Chapter 14

Chapter 14: Muses of Lailana I

Lilian' s Pov

"Chin up Lilian! Poise! And 1...2..1..2.. Lilian smile! Kaway kaway.. And 1...2..1..2..."

Magang maga na ang paa ko dahil sa walang tigil na pagrampa dito sa rocky garden. Ang pinakamabatong hardin sa Lailana High. Sa dinami dami ba naman kasi ng pwedeng pag rehearsalan dito pa talaga sa rocky garden napili ni Miss Sunny mag ensayo ng proper walk.

Si Miss Sunny ay yung mukhang bata at medyo childish na kasama ni Mr. Krypton noon. Akalain mo ba naman! Akala ko ang bait nya kasi ang gaan ng aura nya pero. Grabe naman! Gusto ata nitong mabali nag buto ko sa binti eh.

"Lilian poise! Gayahin mo si Violet!
Smile!!" rinig kong sigaw nito mula sa may cottage doon.

Tagaktak ang pawis ko habang taas noong rumarampa dito sa mabatong lugar na to. At tama kayo, isa si Violet sa mga Muses ng Lailana.

Ako, si Emerald, Cryztal, Candy at Violet ang mga Muses. Ang mga escorts naman ay sina Sync, Flynn, Drake, Doyle, at Sky.

"Okay 15 minutes break.."

Nakahinga naman ako ng maluwag ng magbreak din kami. Sa wakas! Makaka upo na din ako! Pagka upong pagka upo ko ay agad kong hinubad ang heels at hinimas ko ang paa kong nangangamatis na sa pula.

"Lilian, I thought you are the Legendary Alcidae? Bakit hindi mo magawa ang simpleng pagrampa, pag ngiti at pagkaway ha? Gosh!! Magpractice kapa okay?!" tumango lang ako bilang sagot sa sinabi ni Miss Sunny. Grabe naman manghusga ang babaeng to? Naku pasalamat sya hindi ako pimapatol sa matatanda! Pero syempre joke lang yung matanda kasi bata pa naman talaga si Miss Sunny.

"Ok lets just continue this tommorow. You may go now" at nauna ng umalis si Miss Sunny sa amin.

"Ok lang yan Lil, first time mo palang naman eh.." ngumiti lang ako kay Cryztal ng umupo ito sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Dont worry we will teach you the technique on how to ramp ellegantly.. " sabi naman ni Emerald na naka pose pa na parang Miss Beauty Queen.

"Tsk.. weak ka na nga sa sparring pati ba naman sa simpleng pagrampa lampa ka pa rin? Kawawa ka naman, Legendary Alcidae.." tinignan ko lang ng masama si Violet habang nasa harap ko ito at nakatingin sa akin ng nang iinsulto.

"Shut up Violet ok? Ke bago bago mo dito sa High kung sino kana agad umasta!!" tanggol sa akin ni Candy.

"Whatever!! LOSERS!!" at naglakad na ito palayo sa amin. Hindi ko alam pero naramdaman ko na nag iinit ang buo kong katawan. Parang sasabog na ako sa galit. Galit na hindi ko alam kung saan galing. Basta ang gusto ko lang saktan ang babaeng natatanaw ko ngayon.. At iyon ay si Violet..

"Okay lang yan Lil? Huwag mo nalang pansinin ang papansing babaeng yun.." doon lang ako nahimasmasan ng tapikin ako ni Cryztal sa balikat.

"Tara na sa klase natin??" tumango nalang ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Hindi na rin naman masyadong masakit nag paa ko kaya nakapaglakad pa ako ng maayos.

****

"Alam naman natin na ang Lailana High ay ipinatayo ng apat na kaharian na pinamumunian nina Reyna Lara, Reyna Illiena, Haring Andres at Reyna Atlanta. Pero alam nyo ba kung sino ang unang nag aral dito sa Lailan??" halos pumikit na ang mata ko habang nakapalumbaba na nakatingin sa unahan namin habang naglelecture ang boring na si  Professor Jack na guro namin sa history.

"Ang unang nag aral dito ay ang mga Aphriza at Titans.." biglang nakuha ang atensyon ko sa sinabi ni Professor Jack.

"Oo sila nga. Matalik na magkaibigan noon ang mga Aphriza at mga Titans, pero hindi nagtagal ay naging makitid ang utak ng mga titans at sinakop nila ang buong Lailana at inalipin ang mga Aphriza.." bigla nalang nawala ang antok ko at nakinig ng mabuti.

"Inalipin ang mga Aphriza ng mga Titans at inutusan nila ang mga ito na patayin ang lahat ng mga keepers sa buong lugar ng Lailana.." pagkasabing pagkasabi noon ni Professor Jack ay naliwanagan ako bigla. So ibig sabihin hindi talaga intensyon na mga Aphriza na patayin ang pamilya ko? So all this time I've been living on a lie? A lie I thought was real?

Napatingin ako sa may gilid banda ng bintana kung saan naka upo si Sync. Naka ubob ito sa upuan nya at mukhang natutulog. Bigla nalang ako nakaramdam ng guilt. Guilt kasi kinamuhian ko sya. Guilt kasi muntik ko na syang mapatay.vGuilt kasi sya nalang palagi ang sinisisi ko kung bakit nasira ang pamilya ko. Guilt kasi hindi ko manlang pinakinggan ang rason nya kahit ilang beses na nyang tinangkang ipaliwanag sa akin.

"Pero dahil sa sobrang pagmamaltrato ng mga Titans sa mga Aphriza ay nauwi sa madugong digmaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang lahi.vMarami ang napatay sa mga Aphriza hanggang sa maubos sila.vDahil doon nakialam na ang apat na kaharian at ipinatapon ang mga Titans sa mortal world kung saan hindi na sila makakapanakit ng kahit sino.."

"Pero ayon sa isang lumang aklat, hindi naubos ang mga Aphriza. Mayroong nakatakas na isang babae na may dinadalang anak sa sinapupunan nito. Nagtago sya sa kung saan man at hanggang ngayon ay hindi parin ito nakikita. Pinanininwalaan na kathang isip lang iyon dahil wala ni isa ang pwedeng makatakas sa mga Titans.."

Tumingin ako kay Sync na ngayon ay nakatingin na kay Professor Jack sa gitna. Hindi kaya sya ang anak na nasa sinapupunan nung nakatakas na babaeng aphriza? Pero diba magkapatid sila ni Drake? Ano yun? Posible kayang hindi talaga sila magkapatid? Naguguluhan na ako..

Maraming tanong ang umiikot sa isipan ko at hindi ko alam kung sino ang  makakasagot.

Maya maya ay tumunog na ang kampana sa sacred tower kaya lumabas na si Professor Jack. Marami na ring mga kaklase ko ang lumabas pero hindi parin ako umaalis sa kinauupuan ko.

Totoo bang hindi magkapatid sina Drake at Sync? Pero paano napunta sa tinuring na ina ni Sync si Sync? At paanong.

Arrgghh!! Bakit ang gulo!!

"You're not coming out??"

Napaangt naman ang tingin ko at nagtama ang tingin namin ng nawawalang Aphriza.

Napatingin ako sa piligid ko at doon ko lang narealiza na dalawa nalang pala kami ni Sync ang natitira sa loob ng room.

"Uhmm.. lalabas din ako maya maya.." sagot ko dito. Umupo sya sa tabi ko at umub-ob ulit sa upuan. Hindi ba to lalabas?

"Hindi ka ba lalabas??" tanong ko dito pero hindi manlang ito sumagot.

Tatayo na sana ako ng bigla nalang ako nitong hawakan sa kamay. Napatingin ako sa kanya pero nakayuko lang ito.

"Where are you going??" matamlay  nitong tanong pero nakayuko parin.

"P-pupunta na sa dorm.. ikaw din pumunta ka na din dun.." sabi ko at sinubukang kunin ang kamay nya sa kamay ko pero mas hinigpitan lang nito ang kapit sa akin.

"Sync.. aalis na ako, kung gusto mo sabay nalang tayo.." pag aalo ko dito. Dahan dahan nyang inangat ang mukha nya at nagulat ako sa ng makita ko ang itsura nya.

"Sync anong nangyari sayo?? Ba't nag iba yung kulay ng mata mo??" nagtataka kong tanong. Tumingin lang ito sa akin at nagulat ako ng mawalan ito ng malay.

Agad ko syang sinambot at inihiga sa binti ko. Sapo ko ang noo nya at doon ko lang napagtanto na may lagnat pala ito.

Kaya pala nag iba ang kulay ng mata nya.

Ang dating pulang mata kasi nya ay parang nagiging itim.

Pinagmasdan ko aag mukha nya habang nakapikit at hindi ko maikakaila na ang amo ng mukha nya kapag tulog. Parang ang bait bait nyang tignan.

Matangos ang ilong...

Mapungay ang mata...

Mamula mula ang labi...

Ang ganda ang shape ng mukha...

Ang kinis ng balat...

Ang....

Ang gwapo nya...

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top