Chapter 12

Chapter 12: Love Partner

Lilian' s Pov

"Okay na si Ada mabuti nalang at nakabalik kayo agad. Sige pwede na kayong bumalik sa mga dorm nyo para magpahinga. At Candy huwag kang mag alala ligtas na ang magulang mo, pinuntahan sila kanina ng mga Elites doon para tulungan ng malaman namin ang pagsugod ng mga Titans.." pagkatapos sabihin iyon ni Lady Charm ay walang ganang naglakad kami papunta sa dorm namin. Sina Candy naman ay pumunta na sa Clan nila.

Pagdating namin sa dorm ay sumalubong agad sa amin si Cryztal na umuusok ang ilong.

"At saan naman kayo nanggaling na dalawa? Bakit buong araw kayong wala??" galit na sabi nito.

"May pinagawa lang si Lady Charm sa amin.." bored na sagot ni Emerald at tuluyan ng pumasok sa dorm nya. Siguro pagod na pagod na yun. Maski ako nga gusto ko ng matulog.

"You mean nag adventure kayo?? ng wala kami??" parang frustrated na sabi ni Flynn habang nakahawak sa balikat ni Drake.

"Sorry talaga guys pero pagod na pagod na talaga ako. Maybr mag usap nalang tayo bukas.. " napabuntong hininga nalang si Cryztal at umalis sa may pinto para makapasok ako.

"Sorry talaga Cryz.." sabi ko at isinara na ang pinto. Napahiga ako agad sa kama ko at niyakap ang unan ko.

"I also saw what you saw in the Mystic Garden.." halos tumalon naman ako sa kama ng marinig ko ang boses ni Emerald sa loob ng dorm ko. Naka upo sya dun sa may couch habang may dalang tasa.

"Papaano ka nakapasok dito??" takang tanong ko.

"Hindi na iyon importante. I saw Sync and Violet and I know you also saw what they are doing there. And I am sure that you are very affected on what you saw.." sabi nito at ibinababa ang dalang tasa.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"None. Im just telling you na alam ko na alam mo na you dont loathe him.." she said then give me a creepy smile.

"Again.. what do you mean?"

"Ang sabi ko, alam ko na alam mo na you dont loathe him. By the way you act earlier alam ko na may parte dyan sa puso mo ang nasaktan sa nakita mo" makahulugan nyang sabi. Napayuko naman ako at inisip ang nakita ko kanina.

Si Sync at Violet... naka upo sa damuhan at..

"Tama nga ako, alam ko ang nangyari sa iyo noon sa pamilya mo. Alam ko na sinisisi mo sya dahil sa pagkamatay ng magulang mo.." she pause a bit then drink on her cup..

"You dont loathe him you just hate him beacause you saw those red eyes on him. Pero kahit baliktarin man ang mundo, alam ko na hindi mo naman talaga sya kinamumuhian. Sadyang hindi kalang makalimot sa nangyari noon kaya dinadala mo parin ito hanggang ngayon.." sabi nya at tumayo. Naglakad sya papunta sa pinto. Hinarap nya ako at ngumiti.

"Alam ko na gusto mo sya, a piece of advice. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo, dont let your what if's to stop you from being happy. Dahil baka maunahan ka. Ikaw din?" And with that tuluyan nang umalis si Emerald leaving me with a wondering thought.

Do I really like Sync?

Inisip ko lahat ng pangyayaring kasama ko sya.

Sa dorm ang una naming pag aaway.

Sa Cylinder Den our first hug.

Sa Mystic Garden..

At sa Black Forest..

"Promise me your not gonna leave me... ever again.."

"I promise"

The first time he kiss me on my forehead..

The first time I feel safe..

The first time to have My Only Warrior..

Do I really like him?

Or this is just only an affection?

****

Tahimik lang akong kumakain ng lunch sa may bench doon sa harap ng Mystic Garden.

"Hi.."

Napa angat ang tingin ko ng makita ko si Doyle na nakatayo sa harap ko habang may dalang tray.

"Hello! Ang gwapo mo sa uniform natin ah.." masayang kumento ko sa kanya. Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko.

"Kamusta na daw sa mundo nyo?" tanong ko dito. Napansin ko namang lumungkot ang mukha nya kaya kinaban ako. Huwag mong sabihing----

"Eh kasi marami daw na mga Titans ang sumugod, hindi nakaya ng kaharian ang dami nila kaya..."

"Oh no!! nakikiramay ako sa pagkawala ng mundo nyo. Ifeel sorry for you Candy and Mint. Huwag kayong mag alala nina Candy at Mint hindi kayo papabayaan ng Lailana High. Kung pwede rin nam----" napasimangot naman ako ng subuan ako ni Doyle ng isang buong fries.

"Ano bang pinagsasabi mo Lilian?  hindi nawasak ang mundo namin no!! Wag kang nega. Sa totoo nyan, nung malapit na talagang maubos ang mga pixie guard ay nagulat nalang daw sila na may pumasok na mga Elites at tinulungang mapatay ang mga Titan.." napahinga naman ako ng maluwag sa balitang iyon. Mabuti nalang at hindi nasira ang pixie world balak ko pa namang bumisita ulit doon.

"Ahh.. ganun ba? Hehe.. Mabuti naman at ok na si Reyna Sugar at ang mundo nyo. Edi ok na ngayon ang girlfriend mo?" ang tinutukoy ko ay si Candy. Tumingin naman sya sa akin na nakakunot ang noo.

"Sinong girlfriend??" takang tanong nito.

"Si candy duh!!" pairap na sabi ko.

"pfftt... hahahahahahahaha!!!!" wierd na tinignan ko si Doyle ng halos maglupasay na sya sa kakatawa. Bakit ano bang nakakatawa? Batukan ko to eh! Totoo naman diba? Girlfriend nya si Candy! Teka totoo nga ba?

"Hindi ko pfftt... hindi ko girlfriend si Candy noh... Haha, actually she's my cousin.." pigil tawa na sagot ni Doyle.

E-eh??

Akala ko pa naman mag jowa sila. Ang sweet kasi nila sa isat isa kaya ayun. Sa sobrang hiya ay pasimple nalang akong kumain ng fries.

"Your cute when your blushing.." pinalo ko naman sya dahil sa sinabi nya. Nahihiya na nga ako nang insulto pa!

"Hmp!! Bakit hindi sinabi sa akin ni Candy na pinsan ka nya??" galit na tanong ko.

"Bakit nagtanong ka ba??"
bara naman nito sa akin. Tama nagtanong ka ba Lilian? Hindi diba?Tahimik ka nalang ok?

"Hahaha... your very red!! " napahawak naman ako sa pisngi ko at tinago ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Hiyang hiya na lahi ko dito!

"h-hindi kaya ako namumula... b-baka nanlalabo lang yung mata mo.." kinakabahan kong sabi. Kasi Lilian eh!

"hahahahaha.... Mabuti sana kung sinabi mong may color blind ako pero malabo ang mata? hahahaha ang labo dude! hahahaha..."

Huhuhuhu!!! paano nya nagagwang pagtawan ang isang tulad ko?
Nakahawak lang sya sa tyan nya habang wala paring tigil sa pagtawa.
Pasakan ko kaya ng bato tong baba ni Dolye para tumahimik na?

"So you already found a new company huh??"

Napaangat naman ang tingin ko ng may nagsalita sa harap namin. Maging si Doyle ay natigil bigla sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha. Hayy salamat tapos na ring tumawa ang isang to!

Nagkatinginan kami ng lalaki sa harap ko pero inismidan nya lang ako at tumalikod na. Kita mo na kahit kailan talaga ang bastos nya! Iistorbohin nya yung kwentuhan namin tapos aalis agad agad? Asan ang hustisya?

"And before I forgot, Mr. Krypton want to see you in his office.." nakatalikod lang sya habang sinasabi nya iyon.

Bakit kaya ako pinatawag ni Mr. Krypton?

Hindi kaya dahil ito sa mga Titans??

"If I were you, tatayo na ako dyan imbes na tumunganga na parang timang kasi ayaw kong mawala ng maaga sa mundo kapag napagalitan ako ni Mr. Krypton.."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad akong tumayo at inayos ang bag ko. Inilagay ko ito sa bag ko pero bago ako maglakad ay nagpaalam muna ako kay Doyle.."Doyle alis muna ako ha? See you around!!" at nauna ng maglakad kay Sync.

Hmp! Akala nya papansinin ko sya?Matapos nyang sabihin sa akin na ipagtatanggol nya ako makikita ko lang sila ni Violet na naghahalikan? Ang lakas naman ng loob nyang iharap ang pagmumukha nya sa akin.

"Wait..." nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko kaya tinignan ko sya ng masama. Bago pa man ako makapagsalita ay bigla nalang kaming nawala at ng imulat ko nag mata ko ay andun na kami sa office ni Mr. Krypton.

"Good that the two of you are here, now we can talk about the upcoming Muses of Lailana. And I decided to pair the both you to be our lead Love Partner.."

Nanlaki naman ang butas ng ilong ko sa narinig ko?

What??

Love Partner??

Seriously????

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top