Chapter 17

Chapter 17: Prophecy Foretold

Sync' s Pov

I look at her as she fly between the moonlight. She looks really beautiful lalo na ng winasiwas nya ang pakpak nya na nagsanhi ng malakas na paghangin.

Then I feel surprise ng bigla nalang may lumabas na water bubble sa ere and form into a giant bubble. When she touch it bigla nalang may lumabas na maraming white rose petals.

May white petal na dumapo sa aking balikat kaya kinuha ko iyon at inilagay sa bulsa ko. I'm gonna keep this as my remembrance.

Nagpalakpakan ang lahat, maging ang mga kapitolyo pumalakpak din. Ngayon alam na nila na buhay ang Legendary Alcidae. Ano kaya ang gagawin nila? Siguro wala naman silang masamang gagawin. Kapag nalaman ko na may masama silang balak kakalimutan ko na isa akong royal blood.

Nagulat nalang ako ng biglang dumilim ang paligid at napalitan  ng blood moon ang white moon. Huwag mong sabihing?

"Magandang Gabi Legendary Alcidae.."

Titans??

Pero paano sila nakapasok dito?

Naging mabilis ang pagdating ng mga elites at iba pang warriors.

Mabilis din ang paglapit ko kay Lilian at hinatak sya papunta sa backstage. Pagdating namin doon ay aligagang nakatayo sina Emerald, Cryztal, Flynn, Drake, Candy na may kasamang dalawang lalaki. Namumukhaan ko ang isa sa kanila. Isang mukha na hindi ko malilimutan.

"Anong gagawin natin??" nag aalaang tanong ni Cryztal

"Are we gonna die?!!" naghehesterical na tanong ni Emerald. Pinakalma naman sya ni Flynn.

"Legendary Alcidae lumabas ka na dyan!! Marami na ang namatay sa mga kakampi mo!! Ayaw mo namang maubos kayo diba??!" narinig kong sigaw ng sa tingin ko ay pinuno ng mga Titans.

"Lilian kahit anong mangyari huwag kang lalabas! Matagal ka naming itinago sa mga Titans para hindi matupad ang propesiya!!"

Naguluhan ako sa sinabi ni Mr. Krypton. Anong propesiya? Gusto kong itanong kay Mr. Krypton kung ano ang ibig nyang sabihin pero hindi pa ito ang tamang panahon.

"Andito ka lang pala Legendary Alcidae.."

Nagulat kaming lahat ng masira ang kisame at tumambad sa amin ang isang nakakatakot na Titan. Mayroon syang pulang mata, dalawang malalaking sungay, at punit punit na pakpak ng paniki.

"Ang ganda mo talagang pagmasdan Legendary Alcidae. Hindi na ako mapakapaghintay na matupad ang propesiya." sabi nito at tumawa ng pagkalakas lakas. Teka anong propesiya?

"Kung ano man ang propesiyang iyan ay gagawin ko ang lahat para hindi iyan matupad! " matapang na sabi ni Lilian. Tinignan ko sya pero seryoso lang syang nakatingin sa Titan. Hindi mo talaga makikita ang kahit anong bahid ng masaya at pilyong si Lilian ngayon. Ang makikita mo lang ay ang matapang na si Lilian. Ang matapang na Legendary Alcidae.

"Oo nga! Tsaka kung ano man yun wala kaming balak makiparty noh!!" maarteng sagot naman ni Emerald at nagtransform into a Dragon. Nakita ko na pumwesto rin ang iba. Si Lilian naman ay nakalipad na ngayon sa ere at nakapikit.

Ngumiti ako sa Titan at nagform ng isang black fire ball. Pinatama ko ito sa direksyon nya pero naka ilag lang sya.

"Hindi manlang kayo nagsabi na mag uumpisa na pala? hahahaha" tumatawa pa ito habang lumilipad sa ere. Nagsimula na ring sumugod ang iba. Nagpalabas ng maraming elecric bolt si Flynn, si Candy naman ay nagpaulan din ng poisonous bubbles, si Cryztal ay nagcacast ng spell. Ang dalawa namang lalaki ay nagpaulan ng kanilang keep.

Napatingin ako kay Lilian na nakapikit parin sa ere. Ano kaya ang ginagawa nya?

"Aaaahhhhh" napatingin kami agad sa pinaggalingan ng sigaw at nakita namin doon si Candy na may malaking sugat sa braso. Tinignan ko ang Titan na nakangiting nakatingin kay Candy. May bahid pa ng dugo ang mga kuko nito. Kinalmot nya ito sa braso.

Lalapitan ko na sana si Candy ng bigla nalang akong paulanan ng dark power ng Titan. Sinubukan kong umilag pero huli na.

***

Lilian' s Pov

Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ako pamilyar sa lugar na pinuntahan ko. Puno ng mga halaman ang nasa paligid. Wala akong ni isang nakitang keepers o warriors. Akala ko ba may labanang nagaganap?

"Lilian.."

Napalingon ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Hindi ko alam kung kailan ko yun narinig basta ang alam ko lang napakapamilyar nito sa akin.

"Lilian.."

Tumingin ulit ako sa paligid pero wala talaga akong makita. Tanging mga damo, halaman at puting buwan lamang ang nakikita ko.

"Lilian anak.."

Sinubukan kong pakinggan ng mabuti ang pinanggalingan ng boses at nagulat ako ng bigla nalang lumiwanag ang puting buwan na syang sumakop sa akin. Napapikit ako sa sobrang liwanag dulot ng buwan.

"Lilian anak.."

Minulat ko ang mata ko at nakita ko na nakatayo sa dulo ng bangin kaharap ang puting buwan.

"Lilian mahal kong anak.."

Nagulat ako ng marinig ko ang boses galing sa puting buwan. A-anak?? anak ako ng buwan??

"Anak alam ko mahirap paniwalaan pero ako ang iyong pinagmulan. Ako ang dahilan kung bakit ka isinilang sa mundo at mapatawan ng malaking responsibilidad.."

Naguguluhan ako. Paano ako naging anak ng puting buwan?

"Noon, ang apat na kaharian ay may sari sariling mahiwagang bato. Napagpasyahan nilang ipag isa ito upang magkaroon ng napakalakas ng kapangyarihan. Itinago nila ito sa sagradong torre sa itaas ng Mount Corvus. Ang bundok na tanging mga mabubuting puso lamang ang makakakita. May tatlong keepers ang inatasan na magtago ng mga susi para makapasok sa Mount Corvus..."

"Sinasabi sa propesiya na kapag ang isang Light ay magpakasal sa isang Dark ay mawawalan ng bisa ang mga nakabantay sa sagradong torre. At kapag nawalan na ito ng bantay ay maaari na itong makita ng kahit na sino. Madali narin para sa kanila na makuha ang mga bato at makamit ang natatanging kapangyarihan.."

Sinubukan kong edigest lahat ng narinig ko. So ibig sabihin ito ang sinasabi ng mga Titan na propesiya? Ang magpakasal ako sa isang Dark? Ibig sabihin magpapakasal ako sa isang Titan? Iniisip ko palang iyon kinikilabutan na ako.

"Pero Lilian, mag iingat ka. Marami ang panganib ang nakapalibot sa buong Lailan High. Ikaw lang ang makakalutas nito Lilian. Ikaw ang Legendary Alcidae. Nasa kamay ko ang susi ng lahat. "

Pagkatapos sabihin iyon ng buwan ay bigla nalang may lumitaw na maliit na chest sa ere na papalapit sa akin. Teka ito yung chest sa may office ni Mr. Krypton ah?

Bumukas ito at may lumabas doon na isang kwintas. Isang angel wings na may puti at itim na pakpak. Napapalibutan ito ng labindalawang maliliit na dyamante. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Ang ganda. Nagulat ako ng lumiwanag iyon kasabay din ng pagliwanag ng balat ko sa batok. Naramdaman ko rin na kumirot ang likod ko. Lumiwanag ang buong katawan ko. Lumutang ako sa ere kaya napapikit ako. Pakiramdam ko mas lumakas pa ako. Pagmulat ko ng mata...

"Mahal na mahal kita anak ko.."

Nakita ko na papatapon na ng dark power ang Titan papunta sa kinaroroonan ni Sync. Nakaramdam ako agad ng malaking galit kaya malakas na iwinasiwas ko ang pakpak ko na syang naglikha ng malakas na malakas na paghangin.

Halos liparin lahat ng gamit dito sa buong Lailan. Nagiging abo rin ang lahat ng Titans na matamaan ng wind niddle na dala ng hangin ko. Nagiging abo na rin ang Titan na nakalaban namin. Pero bago sya mawalan ng tuluyan ay nagsalita ulit ito.

"Hindi pa dito natatapos ang lahat Legendary Alcidae! Babalik kami!Matutupad din ang propesiya!Mawawala rin kayo sa mundo!!"

At bigla nalang may nagsiliparang itim na abo sa himpapawid. Tuluyan ng naging abo ang Titan. Pero kinakabahan parin ako. Paano kung sumugod sila ulit? Paano kung hindi namin sila makaya? Paano kung makuha nila ako? Paano kung?

Nasa kamay ko daw ang sagot sa lahat ng tanong ko. Pero paano ko malalaman ang sagot kung hindi naman matigil ang tanong sa isip ko

"Mabuti nalang at ok kayo. Sinasabi ng apat na kaharian na pumunta muna tayong lahat sa Palasyo. Malaki ang napinsala sa Lailana kaya dun muna tayo mamalagi.."

Tumango lang kami sa sinabi ni Mr. Krypton. Lumabas na kami sa sira sirang backstage at halos maluha naman ako ng makita ko ang kabuuan ng Lailan. Sira sira ang mga buildings, marami ang mga keepers ang sugatan.

Ako ang may kasalanan nito. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito.
Hindi ko na nakayanan ang bigat na naramdaman ko kaya napabagsak nalang ako sa lupa.

"Lilian!!"

Narinig kong sigaw nila pero hinayaan ko nalang na sakupin ako ng antok.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top