Chapter 15

Chapter 15:Muses of Lailana II

Lilian's Pov

Pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha sa harap ko. Kanina pa ako nakatulala dito habang inaantay syang magising. Sinabi ng healer nakakain daw si Sync ng pagkain na may allergy sya.

Kaya rin daw nag iba ang kulay ng mata nya dahil iyon ang nagiging side effect pag nakakain ka ng green lemon. To make it clear, pag kumain ka ng green lemon mawawala temporarily ang keep mo ibig sabihin wala kang kapangyarihan pansamantala.

"Magpahinga ka na muna Lilian.." tinignan ko lang yung healer at ngumiti sabay iling.

"Well its up to you, bantayan mo ng mabuti ang boyfriend mo ha??" napatingin naman ako agad sa healer ng tumawa lang ito sabay peace sign.

"Kidding.."  sabi nito habang tumatawa palabas ng center. Napa iling nalang ako at tinignan ulit si Sync.

Kahit ang sungit nya. Kahit ang sama nya sakin.. kahit ang cold nya. Hindi ko parin maiwasang isipin na kahit papaano ang bait din pala nya.

Ang bait nya kasi kahit ilang beses ko syang awayin at pagtabuyan ito parin sya. Handang tulungan at protektahan ako laban sa mga dark warriors.

Speaking of dark warriors. Ano na kayang nangyari dun sa scroll na naiwan noon ng lumusob ang Panthera? Sa pagkakaalam ko hindi pa ito alam ng apat na kaharian. Lahat ata ng mga masasamang nangyari nitong nakaraang araw sa Lailana ay hindi parin alam ng apat na kaharian pati na rin sa pagiging Legendary Alcidae ko.

Bakit kaya ayaw nilang ipaalam??

"How are you Legendary Alcidae?"

Halos tumalon naman ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Kinabahan naman ako ng makaramdam ako ng kakaibang aura na nakapalibot sa akin. Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko ang isang taong nakasuot ng itim na cloak, hindi makita nag kanyang mukha maliban sa malaking guhit sa kanyang mukha.

"S-sino ka??" sinubukan kong patapangin ang boses ko kahit sa loob loob ko grabe grabeng kaba ang nararamdaman ko.

"Hindi ko na kailangang sabihin kung sino ako.." malamig nitong sabi habang unti unting lumalapit sa akin.

"Hindi muna kita sasaktan ngayon, pero darating din ang araw ang na kukunin ka namin. Magiging isa ka sa amin. Legendary Alcidae.." sabi nito at bigla nalang nawala na parang bula.

Sapo ko naman ang dibdib ko habang dinadigest ang mga nangyari. Isang Titan ang nagpakita sa akin. Kukunin nila ako. Bakit? Magiging isa ako sa kanila? Paano? Ayokong maging isa sa kanila. Siguro sila ang may pakana nung pagsugod ng Panthera dito.

Ako ang pakay nila. And it makes me feel guilty kasi marami ang mapapahamak dahil sa akin.

"Hmm.." napatingin ako agad kay Sync ng umungol ito. Maya maya ay dumilat ng konti ang mata nya.

"Where am I?" tanong nito.

"Thank God your okay.." bulalas ko dito pero tinginan nya lang ako at bumangon.

"What happened to me?" tanong nito.

"Nahimatay ka kasi kanina sa room kaya dinala kita dito sa center.." paliwanag ko dito.

"I feel weird.." bulong nito pero rinig ko parin. Tama naman sya ang weird nya nga, hindi ako sanay kung hindi pula ang mata nya.

"Did I ate something weird?" tanong nya ulit sa akin and this time halos pwede ng taniman ng palay ang noo nya sa sobrang kunot.

"Well, sabi ng healer nakakain ka daw ng pagkain na may allergy ka.." sagot ko dito. Bigla naman nyang inihampas ang kamay nya sa kama kaya nagulat ako.

"Sh*t!!! Dont tell me I ate green lemon?!!" galit na tanong nito. Tumango nalang ako at umiwas ng tingin. Kahit hindi pula ang mata nya, parang kasing sakit parin ng mga pulang mata ang tignin nya.

"Arrghh! What now? Is there any fucking antidote here?" tanong nito at humagilap sa paligid ng pwedeng antidote daw. Hanap dito hanap doon.. tapon dito tapon doon. Mura dito mura doon. Iyon lang ang nakikita ko habang tinitignan si Sync na hindi pa rin tumitigil sa paghanap. Ang gulo na tuloy ng Center.

"Sync, tama na.." sinubukan ko syang pigilan pero piniksi nya lang yung kamay nya kaya tumilapon ako sa may sahig... Aray!! ansakit ng pwet ko!

"Sync ano ba papagalitan ka ng healer sa ginagawa mo eh.." pag aawat ko dito pero tinignan nya lang ako at nagpatuloy sa paghahanap. Napipikon na ako dito eh! Kanina pa ako hilong hilo sa kakapanood sa pag ikot ikot nya eh.

"SINABI NG TAMA NA EH!!" and with that tumigil sya sa ginagawa nya at tinignan ako. A death glare to be exactly. Patay nanaman ako nito!

"How dare you to shout at me?" galit na sabi nito. Unti unti na ring nag iiba ang kulay ng mata nya. Dont tell me bumabalik na ang keep nya? Naku patay talaga ako nito.

Dahan dahan syang lumapit sa akin habang ako naman ay usog lang ng usog.

Lapit... Usog... Lapit... Usog... Lapit... Usog.. Lapit... Usu--- Ayy wala ng uusugan. Nakalapat na ang likod ko sa may pader habang si Sync ay unti unti paring lumalapit sa akin.

"Are you aware on what you just did?" sabi nito na ngayon ay nakatayo na sa harap ko? Nanginginig na tinignan ko sya at halos lumuwa na ang mata ko ng bumuo sya ng fire ball.

Hala! Sabi na nga eh! Patay na ako dito eh! Tama nga ang hinala ko. Walang sinasanto tong si Sync. Hindi ko akalain na dito na magtatapos ang buhay ko. Hindi ko akalain na mamamatay ako na hindi manlang naipaghiganti ang mga magulang ko sa mga Titans. Hindi ko akalain na mamamatay din ako sa kamay ng taong inakala kong ipagtatanggol ako. Sa taong akala ko poprotektahan ako.

Sa taong sa tingin ko ay gusto ko..

Yumuko nalang ako at inihanda ang sarili ko sa pagtama ng fire ball sa aking katawan.Tagaktak ang pawis at luha ko habang nakayuko. Paalam sa inyong lahat!

"BOOGGSSSHH"

"AAAAAHHHHHH----- Huh??"

Napaangat ako bigla ng tingin ng hindi ko nakaramdaman ang kahit anong sakit. Napatingin ako sa likod ni Sync kung saan nakatayo ang nag aabong katawan ng isang dark warrior. So hindi pala para sa akin ang fire ball na iyon? So ibig sabihin kanina pa pala andito ang dark warrior?

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon na nakatingin sa akin ng matalim. Tinignan ko ang mata nya,

Pula...

Ang ganda pala ng mata nya...

Basa ng pawis ang buhok nya pero hindi parin iyon nabawasan ang kagwapuhan nya. Infact mas gumwapo nga sya.

"Are you done staring at me?" doon lang ako natauhan at bigla nalang akong umiwas ng tingin. Pulang pula ang mukha ko habang nakayuko. Shocks! Ba't ba ako namesmirize sa mata nya? Nakakahiya!

"Tss..." sabi nito at tumayo na.

Nanatili parin akong nakayuko kasi ayaw kong makita nya ang mukha ko na nangangamatis sa pula.

Nagulat ako ng hilahin nya ako patayo. Dahil doon napayakap ako sa kanya. Agad naman akong lumayo pero hinawakan nya lang ang batok ko kaya...

Pakiramdam ko tumigil sa pag ikot ang mundo. Pakiramdam ko nasa cloud nine ako. Pakiramdam ko ang swerte swerte ko.

Ang lambot.. Ang tamis.. Ang.. Ang..

Humiwalay sya ng konte sa akin at nagsalita..

"Shout at me again and I will kiss you.." sabi nito at umalis na.

Nakatayo lang ako doon habang nakatulala.

What did just happened?

S-s-sync and I...

K-k-k-k-kissed?!!!

Napahawak ako sa labi ko..

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako habang inaalala ang nangyari kung paano nagdampi ang labi namin sa isa't isa.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top