12:30

12:30
Ika-16 ng Agosto, 2016

May munti akong paru-parong natanaw
Diyan lang sa may tanimang parang
Napakaganda kung ito'y pagmamasdan
Payak kung tatatwaing mainam.

Bawat bulaklak kanyang dinadaanan
Nagkamit ng panibagong buhay
Sa kanya natang ang responsibilidad
Mga bagong supling ay maisilang.

Gayong kaayaaya kung tititigan
Sari-saring kulay matunghayan
Mga naglalarong nilalang sa taniman
Mula sa pangit na nakaraan.

***

Karagdagang Kaaalaman;

               May karampatan itong sukat na 12-10-12-10 mula sa unang saknong hanggang sa ikatlo.

At pahabol, matagal ko na 'tong naisulat siguro mga isang buwan na rin ang nakalipas. Nakaimbak lang ito sa Notepad ko hanggang sa dugtungan ko at hulaan niyo kung anung dinugtong ko lang... ten tenenen ten ten... ten ten... (rolling ng drums and boom!) Ang huling linya sa huling saknong at kaunting ayos sa sukat viola! Natapos na at hinapag ko na bilang isa sa mga pahina sa Lahid Sa Pithaya.

Salamat sa pagbabasa.

- JMuntiKatah (Blintzero)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top