Chapter 10
Chapter 10: Candy Village
Lilian's Pov
Kahit anong gawin ko hindi ko parin makalimutan ang nangyari sa Black Forest.
Ano bang pumasok sa ulo ko at nasabi ko yun?
"Promise me your not gonna leave me.... ever again.."
"I promise"
Arrgghh!!! Ano ba kasing nakain mo Lilian at lumambot ang loob mo dun sa mamamatay tao na yun!!
Ayan tuloy!! Akala nya hindi ka na galit sa kanya!! Kasi ba naman eh!! Ang tanga mo Lilian. Ang tanga mo!! ang tanga tanga ko!!
"Hoy Lilian!! Partner daw tayo sabi ni Lady Charm.."
Bumalik lang ako sa wisyo ng kalabitin ako ni Emerald. Nakalimutan ko andito pala kami sa potion room. At kasama ko dito si Emerald, magkaklase kami ngayon sa subject na ito. At yung tinutukoy nyang Lady Charm ay yung babaeng naka violet eyes and black hair na kasama ni Mr. Krypton noon.
"Bakit ano bang gagawin?" Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Emerald at bumait sya sa akin at hindi na nya ako sinusungitan. Pag nalaman ko lang talaga ang pagkaing yun kukuha ako ng marami nun at ilalagay ko palagi sa pagkain ni Emerald para hindi na sya magsungit. Sayang maganda pa naman sya.
"Sabi ni Lady Charm gagawa daw tayo ng isang pabango gamit ang mga ibibigay nyang ingredients sa atin.."
"Ahh yun lang ba??"
"Anong yun lang?? bakit marunong ka bang gumawa ng pabango?" napakamot nalang ako ng ulo at nag peace sign kay Emerald. Inirapan nya lang ako at tumingi nalang kay Lady Charm sa unahan.
"Ok so here are the ingredients you are going to use"
Nectar from the Diamond Rose in the Mystic Garden
White and Pink pixie dust
One piece of Sampaguita that has 12 petals
Roots of a bamboo tree
Pagkatapos sabihin iyon ni Lady Charm ay nag umpisa na kaming maghalo halo ng kung ano. Madali lang namang natapos yung pabango namin kasi expert na sa mga ganitong bagay si Emerald.
Nakakahiya mang aminin pero imbis na makatulong ako kay Emerald ay dumagdag lang ako sa gulo. Eh pano ba naman eh hindi ako marunong gumawa ng pabango?
Prenteng umupo si Emerald sa tabi ko ng matapos na sya sa ginagawa nya doon.. Siguro ang bango bango ng pabangong iyon. Langhap ko kasi hanggang dito ang amoy nung pabango. Maaamoy mo talaga ang halimuyak ng sampaguita at sinamahan pa ng Nectar ng Diamond Rose. Haayy sarap sa ilong!
Nabulabog ang pag amoy ko ng may narinig kaming nagsibasagan at nagulat ako ng bumagsak ang isa sa mga kaklase ko sa sahig na bumubula ang bibig. Anong nangyari?
"What happened here?" natatarantang tanong ni Lady Charm.
"Hindi ko po alam Lady Charm. Basta po nag hahalo lang kami dito kanina tapos bigla nalang po syang nahimatay at....ADA!!" Sa tingin ko sya yung partner ng nahimatay.
"Eh bakit bumubula ang bibig nya??" tanong ni Lady Charm.
"Ewan ko po Lady, siguro po nakakain po sya ng ingredients dito sa pabango tapos ayun.." balisang sagot ng partner
"Sa tingin ko hindi.." nagulat ako ng magsalita si Emerald sa tabi ko at lumapit dun kay Ada.
"Sa tingin ko may tumusok sa kanya nito.." nagulat ako ng ipinakita ni Emerald ang tinik ng makahiya na makikita sa Black Forest, ang tinik na iyon ay sobrang nakakalason at kapag tumusok iyon sa balat mo ay hindi ka na makakaligtas.
"At sino naman ang may gawa nyan!??" galit na tanong ni Lady Charm.. Tumahimik lahat ng estudyante dito sa Potion Room. Siguro ay natakot sila sa boses ni Lady Charm, sa bagay maski ako nga nasindak din eh.
"Ngayon wala pang aamin sa inyo, pero sa susunod na araw sisiguraduhin ko na mananagot ang may gawa nito!!" - Lady Charm.
Dinala muna ng mga estudyante ang katawan ni Ada sa Healing Center para agapan ng gamot kung maaagapan pa. Sumunod naman kaming lahat doon at kasabay kong maglakad si Candy, yung kapartner ni Ada.
"Sa tingin mo Candy bakit ginawa yun kay Ada??" tanong ni Emerald dito.
"E-ewan ko... s-siguro, may malaking dahilan ang gumawa nun.." halata sa boses ni Candy na kinakabahan sya. Naku kinukutuban ako.
"At ano namang dahilan iyon?" tanong ko.
"E-ewan ko.. kilala kasi si Ada doon sa Clan namin kaya siguro ginawa iyon sa kanya ng mga insicure na tao.." So ibig sabihin insicure ka rin? Gusto ko yung sabihin pero baka mali lang ang hinala ko.
"Good that the three of you are here.. " salubong sa amin ni Lady Charm. Bakit kaya?
"Sabi ng healer, maagapan pa naman si Ada kung mapapainon sya ng Apple Candy sa loob ng bente quatro oras.."
"Eh bakit hindi pa po nila pinainom??"- Emerald
"Naubusan kasi ng supply ang Center, at dahil kayo ang may pinakamagandang performance kanina sa Potion Room. Inaatasan ko kayong tatlo, Lilian Lynxx, Emerald Blood, at Candy Sweets na pumunta sa Candy Village para kumuha ng Apple Candy doon.." huh bakit kami???
"Kaya maghanda na kayo dahil mamaya bago magtakipsilim ay umalis na kayo at dapat bago mag bukangliwayway ay andito na kayo.. sige pwede na kayong umalis.."
At umalis na din si Lady Charm at pumasok sa Healing room. Hala?Candy Village?
Pangarap kong makapunta doon eh. Sa pagkakaalam ko kasi yung candy village ang isa sa pinakamagagandang lugar dito sa Lailana.
"Diba Candy taga Candy Village kadin?" tanong ni Emerald kay Candy. Pansin ko lang, kanina pa balisa si Candy. Bakit kaya??
"Ahh.. oo bakit?" sagot nito.
"Wala lang.." supladang sagot ni Emerald at nagpatuloy sa paglalakad. Hayy. Sinusumpomg nanaman si Emerald.
Pero ano kaya ang dahilan at ginawa iyon kay Ada?
Hindi kaya si Candy ang may gawa nun?
Kasi diba sya lang naman ang kasama ni Ada sa Potion room kanina. Tapos sya din ang unang nakakita kay Ada sa ganung sitawasyon.
At pansin ko rin na kanina pa sya balisa at parang may bumabagabag sa kanya.
Hindi naman sa pambibintang pero.
Anong dahilan nya??
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top