Doctor vs Computer Technician

May isang computer technician at hirap makahanap ng trabaho kaya ang ginawa nya nagtayo sya ng clinic at may nakalagay na karatula " CHECK UP 500 ANG HINDI GUMALING BIBIGYAN KO NG 1K"
Isang araw may napadaan na doctor at nabasa nya yun. Sabi nya "ayos to easy money" Kaya ang ginawa nya nag pacheck up sya.
Doctor : dok magpa check up ako.
Computer technician : Ano ho ang nararamdaman nyo sir?
Doctor : nawala ung panlasa.
Computer technician : no problem sir may gamot tayo dyan. Inday pakikuha nga yung maliit na bote at pakipatakan ng tatlong beses ang dila ni sir. (nang matapos mapatakan ni inday)
Doctor : gasolina to ah.
Computer technician : congratulation bumalik na ang panlasa nyo. 500 lang ang bayad.
(napailing - iling nalang na lumabas ang Doctor sabay sabi sa sarili " Naisahan ako doon ah". Babawi ako.)
Pagkalipas ng isang linggo bumalik nga ang Doctor.
Doctor : dok magpa check up ako.
Computer technician : Ano ho ang nararamdaman nyo sir?
Doctor : nawala yung alaala ko.
Computer technician : may gamot tyo dyan sir sandali lang. Inday kunin mo nga yung maliit na bote at pakipatakan ang dila ni sir.
Doctor : Teka lng, yan pa rin yung gasolina noong nakaraang linggo ah.
Computer technician : congratulation bumalik na ang alaala nyo, 500 lang ang bayad.
"Buset" sabi ng Doctor sabay alis ng galit at kinabukasan bumalik agad sya para babawiin nya ulit yung pera nya.
Doctor : dok pacheck up ako.
Computer technician : Ano ho ang nararamdam nyo sir?
Doctor : malabo na yung paningin ko dok.
Computer technician : pasensya na sir wala ho tayong gamot para dyan heto ang 1k.
Doctor : Eh 500 lng to ah.
Computer technician : congratulation bumalik na ang linaw ng mata niyo, 500 lang ang bayad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top