALANAN MO KUNG BAKIT NAWALA SI LILIAN! UMALIS KA NA!!" at pinagbabato ni Mint ng poison ball si Lucia.
Natamaan sya nito at napaso. Mas lalo syang umiyak dahil doon.
"Bakit ba? Kasalanan ko ba kung bakit ganun katindi ang tama ng kaibigan nyo at hindi ito kaya ng power ko?!Ako na nga ang tumutulong tapos ako pa ang nagmukhang masama?! Ang sama nyo!" sambit nito sa pagitan ng kanyang pag iyak at sakit na natamo.
"Pinaasa mo kami na magagaling mo ang kaibigan namin! Kasalanan mo!!" bulyaw din sa kanya ni Cryztal.
"Bakit ako ang sinisisi nyo? Bakit hindi si Sync ang sisihin nyo tutal sya naman ang may kasalanan kung bakit nasaksak si Lilian!!"
Agad naman nangunot ang noo ko. Paano nya nalaman ang tungkol dun? Naalala ko ang sinabi ni Violet.
"Shes acting really weird.. and its kinda creepy though," patuloy nya habang nakatingin lang sa unahan.
"Sa tingin ko may nagmamatyag sa atin.." dugtong nya kaya napatingin ako ulit sa kanya. Nilingon nya rin ako at nginitian.
"Keep an eye on Lilian, marami ang nagtatangkang kunin sya.." sabi nito at tinapik ang pisngi ko.
I am really a bullshit!!
Ang dali ko namang mapaniwala ng babaeng to. Hindi ko alam pero bigla nalang nag init ang pakiramdam ko. Nandilim ang paningin ko. Ang tanging nakikita ko lang ay ang babaeng nasa harap ko.
Bigla akong bumuo ng malaking fire katana. Wala na akong pakialam kung makapatay man ako. Wala akong pakialam kung katakutan ako ng kaibigan ko. Wala na akong pakialam. Wala.
"Sync anong nangyayari sayo??" hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin ng kaibigan ko.
Basta ang alam ko lang gusto kong mawala sa harap ko ang babaeng to. Napangisi ako ng makita ko ang gulat at takot sa mata nya. Tama she should be scared.
Pinatama ko ang fire katana sa direksyon nya. Nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napuno ng usok ang paligid. Maya maya rin nawala na ito. Pero laking gulat ko ng wala ang katawan ni Lucia doon.
"Hahaha!!! Ang tatanga nyo naman mga guardians!! Ngayon patay na ang Legendary Alcidae!! Hindi na matutuloy ang propesiya!! Hahahaha!! "
Boses ni Lucia. Naging alerto kami at agad na nilibot ang tingin sa paligid. Umaasa ako na mahahanap ko si Lucia pero kahit anino nito ay hindi ko makita.
Shit!!
Napamura nalang ako. Tumingin ako sa katawan ni Lilian. Putlang putla na ito. Hindi na gumagalaw ang tyan nya patunay na hindi na sya humihinga.
"Huhuhu.. Lilian.."
Umiwas agad ako ng tingin. Ayokong makita silang umiiyak sa harap ng babaeng mahal ko.
OO MAHAL KO SI LILIAN!!
At ang tanga ko para hindi aminin sa kanya iyon. Kung alam ko lang na mangyayari to sana inamin ko na sa kanya agad. Sana naprotektahan ko sya.
Hindi ko alam pero agad kong pinunasan ang aking pisngi. Nabasa ang aking palad dahil doon.
Shit!!
Umiiyak na pala ako!!
Napaupo nalang ako sa damuhan at napasabunot.
"AARRGGHHH" hindi pa sapat ang sigaw na iyon para mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Lilian..
"LILIAN!!!!"
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top