Chapter 1
Chapter 1: Birthmark
Lilian's Pov
LAILANA HIGH
(School Of The Guardians)
Tama ba tong desisyon ko?
Tama bang pumasok ako sa paaralang tulad nito?
Tama bang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa lugar na to gayong alam ko na wala naman akong parte dito?
Tama bang?
Hayy naku! Tama nga! Papasok ako dito sa ayaw at sa gusto ko!
Papasok ako dito para ipakita ang galing ko.. na may ibubuga rin ako.
Huminga ako ng malalim at taas noong pumasok sa loob ng napakalaking gate.
Ang liwanag....Sobra sobrang liwanag ang nakikita ko.
Tinakpan ko ang mata ko para mabawasan ang liwanag na nakikita ko. Maya maya dahan dahan kong minulat ang mata ko at.
WOW!
Yan lang ang masasabi ko! Ang ganda ng paaralang ito! Marami akong nakikitang ibat ibang nilalang, keepers at mga wizards.May mga lumilipad sa himpapawid, naglalaro na sari-sariling keeps, at mga nilalang na walang ginawa kundi ang magpatayan.
"HOY MISS ILAG!"
Napatingin ako sa likod ko ng may sumigaw sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang fire sphere na papalapit sa akin. Halos hindi ako makagalaw, dilat lang ang mata ko habang nakatingin sa fire sphere na papalapit sa akin. Nabigla ako ng bigla nalang itong nawala at napalitan ng red rose.
"Tsk stupid!"
Teka? Tama ba yung narinig ko? Tinawag akong stupid ng kung sino man yun? NAKU! Makikita nya!Makakatikim talaga sya sa akin!Makikita nya! Padabog na lumingon ako sa likod ko at..
O_O *jaw drop*
Limang estudyante ang nakatayo sa likod ko. Dalawang babae at tatlong lalaki. Mukha silang nakakatakot at mukhang mga maharlika sila.
Bigla akong kinabahan ng tumingin sila sa akin isa isa na tila binabalatan ako ng buhay.. huhuhu wala akong kasalanan!
Gusto ko lang namang ipagtanggol ang karapatan ko bilang isang magiting na mamamayan ng Lailana.
"Hey are you just gonna stare at us?" mataray na sabi nung babae na may green eyes. Well maganda naman sya kaso medyo maarte.
"Uhmm.. a-ano k-kasi.." teka bat ba ako nauutal??
"Tsk! No need to explain! By the way you seemed new her?" sabi nung green eye girl.
"Ahh oo... ako nga pala si Lil----"
"Stop! I'm not asking your name" she said then rolled her eyes. Naku pigilan nyo ako!! babalatan ko lang tong babaeng to!
"Hey Emz your being rude... sorry miss---"
"Lilian"
"Sorry Miss Lilian ha? medyo puyat lang kasi tong si Emerald kaya alam mo na. By the way Im Cryztal Stonehurt, nice to meet you Miss Lilian" sabi nung babae na malaporselana ang balat. Sobrang kintab kagaya ng golden hair nya. Kung si Emerald may sa impakta itong si Cryztal naman parang diyosa sa bait.
"Uhmm nice to meet you din" I said then smile.
"Wait diba sabi mo ikaw si Lilian? Lilian Lynxx?" tanong sa akin nung guy na medyo kulot ang buhok.
"Oo bakit??" I said curiously.
"Ikaw nga!!" sabi nya at tumalon talon.. "Sumama ka sa amin may nagpapahanap kasi sayo"
Bigla namang nanlaki ang mata ko. Ano? May nakakakilala na sa akin dito? Naku baka kung anong gawin nila sa akin, naku baka patayin nila ako tapos ibenta ang lamang loob ko sa mga monsters dito! Naku CREEPY!
"Hey relax pinapahanap ka kasi sa amin ni Master Krypton, kaya halika na. Naku hindi mo magugustuhan pag nagalit yun.." Kahit gulong gulo ako sumama parin ako sa kanila, tsaka ang creepy kaya nung si Master Krypton.
Habang naglalakad kami sa napakalawak na ground nararamdaman ko ang mga pares ng mata na nakatingin sa akin, o sa mga kasama ko.
"OMG girl ayan na ang FG!!! Ang gwapo talaga ni Flynn Hunter"
"OMG girl tinignan ako ni Drake Ryker!! Ang gwapo nya talaga!!"
" OMG!! Ang hot talaga ni Sync Ryker"
"Ang ganda talaga ni Emerald at Cryztal!"
Ok oh edi ako na OP.. Nakakahiya naman sa mga kasama kong FAMOUS ..ayan naka Bold, Itallic, at Underline pa para CLEAR.
Pagkarating namin sa isang silid, iniwan nalang nila bigla akong nakatayo at takang taka. WOW dinala nila ako all the way dito tapos iiwan nalang nila bigla ako!? Ang sweet naman.
By the way diba lima sila kanina? Ba't apat nalang sila ngayon? Asan na yung guy na red eyes? Hayyy.. Bayaan na nga!
"Asan na kaya si Master Krypton?" tanong ni Emerald at umupo sa isa sa mga couch doon.
"Alam mo naman si Master Krypton, He is kinda creepy" sabi ni Emerald habang nagreretouch.
"hmm.. ang mabuti pa antayin nalang natin sya dito.." sabi nung guy na may..
Eeh?
Pink hair?
Habang kumakain ng apple, teka bat may apple sya?? ayan gutom na tuloy ako. *pout*
Habang wala pa yung si Master Krypton ay naglibot libot muna ako sa loob ng silid. Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa mga nakikita ko dito, mga antique vases na may ibat ibang dyamante, mga paintings, at iba pa. Pero iisa lang ang nakaagaw ng pansin ko, may nakita akong maliit na chest sa ibabaw ng mesa malapit sa may wooden cabinet.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng urge na buksan ito. Dahan dahan akong lumapit doon at unti unti kong hinawakan iyon. Dahan dahan ko itong binuks-------
"Good morning students. Sorry ngayon lang ako ha? Pintawag pa kasi ako sa palace. So asan na si Lilian?"
Agad akong napatingin sa likod ko ng may narinig akong nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaki na medyo may katandaan na may dalang supot na ewan ko kung ano. Tinignan nya ako at napatingin din sya dun sa may mini chest tapos kumunot bigla ang noo nya. Naku lagot ako nito!! Ikaw kasi Lilian eh!
"Are you Lilian Lynxx??" kinabahan naman ako sa tanong nya. Tama nga si Emerald, ang creepy nya.
"uhmm.. o-opo.." I said then bow my head as a show of respect.
"Wait is that a tatoo on your neck?" Napaangat ako bigla at hinawakan ang batok ko. Patay nakita nila yung balat ko. Wala namang problema kung may makakita sa balat ko eh, it's just that ayoko lang na maging curious sila dito. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanila at wala akong pag usapan ang tungkol dito.
"uhmm.. hindi po sya tatoo, birthmark ko po ito"
"Ang cute naman ng birthmark mo, are you a water keeper?" tumango ako at ngumiti.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nya alam ang keep ko no? Simple kasi yung birthmark ko ay nakashape na parang water snake.
"Opo kaso hindi ko pa mamaster ang keep ko eh.. hehe" sabi ko at napakamot sa batok.
"Oh ok.. so nice to meet you Lilian, sasamahan ka nalang nila sa dorm mo. So enjoy your stay here Miss Lilian Lynxx"
Whoo! Eto na! Andito na talaga ako sa Lailana High. Dito na mag-uumpisa ang bagong yugto ng buhay ko. Dito ko na mahahanap ang kasagutan sa mga tanong ko. Sana malampasan ko kung ano man ang maging problema ko sa lugar na to. Sana maging isa ako sa mga Guardians.
to be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top