Chapter 26
Chapter 26: Illusion
Flynn's Pov
Magagabi na pero hindi parin namin mahanap si Lilian. Nahehestirical narin si Sync at walang humapay na nagmumura na kinatatawa namin. Hindi naman kasi namin akalain na ganun na pala kalala ang tama nya kay Lilian.
"Hoy Hunter tinatawag tayo ni lover boy.." masungit na sabi sa akin ni Emerald at pairap na umalis.
Isa pa tong Blood na to eh. Sya pa talaga ang may ganang magalit? Eh sya nga tong nagpahalik dun sa Dan na yun! Bakit kasi iyon pa ang naisip nyang plano?!
Napahilamos nalang ako at tumayo. Mahirap na at baka tustahin ako ni Sync gayong highblood na yun.
"Hindi parin nakikita si Lilian.." nag aalalang sambit ni Cryztal.
Tinignan ko lang sya at tumingin kay Sync na naka upo sa bato at malalim ang iniisip. Teka diba sabi ni Sync kasama ni Lilian ang guardian nya? So guardian nya? Dapat alam nya yun kasi guardian nya ang kasama ni Lilian. Ano daw? Basta ganun!
"Sync diba sabi mo kasama ni Lilian ang guardian mo?" seryoso kong tanong. Minsan lang po ako magseryoso.
Tinignan nya lang ako at tumingin ulit sa kawalan. Nice talking! Siguro kaya palaging nakabusangot ang mukha ni Lilian dahil narin sa pagiging nice talking ni Sync.
"Oo nga Sync, hindi mo ba kayang tawagin yung guardian mo?" sang ayon sa akin ni Cryztal. Oh diba tama ako!
Pero imbes na sagutin nakatikim lang kami ng matalim na tingin.
"Ano ba Sync? Hindi ito ang panahon para magsungit ka! Nawawala si Lilian Sync!! Ano ba! Yung guardian mo lang naman ang kasama nya" frustrated na sabi ni Cryztal. Pinakalma naman sya nina Candy at Mint dahil umiiyak na sya.
"Sagutin mo nga kami Sync.." nagulat ako sa seryosong tono ng pananalita ni Drake. Mukhang hindi maganda to.
"May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Lilian??"
"SYNC!!"
"DRAKE!!"
Agad kong inawat si Sync ng ambaan nya ng suntok si Drake. Nilapitan naman ni Cryztal si Drake na dumudugo ang labi.
Tinignan sya ng masama ni Sync. "You know that I would never betray a friend. Especially the one who is special to me.." galit na sabi nito at piniksi ang kamay nya para mabitawan ko.
"Lilian??"
Agad kaming napalingon at nakahinga ng maluwag ng makita namin si Lilian, may kasama syang bata na may pulang mata. Bigla itong naging aso at pumunta kay Sync. Yun siguro ang guardian ni Sync.
Agad na nilapitan ni Sync si Lilian at niyakap. "Thank God that your alright.." mahinang sambit nito.
Pero nagulat kami ng itulak sya ng mahina ni Lilian at nilampasan. Maski kami ay hindi nya rin pinansin. Pumunta sya sa gamit nya at inayos. Kami ito nakatingin lang sa kanya.
"Shit!!!" narinig kong mura ni Sync.
Ano nanamang nangyayari kay Lilian?
****
Sync's Pov
Whats into her?
Shes acting weird again?
And I hate it!
"Uyy Lil gusto mo?" I look at Cryztal while offering Lilian food. Tinignan nya lang yung pagkain at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan namang nakatanga si Cryztal. Nagbabadya ng tumulo yung luha nya kaya nilapitan sya ni Emerald at inalalayan.
Thats it! I cant stand seeing her on that attitude!
"Lilian.." masungit na tawag ko dito pero hindi nya ako pinansin.
"Lilian.." ulit ko pa.
"Lilian!!" galit na sabi ko sa kanya at hinablot ang kamay nya. Tinignan nya lang ako with her emotionless eyes. Matagal din kaming nagkatitigan hanggang sa sumuko na ako.
Binitawan ko ang kamay nya kaya tinalikuran nya na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Shit!
"Okay lang yan Sync" sabi ni Flynn at tinapik ang balikat ko.
"I think someone is controlling her.." tinignan ko lang si Violet ng sumabay sya sa paglalakad ko.
"She's acting really weird and its kinda creepy though," patuloy nya habang nakatingin lang sa unahan.
"Sa tingin ko may nagmamatyag sa atin.." dugtong nya kaya napatingin ako ulit sa kanya. Nilingon nya rin ako at nginitian.
"Keep an eye on Lilian, marami ang nagtatangkang kunin sya.." sabi nito at tinapik ang pisngi ko.
Ngumiti sya at nauna ng maglakad sa akin. Nakatayo lang ako habang nag iisip ng malalim. Marami ang gustong kunin sya?
So that means marami ang nakasunod sa amin ngayon? Agad akong napalingon sa paligid. Tama nga, nararamdaman ko na maraming mata ang nakatingin sa amin.
Napa-tss nalang ako. Sorry but I wont let them lay their finger on Lilian. I wont let that happen, and I will make sure that would never happen.
****
"Saan na tayo??" takang tanong ni Emerald ng makapasok kami sa isang napakakapal na usok.
Agad ko namang nilapitan si Lilian at hinawakan ang kamay nya. Naramdaman ko na napa stiff sya kaya napangiti ako. Even she's acting weird andyan parin ang dating Lilian.
"Wow!!" manghang bulalas nina Flynn at Mint ng makalampas kami sa usok.
"Maybe were in the fifth forest.." sambit ni Sky.
"Ang ganda naman ng forest na to.." halata parin ang pagkamangha sa mukha ni Flynn habang nag iikot kami sa gubat.
Nakahawak parin ako sa kamay ni Lilian. Hindi rin naman nya iyon kinukuha kaya komportable na ako.
"Magandang araw sa inyo.."
Agad kaming napalingon sa pinanggalingna ng boses at nakita namin doon ang isang kakaibang babae. Mukha syang sirena kaso walang buntot. Puno ng nagkikintabang kaliskis ang katawan nito.
"Ano ang dahilan at napasyal kayo sa aking kagubatan?" malumanay na tanong nito.
Bakas sa mukha ng kasama ko ang paghahanda at pagiging alerto. Alam namin na ito na ang protector ng gubat.
"Andito kami para malagyan ng panibagong elemental ribbon ang sword." magalang na sabi ni Emerald. Tinignan sya ng protector at tumango.
"Kung ganon ay kailangan nyo munang malampasan ang aking pagsubok.." sabi nito at lumipad sa ere. Ikinumpas nya ang kanyang kamay kaya nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag. Napatakip ako ng kamay sa mata ko sa sobrang liwanag.
Pagmulat ko nakatayo na ako sa hindi pamilyar na lugar. Hinanap ko ang ibang kasama ko at nakita ko sila kaso malayo sa pwesto ko. Agad kong hinanal kung nasaan si Lilian pero hindi ko sya mahanap.
"Simple lang naman ang misyon ko. Alam ko na sa tagal nyong magkakasama ay kilala nyo na ang isat isa. O kilala nyo nga ba? Kaya ang gagawin nyo lang ay hanapin kung sino ang impostor sa inyo. Kung mapatay nyo man sya ay tagumpay kayo sa inyong misyon. Pero kapag hindi, ikinalulungkot ko pero mananatili kayo rito sa gubat ko habang buhay"
Mananatili habang buhay? Tsk! That would never happen. Pero find the impostor? Shit sino ba ang impostor dito?
Nagulat ako ng dumilim ang paligid at nasa ibang lugar nanaman ako. Naging alerto ako at nagpalabas ng fire ball. Handa na ako sa pag atake ng may magsalita sa likod ko.
"Sync!!!" masayang sambit ni Lilian at inambaan ako ng yakap. Agad naman akong lumayo at tinutukan sya ng fire ball.
"Sync ano ba ako to si Lilian! Tara hanapin natin ang impostor.." sabi nito at inilahad ang kamay sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin kaya hindi ko maintindahan kung sya ba talaga to o impostor.
Nahalata ata nya na hindi ako naniniwala sa kanya kaya napayuko sya. "Hindi ka naniniwala sa akin? *sniff*"
Nagulat ako ng marinig na humihikbi si Lilian. She's crying. F*ck!
"*sniff* Akala ko kaibigan kita at pinagkakatiwalaan mo ako pero hindi pala. Ang sakit Sync *sniff*"
I dont know why but I dissolve the fire in my hand at dahan dahan syang nilapitan. Nakayuko parin sya at umiiyak. Hinawakan ko ang balikat nya kaya inangat nya ang mukha nya.
"Sync ako to.." sabi nito at ngumiti. Tumango nalang ako at pinunasan ang luha sa pisngi nya. I hate seeing her crying because of me. Nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko. Nagkatitig lang ako sa mga mata nya.
Kulay asul..
Beautiful blue eyes..
Nagulat ako ng bigla nalang mag iba ito ng kulay. "Okay ka lang Sync?" takang tanong ni Lilian. Nagbalik na ang kulay ng mata nya. Pinilig ko nalang ang ulo ko at tumango. Siguro namalikamata lang ako.
"Sync wag kang maniniwala sa kanya!Impostor sya!!"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko doon ang buong barkada. Nakatingin sila ng masama kay Lilian. At ano yung sinabi nila?
"What do you mean?" takang tanong ko.
"She is not Lilian!!" sigaw sa amin ni Flynn at nagform ng lightning sword sa kamay nya.
Napa tss nalang ako.. "How can you say shes not Lilian? Si Lilian sya Flynn. Alam ko yun.." tanggol ko kay Lilian sa likod ko. Alam ko sya si Lilian.
Tinginan ako ng masama ni Drake kaya tinignan ko rin sya ng masama. "Sync dont be a fool. Umpisa palang alam mo na hindi sya si Lilian.."
Nag init ang buong katawan ko dahil doon. Oo alam ko na kakaiba ang kinilos nya kanina nung nakita namin sya pero nung hawakan ko ang kamay nya, alam ko sya parin si Lilian.
"Sync kumalma ka.." makaawa ni Emerald sa akin. Pero imbes na kumalma lalo lang uminit ang katawan ko. Doon ko lang napansin na nagliliyab na pala ng itim na apoy ang katawan ko.
"Lilian is Lilian.." matigas na sabi ko. Tinignan ko sila at ngumisi na ikinagulat nila.
"Baka naman.." I form a black fire ball in my hand. "Kayo ang impostor.." and I throw the black fire ball in their direction.
"Sync ipagtanggol mo ako.." narinig kong umiiyak sa bulong ni Lilian sa likod ko. Hinarap ko sya at pinunasan ang luha nya. I kiss her forehead to keep her safe.
"Sync hindi kami ang kalaban dito.." matigas na sabi ni Drake.
"Pero para sa kaibigan namin, we need to do this.." at bigla akong sinugod ni Flynn dala ang lightning sword nya.
Bigla akong tumalon at binato sya ng fire ball. Binato ko rin ng fire ball si Cryztal ng makita kong nagcast sya ng spell.
"Sync hindi sya si Lilian.." at pinaulanan ako ng poison ball ni Mint.
Siya si Lilian alam ko yun. Agad kong tinignan ang pwesto ni Lilian pero wala sya dun. Asan na siya?
Nilibot ko ang tignin ko pero hindi ko siya makita. Naramdaman ko nanaman na nag iinit ang katawan ko. I look at them angrily at nagpalabas ako ng fire wave.
"Kumapit kayo!!" kong sigaw ni Flynn at bigla nalang silang nawala sa pwesto nila. Nakalimutan ko teleportation pala ang ability nya.
"Sync tama na! Hindi kami ang kalaban dito! Ang impostor ang kalaban! Binibilog nya lang ang ulo mo!"
"SYNC SA LIKOD MO!!!"
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko doon si Lilian. Nakatingin sya sa akin habang nakangiti. Nakakatakot na ngiti. Pinalandas ko ang tingin ko sa kamay nya at nagulat ako ng may hawak syang water blade.
"Sync Sync Sync.." sabi nito at umiling iling. Pag angat nya ng mata nya nagulat ako ng mag iba ang kulay nito. Kulay itim. Nakakalunod na itim.
"Hindi ko akalain na ganun ka lang pala kadaling utuin.." sabi nito at pinaglandas ang tingin sa akin.
Agad naman akong nagform ng black fireball sa kamay ko at sinugod sya.
"Hahaha... Sync ngayon ko lang nalaman na kaya mo palang saktan kahit kaibigan mo.." nginisihan nya ako kaya mas lalo akong nagalit. She played me. Ang galing ng impostor na to.
Nagpalabas ako ng fire sword at tinignan sya. "You know, lets just stop talking.." at sinugod ko sya.
"Haha Sync you will never win on me.." at pinaulanan nya ako ng water blades. Agad ko naman itong shinield ng fire ko.
Tinatamad na ako sa laro ng isang to. Lets just end this.
Nagform ako ng malaking fire sword at tinuro sa direksyon nya. Halata sa mukha nya ang lagkabigla kaya napangiti ako. Pero agad din nawala ang ngiti ko ng mag iba ang mukha nya.
"Sync tulungan mo ako. Ikinulong nya ako Sync. Tulungan mo ako.." Lilian. Naging si Lilian sya ulit. Blue eyes, Blue crying eyes.
Natulala ako sa pangyayari kaya hindi ko namalayan ang susunod na nangyari. All I know, I found myself form a big fire ball at pinatama sa impostor.
"LIILIAANN!"
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top