Iyong mga Nakaputi

Iyong mga Nakaputi
ika-09 ng Hulyo, 2016
07:43Am. - 08:03Am.

Mailap na pangarap kailan maabot?
Ligaya kong nasadlak sa pagkabagot
Kinang ni Adlaw niwari talagang nilimot
Wangki bang hirap ko ngayo'y nilulumot.

Sumabat man ang pag-akay na mga  kamay
Ihahatid sa dalampasigan ng pangako
At kailanma'y hindi na raw malulumbay
Ngunit gayakan mong tawag ay nakasisilo
Hatid na agam-agam ay nakangingimbalo
Paratsada'y nakakawasak ng buhay
Alin ba sa darwang kamay ang malalahad mo?
Kung lagim ay pasukdol ang tinataglay.

Kaya't hayaan n'yo kong gawin ang gusto
Paniwalaan ang gustong paniwalaan ko
Wala kang pake sa kahahantungan ko
Tulad ka rin nilang pasailalim sa paso.

"May mga lihim na balak, patalikod kung sumaksak. Wala kang pinagkaiba sayong kaaway pareparehas kayong iisang kinukubling kulay."

***

          Sukat: (1) 14-12-14-12 (2) 12-14-12-14-14-12-14-12 (3)12-14-12-14

Huwag magturo ng hindi kinikilatis ang sarili.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top