Chapter 24

Chapter 24: Lambana II

Sync's Pov

"Hmmm..."

I look at the child in my arms. The F*ck! How can I be a father without getting married? Or without having a girl---- argghh forget that!

"Dada.. kain ako.." the child said and put his hand inside his mouth. F*ck!! what now? Hindi naman ako marunong magbaby sit eh! And really?Dada? Tss.. doesn't suit me! Malaman ko lang kung sino ang mga magulang nito tutustahin ko talaga!

"Dada.. kain ako.." I just ignore him and keep walking. Saan ko ba to nakita kagabi? Parang dito ko yun nakita ang pugad eh. Natatandaan ko pa ang damuhan na pinagtaguan namin ni Lynxx kagabi.

"Dada.. kain ako.."

"Dada..."

"Kain...

"Dada..."

"Dada..."

"Kain ako dada.."

Im really getting pissed on this stupid child!!

"COULD YOU PLEASE SHUT YOUR F*CKING MOUTH YOU F*CKING CHILD?!"

I look angrily at the child in my arms at nagulat ako ng bigla itong mamula and...

"HUUUUUUWAAAAAAAAHHHHHHHHHH"

Fck!!!

What now?!?

Shit! Paano ba to patahanin?

"HUUUWAAAAHHHH!! GALIT DADAAAAAAAAA!!!!"

I manage to hold him kahit na ang likot nya sa kamay ko kakaiyak. Arrggh!

"Hey hey, uhmm.. D-dada is not angry.. shhhh" I touch his forehead to calm him but he's still crying. Arrgghh! Can I burn him now!??

"Hey baby, Tahan na ok?? Uhh well look for food.. Stop crying na ok? Please.." I sigh for relief ng tumahan na ito at tinignan ako. A cute stare.

"*sniff* talaga Dada??*sniff* hanap tayo pagkain??" nagniningning na mata nyang tanong. I just nod and looked away.

Tumingin ako sa paligid hoping na may makita akong pagkain. But heck! nI think the world is playing around me.

"Binabati ka namin Dayo.."

Napatingin ako sa paligid ng may narinig akong nagsalita.

"Who are you?!!"

I shout fiercely but no one answered.

"Dada sino yun?"

"I dont know..."

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko nakita ang dalawang maliliit na lambana. I put the child in the ground and form a fire ball in my hand..

"Hindi kami kalaban Dayo. Binabati ka lamang namin dahil ikaw ang nakapulot sa aming anak.."

I dissolve the fire in my hand and look at them curiously. Is these his parents?

"What do you mean?"

"Ikaw dayo ang nakapulot sa aming anak at sana alagaan mo sya ng mabuti, palakihin ng maayos at turuan ng magandang asal.." sabi nung babaeng lambana.

I scoff.. "Why me? Why not the both of you? Your the parents right??"

The guy sigh.. "Hindi namin maaaring gawin iyon, tradisyon namin na kung sino man ang makakita sa aming anak habang itlog pa lamang ay siyang mag aalaga dito hanggang sa maging ganap na lambana ito.."

"I cant..." I said and look at the child.

The child?!!

Where is he?

Agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid pero hindi ko nakita yung bata. Asan na yun?

"Masaya kami na ikaw Dayo ang mag aalaga sa aming anak.."

"Babalik kami, at sa pagbabalik namin inaasahan naming magiging mabuting lambana ang aming anak.."

"HEY WAITT!!"

Arrgh! They dissapear! As well as their child! Asan na ba yun?

"WHHHAAAAAA!!! DDDAAADDAAAA!!!"

I suddenly went where the scream came from and there I found the child. Agad akong lumapit sa kanya at binuhat.

"*crying* Dada! Takot ako dada!*crying*"

I pat his head lightly and kiss his forehead.

"Dont cry Dada is here.."

"*yawn* Dada mahal kita.. Dada..."

I look at him when he feel asleep. I was still shocked on what he said. I feel my heart pounding and melting. I dont know why but I really feel happy with no reason. Maybe this is the feeling having a child.

****

Lilian's Pov

"GOD SYNC AKALA KO PINATAY MO NA YANG BATA!!" iyan agad ang bungad na bulyaw ni Emerald ng makita nyang paparating si Sync habang hawak sa kamay ang bata. Sync just ignored her at nagtungo sa gamit nya. Akala ko nga din kung ano ang gagawin nya sa bata eh.

Pero nagtataka parin ako kung bakit napunta sa amin yung itlog. And to think na bata ang laman nun?

"Ok..." sarcastic na sabi ni Emerald and roll her eyes. Tinignan ko lang si Sync habang nakatingin sa malayo. Ang lalim ng iniisip nya. Ano kaya yun?

Lumapit ako kay Sync at umupo sa tabi nya.

"Kamusta??" tanong ko dito pero hindi manlang ako nito kinibo. Hayy Lilian what do you expect?

Napatingin ako sa paa ko ng may pumipindot nun. At doon ko nakita yung bata na parang inaangat yung paa ko. Inangat nya ang tingin nya sa akin at kumunot ang noo.

Nagpapalit palit ang tingin nya sa amin ni Sync kaya napakunot din ako ng noo. Tinuro nya ako at si Sync.

"Dada sya ba Mama ko??"

Halos mabulunan naman ako kahit wala akong kinakain dahil sa sinabi nung bata. Talaga lang?

"What?!!" ngitngit ni Sync.

"Dada, Mama ko ba sya??" tanong ulit nung bata at tinuro pa ako. Napakunot naman ang noo ni Sync at tinignan ako. Ako naman halos itago na ang mukha sa lupa sa sobrang hiya. Walanghiyang batang to! Bat alam na nya ang mga ganyan ganyan?

Pasimple akong tumingin kay Sync at nakita ko syang nakatingin sa akin habang hawak ang baba. Nagpapalit palit ang tingin nya sa amin nung bata, at ng mapatingin sya sa akin bigla nalang itong ngumiti.

"Well baby...




















Yes she is you MAMA.."

"ANONG PINAGSASABI MONG MAMA! HA! RYKER?!" bulyaw ko dito at napatayo habang nakapameywang. Kung umuusok lang ang ilong ko kanina pa sana nagkaroon ng fog dito sa sobrang pagkairita ko.

He just look at me innocently.

" Why? Your his mother right?" sabi nito at ngumiti. Argh! I hate how he smiles!

"Talaga! Wow! Mama!" Pilit nalang akong ngumiti ng biglang tumalon yung bata sa kandungan ko at niyakap ako. Napatingin ako kay Sync na ngayon ay pangiti ngiti. Inismidan ko lang siya at inirapan. Tsk! Enjoy na enjoy ata sya sa pambibwisit sa akin ah?

"Hey guys, sorry to interrupt your family bonding pero kakain na daw.." tinignan ko lang ng masama si Flynn dahil sa sinabi nya. Pero tumawa lang ito at umalis na.

"Dada! Mama! Kain!" masayang sabi nung baby at hinatak ang kamay ko. Hinawakan nya rin sa kamay si Sync at hinila kaming dalawa. Tinignan ako ni Sync pero inirapan ko lang siya. Napa 'tss' nalang sya dahil dun.

"Wow! Ang ganda naman ng view!" masayang sambit ni Candy habang may dalang dahon na may lamang pagkain.

Tinignan ko lang sya ng masama pero tumawa lang ito. "San nanggaling ang pagkain?" tanong ko.

"Ewan, maghahanap sana kami nina Doyle at Drake ng pagkain ng bigla nalang sumulpot iyan sa harap namin.." sabi ni Candy habang nginunguya ang pagkain.

Tumango nalang ako at kumuha ng pagkain.

"*burp* Dada kain pa ako!" napatingin ako kay Sync at baby na kasalukuyang nagsusubuan. Bakas sa mukha ni Sync ang pagkairita pero bumuntong hininga nalang ito at sinubuan si baby. Ang cute nilang tignan.

Wait what?

Hindi sya cute no! Yung baby lang ang cute! Pero si Sync? Nuh-uh!

"So Dada--este Sync anong ipapangalan mo dyan sa anak mo??" agad namang nakatikim ng death glare si Doyle dahil sa tanong nya.

"Woah! Just asking men.." sabi nito at lumayo nalang.

"Oo nga Sync! Ngayong ulirang ama ka na dapat may pangalan ang iyong unico ijo!!" makatang sabi ni Flynn kaya ayun nagtatakbo na palayo dahil pinaulanan sya ng fire ball ni Sync.

"Dada ano pangalan?" tanong ni baby kaya muntik na din syang bulyawan ni Sync pero pinigilan nya lang ito.

Lumapit naman si Flynn dun sa bata at binuhat. "Bata ang pangalan ay isang sagradong salita na ibinibigay sa lahat ng nilalang sa mundo. Katulad ko, I am your uncle Flynn.."

Natawa naman ako sa sinabi ni Flynn. Pfftt uncle talaga?

"Uncle Flynn??" tanong nung baby at tinuro la talaga sa mukha si Flynn. Tumango naman si Flynn at ngumiti.

"Eh sila po??" sabay turo nung bata kena Candy at Doyle.

"Ahh sila ba? Sila ang Ninang Candy at Ninong Doyle mo.."

"Candy? Sarap!" napatawa lang si Candy sa sinabi nung bata.

"Hi bata ako naman si Mommy Cryztal mo!!!" sabi ni Cryztal kay kumaway sa bata.

"And I am your Daddy Drake.." sabi din ni Drake at inakbayan si Cryztal. Ako lang ba o talagang namula ang mukha ni Cryztal?

"At ako naman si Uncle Mint mo.." sabi ni Mint at lumapit kay Flynn. Kukunin nya sana yung bata pero inilayo lang ni Flynn.

"*pout* Damot!!" ani Mint.

"Eh sino yun??" sabay turo nung bata kay Emerald. Tinignan ni Flynn si Emerald pero inirapan lang sya nun.

"Ahh si Auntie Emerald mo.." sabi ni Flynn at tinignan si Emerald na kasama sina Sky at Violet. Tsk! Kasi eh, hindi padin nagkakabati.

"Eh yung kasama nya po?"

"Sila sina Tita Violet at Tito Sky mo..." Tumango naman yung bata at tumalon sa kamay ni Flynn. Tumayo sya sa harap naming lahat at nakakunot ang noo.

"Eh ako po??" tanong nya sabay turo sa sarili nya.

Napa isip naman ako. Ano kayang magandang pangalan? Hmm..

"Ano nga ba??" bulong ni Flynn habang nakahawak sa baba nya.

"Alam ko na!!" napatingin naman kaming lahat kay Mint na nakataas ang kamay sa ere.

"Ikaw si Third!!!" masayang bulalas nito.

Napakunot naman ang noo ko dahil dun.

"Paano naging Third??" tanong ko doon.

"Kasi diba pangatlong forest na natin to. Tapos dito natin sya nakita kaya Third.." sabi nito, well may point naman sya. Tsaka maganda din ang pangalang Third.

Nagkatinginan kaming lahat at nag shrug. Third is not bad. Pero mas prefer ko paring tawagin syang baby. Baby Third.

"Ikaw na ngayon si Third!!" masayang sabi ni Mint.

"Ako po si Third?" sabi ni Baby at tinuro pa ang mukha nya.

"Yehey! Ako na si Third!" sabi nito at tumalon talon pa! Ang cute!

Excited na akong matapos tong misyon namin para madala na namin sya sa Lailana High. Sigurado akong matutuwa sina Mr. Krypton dito.

****

Umabot ng dalawang araw ang pamamalagi namin sa third forest. Pano ba naman kasi hindi pa nagpaparamdam ang protector at hindi pa namin mahanap hanap ang espada.

Nakatingin lang ako ngayon sa buwan, kulay puti ito pero parang nababahidan na ng pula.

"Malapit na ang blood moon.." halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Violet sa tabi ko. Sa ilang araw naming magkasama sa misyon ngayon lang kami nagkausap. Kasi ba naman kapag nakikita ko sya naaalala ko yung sa Mystic Garden.

"Hindi titigil ang mga Titans. Tutuparin nila ang nakasaad sa propesiya. Kapag nangyari yun, magwawakas na ang kabutihan sa mundo.." napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa buwan.

"Sino ba ang kinakampihan mo dito?Kami o yung mga Titans??" tanong ko dito. Tumingin lang sya sa akin at ngumiti.

"Wala akong kinakampihan, sa katunayan, pareho kayong may atraso sa akin.." sabi nito at iniwan ako.

Ano bang pinagsasabi nun? Sa totoo lang naghihinala na din ako kay Violet. Hindi kaya magkasabwat sila ni Sky?Tsk! Kung ganun ang galing nilang magpanggap. Pero sorry sila bistado ko na sila.

"Shit!"

"Sync anong nangyayari?"

Agad naman akong napatayo ng makarinig ako ng pagsabog at pagmura ni Sync. Lumapit ako sa kanya at napatakip ako ng bibig ng makita ko si Third na namumula.

"Anong nagyayari kay Third?!!" nag aalala kong tanong. Nilapitan ko ito at hinawakan pero halos mapaso ako dahil sa init nito.

"What is happening?" humahangos na tanong nina Flynn at Mint.

"THIRD!!" sabay na sigaw nila at nilapitan din si Third pero katulad ko napaso rin sila ng hawakan nila ito. Sa loob ng dalawang araw na kasama namin si Third silang dalawa ang malapit ang loob sa bata. Kaya naiintindahan ko kung bakit ganyan sila mag aalala.

"Sync anong nangyari kay Third??" nag aalalang tanong ni Flynn. Hindi naman maipinta ang mukha ni Sync. Napahilamos lang sya at nagmura.

"WHAT NOW!! YOUR CHILD IS SICK HERE!! WHERE ARE YOU!!!SHIT!!" nakatingin lang ako kay Sync habang nagmumura at sumisigaw. Sino ba tinatawag nito? At child? May pamilya si Third? Naguguluhan ako?

"THIRD!!!" agad ko namang nilingon sina Flynn at Mint ng sumigaw sila ng pagkalakas lakas. Halos lumuwa naman ang mata ko ng makita kong lumutang sa ere si Third. Namumula parin ito at umiilaw na sa pula ang balat nya. Nasilaw ako sa sinag na nagmumula kay Third kaya napatakip ako ng mata.

"S-SINO KA?!!!" minulat ko ang mata ko at lumuwa ang mata ko ng makita ko ang isang lalaking lambana. Lumilipad ito sa ere at nakatingin sa amin. Kamukha nya si Third. Teka asan na si Third?

"Ako si Third, at ngayon isa na akong ganap na lambana. Maraming salamat sa pag aalaga nyo sa akin..." sabi nito at lumipad palayo.

"Sandali!!" sigaw ni Flynn. Lumingon naman ni Third.

"Ganun na lang ba yun?! Pagkatapos ng pag-aalaga namin sayo aalis ka lang bigla?!" puno ng galit na wika ni Sync.

"Hindi naman ako nakakalimot. Kapag kailangan nyo ng tulong tawagin nyo lang ang pangalan ko at darating ako.." sabi nito at tinignan kami.

Ngumiti si Third sa amin. "Hindi ko kayo malilimutan Dada Sync, Mama Lilian, Tito Sky, Tita Violet, Mommy Cryztal, Daddy Drake, Ninang Candy, Ninong Doyle, Auntie Emerald..."

"At syempre sa inyo Uncle Mint at Uncle Flynn. Magkikita pa naman tayo, sa ngayon paalam na muna!!" sabi nito at kumaway sa amin. Lumipad ito palayo hanggang sa hindi na namin makita.

Napuno ng katahimikan ang paligid. Nalulungkot ako kasi hindi ko na makikita ang baby Third ko. Hindi ko akalain na ganun lang pala kabilis ang lahat. Kung alam ko lang sana hindi ko na--- hindi masaya ako at kami nag nagpalaki sa kanya. Masaya ako at naging parte sya ng buhay namin. Masaya ako at naging bahagi sya ng paglalakbay namin. Masaya akong maging pansamantalang ina nya.

"HUUUWAAAAA THHHIIRRDDD!!!" naglulupasay na iyak nina Flynn at Mint.

Napatingin ako kay Sync ng umalis ito sa tabi ko. Nakita ko na kinuha nya ang apat na ribbon at itinali sa isang maliit na puno kung saan palaging naglalaro si Third noon. Nagulat ako ng umilaw ito at naging espada.

Kung sina Mint at Flynn ay nalulungkot sa pag alis ni Third. Alam ko na lalo na si Sync. Alam ko na mahirap sa kanyang makita si Third na lumilipad palayo sa kanya. Alam ko na kahit napipikon at naiirita na sya kay Third hindi parin nawawala ang pagmamahal nya dito.

Pagmamahal ng isang kaibigan, pagmamahal ng isang pamilya, at pagmamahal ng isang AMA.

Ngayon ko lang napagtanto. Kahit gaano talaga katigas ang isang bato, may mga bagay paring darating para palambutin ito.

****

Sync' s Pov

Im just looking at the sword in front of me. Shit why does I feel sad? Why does I feel lonely? Pakiramdam ko pasan ko ang mundo. Ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit pa sya umalis?

"Dada!!!"

"Dada kain ako!!!!"

"WHHHHHHAAA DADA!!!"

"*crying" dada.. takot ako dada..*crying*"

"Dont cry dada is here.."

"Dada mama ko ba sya??

"Well baby...yes she is your MAMA.."

"Alam ko na!!!"

"Ikaw na ngayon si Third!!"

"Ako po si Third??"

"*yawn* DADA...MAHAL KITA DADA..."

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top