Chapter 25

Chapter 25: Fourth

Someone's Pov

Kita mula sa kinatatayuan ko ang mga guardians. Patungo sila sa ikaapat na kagubatan. Tinignan ko siya at nakita ko na napatingin rin siya sa direksyon ko.

Tinignan nya ako ng masama ngunit hindi ako natinag. Alam nya na alam ko ang sekreto nya. At alam nya na alam ko kung anong laro ang ginagawa nya. Kaya ganyan nalang sya makatingin sa akin. Nilapitan sya ng babaeng may gintong buhok kaya nabaling ang tingin nya doon.

"Pinapatawag tayo sa palasyo.." tinignan ko lang si Drew at tumango. Sinulyapan ko ulit ang mga guardians bago sumunod kay Drew.

"Pinapatawag ka ng pinuno.." tumango ako at pumasok sa loob ng silid ng aming pinuno.

Yumuko ako bilang paggalang bago nagsalita. "Pinatawag nyo daw po ako Pinuno?"

Ikinumpas nya ang kanyang kamay na nagsasabing tumayo ako kaya sinunod ko iyon. "Isa sa magiting kong kawal. Pansin ko na palagi kang nawawala dito sa palasyo. May pinag kakaabalahan ka ba?"

Kinabahan ako sa tono ng pagsasalita ng Pinuno.

"Wala naman po.." magalang na sagot ko dito.

"Kung gayon inaatasan kitang sundan ang mga Guardians, magpakita ka sa kanila, ipakita mo na kakampi ka. Nang sa ganun mapapadali ang pagkuha natin sa Legendary Alcidae.."

Tama nga ang hinala ko. Ang Legendary Alcidae ang pakay nya. Tumango nalang ako at yumuko ulit bago lumisan sa silid. Bago ako makalabas ay nagsalita ang Pinuno.

"Alam ko na hindi madali ang gagawin mo subalit alam ko na marunong ka naman tumanaw ng utang na loob hindi ba?" kiming tumango nalang ako at isinara ang pinto.

Pumunta ako sa silid ko at sinuot ang aking kaswal na kasuotan. Tumingin ako sa salamin upang siguraduhing hindi ako mahahalataan ng mga Guardians. Nang Legendary Alcidae. Napatingin ako sa maliit na kwintas na nakasabit sa aking salamin. Kinuha ko iyon at isinuto sa aking leeg. Itinago ko ito sa loob ng aking damit upang hindi mahalata. Magkikita rin tayong muli.

****

Lilian's Pov

Nakakalungkot mang lisanin ang ikatatlong kagubatan kailangan naming ipagpatuloy ang aming paglalakbay. Hayy, mamimiss ko talaga si baby Third.

"Tara na guys??" masiglang sabi ni Flynn habang nakangiti. Tinignan lang namin sya kaya nawala rin ang ngiti nya at napalitan ng malungkot na mukha.

"*sigh* Tara na, may siyam na kagubatan pa tayong pupuntahan.." sabi ko sa kanila at tumayo. Tinignan ko lang sila kaya napabuntong hininga sila at tumayo na rin.

"Mamimiss ko talaga sya.." malungkot na sabi ni Flynn at pinunasan ang luha sa pisngi nya. Nilapitan naman sya ni Mint at hinimas ang likod.

"Okay lang yan *sniff* makikita rin natin sya ulit *sniff*" Pati si Mint umiiyak din pala.

"Nakakalungkot naman at hindi natin makakasama si Third" napatingin ako kay Drake ng bigla itong magsalita sa tabi ko.

"Tsk.." nagulat naman ako ng bigla akong hatakin ni Sync kaya napalayo kami sa kasama namin.

"Aray naman.." reklamo ko dito. Ang sakit kasi ng pagkakahatak nya sa akin.

"Noisy..." inis na sabi nito. Inismidan ko lang sya at inirapan. Kakaladkarin nya ako dito para ano? Para awayin?

"Hmp! Hindi kita papatulan kasi alam kong mabigat ang loob mo.." mahina kong bulong pero napakamot nalang ako ng ulo ng maramdaman ko ang isang matalim na tingin.

"Tss.." bulalas nito at nauna ng maglakad.

Wow! Dadalhin nya ako dito tapos ano? Iiwan nya rin? Galing! Ang galing! Hmmpp!

"Oh Lil anong nangyari dun?" tanong ni Emerald at sinabayan ako sa paglakad. Hindi ko nalang sya sinagot kasi nagiinit parin ang ulo ko.

"Tulong..."

"Tulong..."

"Tulong..."

Agad naman kaming napatigil sa paglalakad ng may narinig kaming sumisigaw. Nagkatinginan kami, tingin na nagsasabing maghanda sa pag atake.

Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong apat mapupulang mata sa di kalayuan. Agad kong pinaulanan ng water arrow ang pulang matang iyon kaya lumabas ang isang dambuhalang halimaw. May dalawa itong ulo, isang ahas at isang oso. Ang katawan nito ay sa oso ngunit may kaliskis ng ahas at buntot ng ahas. Sa bibig ng ahas ay may lumalabas na berdeng likido. Sa wari koy isa iyong lason.

"Menura.." bulong ni Emerald sa tabi ko.

"Hindi sila tinatablan ng water keep Lilian, kaya kung maaari magtago ka.." sambit ni Drake sa tabi ko naman. Kaya pala hindi manlang ito umungol o nasugatan ng paulanan ko ng arrow.

Nagulat ako ng may humatak sa kamay ko at inilagay ako sa tabi. Pinalibutan sya ng usok at may lumabas na isang maliit na bata na may pulang mata.

"Sargo bantayan mo sya.." sabi ni Sync dun sa bata.

Tinignan ako ng bata at nginitian. Nakakakilabot ang ngiti nya. Tumango ang bata kaya tinignan ako ni Sync.

"Your safe with Sargo, the creature cannot see both of you once Sargo touches you.." halos mapatalon naman ako sa gulat ng hawakan ako ni Sargo sa kamay. Ang lamig ng kamay nya. Parang may patay akong kasama dito!Sync takot ako sa multo!

Umalis na si Sync kaya naiwan akong kasama si Sargo. Tinignan ko sya kaya ngumiti sya sa akin. Pilit din akong ngumiti at umiwas ng tingin. Mas natatakot pa ako sa sitwasyon ko dito kaysa makipaglaban sa Menurang iyon.

****

Sync' s Pov

"Kasama nya ang guardian ko.." sambit ko kay Drake dahil sigurado akong tatanungin nya kung saan si Lynxx. Tss..

"Ang mga Menura ay magaling pagdating sa paggaya ng boses ng isang tao, kaya kung maaari huwag kayong magpapadala o mag papa uto.." hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni Drake dahi alam ko naman ang classification ng isang Menura. Im not idiot. Tss..

"Sino ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na pasukin ang aming kagubatan!!" galit na sigaw sa amin ng Menura.

Walang sumagot sa tanong nila kaya mas namula ang mga mata nila hudyat na galit na sila at ano mang oras ay pwede na kaming mamatay.

Napasilip ako kena Doyle at Candy na dahan dahang lumalapit sa likod ng Menura. Pasimple akong ngumiti dahil doon. Tinignan ko ng masama ang Minura at nagsalita.

"Ano naman ngayon kung pumasok kami dito? Sa inyo ba to??" pamimikon kong tanong.

Lalong namula ang mata nila dahil doon. Napapangiti nalang ako dahil sa kapikunan nila.

"Sync ano bang ginagawa mo? Ginagalit mo lang sila eh!!" narinig kong bulyaw sa akin ni Emerald pero hindi ko nalang pinansin.

"Hindi nyo ba alam na kami ang tagapagbantay ng gubat na ito? At sa oras na may pumasok dito, hindi na nakakalabas ng buhay.." sabi ng Menura at tinignan ako ng masama.

Nginisihan ko lang sya. "Oh talaga?? Tignan natin.."

And with that bigla nalang sinuntok ni Doyle ang Menura dahilan para matumaba ito. Tyansan na namin para sumugod.

Pinasadahan ng yelo ni Sky ang paa at kamay ng Menura para hindi ito makagalaw. Sinamahan pa ito ng lason mula sa kamay ni Mint kaya nagkaroon ng mga sugat ang katawan ng Menura.

Nakatingin lang kami sa ginagawa nila. Pero nagulat ako ng mabasag ang yelo at binato sa direksyon nina Mint at Sky. Agad ko namang tinapunan ng fire smoke ang yelo kung kaya't natunaw ito.

Galit na nagwala ang Menura at hinampas ang direksyon ko. Agad naman akong tumalon sa sanga ng puno at tinapunan ng fire ball ang puno malapit sa Menura para mabagsakan ito.

Sinangga nya lang ito at binuhat. Itinapon nya ito sa direksyon nina Emerald at Flynn. Mabuti nalang at nakapagcast ng spell si Cryztal para maging bula ang puno.

Nagshapeshift si Emerald at naging malaking dragon. Lumipad ito sa ere at sinubukang bugahan ng apoy ang Menura. Nagulat ako ng mawala sila sa pwesto nila at ngayon ay nakalipad na sa likod ni Emerald.

"EMERALLDDD"

Bigla nalang hinampas ng pagkalakas lakas ng Menura si Emerald dahilan para mawalan ito ng balanse at mahulog sa lupa.

Agad namang nilapitan ni Flynn ang walang malay na si Emerald at dinala sa tabi. Galit na nilingon ni Flynn ang Menura at pinaulanan ng Lightning blades.

Hindi narin ako nanood at nakisali narin ako sa away. Agad akong bumuo ang malaking fire swords at pinatama sa Menura kasabay ng blades ni Flynn.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog. Nagtalsikan ang berdeng likido sa paligid. Nakita ko na tumalsik ito sa isang halaman at nasunog ito.

"Lason!!" sigaw ni Mint. Hindi ito tinatablan dahil kapangyarihan nya rin ang lason.

Gumawa sya ng malaking blade gamit ang lason at sinubukang ipatama sa Menura. Malakas na pinatama nya sa leeg ng ahas ang blade kaya nagkaroon ng napakalakas na pag ungol.

Halos lumundag ang lupa ng mahulog mula sa ere ang ulo ng ahas. Nahahapo namang bumalik sa lupa si Mint dala ang blade na may bahid ng berdeng likido.

Tumingin ako sa kanya at tumango. Ako naman ngayon.

Tumalon ako sa likod ng Menura. Kita ko dito ang malaking butas at ang berdeng likido na dumadaloy sa katawan ng nito. Agad kong tinawag ang aking guardian na si Limax.

Si Limax ay isang maliit na itim na insekto na kayang paramihin ang sarili. He has poisonous saliva na kung sino man ang makagat nya ay mamatay within a split second.

"Alam mo na ang gagawin mo Limax"

Pagkasabi ko nun ay bigla nalang dumami si  Limax. Halos hindi na ito mabilang. Pumasok sya sa loob ng malaking sugat ng Menura kaya tumalon na ako pababa. Nakatingin lang ako sa nag iilaw na katawan ng Menura. Sumabog ito ng malakas kaya napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa ere ng may nahulog doon. Tumusok ito sa gitna ng lupa at kuminang dahil sa sinag ng araw.

"Magaling at tagumpay kayo sa inyong pagsubok. Tawagin lamang ang pangalan na sirena at ako'y darating"

Kinuha ko ang ribbon sa bulsa ko at lumapit sa espada.

"Sync ako na ang magtatali ng ribbon.." sabi ni Drake at kinuha sa akin ang ribbon. Napa tss nalang ako at pumunta sa pwesto ni Lilian.

Pero laking gulat ko ng wala na ito doon. Maging si Sargo ay wala rin. Shit! Asan na yun?

"F*ck!!!"

"Sync anong nangyari?" humahangos na tanong sa akin nina Cryztal.

"Nawawala si Lilian.." galit na sabi ko at napasabunot ng buhok.

"What??" they all shouted in unison.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top