Chapter 20

Chapter 20: Troll

Lilian's Pov

"WWWHHHHHHHAAAAAAA"

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH"

"WWWWWWWHHHHAAAAAA"

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH"

*BOGSHHH!!*

*TOOGGSSSHH*

*SLLUUGGSSSHHH*

Pilit akong tumayo kahit halos mabali na ang buto ko sa likod dahil sa pagkakahulog ko sa isang mabatong lugar. At hindi lang iyon, dahil ako ang unang pumasok sa akin nagsibagsakan ang ang mga dala nila at syempre sila mismo.

"Huhuhu.. aray ko!!" daing ko habang hinihimas himas ang likod ko. Parang gusto kong umiyak ng malakas dahil ang sakit talaga!

"Hala Lilian sorry talaga! Naku pagalingin nalang kita.." natatarantang sabi ni Candy at may pinahid na parang jam sa likod ko. Maya maya nakaramdam ako ng lamig at unti unting pagkawala ng sakit sa likod ko.

"Ang ganda pala ng tattoo mo sa likod.." nakangiti nyang turan habang ibinabalik na ang jam sa bag nya. Ngumiti lang ako bilang sagot.

Nilibot ko ang tingin ko at sa tingin ko andito na kami sa labas ng Mount Corvus. Napatingin ako kay Sync na ngayon ay hawak na ang mga Elemental Ribbon. Kasam ko pala ngayon ay sina Cryztal, Emerald, Candy, Drake, Flynn, Sync, Dolye, Mint, VIOLET AT SKY..

Oo kasama pati sila. Sabi kasi ng mga royalty ay makakatulong daw sila sa misyon namin. Maliban sa kumukulo parin ang dugo ko kay Violet ay nangangamba ako kay Sky. Paano kung siya ang taksil dito sa grupo? Paano kung kakampi sya ng mga Titans? Ng Dark Warrior? Maybe I'll just keep an eye on him.

"Maybe this is the first forest.." narinig kong sabi ni Drake.

Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita maski anong bagay na makakapagbigay sa amin ng clue. Asan na yung espada dito?

"Pero where's the sword?" takang tanong ni Emerald

"Remember what the key portal said earlier? Every forest has its own protector. Be very observant baka andito lang sya.." sambit naman ni Doyle. Tama sya, baka pinaglalaruan lang kami ng protector dito.

Nag ikot ikot kami sa paligid ng may nakita akong isang red rose. Mag isa syang nakatubo sa gitna ng garden. Ang ganda nya tignan. Pipitasin ko sana ito ng may humawak sa kamay ko.

"Dont touch anything.." seryosong sabi ni Sync at tumingin sa paligid. Hawak nya parin ang kamay ko.

"Mag ingat sa bawat galaw mo, mapaglaro ang protector dito." sabi ulit nito. Hinatak nya ako kung saan nakatayo ang mga kaibigan namin.

"Maybe what we are doing is wrong.." saad ni Violet kaya napatingin kami sa kanya na nakakunot noo.

"Stop with the stare ok? Ang sabi ko lang walang saysay ang paghahanap natin kung titingin tingin lang tayo sa paligid. Ang kailangan nating gawin ay hanapin ang protector at gawin kung ano man ang pagsubok na ipagawa nya sa atin.." seryoso nitong sabi.

"Mukhang tama ang sabi ni Violet... pero paano natin gagawin yun?" kakamot kamot na tanong ni Mint. Tumaas naman ng kamay si Flynn at tatawa tawa na parang demonyo habang nakangisi.

"Ako ng bahala dyan.. whahahaha!!" sabi nito at winasiwas ang mga kamay.

"Hoy Protector! Kung saan ka man! Lumabas ka dyan! Huwag kang duwag! Hoy Protector! Harapin mo kami! Protector! Aaahhh!!"

Naging alerto naman kami ng tumili ng pagkalakas lakas si Flynn at tumakbo palapit sa amin.

Nangangatog na itinuro nya ang isang bato na unti unting lumalaki. Palaki ito ng palaki hanggang sa maging isang Troll!

Namilog ang mata namin ng tumingin sya sa direksyon namin. Tinignan nya kami ng masama at sumigaw ng pagkalakas lakas.

"GGGRROOWWWLLL"

Tumalon sya papunta sa amin dahilan para umuga ang lupa kung kaya napakapit ako kay Sync. Awkward naman na lumayo ako at tumingin sa iba.

"SINONG LAPASTANGAN ANG PUMASOK SA AKING KAGUBATAN?!!!" galit na bulyaw sa amin ng Troll.

Ang laki nya, may hawak syang isang malaking pamalo na gawa rin sa bato. Sa ulo naman nya ay yung red rose na pipitasin ko sana kanina.

"ASAN NA KAYO?!! ALAM KONG ANDITO LANG KAYO!!??" galit na sigaw ng Troll at inilibot ang paningin sa paligid. Paningin? Hindi nya ba kami nakikita?

"I think he can't see us?" mahinang bulong ni Emerald kung kaya lumingon sa amin ang Troll. Inilapit nya ang mukha nya sa amin. Pigil hininga naman kami dahil baka maramdaman kami ng Troll. Nakahinga kami ng maluwag ng lumayo na sya sa amin at naglakad palayo.

"Whew! That was close!!" sambit ni Flynn kung kaya't lumapit ulit ang Troll sa amin at hinampas ang direksyon namin. Mabilis naman kaming naka iwas sa hampas na yun. Tinignan naming lahat ng masama si Flynn na ngayon ay kakamot kamot sa batok sabay peace sign.

"He cannot see us but he can feel us.." mahinang bulong ni Doyle na ngayon ay nasa tabi ko.

"Anong gagawin natin?" tanong ko dito.

"What if Sync, Dolye, Flynn, and Sky will do the challenge?" suhestyon ni Cryztal. Napatingin naman kami sa kanya.

"Based on my observation, they are much stronger than us. I mean, mas maliksi sila para istorbohin ang Troll. And then me, Lilian, Emerald, and Violet will find where the sword is. And you Mint you will be the look out.." seryosong sabi ni Cryztal. Mukhang tama sya. Sumang ayon kaming lahat kaya pumunta na sa sari sariling posisyon ang mga lalaki.

Unang sumugod si Doyle, sinuntok nya ng pagkalakas lakas ang troll na nagsanhi para matumba ito. Ang lakas talaga ni Dolye. Nanggagalaiti namang tumayo ang troll at hinampas ang direksyon ni Doyle. Mabilis namang umiwas si Doyle at tumalon palayo.

Sunod na lumusob ay si Flynn at Sky. Pinagsabay nilang pinalabas ang keep nila kaya naging frozen lightning ang tumama sa troll. Sumabog ang lightning sa katawan ng troll pero hindi manlang ito naapektuhan.

"ARRRGGHHH"

Nagulat ako ng bitawan nya ang kanyang pamalo sa mismong kinatatayuan nina Flynn at Sky. Mabuti nalang maliksi si Sky kaya agad silang naka iwas. Nanggagalaiti namang iwinasiwas ng Troll ang kamay nya sanhi para umuga ang lupa.

Maya maya ay may lumabas na apat na naglalakihang bato na pumalibot sa Troll. Lumilipad lang ito sa ere. Ang bawat bato ay may nakatusok na espada. Asan dyan ang totoong espada?

"Alam ko na andito kayo para kunin ang espada. Pero hindi ko kayo hahayaang gawin iyon. Bago nyo makuha ang espada hanapin nyo muna kung saan ba sa apat na ito ang totoo.." sigaw ng troll.

Nagkatinginan kami. Tingin na nagtatanong. So ano na ang plano ngayon? Napatingin ulit ako sa troll at sa mga batong nakapalibot sa kanya. Ang mga bato ay may espada na kakulay ng elemental ribbon.

"Hindi kaya ang mga espadang iyan ang dapat nating lagyan ng elemental ribbon?" rinig kong bulong ni Cryztal sa tabi ko.

"Pwede din pero labingdalawa lang ang ribbon natin bawat kulay. We need to think first before putting it. We need to be very careful..."sabi ko naman at nag isip ng malalim.

"Lilian..."

"Find the center point Lilian.."

Nagulat ako ng makarinig ako ng boses sa kung saan. Find its center point. What does it mean?

"GGRROOWWLL"

Napatingin ako sa Troll ng magwala ito dahil sinusubukan syang gawing yelo ni Sky. Napatingin ako kay Sync na ngayon ay pinalilibutan ng itim na usok. Anong nangyayari??

Biglang nawala ang usok at lumabas sa likod ni Sync ang isang dark troll. Mas malaki ito at nakakatakot sa Troll protector. Matatalim ang mga tingin, katulad ng kay Sync. Ito kaya ang isa sa mga dark guardians nya?

"Cygnus ikaw na ang bahala.." narinig kong sabi ni Sync sa dark troll. Wala namang emosyong lumapit ang dark troll at sinuntok ng pagkalakas lakas ang troll protector. Nabasag ang yelo na nakapalibot sa troll pero mas masakit ang natamo nyang suntok sa dark troll.

Tyansa na namin to para hanapin ang sword. "Find the center point.." mahina kong bulong.

"Maybe that rose on top of that troll's head is the sword?" sabi ko sa utak ko. Kasi find the center point. Kung titignan pinalilibutan ng mga bato ang troll at ang nasa center nito ay ang rose na nasa ulo ng troll. Maybe that is the sword.

"I think I know where the sword is.." sabi ko kay Cryztal at Violet. Tumingin muna sa sila sa akin at tumango.

"We'll cover for you.." sambit ni Cryztal. Tumango ako at tumakbo papunta sa pwesto ni Sync.

"Sync can you tell Cygnus na kung maaari pigilan nyang gumalaw ang troll?" sabi ko kay Sync pero tinignan nya lang ako at itinuon ulit ang tingin sa nag aaway na troll.

"Cygnus obeys one order. Ayaw nyang pagkatapos ng isang utos uutusan sya ulit..." sambit ni Sync. Grabe naman! Hindi naman utos yun eh! Its a request! Request!

Inis na kinamot ko ang ulo ko at tumayo. Kung ayaw nyang makatulong sa misyong ito edi huwag! Aalis na sana ako ng hawakan nya yung kamay ko. Tinignan ko lang sya kaya napahilamos sya ng kamay sa mukha.

"Ok I'll try to talk to Cygnus.." pasinghal na sabi nito. Inirapan ko lang sya at tumakbo sa pwesto ng mga trolls. Wala paring tigil ang away nila. Sinuntok ng pagkalas lakas ni Cygnus ang Troll kaya napatumba ito. Pagkakataon ko na. Agad akong tumakbo papunta sa ulo nya.

"GRROWWLL" Muntik na akong mahulog sa ulo ng troll. Mabuti nalang nakahawak ako sa damo na nasa ulo nito. Unti unti na akong nakakaakyat ng may maalala ako.

Patay! Wala sa akin ang Elemental Ribbon.

Tinignan ko si Sync at finorm ang kamay ko showing a ribbon shape. Umaasa ako na maintindihan iyon ni Sync pero parang hindi nya ako napansin. Bigla akong yumuko ng hampasin ni Cygnus si Troll ng pagkalakas lakas dahilan para matumba ito.

Huwaah! Maiipit ako! Pinikit ko ang mata ko dahil ano mang oras mapipisa na ako.

Pagmulat ko ng mata ay una kong nakita ang mukha ni Drake. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Napatili naman ako dahil doon.

"Asan na yung troll??" tanong ko dito.

"There.." at tinuro nya ang direksyon kung saan may isang malaking bato na may rose sa itaas.

"Next time kasi wag padalos dalos.. nakakadagdag lang sa perwisyo.." tinignan ko ng masama si Violet pero inirapan lang nya ako.

"Thanks to him... sinagip ka nya.." sabi naman ni Emerald at itinuro ang direksyon ni Sync na nilalagyan ng ribbon ang rose.

Napabuntong hininga nalang ako at humiga ulit. Sinagip nanaman nya ako.

My only Warrior..

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top