Lagi-Lagi


[I love you so March! :3]

Napaismid ako nang mabasa ang chat mula sa kaibigan. Not again. Walang magawang napabuntong-hininga na lang ako sabay ngiti at nag-react ng HAHA emoji sa message. Nilagay ko sa BINI songs ang playlist at saka ibinulsa ang phone sa apron at itinuloy ang pagpupunas sa counter.

Nang tumunog ang door chime, hindi ko na nilingon kung sinuman 'yon. Sampung taon ba naman kaming magkaibigan, sa kanya ko lang naaamoy ang Light Blue pour Homme. 'Yong fresh na pabango na may halong citrus at aquatic notes— walang iba, si Max.

"So, March mo lang ako mahal?" asar ko sa kanya. "Hindi ka consistent, hindi mo na pala ako love next month."

"Hindi, ah," mabilis na depensa niya, sabay pakanta na dugtong, "Lagi-lagi..."

Natawa ako at lumingon sa kanya. Eksaktong Lagi by BINI ang nagpi-play sa coffee shop sa ngayon. Sinabayan niya mismo ang kanta. Nakakagulat na alam niya ang kanta, mukhang Bloom—tawag sa fandom ng BINI— din 'ata siya.

"...Mahal kita mula umaga, mukhang malala na... hanggang gabi at pauwi..."

Hindi ko na mapigilang humagalpak ng tawa. He really knows the song by heart. With matching sayaw pa at kumakaldag habang papalapit sa akin. Medyo masagwa pero cute at the same time.

"Masyado ka nang masaya sa akin, ah. Ba't di mo pa ako asawahin?" sabi niya nang makalapit sa akin. Kumindat pa ang loko na may kasamang lopsided na smile. Sumungaw ang signature niyang dimple.

Nag-init ang pisngi ko. Dumagundong din ang dibdib ko. Sino ba naman ang hindi magkakaganito? He's so adorable and dependable. Matagal na akong may gusto sa kaibigan ko. At sa araw-araw na ginawa ng diyos, lagi niya ako tinutudyo. Wish ko lang na totoo ang tanong, dahil ibibigay ko agad ang 'Oo' ko.

Sa kaba na baka makita niya ang slip of emotions ko at inis dahil 'di ko alam kung may nararamdaman din ba siya sa akin, ibinato ko ang hawak na basahan na tumama naman sa mukha niya.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Really, Liza?"

Tama lang 'yan sa'yo! Hindi ko na siya pinansin, itinuro ko na lang ang direksyon ng CR. "Sira ang sink, pakiayos na lang, bago tayo magbukas ng shop."



"Ay, inaykupo!"

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang makita ang sticky note sa loob ng drawer. Hindi ko alam kung ano ang trip ng mokong, pero may pa-sticky note siya ngayon. Kaya pala tahimik ang messenger ko. Pikit-mata kong kinuha ang note at dahan-dahang iminulat ang mata para basahin iyon.

Let's March into each other's arms forever. ♥

Natampal ko na lang ang noo ko. Nakita ko sa sulok ng mata ko si Victor na naglilinis ng table ng kakaalis lang na customer. Nang mapansin niya na nakatingin ako, lumingon sya sa akin. Kumaway siya at nag-smile. Nawala pa mata niya. Nagdutdot siya sa cellphone at saka minuwestra sa akin na tingan ang phone ko.

[Masarap mapunta sa tamang tao...]
[Kaya puntahan mo na ako.]
[HAHAHAHA]

Pag-angat ko ng tingin, binigyan ko siya ng poker face. Na agad ko naman inalis nang may poging customer na pumasok. Matamis na ngumiti ako sa kanya. "Welcome to Liza's Nook. I am glad to have you here and hope you enjoy your time with us. What can I get for you?"

Imbes na sumagot, tinitigan lang niya ako. "Liza, na anak ni Tiyang Memeng?" tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Steven? Ikaw na ba 'yan?" bulalas ko nang mamukhaan ito.

"The one and only— pinakapogi mong admirer."

Biglang may tumikhim sa likuran. Nakita ko sa isang sulok si Max na biglang pinag-krus ang braso sa dibdib at nagsalubong ang kilay.

Since wala pang sumunod na customer, nagkakwentuhan muna kami nang naging buhay namin. Siya ang kababata ko na bigla na lang lumuwas ng Maynila, fourteen years old kami pareho noon. Pinapakita niya sa akin mga photos niya sa Instagram nang mawalan ito ng connection.

"Pa-connect saglit, Liz."

Sasabihin ko na sana password, nang biglang pumagitna sa amin si Max. "Back. Off. Dude. She. Is. Mine." madiin niyang sabi. Natigilan kaming tatlo.  Nagkatitigan kami ni Max. Napaawang ang bibig ko nang ma-realize ang sinabi niya. Does he feel the same way? Ang intense naman niya para sa isang nagbibiro lang.

Pulang-pula naman mukha ni Max. Mabilis na binawi niya ang tingin at tumalikod sa akin. Napahawak naman ako sa dibdib. 'Yong puso ko parang gustong kumawala. Kanya daw ako. Parang sira na napatawa ako. Di ko alam possesive din pala siya.

Pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan, kinalabit ni Steven si Max.

"All caps ba 'yon, o small letter lang?"


END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top