Chapter 16

Chapter 16: Muses of Lailana III

"Ihanda ang mga kawal.. lulusob tayo..."

"Masusunod po.."

"Makakasama rin kita.. anak.."

Lilian's Pov

Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin sa harap ko. Nakasuot ako ng puting gown na may kapares na puting glass sandal. Meron din akong mga abubot sa katawan at binilog ang buhok ko na may serpent sa taas.

"Ako ba to??" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan parin ang repleksyon ko.

"Ang ganda mo Lilian.." sambit naman ni Mirror, ang nagsasalitang salamin sa loob ng dorm ko. Akala ko talaga normal dorm lang ang nandito sa Lailana pero nagulat nalang ako ng makita kong nagsasalita ang halos lahat ng gamit ko dito sa loob ng dorm.

"Ano ka ba mirror, binobola mo naman ako.." nahihiya kong sabi.

"I'm telling the truth.." depensa nito at tumawa. Tumawa na rin ako at huminga ng malalim.

Paano kaya kung magkita kami ni Sync?

Siguro ang gwapo nya sa suot nya?

Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Pag naalala ko yun hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mamula.

"Ang ganda mo Lil!" napalingon naman ako sa likod ko at doon ko nakita sina Emerald at Cryztal. Ang ganda ng gown nila. Si Emerald nakasuot ng green long gown na may mga emerald at ruby stones. Si Cryztal naman ay may blue gown na may mga diamond dust.

"Ang ganda nyo rin naman eh.." sabi ko at lumapit sa kanila.

"Of course.. " sabi ni Emerald na nakataas noo. Tumawa nalang kami ni Cryztal.

"So lets go?" Tumango naman sila kaya isa isa na kaming naglakad palabas ng dorm at doon nag aantay ang tatlong karwahe na may unicorn.

Gaganapin sa Mystic Garden ang Muses of Lailana pero magpaparade muna kami sa buong Lailana. Medyo kinakabahan nga ako kasi inimbitahan ang apat na kaharian, at ang mga pinuno ng kapitolyo. Ayokong mapahiya sa harap nila kaya gagalingan ko talaga.

Umabot ng isang oras ang parade. Sa wakas nakarating na rin kami sa Mystic Garden, magkaiba kasi ang parade ng escorts sa muses kaya pagdating namin doon ay nakatayo na agad ang mga escorts sa tabi ng upuan na uupuan namin.

Maingay ang salubong sa amin pagpasok namin sa doon. Napatingin ako sa paligid at kumaway. Maraming estudyante ang nagsisigawan. Napatingin naman ako sa may itaas ng venue andoon nakaupo sina Mr. Krypton at iba pang teachers. Sa kaliwa naman nito ang mga pinuno ata ng kapitolyo base narin sa mga damit nila. At sa kanan naman ay nadoon naka upo ang apat na kaharian.

Pinagmasdan ko sila isa isa at doon ko lang napansin na kanina pa pala nakatingin sa akin si Reyna Lara. Nagkatitigan kami ng matagal at nagulat ako ng magsalita ito sa isip ko.

"Legendary Alcidae.."

"I know you are the Legendary Alcidae Lilian.."

Umiwas ako agad ng tingin matapos nya iyong sabihin. Paano nya nalaman? Sa bagay isa syang Reyna. Isa sya sa may ari ng lugar na to, ano pa bang aasahan ko?

Pagdating namin dun sa may platfrom ay isa isa na kaming inakay ng mga escort namin sa upuan. Tinignan ko si Symc habang nakalahad sa akin ang kamay nya. Naiilang na tinanggap ko iyon at sabay kaming naglakad papunta sa upuan ko. Habang naglalakad hindi ko talaga maiwasang mamula. Pano ba naman naalala ko nanaman ang nangyari kahapon.

Nagulat ako ng pisilin nya ang kamay ko bago ako pina upo sa upuan ko. Umikot sya sa likod ko at tumayo. Maya maya nag umpisa na rin ang Muses of Lailana.

Pumunta kami sa may backstage at nakita ko doon si Candy na kasama si Doyle. Kumaway ako sa kanila at kumaway din sila. Si Doyle naman ay nag thumbs up at bumulong "your gorgeous".

Sasagot sana ako ng may humatak sa kamay ko kaya napalayo na kami kena Doyle. Tinitignan ko lang ang magkahawak kamay namin ni Sync.

"Here sit here.. wag kang patingin tingin sa iba.. " seryosong sabi nito sa akin at marahang pina upo ako sa upuan kaharap ng salamin. Yumuko lang ako at pasimpeng ngumiti.

Maya maya dumating na rin ang artists ko. Mabilis lang naman ang preperation kasi may mga wands sila.

"And now lets call on our first Muse Candy Sweets for her swimsuit.." narinig kong sabi nung emcee.bAt tama kayo, ang unang gagawin namin dito ay rumampa ng naka SWIMSUIT!! As in! Wala manlang nagsabi sa amin na mag siswimsuit kami!

Nakayuko lang ako habang inaantay na tawagin ang number two which is me. Alam ko pulang pula nanaman ako dito ngayon. Si Sync naman nung sinabi ng artists ko na magbihis na daw ako ng swimsuit umalis agad. Well mabuti nga. Nakakahiyang makita nya ako sa ganitong itsura.

"And now lets call our second Muse Lilian Lynxx.."

Kinakabahan akong tumayo sa kina uupuan ko. Tama kaya tong gagawin ko? Naku! Baka mawalan ng respeto ang mga tao sa akin nito? Hahakbang na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Nilingon ko ito at doon ko nakita si Sync na nakayuko lang habang pulang pula ang tenga.

"D-dont let... d-dont... arrgghh!! dont let other boys look at you.."

Naguguluhan ko syang tinignan habang sya naman ay walang tigil sa pag mura. Eh pano ko naman hindi papatinginin ang mga boys edi bawas yun sa audience impact ko? Hayy si Sync talaga hindi nag iisip.

"Dont let them boorish you okay?" sabi ulit nito and this time nakatingin na sya sa akin. Nalunod nanaman ako sa mga pulang mata na iyon. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad na palayo. Nang papalabas na ako ng backstage ay lumingon ako kay Sync.

"I promise.." sabi ko at ngumiti. Bago ako lumabas ay nakita kong nakangiti si Sync habang papaupo sa upuan ko kanina.

Kampante lang akong rumampa kasi alam ko na andyan lang ang mga kaibigan ko na handang dumamay sa akin. Matiwasay ko namang natapos ang first round.

"Now we had witness how sexy! How hot our lovely Muses are! Now lets proceed to the second round. The talent portion.."

Unang sumalang si Candy, nagsummon sya ng mga gummy dragon na syang bumuga ng maraming gummy candies. Marami ang sumigaw kasi may libreng pagkain sila. Sumunod naman na sumalang si Emerald, nagshift sya into many creatures kaya halos masira ang venue sa lakas ng sigawan.

Sumunod si Cryztal, nag cast sya ng mga spell at bigla nalang may tumubong malaking white rose sa gitna ng ground. Unti unti itong bumuka at lumabas doon ang sandamakmak na cryztal pixie dust. Naghiyawan ulit ang mga estudyante.

Sa kanila ang daming sumigaw, paano na kaya kung ako na? Alangan namang lagyan ko ng baha ang buong venue?

"And now our last contestant, Lilian Lynxx.."

Kung sa kanila halos masira ang venue sa kakasigaw, sa akin naman ay halos marinig na ang pinakamahinang tunog na maisip nyo.

Nakasuot na ako ngayon ng simpleng white cocktail dress. Wala akong dalang kahit anong gamit o weapon manlang.

Anong gagawin ko??

Nakatingin lang ako sa mga estudyante habang sila ay nakatingin din sa akin. Wala ni isa ang sumigaw ng pangalan ko o kahit palakpak manlang. Nawawalan na ako ng confidence!! Guys!! Moral support please!!

"Whooo!! GO LILIAN!!!" napatingin ako sa may gilid banda ng bleachers at andoon naka upo ang tatlong weird na babae habang may dalang banner. Binasa ko ito... 'Go Legendary Alcidae!!'

Legendary Alcidae?

Legendary Alcidae?

Tama!! Legendary Alcidae!

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko. Kinalma ko ang sarili ko hanggang sa pakiramdam ko nasa ulap ako. Ang gaan ng pakiramdam ko. Naramdaman ko na kumirot ang likod ko pero hindi ko iyon ininda.

Maya maya minulat ko ang mata ko at nakita ko nalang ang sarili ko na nakalutang sa ere na nasa pagitan ng puting buwan. Nakasuot parin ako ng white cocktail dress pero ang mata ko...

Red Violet..

Ang ganda...

Winasiwas ko ang pakpak ko at nagsanhi iyon ng malakas na paghangin. Maya maya may lumabas na mga water drops sa ere, lumutang ito paitaas. Bumuo ito ng isang malaking water bubble at ng hawakan ko iyon ay lumabas ang hindi mabilang na white rose petals, napakabangong white rose petals.

Pagkatapos nun bumaba na ako sa platform at kampanteng ngumit. Ilang sandali pang katahimikan hanggang sa naghiyawan ang mga estudyante. Napapangiti nalang ako habang pinapakinggan ang mga sigawan at cheers nila. Ang sarap sa pakiramdam na hinahangaan ka.

Pero ang lahat ng iyon ay nabulabog ng bigla nalang dumilim ang paligid at napalitan ng pula ang puting buwan.

Napabilog ang mata ko ng lumabas sa kung saan ang mga itim na arkanghel.

Huwag mong sabihin???

"Magandang Gabi Legendary Alcidae.."

Titans!!!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top