Chapter 21
Chapter 21: Frozen
Lilian's Pov
"Wow!!!" manghang sambit ni Mint.
"Pano nagkaroon ng portal dyan?" takang tanong naman ni Candy.
"Maybe its from the elemental ribbons.." sabi ni Drake.
Natigilan naman kami sa pag uusisa ng may marinig kaming nagsalita.
"Magaling at napagtagumpayan ninyo ang aking misyon. Ngayon maaari na kayong magpatuloy sa inyong paglalakbay. Bilang gantimpala ng inyong pagkapanalo, ako na ngayon ang inyong tagasunod.."
"Tawagin nyo lamang ang pangalan na Daru at akoy dadating.."
Boses ng isang lalaki. Hindi kaya yung troll iyon? Tagumpay kami sa misyon namin! Ang saya!
"Narinig nyo yun guys! Tagumpay tayo!!" masayang sambit ni Flynn at tumalon talon. Napapailing nalang kami at tumawa. Masaya nga sa pakiramdam na nagtagumpay kami.. pero alam ko na may mas malala pa dito. Kaya kailangan parin naming maging handa.
"So ano? Tara na??" tanong ko sa kanila.
"Tara!!" sambit nilang lahat.. Next forest here we come!!
****
"BRRRRR.....wala manlang nagsabi sa atin na ganito pala ang susunod na forest.." nangangatog na sambit ni Flynn.. Tama nga sya, wala manlang nagsabi sa amin na ganito pala kalamig ang susunod na forest. Sobrang lamig!Napapalibutan ng maraming nyebe ang paligid. Pati ang mga puno puno rin ng nyebe.
"Sync wala ka bang heater dyan?" sabi ni Flynn kay Sync kaya nakatikim sya ng isang matalim na tingin.
"Lil are you okay?" napatingin ako kay Drake ng lumapit sya sa akin habang nakayapos sa sarili. Tumango lang ako bilang sagot kahit deep inside nangangatog na ako sa lamig.
"San na natin hahanapin ang susnod na sword kung ganito ang lugar?" sabi ni Cryztal. Tama nga sya hindi naman namin mahahanap ang espada kung nababaunan ng maraming nyebe ang paligid.
Halos isang oras narin kaming palakad lakad sa nyebe. Habang tumatagal pakapal narin ng pakapal ang mga nyebe kaya nahihirapan na kaming maglakad. Hindi inaasahan na sa malalim na parte ako nakaapak kaya natumba ako.
Muntik na akong mapasubsob sa nyebe ng may sumambot sa beywang ko. Pagtingin ko si Drake pala.
"Are you okay?" tanong nya. Ngumiti ako at tumango.
"Thanks.." sabi ko, ngumiti lang sya at inalalayan akong maglakad. Halos matumba ulit ako ng may sumalakay sa balikat ko. Tinignan ko ng masama ang gumawa noon at binato ng snowballs.
Galit na nilingon nya ako pero inirapan ko lang sya.
"Your pissing me off!!" galit na sabi ni Sync at binato rin ako ng snow. Nagbatuhan kami ng snow hanggang sa nakisali narin ang iba.
"Hahahahahaha....." halos maglupasay naman ako sa kakatawa ng matamaan ko sa mukha si Sync kaya napalibutan ng snow ang mukha nya. Mukha syang si Santa Claus.
"Pfftt... Hahahaha..." napanguso nalang ako ng matamaan ako ni Sync ng snow sa mukha. Mukha na tuloy akong Santa Claus. Babaeng Santa Claus.
Tatapunan ko ulit sana sya ng nyebe ng mawala ito sa kamay ko. San nagpunta? Pati rin ang iba ay nagtataka rin ng mawala ang nyebe sa paligid namin. May hindi tama dito. Agad silang lumapit sa akin at pinakiramdaman ang paligid.
"Somethings coming.." narinig kong bulong ni Violet. Naging alisto kami ng may kumaluskos sa isang sulok. Dahan dahan itong lumabas at nakahinga ako ng maluwag ng isang babae ang lumabas.
"Sino kayo?" malumanay na sabi nito.
"Kami ang mga estudyante mula sa Lailana High.." sagot ni Emerald.
"Lailana High?? Hmm.." tinignan nya kami isa isa at ng nagtama ang mata namin hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang lamig.
"Mukhang malayo ang inyong pinaggalingan. Kung gusto nyo pwede muna kayong tumuloy sa aking bahay." sabi nito at ngumiti.
"Talaga po?!! " parang bata na tanong ni Flynn. Ngumit lang at tumango ang babae.
"Sumunod kayo.." sabi nya at nagsimulang maglakad. Unang sumunod sa kanya si Flynn na parang bata.
"Hoy Flynn antayin mo naman kami!!" sigaw nina Emerald at Mint at tumakbo papunta kay Flynn.
Sumunod sa kanila ay si Violet at Sky. Nasa huli naman kami ni Candy, Sync, Doyle at Drake.
"Hindi tayo dapat basta basta magtiwala sa kanya.." tukoy ni Candy dun sa babae.
"Ang mga Frows ay ang mga tagapangalaga ng nyebe. Hindi maikakaila na ang gaganda nila pero ang mga Frows ay mahilig maglaro.." sabi ni Sync. Napaisip ako sa sinabi ni Sync, mapaglaro. Kung ito man ay parte ng paglalaro nya. Makikipaglaro ako sa kanya.
Habang papasok kami sa isang masukal na kakahuyan ay may nadaanan kaming isang maliit na barrio. Ang mga bahay nila dito ay parang mga igloo. Pansin ko lang sa mga tao dito, pagkakita palang nila dun sa Frows ay bigla silang nagsitaguan. May hindi tama eh..
Nang makalagpas kami dun sa may barrio ay may sumalubong sa amin na isang lalaki.
"Andito ka na pala Ara kanina pa kita hinihintay.." sambit nung lalaki at tumingin sa amin.
"May mga kasama ka pala." sabi nito at ewan ko pero tumingin sya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng lamig.
"Mga bisita ko sila Dan, kung maaari dalhin mo sila sa bahay at ng makapagpahinga na sila. May gagawin lang ako." makahulugang sabi ni Ara. Tumango lang yung si Dan at inakay kami papasok sa isang malaking bahay na gawa sa yelo.
Pagkapasok namin ay namangha ako sa mga palamuti dito. Ang daming ice sculpture. May isang mahabang mesa na gawa sa yelo, mga upuan na gawa sa yelo, at ang pinakamaganda ang chandelier na gawa rin sa yelo at may mga dyamanteng nakasabit dito.
"Umupo muna kayo at kumain. Ihahanda ko lang ang tulugan ninyo.." sabi ni Dan at iniwan kaming nakatayo.
"Guys kain na tayo!!" masayang sambit ni Flynn at nauna ng umupo sa amin. Sumunod naman yung iba pero nanatili lang akong nakatayo at patingin tingin sa paligid. Sa pagtingin ko hindi inaasahan na mapadako ang tingin ko sa isang silid doon. Nakabukas ang pinto doon at pakiramdam ko may nakatingin sa amin. Pupuntahan ko sana ang silid na iyon ng marinig kong magsalita si Ara.
"Lilian, hindi ka ba kakain??" tanong nito. Teka bakit alam nya ang pangalan ko? I really feel weird here.
Dahan dahan akong bumalik sa mau mesa. Pero bago ako umupo ay nilingon ko ulit ang silid pero nakasarado na ito.
"Ang sarap ng pagkain!!" masayang sambit ni Flynn na may hawak na manok sa magkabilang kamay.
Tinignan ko ang plato ko na may lamang manok at iba pa. Ewan ko kung kakainin ko ba ito o hindi. Pasimple akong tumingin kay Ada na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti sya sa akin at inalok ako ng wine. Umiwas nalang ako ng tingin at pilit na kinain ang pagkain sa plato ko.
Ilang minuto pa ng pagkain namin ng makaramdam ako ng hindi maintindihan. Dahan dahan akong nakaramdam pagkahilo at bigla nalang bumagsak ang katawan ko sa mesa. Before I loss my conciousness nakita ko na may lumapit sa akin na isang tao. Gusto ko sanang sumigaw pero nagulat ako ng makita ko sina Sync na may kasamang isang babae.
Binuhat ako nung tao at bago mawala sa paningin ko ang mga kaibigan ko, lumingon sa akin yung babae at ngumiti. Namilog naman ang mata ko dahil doon.
Then everything went black.
****
Sync's Pov
"Ok guys tulog na tayo!! Goodnight!!" sigaw ni Mint sa amin at nauna ng humiga sa kama. Tig iisa kami ng kama dito. Napatingin ako kay Lilian na nasa tabi ni Drake. Masaya silang nagkekwetuhan kaya nakaramdam ako ng pagkainis. Pasimple akong lumapit sa kanila at umupo sa kama ni Lilian.
Nagtatakha naman nya akong nilingon.
"Bakit??" tanong nya.
"This is my bed." malamig kong sabi. Nagtaka ako ng tumango lang ito at lumipat ng kama katabi ng kay Drake. Teka hindi manlang ba nya ako papaluin? Sisigawan? Babatuhin?
Humiga ako sa kama at nag isip ng malalim. Napatingin ako kay Lilian na nasa kanan ko. Nakatalikod sya sa akin kaya likod nya lang ang nakita ko. Nakasagi yung buhok nya patagilid kaya nakita ko ang batok nya.
Nagulat ako nang makita kong walang birthmark ang batok nya. Then my conclusion is correct. She's not Lilian. So the Frown is starting her games huh? Then I'll play along with her shit.
****
Lilian's Pov
Nagising ako dahil sa malamig na bagay sa likod ko. Asan ako? Tinignan ko ang paligid at nakita ko na nasa loob ako ng isang kwarto.
Natatandaan ko ang nangyari kanina. Si Ara, nagsisimula na sya sa laro nya.
"Gising ka na pala.." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at halos mamilog ang mata ko.
"A-anong ginawa nyo sa akin?" tanong ko kay Dan pero tinignan nya lang ako ng nagtataka.
"Isa ka na ngayon sa mga laruan nya." sabi ni Dan at bumuntong hininga. Tinignan ko lang sya ng nagtataka. Tumayo sya at sumilip sa may pinto. Tumayo rin ako at lumapit sa kanya. Nakita ko sa labas sina Emerald, Cryztal, Candy, Violet, at
Ako?
Pero paano?
"Mahilig maglaro ang mga Frowns, ang barrio na nadaanan nyo kanina ay mga duplicate ng totoong sila. Katulad natin, ang nakikita mo ay duplicate mo. Pati narin ako, duplicate ko ang nakita nyo kanina." sabi ni Dan at bumalik sa kinauupuan nya.
"Mahilig silang manggaya ng tao para makuha ang gusto nila. And its like ikaw ang napili nilang eduplicate kasi malapit ka sa gusto nila.." Napatingin ulit ako sa duplicate ko masaya syang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko. So is this what she want? Hindi ito maaari. I need to do something.
"Paano ko sila matatalo?" tanong ko kay Dan pero tinginan nya lang ako at tumawa.
"Hahaha.. ilang taon na ako dito pero hindi nila ako pinalabas. Dont expect that you will defeat them because you cant and you will never will.." Huminga nalang ako ng malalim at umupo. So ano tutunganga nalang ako dito?
Guys kung kaibigan nyo talaga ako, malaman nyo sana na HINDI ako ang kasama nyo.
****
Sync' s Pov
"Bakit kailangan dito pa tayo mag usap ha Sync??" usisa sa akin ni Cryztal.
"I think Lilian is not Lilian.." seryoso kong sabi. Natigilan sya sandali at tumawa. Yeah, Im expecting her on that reaction.
"What do you mean Lilian is not Lilian?" she asked and laugh.
"You are one of her closest friend so you already know what I mean.." Tumigil sya sa pagtawa at napahawak sa baba nya.
"Alam mo parang ang weird nga ni Lilian ngayon. Akala ko nga may sakit lang sya o ano eh.."
"And pansin ko rin na palagi syang lumalapit kay Drake.." I hissed. That's the other reason. She suddenly get clingy to that guy, and it makes me so pissed off.
"Hahaha! You should see your face!You look like you want to eat me.." natatawang sambit ni Cryztal at napahawak sa tyan habang tawa parin ng tawa.
"Tss.." I thought she already understand what Im trying to say but , Arrgg! If they dont want to help me, then i'll do it my own. Aalis na sana ako ng magsalita si Cryztal.
"Hey wait! Im just kidding you know. So whats the plan?" I look at her and she is smiling at me. I feel happy, but Im not that idiot to show it. Cause I know shes just gonna laugh at me again.
I walk towards her and tell her my plan.
Wait for me Lilian.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top