Chapter 13

Chapter 13: Captivated

Cryztal's Pov

"Nakita nyo ba sina Lilian?" tanong ko habang nakapalumbaba sa harap ng pagkain.

"Sa pagkakaalam ko pinatawag sila ni Mr. Krypton eh.." sagot naman ni Drake at uminom sa baso nya.

"Bakit daw?" curious na tanong ni Emerald pero nag shrug lang si Drake. Hayy ang boring ng araw ko ngayon!

Wala manlang exciting na nangyayari. Buti pa sina Lilian at Emerald nagka adventure sa Candy Village. Eh kami?Wala!

"Bat parang problemado ka Cryz??" nagulat ako ng tanungin ako ni Drake. Kasi hindi naman nya nature na mag alala sa isang KAIBIGAN.

Kung nahahalata nyo,

Oo..

May gusto ako kay Drake. Simula fetus palang sya alam ko na mahal ko na sya. Kung nagtataka kayo kung bakit, Itanong nyo sa nanay nyo!

"Ang boring kasi..." bored kong sabi. Oh kahit gusto ko sya hindi ako nagpapakita na kinikilig ako kahit deep inside.

"Bat mo naman nasabing boring?" tanong naman ni Flynn na gumaya din sa posisyon ko.

"Eh kasi wala manlang tayong adventure. Di gaya nina Lilian at Emerald meron na. Gusto ko pa man din mag excercise ng konti.." frustrated na sagot ko.

"Sa bagay, matagal ko na ding hindi nagagamit ang keeps ko.." sang ayon sa akin ni Flynn.

Hayy.... Natawa ako ng sabay pa kaming magbuntong hininga. Pasimple nalang akong tumitingin kay Drake habang nagbabasa sya ng aklat. Ang gwapo nya talaga, kahit iba iba yung kulay ng buhok nya. Ang gwapo nya parin. Kahit wala pa syang buhok ang gwapo nya parin. hayy bakit ba ako nahulog sa lalaking to?

Ahh.. natatandaan ko na!

Sya kasi ang nakapartner ko sa Muse of Lailana Last year. Hindi talaga ako taga second clan noon eh. Actually isa lang akong nobody noon sa third clan kung saan ako nabibilang noon.

Pero dahil sa Muses of Lailana nakilala ko si Drake at ang mga kaibigan nya. Ang pagpili kasi sa Muses of Lailana ay ibibigay ang lahat ng profiles ng mga estudyante sa Apat na Kaharian. Pag iisipan nila kung sino ang mapapasama doon, pinipili nila ang mga estudyanteng unang tingin mo palang ay may chemistry na.

Siguro nakita nila na may chemistry kami ni Drake kaya kami ang ginawang Lead Love Partner. Dahil doon naging popular ako sa clan ko at naisipan ni Mr. Krypton na ilipat ako sa second clan.

"Uyy.. natatandaan ko na! Ngayong week pala ay magkakaroon tayo ng Muses of Lailana.." napatingin kami kay Flynn na nakatayo habang nakataas ang kamay na parang nakaturo sa itaas habang parang timang na nakanganga sa harap namin.

"We already know Hunter, kaya you better sit down kasi you look more idiot there.." masungit na sabi ni Emerald sabay irap. Napasimangot nalang si Flynn at padabog na umupo. Nakakatawa talaga kapag nag aaway ang dalawang ka-ibig--- este kaibigan ko.

"Hmm.. sa tingin nyo siguro yun din ang dahilan kung bakit pinatawag sina Lilian no??" suhestyon ulit ng madaldal na si Flynn.

"And what made you to think of that thought Hunter huh??" mataray na sabi ni Emerald.

"Ewan.. pumasok lang sa isip ko. Ikaw Blood sino sa tingin mo ang makakapartner mo??" tanong ni Flynn na may ngiting aso.

"Hmm.. I dont know.."

"Sino pa ba? Edi ang nag iisang Flynn Hunter! At ako yun! whahaha-- aray!!" napasimangot nalang ulit si Flynn ng tusukin ni Emerald ng tinidor ang kamay nya. Tsk kawawang Flynn.

"Hmm.. ako kaya sino ang makakapartner?" tanong ko sa isip ko.

"Maybe me.." nagulat ako ng sumagot si Drake. Binaba nya ang binabasa nyang aklat at uminom ng juice.

"B-bakit mo naman n-nasabi??" nauutal kong tanong. Pakshet! Kinikilig ako! Akalain mo yun? Naisip nyang kami ang magkapartner?

"Good guess??" patanong nyang sagot. Yumuko nalang ako at pasimpleng ngumiti.

"Excited na ako sa rehearsals!!" parang bata na sabi ni Flynn. Tumawa lang kami dahil parang bata ito na binigyan ng sangkatutak na candy. Nagulat nalang kami ng may naring kaming malakas pagsabog at waang humpay na sigawan ng mga estudyate.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHH"

"BOOOOOGGGHHHSSSSS"

"WHHHHAAAAAAAAA"

Tumayo kami agad at nakangiti habang tumatakbo paputa sa pinanggalingan ng pagsabog.

"Yes sa wakas! Natupad na rin ang wish ko!!" natatawa kong sabi habang nag sestretch ng kamay.

Pagdating namin sa pinaggalingan ng pagsabog ay nakita namin doon ang isang Panthera na walang humpay na bumubuga ng yelo.

(Panthera or a snow leopard is an Asian wild cat with leopard like markings on a cream coloured coat. Also called Moutain Phanter)

"Ano kaya??" tanong ni Flynn at nagpalabas ng Lightning blades sa kamay nya.

"Kaya yan.." sagot ko naman at nilabas ang cryztal wand ko.

Gumawa ako ng illusion para hindi lumaki ang sira sa High. Nag cast din ako ng spell para humina ng konte ang pagwawala ng Panthera.
Sumugod naman si Drake doon at pinaulana ng black mist. Sumunod naman si Flynn na nagpaulan din ng lightning blades.

"GRROWWLL!!" 

Nagwala pa lalo ang Panthera at binugahan ng yelo ang pwesto ni Drake.

"Rhesus Dicerus"  pagka cast ko ng spell ay agad naman naging bula ang yelo na ibubuga kay Drake kaya tumingin ang Panthera sa akin at mas lalong namula ang mata nito.

Akmang susugudin ako nito ng may malaking hurricane ang tumama sa Panthera.cTumingin ako kay Emerald pero busy ito sa pagfoform ng marami pang hurricanes.

"Addax Dasypus" agad namang bumilis ang paggawa ni Emerald ng hurricane dahil sa pag cast ko ng spell. Kinumpas ko ang cryztal wand ko at isa isang tumama ang mga hurricanes sa Panthera. Nagkaroon ng malaking sugat ang Panthera sa mukha nya kaya mas lalo pa itong nagwala. Nagsitalsikan ang mga asul na dugo nito sa buong paligid. natatamaan ako nito pero hindi ko nalang pinansin.

Sinugod ulit ni Drake ang Panthera dala ang Black mist nito at sinugod din ni Flynn ang Panthera dala ang Lightning ball nito. Sabay silang lumipad sa ere at sabay nilang ibinato ang mga keep nila sa Pathera.

Nagkaroon ng napakalakas na pag-ungol galing sa Pathera kasabay ng pag ilaw nito at pagkawala ng Panthera sa harap namin.

Bumaba na sa tabi ko sina Flynn at Drake. Pinunasan ko ang pawis ko at ngumiti.

"Hay salamat!! " kontento kong sabi. Sa wakas nakapag exercise ulit kami.

"Kagutom naman yung ginawa natin.." sabi ni Flynn habang hinihimas ang tyan nito.

"Palagi ka namang guton Hunter eh.. wala kang kabusugan!!" pambabara ni Emerald dito.
"Hindi nga ako pinagpawisan sa laban natin eh, basic lang naman yun!" mayabang na sabi ni Drake kaya ayun binatukan sya ni Flynn.

Huminga nalang ulit ako ng malalim at tinignan ang pwesto ng Panthera. Napansin ko na may kumikislap doon kaya nilapitan ko ito.

Pinulot ko ang isang scroll na naiwan doon pero nakuryente lang ako.

"Ouch.." sapo ko ang kamay ko at tinignan ang scroll. Ano ang laman nito?

"Hey Cryz.. anong nangyari??" agad namang lumapit sa akin sina Emerald at nagulat din sila sa scroll na nasa harap namin.

"Anong laman nyan??" curious na tanong ni Flynn. Akmang hahawakan nya ito ng pigilan ko.

"Dont." napakunot naman ang noo nito.

"Ang mabuti pa ipakita nalang natin ito kay Mr. Krypton.." kumento ni Drake kaya sumang ayon din kami. Di neactivate ko na ang illusion ko at halos malaglag ang mata namin sa nakita namin sa harap.

Magkahawak kamay na nakatayo sa harap namin si Lilian at Sync. Tutuksuhin ko sana sila ng may narinig akong nabasag.

Napatingin ako sa kanan ko at andun si Drake na seryosong nakatingin sa magkahawak na kamay nina Lilian at Sync.

Susubukan ko sana syang tanungin kong anong problema ang bigla nalang itong umalis.

Tinginan ko ulit sina Lilian at Sync at napatingin ako sa kamay nila. Doon lang natauhan si Lilian kaya agad nyang binitwan ang kamay ni Sync at namumulang yumuko.

Ayaw ko namang maging tamang hinala. Baka iba naman ang dahilan. Pero kahit gaano ko pa kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko parin mapigilang isipin na..

Baka gusto din ni Drake si Lilian.

At yun ang hindi pwede..

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top