Pitang Tupang Talunan
Pitang Tupang Talunan
ika-24 ng Hunyo, 2016
10:13Am. - 10:39Am.
Kaguluhan, ang isip ay gulong-gulo
Kalituhan, utak salabid nalilito
Katalinuhan, ang yamang wala ako
Kabiguan, ang tanging mayroon lang ako.
Talo.
Luha, ang siyang gustong inatak
Papel, sulatan ng mga pagdanak
Dugo, ang kulay ng aking tabak
Punyal, ang panitik kong winasak.
Talunan.
Nais, maabot mithing pinapangarap
Ngunit, sanliwanag ay sadyang mailap.
Bakit? Humantong ako sa gan'tong hirap
Nasakdal, pitang uwang ng alapaap.
Talo.
Na naman, madlang dusang tinamo
Nasa san, mga tangang kinakalo
Nun pa man, sandigan ng pangako
Ngunit nasaan? Ang 'yong pagtayo?
Talunan.
Ipaalala, sakin aking mga nagawa
Paalalahanan, dahilan ng paghinga
Pabulaanan, kung ako ma'y nawawala
Akayin, sa dapat kong isipi't itatwa.
Talo.
***
May karampatan itong sukat na (1)12-13-12-13 2 (2)10-10-10-10 3 (3)12-12-12-12 2 (4)10-10-10-10 3 (5)13-13-13-13 2.
- JMuntiKatah (Blintzero)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top