Masaya pa bang Magmahal
Masaya pa bang Magmahal?
ika-11 ng Pebrero, 2017
Dudugtungin kong salitang
Ihahain sayo, sinta
Mariing ihahandog ng
Bumubukal, umaapaw.
'Di matatalos ninuman
Bumabalot na hiwaga
Halika't iyong pagmasdan
Mga nagningningang tala
Kalatag sa kadiliman
Akap ang gabing maginaw.
Sapagkat ako'y diyablo
Sayong yaring panagimpan
Isang anghel naman sayong
Masamang pagkabangungot.
Anong pantakal ang gamit?
Nang mabatid mo ang sakit
Nadarama, nung umpisa
Papaimbabaw, uulit
Na naman, ang lahat-lahat
Ngayon tatanungin kita,
Ano, marahil, ang ganda
Ng pag-iibigang lubos,
Pilit pinaghihiwalay?
Ang dibuho saking balat
Na siya kong kasapakat
Sa buhay na humahamon.
Sinong magiging katuwang?
Kung sino pang nilalayo
S'ya pang kinakailangan
Kung sino pang minamahal
S'yang labis na kahirapan.
Ngayon, tatanungin kita
Kung masaya pang magmahal
Kin uda ako at ika.
***
Ang orihinal na balangkas nito ay malayang pagsulat na walang itinakdang sukat na ginawa ko noong ika-2 ng Pebrero, taong 2017 na ganap na sinimulan ng 11:02am. Ngunit dahil sa kalapastanganan ng aking katamaran ay nawala ako sa agos na aking sinusundan kaya sa ika-11 ng Pebrero ay ganap ko nang sinaayos ito at may itinakda akong sukat na walong (8) pantig kada taludtod/linya.
Ayon lamang po sa pahinang ito.
- JMuntiKatah (Blintzero)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top