Chapter 22

Chapter 22: Frozen II

Sync's Pov

"Guys maybe we need to keep going, remember may mission pa tayo?" sabi ni Candy habang naka upo sa may ice chair. Mag iisang araw na kami dito sa bahay ni Ara at habang patagal hindi ko na masikmura ang nakikita ko.

"Oo nga Lilian, wala ka bang plano sa misyon natin?" tanong ni Cryztal kay Lilian na busy sa pakikipagkwentuhan kay Drake. Napatingin sya sa amin at naging malikot ang mata.

"Ahh..ehh.. maybe, maybe we should stay here muna. Malay nyo dito na pala yung misyon natin.." parang nag aalangan na sabi ni Lilian.

Tinignan ako ni Cryztal at nag wink. She's trying to caught Lilian, The impostor Lilian.

"Teka Lilian, ano nga ba ulit misyon natin?" kunwari ay nakalimutan na tanong ni Cryztal kay Lilian. Natigilan si Lilian and katulad kanina naging malikot ulit ang mata nya.

"Syempre Cryztal para i---"

"Im not talking to you Mint.." pambabara ni Cryztal kay Mint at binaling ulit ang tingin kay Lilian. Namamawis na ang noo nya at parang hindi na normal ang paghinga nya kaya ang dali nyang mahalata.

"A-ano.. uhmm,----"

"Guys gusto nyo bang kumain??" napalingon kami agad sa likod namin ng marinig namin ang boses ni Ara na kasama si Dan. Ang ganda ng timing nya ah. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa at nagsimulang maglakad.

"Do you think they noticed?" mahinang bulong sa akin ni Cryztal na nasa tabi ko na pala. Nag shrug lang ako kaya tumahimik na sya. Nadaanan namin si Lilian at Drake na nagtatawan. Tinignan ko si Lilian pero hindi manlang ako nito pinansin. Im getting pissed!

"Dont worry she's not Lilian.." bulong sa akin ni Cryztal at tinapik ang balikat ko. Huminga ako malalim at sinubukang isipin na hindi sya si Lilian.

Pero kahit isipin ko na hindi sya si Lilian, I cant help myself to feel jealous! Fuck this jealousy!

****

Lilian's Pov

Hindi ako yan!

Guys!Andito ako!

"Kahit anong silip ang gawin mo dyan hindi ka parin nila makikita.
This room is invisible on their sight. Only the Frowns and their upcoming victim can see this.."

Hayyy! So ano na ang gagawin ko dito ngayon? Aantayin ko nalang na mapansin nilang hindi pala ako yung kasama nila? I need to to do something! Ayaw kong mastuck dito habang buhay!

Bored na tinignan ko si Dan na busy sa pag ukit ng kung ano sa yelo. Lumapit ako sa kanya at naki tingin.

"Ano yan??" takang tanong ko. Pinakita nya sa akin ang inuukit nya at naningkit naman ang mata ko dahil doon.

"Really??"

"Ara was once of my closest friend..." malungkot nyang sabi at tinignan ang inuukit nya which is Ara's face.

"Long ago, this forest is known as the most beautiful forest here in Mount Corvus. But the Titans came and leave the Frowns here. Kaya hindi nagtagal ang lahat ng taong makita mo dito ay puro Frowns.."

"Ara was the first Frown Duplicate. Magkasama kami noon dito sa kwarto, hindi nya matanggap na makulong dito kaya nanlaban sya. I was trying to stop her but she didnt listen. Until, the Frowns.." huminto sya sa pag ukit at huminga ng malalim..

"Kaya please kung ano man ang binabalak mo, stop. I dont want you to be like Ara.." tinignan ko ang mata nya. Kulay puti. Kumikinang sa ganda. Nagulat ako ng makita ko sa mata nya si Dan kaya napalayo ako agad.

"Bakit Lilian?" painosenteng tanong nya at ngumiti.

"W-wala..." sagot ko dito at lumayo.

"Alam mo Lilian, kahit ngayon lang kita nakasama napakagaan na ng pakiramdam ko sayo. Parang...." huminto sya sa pagsasalita at tumingin sa akin, looks that gives me chills..

"Parang gusto na kita.." sabi nito and smile at me, A devilish smile. Lumapit sya sa akin kaya ako napaurong naman. Lapit lang sya ng lapit at ako naman urong lang ng urong. Natatakot ako sa expression nya. Parang mangangain sya ng tao. Parang hindi sya si Dan na nakasama ko kanina lang. Ang galing namang maglaro ng Frown. But sorry Im not letting them win this game.

Nakalapat na ang likod ko sa pader kaya natrap nya ako sa mga bisig nya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa akin..

"You are georgous.. and delicious..." sabi nito at tinangka akong halikan sa leeg pero umiwas ako.

"Hahaha... wala kanang kawala sweetie.." malademonyo nitong sabi at hinigpitan ang kapit sa mga braso ko.

"Hmmp..." iniiwasan kong mahalikan nya ako pero mas malakas sya kesa sa akin.

Hindi ko na kayang manlaban kaya umiyak nalang ako ng umiyak. Akala ko mabait sya, pero nagkamali nanaman ako. Guys please help me! Sana nakikita nyo ang silid na ito.

Nawawalan na ako ng lakas, ano mang oras mawawalan na ako ng ulirat. Babagsak na ang mga mata ko. Guys tulong!

****

Sync's Pov

"Lilian we need to talk.." sabi ko sabay higit sa impostor na Lilian palayo kay Drake.

"B-bakit Sync?" kinakabahan nyang tanong. Alam ko na alam nya na pinagdududahan ko sya kaya umiiwas sya sa akin. Unlike thre real Lilian.. Arrggh!

"Dont play around here. I know that you are not Lilian.." hindi na ako nagulat ng bigla nalang itong namutla at agad nag iwas ng tingin. I already expected that.

"A-ano bang pinagsasabi mo? S-sync ako to no! Si L-Lilian.."

"Dont play around here you flirt!!" napatingin ako sa likod ng makita ko doon si Emerald na kasama si Cryztal.

"A-ano bang pinagsasabi nyo?" kinakabahang tanggi parin ng impostor.

"Huwag ka ng magmaang maangan, sabihin mo na kung nasaan si Lilian. Yung totoong Lilian.." sabi ni Drake dito. Kung naguguluhan kayo, alam din nila na hindi si Lilian si Lilian. Nung gabi matapos kaming mag usap ni Cryztal hindi namin alam na andun pala ang buong barkada and they hear all our conversation.

"A-ano... ahmm.." bigla ulit naging malikot ang mata nya at sinubukang tumakas pero hinarang sya nina Candy at Mint. Tumakbo sya papunta sa kabila pero andoon si Doyle, Emerald at Drake.

"Hindi ka namin sasaktan Frown kung aamin ka at tutulungan mo kaming mahanap si Lilian.." sabi ko dito. Tinignan nya ako habang umiiyak at yumuko.

"O-ok.. basta tutulangan nyo akong mabago si Dan.." sabi nito at inangat ang ulo nya. Nagulat ako ng umilaw ang katawan nya at nagpabago bago ang mukha nya. From Ara to Lilian then back to Ara and Lilian at ng mawala ang liwanag.

"Ara??" gulat naming sabi.

"Ako nga.. alam ko mahirap paniwalaan pero si Dan ang may pakana nitong lahat.."

"Pero akala ko.." pinutol na ni Ara ang sasabihin ni Cryztal.

"Hindi.. ang totooo nyan noon may kasintahan si Dan, maganda ito, kamukha nga ni Lilian eh. Isa lang ako noong tagasilbi nya. Pero ng dumating ang Titans dito sa amin at pinatay lahat ng Frowns pati narin ang mahal ni Dan. Nagbago sya.."

"Isinumpa nya na kung sino man ang pumasok sa kanyang lugar ah hindi na makakalabas kahit kailan..."

"What?? hindi na kami makakaalis dito??" sigaw ni Emerald, nag uumpisa nanaman itong maghesterical.

" Sa totoo nyan may isang paraan para matalo si Dan. Yun ay ang reflection mirror.." sabi ni Ara..

"Anong reflection mirror?" curious na tanong ni Flynn..

"Nung mawala ang mahal ni Dan pumunta sya sa mahiwagang bukal kung saan pwede kang humiling. Hiniling nya na sana sya ang maging pinakamakapangyarihang Frowns sa lahat. Kinain ng itim na mahika ang ispiritu ni Dan. Ngayon nakakulong na sya sa memorya nito. At ang tanging paraan lang para makawala sya doon ay ang reflection mirror.." kung ganon kailangan naming mahanap ang mirror para mailigtas si Lilian.

"Saan namin mahahanap ang reflection mirror??" tanong ni Emerald..

"Ikinalulungkot ko pero ang puso nya ang reflection mirror.. Tanging sya lamang ang makakapagpalaya sa kanyang sarili laban sa black magic.."

"Ano?! Wala na bang ibang paraan??" galit na tanong ko. Hindi pwede na hindi kami makaalis dito. Hindi pwede na hindi ko mabawi si Lilian.

"I think guys I know what to do.." napatingin kami kay Emerald kaya ngumiti lang ito at sinabi sa amin ang plano nya.

"You think that would work?" tanong ni Candy dito.

"Remember guys.. True love conquers all.." nakangising sabi ni Emerald sabay beautiful eyes. Yeah, true love conquers all. True love.

"This room is only visible to the Frowns. Kung titingnan nyo this is just a plain wall right?" tama si Ara. Ang nakikita lang namin ngayon ay isang pader.

"But once I touch it.." and as she touch it nakita namin ang isang pinto.

"WOW!!" manghang sambit ni Flynn..

"Hmmpp.." may narinig kaming umiiyak sa loob kaya isang pangalan lang ang tumakbo sa isip ko..

"LILIAN!!" agad akong pumasok sa loob at halos mamula ako sa galit dahil sa nakita ko. Walang hiya ka Dan!!!!

Agad akong lumapit kay Dan at sinuntok sya ng pagkalakas lakas. Tinignan ko ng masama si Dan na ngayon ay nagpupunas ng dugo sa labi.

"Lilian!!" agad na lumapit sina Cryztal at Candy kay Lilian at tinulungna ito.

"So the knight and shining armor has arrived. How sweet.." insultong sabi ni Dan. Huwag ako nitong gagalitin.. kanina pa ako nagtitimpi dito. We need to stick to the plan.

"Ano bang kasalanan namin sayo at dinamay mo kami sa TRAGIC LOVE STORY mo??" may halong pamimikon kong tanong. Tinignan naman ako nito ng masama kaya napa smirk ako. Huh pikon!

"Wala kang pakialam.." tiim-bagang nyang sabi.

"Well maybe kaya ka nya iniwan kasi tignan mo nga yang attitude mo? Dude you dont fit to be loved.." sige lang Sync insultuhin mo lang as planned.

"You.dont.know.everything." tiim bagang na sabi nito at sinugod ako ng suntok. Nakaiwas naman ako at nakapamulsang tinignan sya.

"Tss.. such a weakling.." sabi ko at naghikab kuno. Nakaramdam ako ng dark aura kaya I think our plan is working.

"Arrghh " susugudin ulit sana ako nito ng may humawak sa kamay nya.

"Alice??" agad nagbago ang expression nito sa mukha, bigla nalang itong kumalma at kita ko ang sakit, pangungulila, at pagmamahal sa mga mata nya habang nakatitig kay Alice.

"Ako nga Dan.." sabi nung babae at ngumiti.

"Alice ikaw ba talaga yan?" sabi ni Dan at hinaplos ang pisngi ng babae.

"Dan itigil mo na to. Tanggapin mo na wala na ako. Hanapin mo sa puso mo ang pagpapalaya. Dan mahal ko. Tama na.." nakita ko na umiyak si Dan at hinalikan si Alice.

"Tch! Bakit kailangan sya pa ang gumawa nyan?!!" napatingin ako sa tabi ko which is Flynn. Nakakunot ang noo nito at hindi maipinta ang mukha. Napa iling nalang ako.

"Alice mahal kita. Ayaw ko na nasasaktan ka. Alam ko na hindi ka pa matahimik dahil hindi pa kita pinapakawalan. Pero alang alang sayo mahal ko. Pinapalaya na kita.." pagkasabi ni Dan noon ay bigla nalang syang umilaw at nawala na parang bula. Ang naiwan lang doon ay ang isang piraso ng espada na nakatusok sa yelo.

Lumapit ako doon at kinuha ang mga ribbon sa bulsa ko. Tagumpay ang aming pangalawang pagsubok.

"Tagumpay kayo sa inyong misyon, ngayon ako na ang inyong tagasunod. Tawagin lamang ang pangalan na Asu at akoy darating..."

****

Lilian's Pov

"Gosh Lilian! good that your okay.." nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Candy nakiyakap narin si Mint at Doyle kaya halos hindi ako makahinga. Ano bang nangyari?

"Tss..." nagulat ako ng panghugutin ni Sync sina Candy at hinatak ako patayo.

Nagpadala nalang ako sa kanya kahit ang sakit na ng braso ko sa paghatak nya. Nadaanan pa namin si Flynn at Emerald na nagtatalo. Pinipilit kasing punasan ni Flynn ang labi ni Emerald. Ano bang nagyari?

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top