Chapter 11

Chapter 11: World Behind World

Lilian' s Pov

"Akala ko ba itong Candy Village ang is sa magagandang lugar dito sa Lailana?? Bakit ganito??" iyon agad ang bungad ni Emerald ng marating namin ang Candy Village.

Hindi mo talaga maikakaila na napakaganda nga ng lugar na ito, pero ang tahimik. Walang katao tao. Kung kayo hindi mo talaga maapriciate ang isang magandang bagay kung walang tao na nagpapahalaga dito.

"Asan ang mga tao dito??" tanong ko.

"Andito lang sila, nag aantay sa pagdating natin.." napakunot naman ang noo ko sa sagot ni Candy. Ano daw? Ba't nila kami inaantay? At sino SILA?

Nauna ng naglakad sa amin ni Candy kaya nagkatinginan kami ni Emerald at kibit balikat na sumunod doon. Patingin tingin ako sa paligid at wala ako ni isang nakitang tao o kahit anino man lang. Aaminin ko kanina pa ako nagagandahan sa mga wafer houses dito, meron silang marshmallow trees, lollipop flowers, choco springs, honey falls.. at iba pang masasarap na candies. Kung pwede lang kainin ang isa dito kanina ko pa naubos ang Candy Village.

Diretso lang ang lakad namin hanggang makarating kami sa isang golden wall.

"We've come this far. Siguro kumain nalang muna tayo.." sabi ni Candy at may dinukot sa mini purse nya. Isang supot ng gummy bears ata.. *slurp* sarapp!!!

"Here, dont worry masarap yan... ako gumawa nyan.." sabi nya at kumain na rin. Nagkatinginan kami ni Emerald at nagshrug lang sya kaya kumain ako ng isa.

Ang Sarap!!!!!!!

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapadami ng kain. Ganun din si Emerald, pero may napapansin ako, habang tumatagal nakakaramdam ako ng pagod. Pagod na hindi ko naramdaman buong buhay ko. Anong nangyayari?

Tinignan ko si Emerald at nakita ko syang papahiga na sa damuhan hanggang sa pumikit na ang mata nya. Napatingin ako kay Candy pero nanlabo nalang bigla ang mata ko at pakiramdam ko anytime babagsak na ang mga mata ko.

"Candy.. what... what did you do??" pinilit kong magsalita kahit pakiramdam ko gusto ko ng matulog.

Before I loss my conciousness I hear Candy says..

"Im sorry guys... but I need to do this for my Village.."

Then everything went blank...

***

I open my eyes and find myelf sleeping on rose petal. Napabangon ako agad at nagulat ako ng matignan ang reflection ko.

I am wearing a blue cocktail dress and a cute white doll shoes, my hair turned red with a mix of blue, and also my eyes.. it turn into a red violet color. And the most surprising is I have wings... a pair of white wings.

Hinanap ko agad si Emerald sa labas ng rose at doon lang ako mas namangha ng makita ko ang ibat ibang maliliit na pixies na nagliliparan sa himpapawid.

Akala ko sa Candy Village kami?

Anong klaseng lugar ito?

"Good that your awake. Ngayon pwede na kitang ipasyal sa aming mundo.." nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. At dahil doon na out of balance ako at nahulog si kinatatayuan ko..

Hala!! hindi ako marunong lumipad!!! Inaasahan ko na ang masakit na kapalarang nag aantay sa akin sa lupa kaya ipinikit ko ang aking mata. Nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na haplos sa aking beywang at ang pag angat ko mula sa pagkakahulog.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang isang gwapong mukha ng isang lalaki. Mayroon syang brown eyes and hair.

"T-thanks.." sabi ko sa kanya ng maibaba na nya ako sa isang sunflower.

"You should be careful. Once you fall here do not expect that you would land on a solid ground because there is absolutely no ground but a very hot magma.."

Teka ano daw? magma? Naku mabuti nalang talaga at nasambot nya ako. Ayoko ko pa maging hot roasted Lilian.

"Thank goodness your ok Lilian.." halos mahulog nanaman ako ng sunggaban ako ng yakap ni Candy na sobrang alalang alala.

"I-Im ok... sinalo naman ako ni.. ni ano??" Sino nga tong gwapong lalaki na to?

"Ohh.. Sorry for being rude, I am Prince Doyle, the Prince here in pixie world..." Napabilog naman ang mata ko sa sinabi nya. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko, kasi naman isang prinsipe ang sumagip sa isang lampang katulad ko sa bingit ng kamatayan?

"Ahh... niligtas naman ako ni ano... ni P-price... Prince Doyle.." nauutal kong sabi. Bakit ba ako nauutal?

"Awww.. so niligtas ka pala nitong si Doyle.." sabi ni Candy na parang hindi makapaniwala.

"Bakit Candy ayaw mong maniwala??" sabat naman ni Doyle.

"hmmmm..... hindi!!!! hahahahaha" pagkatapos nyang sabihin yun ay hinatak nya ako agad at lumipad kami papalayo dun kay Prince Doyle. Bakit kung makipag usap itong si Candy sa Prince parang hindi manlang nya alam na isang PRINCE ang kausap nya?

"And here we are. Pasok ka Lilian, andun pala si Emerald sa may kitchen kasama kasi nya yung kapatid kong si Mint..." tumango nalang ako at ngumiti. Pumasok kami sa loob ng isang dandelion. Ito ata ang bahay ni Candy. Ang ganda!! Kakaiba sya sa mga ordinaryong mansyon na makikita ko sa Lailana High.

"Ohh.. Lilian andito ka na pala.. si Mint nga pala, ka ibigan...este kaibigan ko.." ngumiti lang ako at nakipagkamay dun kay Mint. Tsk! Kung nandito lang si Flynn sigurado akong magpupuyos yun sa galit... at selos.

" Mint bahala ka na dito ha?Pupunta lang kami kena Ina para magpaalam, kukuha pa kasi kami ng Apple Candy.." ayy oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan, may mission pala kami dito.

"Teka pano ako makakalipad??" kabado kong tanong. Ayoko na mahulog ulit. Baka wala ng sumalo sa akin at masunog na ako ng tuluyan.

"Dont worry tutulungan namin ikaw ni Emerald.." sabi ni Candy at hinawakan ang kamay ko. Ganun din si Emerald sa kabilang kamay.

Dahan dahan kaming umangat sa eri at halos mawalan ako ng hininga ng bigla nalang kaming bumulusok pababa.




"AAAAHHHHHHHHH" Halos pumutok na yung litid ko sa sobramg sigaw at kaba ng patuloy lang kaming bumababa sa ilalim. Hala!!! masusunog ba kami nito?

Nakahinga lang ako ng maluwag ng umangat at kalmado na ang lipad namin.

"Hahaha... that was really fun!! gawin natin ulit yun!!" excited na sabi ni Emerald. Grabe hindi manlang ba sya nahilo?

"Hahaha maybe next time.." Sa paglilipad namin pansin ko na lahat ng madaanan naming pixie eh binabati si Candy. Meron pa ngang nagsabi na 'good day princess'... Is she also a royalty here?




"Here we are..." tapos nilapag na nila ako at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang kabuuan ng pinuntahan namin.. Ito na ba yung palace?

"Good day Candy.. so asan na ang sinasabi mong Legendary Alcidae?" napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"Ina... ito po ang aking mga kasama, si Emerald Blood.. at si Lilian Lynxx.. ang Legendary Alcidae.." nilapitan ako ng babae at hinimas ang mukha ko.. eh? Ang awkward ng tingin nya sa akin.

"Hindi ka lang basta basta Legendary Alcidae Lilian, mayroon parin sa loob mo na mas higit pang kapangyarihan. Payo ko lang sayo, huwag kang padalos dalos sa desisyon mo kung ayaw mong masira ang buhay ng lahat ng tao.." pagkatapos nyang sabihin iyon ay may ibinigay syang supot sa akin.

Tinignan ko iyon at nakita ko ang isang maliit na prutas na nagniningning. Ito na ba ang Apple Candy?

"Ingatan mo ang iyong kapangyarihan. Iyan lamang ang makakaligtas sa buong sangkatauhan.." kanina pa ako naguguluhan sa mga pinagsasabi ng Ina ni Candy eh. Ano bang ibig sabihin nito?

"Mahal na reyna.. nakapasok po ang mga Titan !!" agad namang lumingon si Reyna at hinarap ang isang kawal.

"Ihanda ang mga kawal!! sugurin sila!!" ma awtoridad na sabi ni Reyna.

"Ina ano pong nangyayari??" nagaalalang tanong ni candy sa magulang nya.

"Ang mabuti pa Candy ay umalis na kayo dito. Gamitin nyo ang portal sa may royal garden. Delikado kapag nanatili pa kayo dito. Nahanap na nila ang lugar natin. Umalis na kayo!!"

"Ayoko Ina! Hindi ako aalis ng hindi kayo kasama!! " umiiyak na sabi ni Candy. Naguguluhan ako, anong nangyayari?

"Hindi maaari, kailangan ako ng kaharian. Umalis na kayo isama mo si Mint at si Doyle. Makakatulong sila sa misyon nyo! Umalis na kayo!! " nagulat nalang kami ng makita namin sa tabi namin sina Mint at Doyle. May bakas pa ng dugo sa mga damit nila. Ano bang nangyayari dito?

"Ina hindi po maaari!!" subalit na makinig si Reyna ay ikinumpas nya ang kanyang kamay at nakita nalang namin ang sarili namin sa loob ng isang portal. Tinignan ko si Candy na walang humpay na umiiyak sa bisig ni Doyle.

Kasintahan pala nya ito. Si Mint naman ay nakayakap kay Emerald at umiiyal din ng tahimik.

Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Narinig kong sabi kanina ay nakapasok na daw ang mga Titan.

Pero sa pagkakaalam ko matagal ng nakakulong ang mga titans sa mortal world.

"Ang gusto ko lang naman dalhin ang Legendary Alcidae sa aking ina kaya ko nagawa iyon kay Ada. Pero bakit ganun? Bakit nangyari pa yun??" umiiyak na sabi ni Candy.. tama nga ang hinala ko. Sya ang may gawa nun kay Ada.

Bigla nalang lumiwanag ang paligid at nakita nalang nmain ang sarili namin sa isang pamilyar na lugar.

Nilibot ko ang paningin ko at halos mandilim ang paningin ko sa nakita ko.

Hindi ko akalain na magagawa nya iyon!

Sinungaling!

Dapat hindi na ako nagtiwala sa kanya!

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top