Tangang Sandata
Tangang Sandata
ika-17 ng Marso, 2016
01:23Pm. - 01:58Pm.
Bawat pitak ng patak ng tinta sa sulatan
Bawat pita ng rima ng letra sa tugmaan
Bawat hapis ng hinagpis na pinasan-pasan
Kakibat ay sining sa pagsulat kalaunan.
Mag-aanyong tabak ang aking simpleng panulat
Susugatan ang bawat pahinang pamumulat.
Dunong minangmang, kaliluha'y kinasapakat
Anung kapalaran ng mahal kong bayang salat?
Aking pamamahagi ang puso kong busilak
Pasisilip ang dilim't salimuot ng utak
Idadaisdis ang dugo sa ulo kong bitak
At ang tangang punyal sa may sala'y itatarak.
'Lang anu-anu, sinu-sinu, tadong pilato
Tatamaan ang tatamaan, lalakad- lumpo
Umusad man na pagong mahalaga'y alam mo -
Ang kalagayan at kahalagahan ng wikang 'to.
Sinu bang dapat gumamit at magpapaunlad?
Wikang minamahal sa iba'y ihalintulad
May yari ding kariktan ki Alunsinang habag
Hanay man sa banyagang wika'y 'di pababagbag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top