Lahid
"Handa akong magsakripisyo para sa iyong kasiyahan kahit na ang ibig sabihin nun ay ang aking kalungkutan."
Lahid
ika-10 ng Hunyo 2016
08:46Am. - 08:58Am.
Pakiusap, samahan mo ako saking katahimikan
Tanggapin mo ko ng buo maging ang aking kasamaan
Pasiyahin mo ako sa mga panahon ng aking kalungkutan
Punan mo ako sa mga pagkakataon ng aking kakulangan.
Alam ko, napakahirap talagang samahan ang katulad ko
Humihingi ako ng tawad kung ako'y baliw sa paningin n'yo
Sirain mo ako mula sa pira-pirasong realidad
Iligtas mo ako mula sa kawalan, ako'y palayain.
Kasi hindi ko talaga alam kung paano ang mabuhay
Hindi ko talaga alam ang dahilan ng aking paghinga.
Marahil, ito ang sumpa ng pagiging kakaiba
Hinding-hindi ka kailan mamumuhay katulad nila.
***
Maaari niyo ring mabasa ang orihinal na balangkas ng tulang ito mula sa koleksyon ko ng mga Ingles na tula na pinamagatan kong Tangible Silence, Stain.
May sukat itong (1)17-17-19-19 (2)19-19-18-18 (3)18-18-16-16.
Ang wika ang pagkakakilanlan natin sa iba kaya't nararapat lang na palasakin natin 'to ng sadya.
- JMuntiKatah (Blintzero)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top