ISI (Isagi Sa Isip)
I.S.I. (Isagi Sa Isip)
ika-04 ng Abril, 2016
11:01Am. - 11:24Am.
'Wag na 'wag mong hahamunin sa (1)bagbagan 'Behang Kalikasan
Tunay nitong lakas at pinsala'y 'di mo tarok, nalalaman
Kung isa ka sa sumisira sa Ina nating minamahal
Humanda sa itatangis n'yang unos sa habing santinakpan.
Sa isang baligwas niya'y hindi mo alam ang kanyang dulot
Pagyanig ng lupa'y siguradong tapang mong ya'y (2)babalukyot
Titibagin ng realidad, himutok sa isipan, lagot!
Ka sa sakop ng palad ni yaong higanti ng bunga't poot.
Kung nakukulangan pa't 'di kumbinsido saking (3)tinataram
Tunghayan, pagmasdan ang karagatan nang maigi't mainam
Isagi sa isip kapagka bait n'ya'y tuluyang (4)napugnaw
At ang gahiganteng alon ang magsasabi sayong, "Paalam".
***
Karagdagang Kaalaman:
Isi - sa probinsyang pinanggalingan ko at kinalakhan ko saking pagkabata ang ibig sabihin ng salitang yan ay 'alam'.
(1) Bagbagan - mano-manong labanan
(2) Babalukyot - uurong o babaluktot
(3) Tinataram - sinasabi
(4) Napugnaw - natunaw o nawala
- JMuntiKatah (Blintzero)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top