Ina
INA
Minsan ako ay madamot, matigas ang ulo,
at hindi ka pinakikinggan
naiinis ako paminsan sayo,
dahil sa malashot-gun mong
bunganga na walang tigil ang ratrat
minsan nga ay,
gusto ko nalang umalis ng bahay
para mabuhay mag-isa.
pero may naisip ako...
sadyang kahanga hanga ang
iyong walang kapantay na pagmamahal
sa hindi matatawarang sakripisyo mo
kaunti lang ang tulog mo,
para makatulog ako ng mas mahabang oras
kakainin mo na,
ibibigay mo pa sa akin
tinalikuran kita,
pero pag harap ko nandoon ka parin
naghihintay sa aking pagbalik
hindi ko alam kung ilang beses
na ba kitang napaiyak
kung ilang beses ko na bang sinaktan
ang damdamin mo
Gayon pa man, sadyang hindi matatawaran ang iyong
pagmamahal
ikaw ng nag silbing gabay ko,
ikaw ang nag papalakas ng loob ko
napakaswerte kong anak,
dahil may ina ako na katulad mo
Kaya naman... ina, nanay, mama, mommy
kahit hindi mo sabihing mahal mo ako,
okay lang.
hindi mo na kailangang sabihin,
dahil sobrang ramdam na ramdam ko
ang pagmamahal mo.
kung gaano ako kaselfish,
ay ganon ka naman ka selfless,
hindi ko man araw-araw sinasabi pero...
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL PO KITA.
Happy mother's day po. :')
-Anak
===========
Happy Mothers Day to all nanays, mamas, mommys, momcy, momsicle, mudra, mudrakels, inays, iloys, at kung ano ano pang tawag sa inyong ina.😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top