Nakasulat nga ba talaga?
Nakasulat nga ba talaga?
ika-23 ng Hunyo 2016
09:05Pm. - 09:43Pm.
Minsan ko ng binasang kasaysayan upang baliktanawan
Dating mga naganap sa lupang hinirang, tinubuan
Haya't ibinidang bayaning dulot ng pagbabalat bunga
At ang tunay na dakilang s'yang ginawang talusira.
Dumaing man ang ulap sa isipa'y (1)bals wals nang iisipin
Madlang dusa nang naniwala sa balintunang siil
Magkagayong ibalik ang pahina ng tunay na sulatin
Nang maiharap na ang tunay na salarin at taksil.
Agilang walang kuko, timbangan ni Bulag, Pipe at Bingi
(2)Kalamas ng katotohanan tampalasang nitangi
Buti pang mga bata'y nauunawaan kung tama o mali
Huwag ng magpaloko sa buwaya ng ating lipi.
Gising Pilipinas, gising Juan, gising Indio at kapatid
Hawiin ang hamog sa paningin, putulin ang lubid.
Ngalaping katotohanan sa likod ng librong binabasa
Tunay na kasaysayan nakasulat nga ba talaga?
***
Ang itinakda kong sukat nito ay 18-16-18-16 mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng tula.
Talasalitaan;
(1) bals wals - ibang salin ng salitang 'bale wala'
(2) kalamas - kaaway
Panahon na upang pasidhiin ang pagmamahal sa Inang Bayan.
- JMuntiKatah (Blintzero)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top