Chapter 18

Chapter 18: The White Moon's Heir

Sync's Pov

Naka upo lang ako at tinatanaw ang puting buwan na tinatakpan ng mga ulap. Tila pinipilit itago ang puting buwan at palitan ng isang madilim at masalimuot na mundo.

Pagkatapos makipaglaban kanina ay hindi na nakayanan ni Lilian ang pagod kaya nahimatay sya. Andoon sya ngayon nagpapahinga sa kwarto ng Royal Prince.

"Kanina ka pa tulala dyan.."

Nilingon ko ang nagsalita. Ngumiti ito at umupo sa tabi ko.

"Thinking about her?" tanong nya. Napabuntong hininga nalang ako at yumuko. Kanina ng tatamaan na sana ako ng dark power ng Titan akala ko iyon na ang huling sandali ko para mapagmasdan ang mukha ng Legendary Alcidae.

"Haha.. She's ok, natutulog lang sya doon so you dont have to worry" I look at mom and she just smile at me.

"Ngayon lang kita ulit nakitang mag alala sa isang tao anak. " sabi nito at niyakap ako..

"Im happy that you already found the girl you will love. Pero alam mo naman na hindi magiging madali ang bawat araw nyo hindi ba?" bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Mag ingat ka anak. Ingatan mo ang puso mo, huwag mong hayaang mawasak iyan.." sabi ni Ina at ginulo ang buhok ko. Tumayo na sya at naglakad papasok. Nakasalubong nya si Mr. Krypton kaya binati sya nito.

"Magandang gabi po Reyna Lara..."

Ngumiti lang si Ina at nagpatuloy sa paglalakad. Si Mr. Krypton naman ay lumapit sa akin at nagsalita.

"Pinapatawag kayong siyam ng kapitolyo.. may importante daw silang sasabihin.." Seryosong sabi nito at umalis na.

Napabuntong hininga naman ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ko at sumunod na maglakad kay Mr. Krypton.

Nang papunta sa kami sa may dining area ay nakita ko sa hagdan si Lilian na papababa. Gising na pala sya. Nagkatinginan kami. Ako na ang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero habang naglalakad ay hindi ko mapigilang ngumiti.

Ngiti na hindi ko alam kung bakit?

****

Lilian's Pov

Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong nakahiga ako sa hindi pamilyar sa silid. Ang ganda ng silid. May mga living fire displays. As in totoong apoy. Ang ganda!

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko doon ang isang hardin kung saan may mga apoy na bulaklak. Sa di kalayuan ay may nakita rin akong mga palasyo. Sa mga tuktok nito ay may mga simbolo ng keep. Isang tubig, Lupa at Hangin.

Kung hindi ako nagkakamali nandito ako sa palasyo ng apoy. Sa palasyo ni Reyna Lara. Bumangon na ako sa kama at lumabas sa kwarto. Pagkasara ko ng pinto may nabasa akong inukit doon.

'Prince's Room'

So sa kwarto ng prinsipe pala ako nakatulog. Sino kaya ang prinsipe dito? Excited na akong makilala sya.

Bumaba na ako sa hagdan at doon ko nakita si Sync na nakapamulsang naglalakad. Nagkatinginan kami pero umiwas din sya agad at nagpatuloy sa paglalakad. Saan kaya yun pupunta?

Sinundan ko nalang sya. Andito lang ako nakasunod sa likod nya hindi ko alam kung alam nyang nakasunod ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar kung saan may isang napakahabang mesa. Puno ng pagkain ang mesa.

Nakita ko sina Candy, Mint, Doyle, Cryztal, Flynn at Drake na nagkukulitan habang kumakain doon. Napatingin sa gawi ko si Candy kaya kinawayan nya ako at inayang lumapit doon.

Umupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan doon. Katabi ko si Drake na walang tigil sa pagkain ng choco frappe. Napatingin naman ako sa harap ko kung saan naka upo sina Emerald at Mint na sweet sa isat isa. Ngayon ko lang napatunayan na ang clingy pala ni Emerald.

"Mint gusto mo ba ng chicken?" pa-sweet na tanong ni Emerald. Ngumiti naman at tumango si Mint. Sinubuan naman sya ni Emerald at parang bata namang ngumingiti si Mint habang pumapadyak padyak ang paa.

May narinig naman akong nabasag at nakita ko si Flynn na masamang nakatingin kay Mint at Emerald. Tsk!Pag ibig nga naman.

"Uyy Lilian gusto mo ba ng pancit?" napatingin naman ako kay Doyle na ngayon ay may hawak na plato na may lamang pancit.

"Sige ba.." masaya kong sabi. Nilagyan naman nya ako sa plato ko. Hmm.. mukhang masarap ah? Susubo na sana ako ng biglang may umagaw sa tinidor ko.

Napatingin ako kay Sync na ngayon ay pinalitan ng chicken at fries ang pancit ko. Seryoso lang ang mukha nya habang ibinabalik sa akin ang plato ko na may chicken at fries na.

Tinignan ko lang ang plato ko at nakakunot noong napatingin kay Sync. Tinignan naman nya ako na mas nakakunot noo pa sa akin.

"What??" pikon na sabi nito.

"W-wala.." nauutal kong sabi. Mahirap ng kalabanin ang isang to. Baka matusta ako ng wala sa oras dito.

Masaya lang kami habang kumakain na may halong harutan. Napatigil kami bigla ng dumating si Reyna Lara kasama ang iba pang mga Reyna at Hari. Teka asan yung prinsipe ng apoy?

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" Napatayo naman kami at yumuko bilang paggalang na rin sa mga Reyna at Hari.

"Mabuti naman at nasiyahan kayo sa inyong pamamalagi dito sa palasyo ko." sabi ni Reyna Lara na umupo sa pinaka unang upuan sa harap ng mesa.

"Lilian hindi ko akalain na ikaw pala ang Legendary Alcidae.." sambit ni Reyna Lara at uminom ng wine.

Ngumiti naman ako at nahihiyang tumango.

"Oo nga ang buong akala ko ay hindi totoo ang nasa lumang aklat. Pero dahil sa nasaksihan ko, may posibilidad na masalba natin ang buong Lailana.." seryosong sabi naman ni Reyna Atlanta.

"Pero huwag muna tayong magpakampante. Alam naman natin na hindi titigil ang mga Titans hanggang hindi nila nakuha si Lilian at tuparin ang propesiya nila. " saad naman ni Haring Andres.

"Naka usap ko si Marta, ang tagapagsilang ng Legendary Alcidae. Ang ina mo Lilian. Sinabi nya na dahil ikaw ang kauna unahang Legendary Alcidae na isinilang nya kung kayat ikaw ang susunod na tagapagsilang ng Legendary Alcidae. Ikaw Lilian ang White Moons heir.." sabi ni Reyna Illiena. At ano ang sabi nya? Naka usap nya ang ina ko?

"Ano pong White moons heir?" curious na tanong ni Emerald. Tama anong White moons heir?

"Ang White moons heir ang susunod sa yapak ng kaniyang tagapagsilang. Katulad ng iyong ina Lilian, dati rin syang estudyante dito sa Lailana. At ng malaman nyang hindi sya normal na estudyante, na isa syang Legendary Alcidae. Kailangan nyang gumawa ng isang napakabigat na desisyon.." sabi ni Reyna Lara. Tumingin sya sa akin at halos mag init naman ang katawan ko dahil sa tingin na iyon. Parang tingin din ni Sync. Nakakatakot. Hindi kaya?? Pero malabo namang mangyari yun.

"Ano pong desisyon?" tanong ni Cryztal pero nginitian lang sya ni Reyna Lara.

"Wala ako sa lugar para sabihin iyan, ikaw lamang ang nakakaalam ng desisyong iyon Lilian. Nasa kamay mo ang sagot sa mga tanong mo.." Sabi nito at tumayo na.

Pinunasan nya ang kaniyang labi at nagsalita.. "Mag uumaga na siguro ay kailangan nyo ng magpahinga. May mga kwarto sa taas ng palasyo siguro ay magsama nalang ang dalawa sa isang kwarto."

Tumango nalang kami at tumayo at nag bow. So sino ang kasama ko sa kwarto? Si Cryztal kasama nya si Drake, Si Emerald naman ay kasama si Flynn na ngayon ay pangiti ngiti, at si Candy na kasama si Mint. So kami nalang ni Sync at Doyle ang walang kasama.

"Hey Lil gusto mo magkasama tayo sa room?" alok naman ni Doyle. Napatingin ako kay Sync hoping na sana ayain nya rin ako pero mukhang malalim ang iniisip nya kaya nag shrug nalang ako.

"Oo b---"

Napapitlag nalang ako ng may biglaang humawak sa kamay ko at bigla nalang kaming nawala sa harap ng mga kaibigan ko. Pagmulat ko ng mata ko ay nakatayo na kami sa isang pamilyar na silid. Ito ang silid ng Prinsipe ah? Teka, diba dapat prinsipe ang matutulog dito? Nagkamali ata ng pasok si Sync eh.

"Uyy Sync, hindi naman ito ang kwarto natin eh. Sa prinsipe tong kwarto eh.." sabi ko sa kanya pero tinignan nya lang ako at humiga sa kama.

"Just sleep ok?" bagot nitong sabi. Pero nakatayo parin ako at tinignan sya. Nakapikit na sya ngayon at mukhang matutulog na.

"Uyy Sync baka magalit yung prinsipe dito sa ginagawa mo eh.." sabi ko ulit pero no respond lang sya.

"Ano ba Sync!!"

"..."

"Sync!!!"

"..."

"SYNC!! ANO BA!!!"

"..."

"HAYSSS!! BAHALA KA NGA!!"

Padabog na tumalikod ako at naglakad papunta sa pinto. Bahala sya kung ayaw nyang lumabas dito. Basta ako aalis na. Mahirap ng maabutan ako ng prinsipe at matusta.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng may sumaglit ng kamay ko at iniikot ako. Halos pumutok naman sa lakas ng kabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Nakaharap ako ngayon kay Sync.

Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Ramdam ko ang bawat paghinga nya. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. A-anong gagawin nya?

"Didn't I warned you about shouting on me??" medyo galit na sabi nito. Amoy ko ang hininga nya. Ang bango. Pero ano yung sinabi nya?

"You know the penalty right?" sabi nito at dahan dahang nilapit ang mukha nya sa akin. Huwwaaa!!!

H-h-h-huwag mong sabihing h-h-h-hahalikan nya ulit ako?

3 inch

2 inch

1 inch

5 cm

Napapikit na ako sa sobrang kaba. Inintay ko na magdampi ang mga labi namin ni Sync. Ilang minuto pa akong nag antay pero walang dumampi sa labi ko. Instead naramdaman ko na may humawi ng buhok ko sa tenga ko at parang may inilagay doon.

Pagmulat ko ay nakita ko si Sync na naglakad na palayo sa akin. Pumunta sya sa may kama at kumuha ng isang unan at kumot. Pumunta sya sa may couch at inilatag ang unan doon.

"Dont worry this is my room so you dont need to worry.." sabi nito at humiga na.

A-anong sabi nya???

R-room nya ito??

So ibig sabihin sya ang Royal Prince?

Napahawak ako sa buhok ko at may nakapa akong petal. Kinuha ko iyon at nakita ko ang isang fire flower. Galing kay Sync. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Hayy Sync bat mo ba to ginagawa sa akin?

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top